[20] The Distortion


Abala sa pagtitipa sa harap ng kani-kanilang monitor ang tatlong lalaki habang nakatayo naman sa likod nina Chiron at Haunley sina Mary at Erin. Napansin ito ni Cessair na agad napailing.

"Hindi ko alam dapat pala may moral support ang gagawin natin ngayon. Sana lahat," usal nito kahit diretsyo ang tingin sa kaniyang monitor.

Sabay naman napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki na nakakunot noo. Before Chiron could ask napagtanto nito ang ibig niyang sabihin kaya napalingon siya kay Mary na bahagyang ngumiti sa kaniya. Nakuha rin agad ni Haunley ang ibig nitong sabihin kaya lumingon siya kay Erin na nakakunot noong nakatingin sa kaniya.

"Hindi ako nandito para sa'yo huwag kang assuming," usal ni Erin at agad siyang inirapan.

"That was unexpected." Kibit balikat na sagot ni Cessair habang nakatingin kina Haunley bago bumalik sa ginagawa niya.

"Are the details ready?" seryosong tanong nina Chiron sa dalawa.

"Done," sabay nilang sagot.

"I'm erasing our history now." Binura ito ni Haunley habang ipinapasa naman nina Chiron at Cessair ang natapos nilang gawain bago niya ito pinagsama-sama at inilagay sa flashdrive.

Agad na tumayo si Chiron matapos ibigay sa kaniya ni Haunley ang flashdrive at lumabas patungo sa kinaroroonan ni Miyuki. Mula sa glass window ng silid ay nakikita nilang apat ang ginagawa ni Chiron. Isa-isa nitong ini-on ang mga aparatus na nakapaligid rito. Sa isang maliit na mesa naman ay may laptop na nakapatong at nakakonekta ang mga kable nito sa ulo ni Miyuki.

"It's all up to him now."

Napasandal si Cessair sa swivel chair at agad na napahikab. Si Haunley ay kinakabahan na nakatingin kay Miyuki. Si Mary naman ay seryoso lamang na sinusundan ang bawat galaw ni Chiron habang si Erin ay agad na nag-iwas ng tingin at umupo sa ibaba ng glass window.

"Anong gagawin ninyo sa kanya?"

Agad na lumapit si Mary sa tabi ni Erin na siyang nagtanong at nagpaliwanag. She knew it all. Alam niya ang proseso ng gagawin nina Chiron after all Chiron would update her what he was doing when she's not with him.

"Ang gamot na halos anim na buwan ng itinuturok kay Miyuki ang siyang nagbubura ng kaniyang mga ala-ala tungkol kay Gin. Ngayon naman they will try to distort her memories. Ang flashdrive ay naglalaman ng lahat ng mga infos ng mga bagong ala-ala ni Miyuki. We are changing her past by implanting those memories in her brain. Don't worry kaunting tiyansa lang na makalimutan ni—"

All of a sudden agad na napatayo sa kinauupuan nila sina Haunley at Cessair bago nagmamadaling lumabas ng silid. Napatayo sina Mary at Erin, at mula sa salamin na namamagitan sa dalawang bahagi ng laboratoryo ay nakita nila kung paano tila nanginginig ang walang malay na katawan ni Miyuki.

"Anong nangyayari?!" nagpa-panick na tanong ni Haunley kay Chiron na abala sa pag titipa sa laptop at pagsilip sa vital signs ni Miyuki. Lumapit si Haunley sa kinahihigaan ni Miyuki nang pigilan siya ni Cessair.

"Huwag natin siyang galawin baka mas lalong may mangyari sa kaniya," seryosong usal ni Cessair at sinusundan ng tingin ang ginagawa ni Chiron na hindi magkamayaw kakatayo at pabalik-balik ang lakad mula sa mga machines na nasa gilid ni Miyuki.

"She's having a seizure. Too much information. Kailangan nating itago ang ilang ala-ala niya para makapasok ang bago niyang ala-ala." Kasabay nito ay ang mabibilis na pagtipa ni Chiron sa laptop sa mesa.

Unti-unti nang kumalma ang katawan ni Miyuki at kasabay nito ay ang panghihinang pag-upo ni Chiron sa swivel chair. Lumabas mula sa kabilang bahagi ng laboratoryo sina Mary at Erin upang lapitan ang tatlo. Lahat sila ay malalim na napabuntong hininga nang makitang stable na ang kalagayan ni Miyuki.

"Anong nangyari?" kalmado pero mapapansin ang kaba sa tanong ni Mary. Lumapit siya sa kinauupuan ni Chiron na agad namang hinila ang kaniyang braso upang iyapos sa leeg nito.

"Seriously? Chiron? May panahon ka pang lumandi?" usal ni Haunley na siyang kinindatan ni Chiron. Napabuntong hininga naman si Cessair. Chiron just loves flirting until now.

Habang nakayakap sa likuran ni Chiron si Mary—na hinahayaan lang siya sa ginagawa niya rito

Hinayaan na lamang ni Mary ang ginagawa sa kaniya ni Chiron pagka't sanay naman na siya sa pagiging clingy nito. After all Chiron saved her. Chiron snapped gathering the attention of everyone before explaining what just happened.

According to Chiron, the procedure should only involve the hippocampus— a part of brain that is responsible for normal recognition memory and spatial memory. This is the area were most of the memories are stored. However, the brain cells discovered the abnormal activity when the information overloaded therefore sending abnormal signals causing the seizures. Mabuti na lamang ay agad itong naagapan ni Chiron nang galawin niya ang bahaging naaapektuhan ng seizure—by removing some more memories they didn't know what.


"Seriously, human brains are complicated," usal ni Haunley na agad nilapitan ang wala pa ring malay na si Miyuki.

"Says someone whose triggered with a sight of blood," biglang sabat ni Erin na kakarating lamang. "Your kind were much more complicated."

Nasa silid na sila ni Miyuki at hinihintay na lamang itong magising. It's been days since the memory distortion. The memories was successfully distorted and only has minor problems—based on Chiron's data. Ngayon, ang hinihintay na lamang nila ay ang response ni Miyuki.

"Seryoso ba kayo sa ginagawa ninyo?" tanong Erin at agad na umupo sa gilid ng kama ni Miyuki. Haunley just stood at the foot of the bed looking at the girl who was still sleeping with apparatus connecting to her brain and veins.

Hindi na ito umuwi matapos ang distortion process. Hindi niya magawang umalis lalo na ngayong hindi pa nagigising si Miyuki. Kakarampot lang ang ideya niya sa kung ano mang nangyayari ngayon.

Agad na umalis ng silid si Haunley at nagtungo sa laboratory. There he saw Chiron ang Cessair in front of their monitors.

"Where's Mary?"

"My house."

"Hindi ka ba nag-aalala baka may mangyari sa kaniya doon?" Humarap si Haunley kay Chiron habang magkasalubong ang kilay. "What if makuha siya ng ERI?"

"Don't jinx it Lee." Sinamaan siya nito ng tingin bago bumalik ang tingin sa monitor. "Besides I could track what she is doing at every corner of my house."

Bumukas ang iba't ibang tab sa monitor nito at makikita ang bawat anggulo ng bahay  ni Chiron. They could even see Mary sitting beside the lake. Payapa lang itong nakasandal sa lilim ng puno at tila kumakanta dahil sa pagbuka ng bibig nito at pag-galaw.

Chiron gaze at  Mary dreamingly admiring her beauty. Haunley just tsked seems like this time the philandering bastard had definetely fallen to her.

"Paalala ko lang kung ano ka? You can't do anything to her. Go philander with her and we'll see who'll die first."

It is clear as crystal that doing sex could endanger a human's life, especially if the human was a woman. Any of the vampire's DNA being mixed with a human could lead to the human's death. Ang isang simpleng bampira katulad ni Haunley ay madaling nahahalina't naaakit sa dugo ng kabaliktaran na kasarian. They would either mate with them or kill them. Isa lang sa dalawang ito ang magiging kahihinatnan. Mate 'till the human partner drop or kill them till they lost all their blood.

"Nakakalimutan mo ata na may dugong maharlika ako Aimovora?" Ngumisi si Chiron at bahagyang nizoom ang live footage malapit sa mukha ni Mary. "There's more fun playing in bed than sex."

"Chiron!" sabay na napasuway sina Haunley, at Cessair na kanina pa rinding-rindi sa pag-uusap ng dalawa. Napailang na lamang si Cessair habang bakas naman ang gulat sa mukha ni Haunley na agad na namula.

Nobles are quite fortunate to be in most control of their ability. Their senses might be sharper than the other vampires but the advantage of it was that they could somehow control their bloodlust. Kung pipilitin nilang huminto sa ginagawa makakahinto sila. It might be hard but bearable. They could seduce, they could flirt, they can do anything but not sex. As long as they train themselves to control

"Bata ka pa kasi Lee. You're just 20 I'm 22 and this old man beside me—" Lumingon si Chiron sa katabi niya sa kabila. "He's 24 same age with my master."

"Bumalik ka na nga sa trabaho mo," pagsuway ulit ni Cessair kay Chiron—na natatawang bumalik sa kaniyang ginagawa. Agad niyang binura sa screen ang live footage mula sa kaniyang bahay at nag concentrate na lamang sa pagtatrabaho. Si Haunley naman ay akmang bubuksan na ang kaniyang monitor nang mapalingon ito kay ulit kay Chiron.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Finding Gin, Alina and Naru," seryosong sagot nito sa kaniya.

"Whose Naru?" kunot noong tanong ni Haunley. "Never heard that name before."

Itinuro ni Chiron si Cessair na seryosong nakatinging sa monitor nito. "His girl."

Kasabay nito ay ang biglang pag alingawngaw ng boses ni Azerty sa buong silid. Napalitan ang screen nila ng mga salitang kay tagal na nilang hinanap. Their eyes widened with shock and joy especially Cessair as soon as they saw the message in the screen.

"Alina Bathory has been found."

But the joy eventually faltered.

Agad na napakunot noo ang tatlo nang magplay ang isang video kung saan nakita so Alina. Mapapansin na ilang saglit lang hinubad nito ang suot na full face mask sa harapan ng isang CCTV ng isang convenience store. Agad ring bumalik si Alina sa motor kung saan may babaeng tila duguan at nanghihina na naghihintay sa kaniya.

"That's—"

"Naomi," wala sa sariling bigkas ni Cessair bago tumayo. "My Naru, anong ginawa nila sa'yo?"

"Kailangan na nating kumilos Kas, and Lee—" Bumaling ang tingin ni Chiron kay Haunley na seryosong nakikinig sa kaniya. "Maiiwan ka rito. Check and hide everything."

Tumango-tango lamang Haunley bago bumalik ang kaniyang tingin sa monitor. Paalis na sana sina Chiron at Cessair nang biglang sumigaw si Haunley upang makuha ang atensyon nilang dalawa.

"The clip was taken two hours ago!" Napakunot noo si Haunley nang makita ang oras sa ibaba ng video. Napatingin siya kay Chiron na bakas ang gulat. "Akala ko ba real time ang lahat ng footage dito?!"

"It is!" Agad na lumapit si Chiron at Cessair sa monitor nila at napansing lahat ng live footages na nakukuha nila mula sa city ay two hours behind.

"A signal intervention is happening in the city. A two hour delay is expected."

"Kanina mo pa sana sinabi!" Paninisi ni Cessair sa AI na si Azerty. "I guess they're on their way here."

Nagmamadaling lumabas ng laboratory sina Chiron at Cessair. Mula sa storage room ay nadatnan nila si Alina na duguan at may mga maids na nakaalalay sa kaniyang likuran.

"Si-sir bigla nalang siyang bumulagta sa harapan ng pinto. Gusto niya raw kayo makita," ani ng isang maid na siyang umaalalay ngayon kay Alina.

"A-Alina." Agad na kinuha ni Cessair mula sa mga maid si Alina. "Where is she?"

"Chiron's house," nanghihina nitong usal bago niya tinignan ang nagtatakang mukha ni Chiron. "Gin gave me directions."

"Nasaan si Gi—"

"Chiron, huwag ngayon. Kailangan niyang magpahinga." Binuhat ni Cessair si Alina na tuluyan ng nawalan ng malay. Agad niya itong inihatid sa silid nito at pinaubaya na muna sa mga katulong.

Nagmamadaling nagtungo sila sa kotse ni Chiron upang pumunta sa bahay nito. Habang papalapit sa lugar nakaramdam sila ng kakaibang mga presensya. The presence they feared especially after they remembered that Naru was wounded.

Hindi nga sila nagkamali.

Around five vampires are lurking outside the house. They could even smell the sweet alluring scent of Naru's blood kung kaya't agad nilang isinuot ang mga face mask nila at lumabas ng kotse. One man was about to open the gate when he noticed the arrival of Chiron and Cessair kaya agad nitong binalaan ang kanilang kasamahan. Their claws starts to grow and their eyes started to gleam red.

"Lurking in my house eh?" pangaasar na usal ni Chiron habang unti-unting nagbabago ang kulay ng kaniyang mata. Cessair just transformed himself silently. Ang mga pangil nila ay unti-unting sumisilay sa kanilang mga bibig kung kaya't tinanggal muna nila ang suot na mask.

"What a bad move." Automatikong lumabas ang kuko ni Chiron at agad na sinugod ang lalaking pinakamalapit sa kinaroroonan nila.

He leap towards the man raising his claws ready to stab. Mabilis namang nakaiwas ang lalaki na iniwaksi ang kuko nito gamit ang sariling kuko. Chiron was trying to target his heart but he were well trained for him to be hit.

Agad na napatalon si Cessair nang atakihin siya ng sabay ng dalawa pang lalaki. His swift movements made those two men confuse kung kaya't agad niya itong nasaksak sa dibdib. Tumagos ang kaniyang kuko sa dalawa mula sa magkabila niyang kamay. Sabay niya itong hinila at itinusok sa lalaking papasugod sa likuran niya. Blood splattered in his clothes. Ang tatlong lalaking nasaksak niya ay ngayon nakahandusay na sa labas ng gate.

"Chiron!"

Agad na sinugod ni Cessair ang lalaking aatake sa likuran ni Chiron. With just one sway of Cessair's arm ay agad na tumilapon ang lalaki ngunit nagtamo siya ng malaking sugat sa braso ng kalmutin siya nito. Agad naman niyang dinaganan ang lalaki at sinaksak ito sa dibdib.

Chiron on the other hand was facing the leader. Scratch after scratch. Their claws met like swords fighting. Chiron was getting annoyed. His eyes became redder, his fangs grew a little bigger and his claws become much more sharper.

Cessair was already heaving and stood beside Chiron whose clothes are almost ruined.

"Seriously? Lee you only have one opponent and you can't knock him down?"

"He was strong. See it for yo—" Hindi na natapos ang sagot ni Chiron ng mabilis na nakarating sa harapan nila ang lalaki at sabay silang iniwakli ng kuko nito. They both jump on separate places. Nagpatuloy lamang ang lalaki sa pag atake sa kanila habang sila naman ay panay iwas na lamang dito. It seems like the one Chiron and Cessair was facing is a noble.

Napapansin ang unti-unting panghihina sa mga atake ng lalaki. Panay iwas lang sina Chiron. Minsan natatamaan but they were reserving their energy for later.

At ng makakita ng tyempo ay agad na inatake ni Chiron mula sa likuran ang lalaki. Tumagos ang kuko niya sa balikat ng lalaki at ipinadapa niya ito sa lupa habang nakasaksak pa rin ang kuko sa balikat nito. The man groan in pain. Blood splattered in Chiron's torned clothes and Cessair's shoes.

"Where's Gin?" seryosong usal ni Cessair sa harapan nito.

"As if I would—" Hindi na natapos ang sasabihin ng lalaki nang agad na itinusok ni Cessair sa ulo nito ang kanyang kuko. Tumagos ito hanggang sa kaniyang bungo na siyang agarang ikinamatay nito.

Blood puddled beneath Cessair and Chiron's feet even in the broad daylight.

Chiron tsked before standing and wiping his hands as it turns back to normal. Agad silang pumasok ng gate leaving those dead bodies behind at huli na nang matandaan ni Chiron na wala silang suot na face mask. They could smell again the alluring scent of Naru's blood.

"Don't worry I forgot her blood is quite different."

Pagkabukas ni Cessair ng pinto ay doon pa lamang napagtanto ni Chiron ang ibig sabihin nito. Her blood is alluring but would not cause a vampire being blood thristy with a sight of its blood. 

Naru was sitting on the kitchen stool together with Mary who was treating her wounds. Her clothes are torned and is drenching in her own blood. Napakunot noo si Chiron at agad na nilapitan ang dalaga. Bahagya pa itong napaatras kung kaya't hinila ni Cessair si Chiron paalis.

"Huwag mong ilapit iyang malandi mong mukha Chiron."

Ngumisi lang si Chiron bago lumapit sa likuran ni Mary at pinulupot ang mga braso sa balikat nito, kahit nakikita naman niyang abala pa rin ito sa paglilinis ng mga sugat ni Naru.

Marahan na hiniwakan ni Cessair ang mukha ni Naru. "You okay?"

Naru sighed before she immedietly explained what just happened.

Itinakas lamang sila ni Gin na matagal na palang sinaulo ang pasikot-sikot ng institute na kanilang pinaglagyan. Nasa gitna ito ng isang gubat, Alina and Naru were caged and tortured in the institute's basement nang makita sila ni Gin. Gin was wearing a laboratory gown that night they were saved.

"So where's master? Akala ko ba itinakas niya kayo?" Chiron asked seriously. He was having a bad feeling when Naru looked at Cessair with conscience.

"Natapilok ako nang tumakbo kami papaalis ng gubat kung kaya't muntik na nila kaming maabutan. There are vampires chasing us some were transforming and some are holding their guns. He diverted the chasers attention. Pinatakas niya kami ni Ate Alina but he gave me one thing before he left."

Kinuha ni Naru sa bulsa ang isang papel na nilukot na parang basura, may bahid pa ito ng dugo. They instantly knew it wasn't Naru's blood. It was Gin's. Agad nila itong binuksan at inilapag sa kitchen counter, bumungad sa kanila ang sulat kamay ni Gin.


To Tech Geeks Falling for Humans Team (TGFHT) I know y'all not dumb to understand whom I'm referrring to,

                     Did my plan work? Did you distort her memories? By now she should've forgotten me already like I never existed. I'm sorry if it took me too long to get your women out of here. I don't even know if I'll be able to rescue them. I was planning for months how to get them out of here but it was too risky. Wala pang ginagawa sa'kin ang ERI which is quite strange they used me here as informant but tomorrow I've heard my memories will be distorted. So tonight I'll get them out of here whatever it takes and if I'm lucky—including myself but I know I couldn't. They will hunt my woman down. Take care of Miyuki and my bratty sister. Tell Alina I cared for her, I'm not doing the rescuing here if I'm not—and Miyuki, how I wish I could tell her I love her.
   

Gin Hoshiar Bathory.

Agad na tumunog ang cellphone ni Cessair at wala sa sarili itong sinagot.

"She's awake! Miyuki's awake!" May sigla sa boses ni Haunley nang sabihin ito. "Kailangan niyo ng bumalik dito. She's with Erin. Check her vitals and what ever it is you need to check."

Dahan-dahang ibinaba ni Cessair ang tawag at agad na napatingin kay Chiron na ngayon ay may bahid ng kalungkutan ang mukha. Chiron was worried and saddened by the fact that, before Gin and Miyuki could even confess and realize their feelings to each other—they were already bound to forget it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top