[11] His Reason

"Erin ano ba bakit ang ingay ninyo?"

Halos pikit mata pang lumabas si Miyuki sa kwarto niya nang marinig ang bangayan ng dalawa niyang ka dorm mate. Mag aalas singko pa lamang ng umaga at huwebes pa kaya may mga klase pa sila mamaya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa labas nang marinig niya ang pagtititili ni Erin.

"Oh Kuya Haunley?," tinatamad niyang usal habang yakap-yakap ang unan. "Bakit ang aga ninyo? Ang ingay ah."

"Ano ka ba Miyuki mag bra ka nga!" Bumaling ang mata ni Erin kay Haunley ngunit agad rin nitong iniwas ang tingin. "At ikaw solo mo na nga yang cr na yan— diyan ka na dapat sa loob nagbihis. Juice ko naman wag kang tatapis tapis dito na para bang bahay mo."

"Erin naman akala ko ano ng nangyari." Napatingin si Miyuki kay Haunley na tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa pang ibaba nito. "Ikaw Haunley magbihis ka na mas maganda pa rin abs ni Gin kaysa sayo."

"What?!" Bakas ang gulat sa boses ni Haunley. Hindi niya alam kung sinong itong si Gin pero mas nagaalala siya sa dalawang babaeng kasama niya na tila walang mga filter magsalita.

Tinitigan ng masama ni Haunley si Miyuki. "Could you at least keep the bra talk to yourselves? I'm here— a guy." Nakakunot naman siyang tumingin kay Erin. "And oo na magbibihis na. Papunta na nga ako ng kwarto ko diba?"

Agad ring nagtungo sa kwarto nito si Haunley at iniwan ang dalawa sa sala. Umupo si Miyuki sa couch habang yakap-yakap pa rin ang kanyang unan. Inaantok at tinatamad. Bakit ba kasi siya nagising ng maaga?

"Ikaw pumasok ka muna sa kwarto mo't magbihis ng maayos. May lalaki tayo rito." Utos sa kanya ni Erin kaya walang magawa si Miyuki kung hindi ang pumasok nalang ulit sa kwarto. The disadvantage of being the youngest.

Malapit na mag 7 AM, palabas na sana ng banyo si Miyuki ngunit nakaharang si Erin sa labas ng pinto na tila nagbabantay at nagmamasid sa labas. Ano na naman ang ginagawa nito rito?

"What are you doing?" tanong niya kay Erin habang nakatapis sa katawan niya ang bathrobe na suot at inaayos ang tuwalya sa kanyang ulo. Nagtataka siya bakit nasa labas ito ng banyo pagka't kanina pa naman ito naligo.

"The host is clear. Labas ka na diyan at diretyo ng kwarto," usal nito na para bang nasa isang misyon.

"Okay?" Wala sa sariling sagot niya at dumiretyo ng kwarto. Bago pa man niya mapihit ang doorknob ay lumabas mula sa kwarto nito si Haunley na mukhang maagang papasok. Well, palagi naman itong maagang pumasok.

"Oh, good morning kuya," bati niya kay Haunley.

"Morning and stop that ku— what the fuck?!" Napamura si Haunley nang may tumama sa mukha niya na tsinelas. "What the heck? Erin!" Hindi nito alam kung bakit simula nang dumating siya sa dorm nito ay palaging masama ang tingin at trato nito sa kanya. Is he a man hater or something?

"Iyang mata mo kung saan-saan nakatutok labas." Sabay tulak ni Erin kay Miyuki papasok ng kanyang kwarto. "Ikaw naman Yuki maging aware ka naman sa galaw mo juice ko tatanda akong maaga sayo eh."

Agad na sinarado ni Erin ang pinto at iniwan si Miyuki sa loob. Habang nagbibihis si Miyuki rinig na rinig niya ang bangayan ng dalawa sa labas hanggang sa tuluyan na itong tumahimik. Mukhang lumabas na si Haunley. Mabuti naman at halos araw-araw yata ang dalawa na nagsisigawan.

Kahit patungo na sila sa kanilang campus ay hindi pa rin maitsura ang mukha ni Erin. Palaging ganito na ang nangyayari matapos niyang makabalik nung lunes. Sa text lang naman kasi siya nakapag paalam sa dalawa na umuwi siya pagkatapos ng date nila ni Zepar. So she didn't really knew what had happened to those days she wasn't here.

It was windy and the sky's dusky but Miyuki's still on the campus' library with her groupmates discussing about their group activities. Tinawagan na niya ang dalawang ka dorm mate at nagpaalam na matatagalan siyang umuwi.

"Miyuki? Earth to Miyuki?"

"Ha?" Biglang nagising ang diwa niya nang mapansin ang kaklaseng kumakaway sa harap niya. Napalingon siya sa paligid at napansing papaalis na ang iba nilang kasama. Nag eecho sa lugar ang kanilang mga yabag at boses na tila sila-sila nalang ang natitirang tao. Nakapatay na rin ang ilang ilaw ng library at tanging sa may mesa na lamang nila ang may liwanag.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Mukhang wala ka ata sa sarili. We just decided to go home. Do you have SNS? We'll just send our research there."

"SNS?" She heard about it. Pero wala siyang alam tungkol rito.

Napahalumbaba siya sa sofa ng makarating siya sa dorm nila. Naabutan niyang kumakain si Erin at nagtatakang napatingin sa kaniya.

"Anong nangyari sayo? Para kang lantang gulay diyan."

"Erin. Ayoko ng mag-aral." Pagmamaktol niya at nahiga ng tuluyan sa sofa. "Ang hirap, ang sakit sa ulo. Kailangan pa mag SNS chuchu hindi ko alam yon."

"Magpagawa ka kay Haunley. Maraming alam ang gagong yun. Hindi ako makakatulong diyan wala akong load." Bakas ang diin sa boses ni Erin kaya hindi niya mapigilang magtanong.

"Bakit parang may galit ka kay Haunley?"

"Basta." Napatingin ito sa kanya na parang may naalala. "Hindi nga pala iyon makakauwi ngayon."

"Bakit?"

"Ewan ko sa gagong iyon."

Haunley just got out of his building. Hands on his jacket's front pockets, his laptop on his back. It's dark and windy and the place has no signs of human. Pero ramdam niyang parang may nakatitig sa kanya.

As soon as he reached the gate. His suspicions turned right.

Across the street a man holding his helmet, leaning on a black motorbike meets his gaze.

Is the man after him again?

Napabuntong hininga siya't agad na tumawid ng kalsada upang makalapit rito. Walang halos tao sa kinalalagyan ng lalaki. Nasa harap ito ng isang abandonadong gusali na iniiwasan ng mga taong daanan tuwing gabi. Ang sabi raw kasi haunted ang building iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" Bungad niya sa lalaki na nakasandal pa rin sa motorbike nito.

"Is that how you say thank you?" Tinatamad nitong sagot.

"Should I?" Sagot niya habang nakangisi. He's facing a police agent after all. He need to act all innocent.

"You've been hacking the National Police Alliance's server and almost had your hands on the secured and exclusive datas regarding vampire criminals. Alam nating dalawa na ikaw lamang ang makakagawa nito. So you should be thankful." The man yawned before looking at him seriously. "I thought you stopped your dirty shits."

"You see." He stand beside him and also slightly lean on the man's motorbike while gazing on the vehicles passing through his sight. "Wala ka namang ebidensya. So stop making allegations."

The two went silent. The wind brushing on their jackets, the noise of the vehicles and random chatting of people nearby were only to be heard.

Hanggang sa may kinuha ang lalaki sa bulsa nito at pinakita sa kanya. A phone.

"Anong meron diyan?" His face full of confusion.

"Look it yourself."

Tinanggap niya ang cellphone at binuksan ito, bumungad sa kanya ang iba't ibang file folder na may nakakabit na mga petsa. Almost all of them dated last week of July. Dates his been hacking the NPA's server.

"It took us almost a month finding your ip addresses you idiot. We're sure it was you."

"How?" Bakas ang gulat sa boses ni Haunley. He's been using the same tactics on hiding his address for so many years paanong nahuli siya nito? "And who's 'we'?"

"Apparently that's why I'm here." The man grab the phone from his hand. "I'm somehow working on the Bathory's residence and we want to hire you."

Napataas ng kilay si Haunley. He still don't know whose the 'we' he's pertaining to.

"What I mean with 'we' was me and Chiron. The butler of the current master of Bathory's residence. I'm sure you heard about them."

He nodded. Pero sa pagkakaalam niya ang mansyon ng mga Bathory ay makaluma. Walang senyales ng siyensya. Anong kailangan sa kanya ng mga bampirang katulad nila? Wala naman siyang ibang kakayahan kung hindi ang pangha-hack lamang.

"Anong kailangan nila sakin? It's not that they need a cleaner of that old mansion or something." Napatingin siya sa lalaki at tinignan ng masama. "Don't tell me paglilinisin mo ako sa mansyon na iyon? I'll really choke you to death Kas."

"No, no. We need your skill."

Just a few hours later he just found himself standing in the front of the old looking mansion. Wind brushing his hair and jacket, the rustling woods and leaves, and the slow opening of the main door were the only noise be heard.

Bumungad sa kanya ang napakalinis at magarang grand staircase na siyang unang makakaagaw ng pansin pagkapasok ng mansion.

"These place is humungous, old and elegant. Sigurado ka bang may ganoong lugar rito?" His eyes are moving from one painting to another as he glances on the wall while ascending upstairs.

"Yep it's on the second floor. Mukhang kanina pa sila naghihintay."

He sighed and just follow him as the man open a large and thick wooden door. It was quite dark and shelves of different glass containing different colored liquid, different powders and dried leaves welcomed him.

"What's this? An old fashioned laboratory." He said in sarcasm. "Anong gagawin ko rito magdidikdik ng dahon?"

"Pwede rin but this is where we should head to."

May itinulak na bahagi ng pader ang lalaki bago nahati ang isang shelf. Hindi nahulog ang iilang mga boteng nakapaibabaw rito habang unti-unti gumagalaw ang shelf. Tila nakadikit ang mga boteng ito sa disguise na shelf.

May metal na pinto pang nakaharang na agad ring nabuksan kaya agad na bumungad sa kanyang ang isang maliwanag at puting silid.

"Cessair!"

"Yo, Chiron." Tinatamad na sagot naman ni Cessair. "I brought him here. With a little persuasion of course." Bumaling ang tingin nito sa kanya. "He's a hard headed hacker."

"So it was you." Chiron looked at him seriously. "I'm Chiron the personal butler of the current head of the mansion. And also the one whose stressed out working on your addresses. Nice to meet you."

Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o pinupuri siya pero agad niya paring tinanggap ang kamay nito at nagpakilala, "Haunley. Haunley Aimovora."

"Yow, master hindi ka magpapakilala?" Tawag ni Chiron sa kanyang master na nakamasid lang sa kanila. Lumapit ito sa kanila ang nagpakilala.

"Gin Bathory. Head of the mansion." Gin introduced politely yet briefly.

Matapos ang ilang pagpapakilala ay agad na siyang hinatid ni Cessair sa isa pang silid kung saan naroroon ang mga monitor.

He's amazed.

Looks can be really decieving. Hindi niya inaakalang ganito ang lugar na sinasabi ni Cessair kanina. He gaze on the suits and other items in each cases displayed on the side before he became satisfied and just sit and stare in the monitor in front of him.

"They just left. Any questions?" ani Cessair.

"Why is he so eager on breaking the axiom?" He immedietly asked. Kanina pa siya nagtataka sa gustong mangyari ni Gin. He already know why he is needed. Kailangan niyang panatilihing untraceable ang gagawing mga research ni Azerty.

Azerty is the AI installed in the computers responsible for the voice recognition and research on different servers and data.

Alam niyang gustong makahanap ng paraan si Gin para magkaroon ng tsansa ang pagsasama ng isang normal na tao at ng katulad nila. Pero bakit? Paano niya naisip na gawin ito? That's not really a big problem to study and risk hacking servers like this.

"Hindi ko alam kung may karapatan akong sabihin sayo but for your satisfaction I'll tell you something."

Umupo si Cessair sa katabing swivel chair ni Haunley at panay tipa sa kanyang cellphone bago nagsimulang magkwento.

"Ang ama ni Gin ay dating researcher ng ERI which stands for Eloquence Research Institute. Ang ERI ay nag-aaral tungkol sa buhay at kakayahan nating mga bampira. They say science could explain our existence and science is powerful. And after knowing that ERI tried to make evolve vampires. Gin's father betrayed them, saying ERI should focus on how humans and vampires could co-exist with each other."

Ibinaba ni Cessair ang cellphone at agad may itinaype sa keyboard at agad may lumabas na tatlong litrato sa monitor nito. Umilaw rin ang monitor sa harap ni Haunley kaya tinignan niya ito ang nakita ang parehong litrato mula sa monitor ni Cessair.

"Well his father fell inlove to his human subject. It is an axiom that vampires should not be together with a human. They can't breed. They'll end up killing each other. Nalaman ito ng ERI kaya ikinulong siya at ipinares sa isa pang bampira. Through semen injection kaya nabuhay si Alina."

"Anong nangyari sa kanya?" Bahagyang lumapit si Haunley sa kanyang monitor at itinuro ang litrato ng babaeng naging subject ng ama ni Gin. "Anong ginawa ng ERI sa kanya?"

"She was killed," mahinang tugon ni Cessair sa kanya bago nito nilagyan ng pulang ekis ang litrato ng babae.

Napasandal si Haunley sa kinauupuang swivel chair. Shocked. Hindi niya alam ERI could be this ruthless.

"Gin was born through natural process. Alam naman nating dalawang beses lang maaaring magkaroon ng anak ang isang babaeng bampira. Mabuti na lamang ay nabuhay si Alina at Gin. However, they never saw their mother." Cessair enlarged the photo of another woman.

"Ang ina nila ay isang bihag ng ERI. Nabihag nila ito matapos itong makapatay ng tao. His human husband perhaps. She killed herself after ERI told her that both of her offsprings died." Cessair opened a new picture where the woman was standing and smiling widely beside his human husband.

"So both parents are victims of ERI and both fell for a human." Mahinang bulong ni Haunley sa sarili.

That's a tragic story for their parents.

"Teka paano mo nalaman lahat ng ito?" The informations Cessair told him was too much. "I'm just asking what that Bathory's reason."

"Alina told me. I was his butler. Nakwento ito sa kanila ng kanilang ama noong mga bata pa sila." Tumayo si Cessair kaya agad rin siyang tumayo at tahimik na sinundan ito papalabas ng sekretong silid. Bago pa man nila tuluyang nalisan ang storage room ay mahinang bumulong si Cessair sapat lamang na marinig niya.

"His parents' tragic lovestory was his reason to break the axiom. To end ERI."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top