[08] Dating Frenzy
Chiron was suppose to pick her up after the classes yesterday but she told him not to. May date kasi siya ngayon. It took her days for Gin to agree. Hindi nga alam ni Gin na pangatlong date na niya ito ngayon. She was secretly going out on dates set up by Erin nitong mga nakaraang araw.
Nagsimula ito noong araw na umuwi siya galing sa dessert shop na kasama si Gin. Naabutan niyang kumakain sa cafeteria ng dorm premises si Erin kaya nilapitan niya ito at nakisabay na kumain.
"Who was it?" Bungad sa kanya ni Erin nang umupo siya sa tabi nito.
"Sino?" tanong niya rin nang hindi niya maintindahan ang ibig nitong sabihin.
"Nakita kita kanina sa dessert shop. Boyfriend mo yon? Mukhang ang mature niya ah?"
Napabuga siya ng hangin bago tuluyang matawa sa pinagsasabi ni Erin. Si Gin? Boyfriend niya? No way.
"No boyfriend since fetus ako Erin."
Napatango si Erin. Who would have thought such beauty like her had never been in a relationship before? Pero siguro ay dahil hindi naman ito taga syudad.
"How about you go on dates? Malapit ka naman rin mag 18."
Nang dahil sa suggestion na 'yon ni Erin kaya ngayon ay nag-aayos siya sa harap ng salamin. Malapit na mag 9 am, ang oras na napagkasunduan niya at ng ka blind date niya.
"Erin," tawag niya kay Erin na kakalabas lamang ng kwarto, "anong itsura nitong si Rain? Sa tingin mo magugustuhan niya kaya ako?"
"Secret," anito at tinabihan siya sa salamin. "Should I remind you na sikat ka sa university dahil sa ganda mo? Seryoso Miyuki di' mo pansin? I'm sure he would like you."
"Nahh, it's because of my hair," aniya bago umupo ulit sa sala nila. "or maybe dahil bata pa ako?"
Although Erin was almost two years older than Miyuki, they actually look like on the same age. Maybe because Miyuki has mature proportions almost better than Erin.
Tinulak ni Erin si Miyuki palabas ng kanilang dorm at pinaalalahanan sa date niya. Hindi pa man siya nakasagot ay pinagsarhan na agad siya nito ng pinto.
Mukhang mas excited pa ito sa magiging date niya kaysa sa kanya. Hindi kasi naging matagumpay ang mga nauna niyang date. Erin was somehow so sure with her date now.
"Sa'n ka pupunta?"
Napalingon siya sa boses na nagmula sa kanyang gilid. Tiyaka pa lamang niya napansin na nakatulala lang pala siya sa harap ng pinto ng dorm nila.
"Kuya Haunley? Napaaga ka yata?"
Napakunot noo ito nang tawagin niya itong kuya pero napailing na lamang ito. Unti-unti na itong nasasanay sa pagtawag niya ng kuya. But still he hates it.
Nabaling ang tingin ni Miyuki sa hawak ni Haunley na mga kahon na mukhang mabibigat kaya pinagbuksan niya ito ng pinto.
Ngayon lilipat si Haunley sa dorm nila. Ayon na rin ito sa may ari ng kanilang dorm. The vacant room of their dorm actually became on rent for both genders. Para maging fair sa kanila ni Erin ay pinayagan silang pumili sa mga gustong applicant na gustong lumipat. All were boys. They find out one of them was Haunley. Kaya ito ang pinili nila.
"I'ved got kick out from my apartment."
Akala nila noong una ay alam ni Haunley na sila ang kasalukuyang nakatira sa dorm. But actually Haunley was up for their dorm because of the low rental fees. Binabaan ng may ari ng dorm nila ang bayarin nila. It's because no one likes to live on a dorm that once become a murder scene.
Tumango lamang si Miyuki rito at nagpaalam na aalis. She and her date will meet on the cafe where she once worked it.
Bumungad sa kanya pagkapasok ng cafe ang manager nito. Kumaway siya rito bago tuluyang umupo sa mesa sa isang sulok ng cafe. Sapat lamang na matanaw ang entrance nito. Para madali niyang makita ang date niya.
Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa dala niyang sling bag at agad na nagpadala ng mensahe kay Rain.
Rain ang pangalan ng magiging ka date niya ngayon. Halos tatlong araw na rin silang nagpapalitan ng mensahe matapos ibigay ni Erin rito ang kanyang number.
"I'm on my way," mahinang bulong niya habang binabasa ang mensaheng pinadala sa kanya ni Rain.
'I'm wearing white shirt anyway.'
Napatingin siya sa suot niyang damit. It was a white floral dress reached just below her knee. Is she overdressed?
Narinig niyang bumukas ang pinto ng cafe kaya napalingon siya't nakita ang lalaking hinihingal na agaw pansing pumasok. He was tall and lean with sweat dripping on his temple. Agad rin naman nito pinunasan ang pawis gamit ang panyo nito.
Lumapit sa kanya ang lalaki at marahan na ngumiti.
"Hi," he handed his hand to her, "I'm Rain. You're Miyuki right?"
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Miyuki. She used a pen name when texting at him. Paano nito nalaman ang pangalan niya?
"Actually my name's Zepar," usal nito bago umupo sa katapat niyang upuan nang hindi siya kumibo at nagkasalubonh lang ang kilay na nakatingin rito. "Zepar Lussuria and I already know you beforehand. Medyo sikat ka rin kasi sa university. Also Erin accidentally mentioned your name to me. So yeah. I'm sorry." Bahagya pa itong natawa na para bang nahihiya.
Miyuki was astonished by his smiles. Parang hindi maalis sa isip niya ang mga ngiti nitong parang nang aakit. His smiles are beautiful and pleasing to the eye that she didn't even realize she's already staring at him.
"Hello?" iniwagayway ni Zepar ang kamay nito sa harap niya kaya nabalik siya sa sariling ulirat.
"Oh, Hello. I'm Miyuki Shantal Hughman. Nice to meet you."
"Drop the formalities. Don't tell me nagwa-gwapohan ka sakin?" pabiro nitong wika saka nag pogi pose sa harap niya.
"Gwapo ka kaya," aniya saka magkasalubong ang kilay na tinitigan ito. "Don't tell me wala pang nagsabi sayo nun? Just look at those girls around us."
Zepar lightly laugh. He's laugh was gentle and with poise. Almost seems like a royalty. He already knew he has the looks and would draw some attention but he didn't thought Miyuki who she just meet would tell him right in his face.
"Here I thought you're just blunt through texts. Pati rin pala sa personal," natatawang bulong ni Zepar bago humigop sa kanyang cappuccino na inorder niya. "By the way I got you a Croque Americaine Panini. You told me once you want to try it right?"
"Hala? Tanda mo pa?"
"Of course you keep on nagging about it last night."
The two quickly became comfortable with each other na para bang matagal ng magkakilala. They were laughing and teasing each other didn't bother caring on the people glancing at them thinking how good their visuals are. Like they were a perfect match. An ideal teenage couple.
Just across the street the same man from before was leaning on a motorcle while dialling numbers on his phone. Hindi nito sinasadyang mapadaan ulit sa lugar at nakita ang ginagawa ni Miyuki.
"Hey," usal niya nang may sumagot sa tawag niya. "Your girl's on a date?" tanong nito sa kausap habang tinititigan pa rin si Miyuki na kasama ang isang lalaki.
"If you're referring to the self proclaim bestfriend of mine unfortunately yes," walang kabuhay-buhay na sagot ng kausap nito. "Hindi kita inutusan na sundan siya. So quit tailing her. This is an order, Cessair."
Agad na binaba ng kausap nito ang tawag. That guy was definetly annoyed.
"That bastard won't let me finish. Pagsisisi nga naman palaging nasa huli."
Napailing siya bago sumampa sa motorbike niya at agad na umalis. Alam niya na sa isang pagkakamali lamang ni Miyuki ay malalagay na naman ang ito sa panganib. At least he tried to tell him.
"Let's go?" inilahad ni Zepar ang kanyang kamay kay Miyuki pero napansin niyang napatitig lamang ito sa kanya, "what's wrong?"
"I—" napaiwas si Miyuki ng tingin nang maalala ang mga bilin sa kanya ni Gin. Gin wouldn't agree her being on trips somewhere with a stranger. "Saan tayo pupunta?"
"Uhm, lunch? Malapit ng mag 12. I was thinking bringing you out for a picnic lunch somewhere in the suburbs."
Can she go with him? Ang sinabi niya kay Gin at Erin ay sa cafe lang sila magkikita pero ngayon ay inanyayahan siya na pumunta sa ibang lugar. Which for her is unsafe. Lalong lalo na't aalis sila ng syudad. And she just meet him.
"You can call Erin." Napaangat siya ng tingin sa kausap na nag-aalalang nakatingin rin sa kaniya. "Ako ang kakausap sa kanya. Besides I will bring you later to watch sunset."
"Really?!" bakas ang pagka excite sa mukha niya nang marinig niya ang salitang sunset. She was fond of sunsets. "Beach sunset ba?"
"Secret. Malalaman mo rin mamaya so tara na?" inilahad ni Zepar ang kamay kay Miyuki. But this time Miyuki accepted it and immedietly stood and drag him towards the exit. Almost hitting other tables pre-occupied by other cafe costumers.
"Tara na!" she was excited. Really excited.
Zepar just laughed while being dragged. He thought how lovely and excited Miyuki was. He was amused on how she was acting so comfortable with him.
"Saan nga ba tayo pupunta?" Miyuki asked on her low voice realising she didn't know where to go.
Zepar just smiled at her before he tighten his grip on Miyuki's hand and drag her towards the parking lot. "Let's go to my car."
"You have a car? You drive your own car?"
Tumango lamang ito bago binuksan ang passenger seat ng kotse, "Come in my lady."
"Lakas maka prinsesa ah? Nice!" ani Miyuki at pumasok sa loob ng kotse.
"Anyway, we'll be there soon," wika ni Zepar nang makaupo sa driver seat.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan nila sa isang malapit sa isang malaking puno sa isang burol. Natatanaw sa ibaba ang kabuonan ng syudad. Sa lilim ng puno ay may isang lalaking pormal ang suot na suit na nakatayo habang nasa gilid nito ay parang isang picnic set up.
Lumapit silang dalawa sa puno kung saan nakatayo ang lalaki. Si Miyuki ay nakatitig sa mga pagkaing nasa harap niya habang si Zepar naman ay kinausap muna ang lalaki.
"Zepar?" tawag ni Miyuki rito, "Can I eat? I'm hungry." aniya habang dahan-dahang umupo sa picnic blanket.
Natawa ng bahagya si Zepar at tumango bago nilingon ulit ang lalaki na kausap, "You may go."
Yumukod ang lalaki bago ito tuluyang umalis.
Agad ring tumabi si Zepar sa kanya at tinitigan siyang kumain. She was eating like she haven't been fed for so long. Kaya nakangiting tinitigan lang siya nito.
"You eat like a pig," natatawang sambit ni Zepar bago kumuha ng sandwich. "Pero ang payat mo pa rin."
"Hindi kaya!" binaba ni Miyuki ang kinakain na sandwich, "I'm sexy!"
Nadapo ang tingin ni Zepar sa suot niyang damit nang halos umangat na sa mga binti niya ang palda. Agad itong kumuha ng kumot at pinatong sa mga binti niya.
"Oo na, oo na sexy na nga but you need to cover your legs. Medyo mahangin rin dito."
"Bakit naaakit kita?" seryosong tanong ni Miyuki na unti-unting ngumiti. "Ayiee, seryoso naaakit kita?"
She was really blunt.
Nagulat si Zepar pero naalis rin ang gulat nito nang sinubukan niyang makisabay sa pang aasar nito.
The two talked at each other again casually. They were gazing on the city below them. Napagdesisyonan nilang umupo sa isang bench na tanaw pa rin ang syudad. To them time passes so quickly.
"Seriously, Miyuki? Walang filter yang bibig mo? Could you at least lower your terms?"
"Terms? Curious nga ako sa BDSM masaya ba yon? Masarap or what?"
Napakamot ng ulo si Zepar. Seriously? Why is she asking him that thing? If she have read something about those she should've known enough.
"Anyway, It's almost sunset. Maganda rin ang tanawin dito. We could watch sunset from here," usal nito bago nilahad ulit ang kamay kay Miyuki. "We could move a little closer."
Tinanggap ni Miyuki ang kamay ni Zepar at agad na tumayo para makalapit sa bakod na nasa mismong gilid ng burol.
Unti-unti ng nagkukulay kahel ang kalangitan at unti-unting nararamdaman ang pagababago sa paglamig ng hangin ngunit nakatitig lamang siya sa paglubog ng araw. It was her dream to watch the sun sets somewhere aside from the mansion.
Gin had never ask her to watch it somewhere. Even though she keeps on pestering him to watch it specifically a beach. Palagi lang nitong sinasabi na maysadong delikado. What's even dangerous on watching a sunset?
Napalingon siya sa katabi niyang hawak pa rin ang kanyang kamay.
Zepar's eyes reflected as the sun sets. Hindi nito maalis ang tingin sa kalangitan na siyang nang aakit rito. The sun was just too wonderful to look at. Hindi na nito napansin ang mga titig sa kanya ni Miyuki.
Miyuki was mesmerised by Zepar's beauty. Para sa kanya para itong karakter sa libro na kalalabas lamang kaya masyadong perpekto. For her he was pretty handsome and gentle yet mature. Kinumpara niya ito kay Gin. Gin was handsome, strict and mature somehow a Zepar's opposite.
"Miyuki," mahinang tawag ni Zepar ngunit bakas pa rin ang saya sa boses nito. "Can I see you again?" usal niya bago lumingon kay Miyuki at nahuli itong nakatitig sa kanya. "Were you staring at me?"
Miyuki didn't realize she was dozing off at Zepar's face. Napakurap pa siya at agad na nag iwas ng tingin na naging dahilan kung bakit bahagyang napatawa muli nito ang kasama.
"Kanina ka pa tawa ng tawa ah," nakabusangot na wika niya. "Sige ka hindi na tayo magkikita," pabiro niyang banta.
"Okay. Okay. Can I hug you?"
"Sure," she smiled and opened her arms and was about to hug him when someone just pulled her head making her met someone's hard chest.
"It's already dark Miyuki we should go home."
"Gin?!" hindi man niya makita ay alam niyang ang bestfriend niya ito. Tandang-tanda niya ang amoy, hulma ng katawan at lahat ng katauhan ni Gin. Bakas rin sa boses nito ang pagiging maotoridad at pag aaalala sa kanya.
"I see." Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Zepar habang nakipasusukatan ng tingin kay Gin na matalim ang tingin sa rito.
"I just hope to see you soon, Miyuki." Zepar uttered while still staring at Gin seriously. He definetely knew the man in front of him.
Miyuki didn't knew that the two were exhanging tensioned stares before he was dragged by Gin.
Agad na nakarating sina Gin sa kotse hindi kalayuan sa pinanggalingan nila. Hindi niya alam kung anong sumagi sa isip niya't sinundan niya ito sa lugar na ito. Marahil sa kadahilanang hindi siya sanay na may kinakausap itong ibang lalaki.
Hindi niya napansing marahas niya na palang naipasok si Miyuki sa kotse at nasa labas pa rin siya.
"What the heck am I doing?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top