[07] Like a Lovers
Something was definitely wrong with Gin today. It's the first time that Chiron was the one who administer her monthly injection.
"Nasan si Gin? Hindi ko siya nakita ah?" tanong ni Miyuki kay Chiron na papaalis na habang siya ay nakahiga sa kama ni Gin. Sa kwarto pa rin naman ni Gin ginawa ang pag gamot sa kanya na hanggang ngayon pinagdududahan niya. Parang normal lang naman ang pagkaputla niya katulad na lamang ng mga kaklase niya.
"He was busy," Chiron answered nervously. Alam na alam nito kung bakit hindi nagpapakita kay Miyuki ang master niya. It has something to do on what had happened last night. Hindi man niya nakita pero base pa lamang sa itsura ng master niya kagabi may muntikan ng mangyari sa dalawa niyang amo.
Miyuki just pouted before she close her eyes and make herself drown to sleep. Hindi niya alam ngunit nang magising siya kaninang umaga ay parang kulang pa rin siya sa tulog. Good thing her drug has some drowsing effect to help her fall asleep easier.
Pagkakaalala niya ay nakahiga na siya sa kama bago pa nag hating gabi kaya nakapagtataka at sobrang antok na antok siya. Dagdag pa nito ang masakit niyang ulo.
Chiron was just starring at Miyuki when he heard a knock from the door. Nagmamadali agad siyang umalis at bumungad sa kanya si Gin na nakasandal sa gilid ng pintuan.
"How is she?" tanong ni Gin habang nakahalukipkip pa rin na nakasandal sa gilid.
"Asleep master. Mukhang wala siyang naaalala sa nangyari at gusto ka niyang makita."
Gin sighed. Hindi niya alam kung mabuti o masama ba na walang maalala si Miyuki. He felt kinda angry when he knew she didn't remember everything that had happen. Kaya pakiramdam niya tuloy ay kasalanan niya lahat ng nangyari sa loob ng cellar.
Even after Chiron sent Miyuki back to the dorms that afternoon he didn't appear in her sight.
Miyuki was frustrated. Hindi niya alam kung may saltik lang ba si Gin o PMS kaya hindi ito nagpakita sa kanya. Hindi na nga niya napansin si Erin na nakatitig na pala sa mukha niyang nakabusangot na pumasok sa dorm.
Kaumagahan wala pa rin siya sa mood na pumasok. Kung hindi lang siya ginising ni Erin wala talaga siyang planong bumangon.
"Yuki, kahapon pa nakabusangot yang mukha mo. Anong meron?" tanong sa kanya ni Erin nang sabay silang naglakad papasok.
Miyuki just smile hoping to assure her that she was okay and just shut up. Wala talaga siya sa mood at mukhang naintindihan na naman ito ni Erin. Or so she thought.
Nabaling ang tingin ni Erin sa leeg ni Miyuki. May mga mapupulang marka na sa tingin niya ay alam niya kung saan galing. She was flustered by her thought pero napagdesisyonan niya pa ring tanungin si Miyuki.
"Yuki, ano yang nasa leeg mo?"
Napatigil si Miyuki sa tanong nito at bumaling ang tingin sa kanya, "saan ba to maaring makuha? Kaninang umaga ko lang din to napansin."
Napansin niyang nanlaki ang mata ni Erin habang nakatitig siya rito. Sa tingin niya mukhang alam ito ni Erin ngunit hindi niya naisip kung ano.
"Those were kiss marks Miyuki!" Erin was half whispering and half shouting.
Napatingin sa kanila ang ilang napapadaan at agad na nagbulong-bulungan. Mukhang mabilis na naman na kakalat ang issueng ito pag nagkataon. Miyuki somehow was quite famous as a freshman.
Agad na hinila ni Miyuki si Erin sa isang hindi masyadong mataong lugar.
"Anong sabi mo? Kiss marks eh wala nga a—"
"Can you," she bit her lower lip before bowing her head. "Do it again?"
Napahawak bigla si Miyuki kay Erin nang mawalan siya bigla ng balanse sa sarili. Isa ba iyon sa ala-ala niya? Was it her? Anong ibig niyang sabihin sa mga katagang 'yon? Baka imahinasyon na naman niya?
Bago pa matapos ang araw ay tinawagan niya muna si Chiron upang papuntahin si Gin sa kaniya. Kailangan pang dumaan kay Chiron ang mensahe dahil hanggang ngayon wala pa ring cellphone si Gin.
Hindi niya alam kung talagang pupunta ba si Gin pero sinabihan niya itong may importante siyang sasabihin. Hindi na naman siguro nito masyadong kinasusuklaman ang pagpunta ng syudad.
Pagkatapos ng klase ay tanaw na niya sa labas ng gate ang agaw pansin na kotse ni Gin. Agad niyang tinawagan sa cellphone si Chiron at sinabihang sa isang dessert shop nalang sila magkita. Mabuti na lamang at pumayag ito. Ayaw niyang lang talaga sa uri ng atensyon na makukuha niya kapag makikita siyang pumasok sa magarbong kotse ni Gin.
"Young lady, nasa loob na si master at kanina pa naghihintay."
Nakatulala lamang si Miyuki sa harap ni Chiron ng sabihin nito kung na saan si Gin. Ni minsan hindi pa pumasok sa dessert shop si Gin kaya nagulat siya ng malamang nasa loob na ito.
Lahat ay napatingin sa buhok ni Miyuki nang pumasok ito sa shop bago ang ilang tao napatitig sa kanyang mukha. Unti-unti na siyang nasasanay sa atensyon na nakukiha ng buhok niya at ng presensya niya kaya nagpatuloy na lang siya sa paghagilap kay Gin.
Nabaling ang atensyon niya sa lalaking nakaupo sa gilid ng glass window. Bahagya nitong inayos ang suot na salamin bago binuklat ang librong lagi nitong dala.
"Gin!"
Miyuki waves her hand as she motioned towards Gin's seat. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan nito bago hilahin ang librong binabasa.
"Miyuki!" Gin's brows furrowed making Miyuki smile.
"Edi pinansin mo rin ako hmp!" Miyuki pouted before giving back the book.
They both ordered but she noticed how Gin was trying to avoid her gaze. At sa tuwing nahahawakan niya ito ay para itong napapaso at nilalayo ang sarili. What's wrong with him?
"Gin?"
Gin just hummed without even looking at her.
"What's wrong?" tanong niya rito.
"Don't you remember what happened that night?" Gin asked still eyes fixed on his book while having a bite of his favorite ice cream.
He was waiting for Miyuki's answer. Ito ang unang beses na nailang siya sa rito. Miyuki was always clinging unto him and he doesn't even mind it before. Pero ngayon sa tuwing magdadampi ang kanilang balat para siyang napapaso at bumabalik sa kanya ang ala-ala ng gabi na iyon.
That was also the first time he thank his noble blood. Chiron and him are direct descendants of royal vampires but nowadays royalties were no longer acknowledge like how they used to be before. Isa sa mga advantage nila ay ang pagiging mas sensitibo ngunit mas may control sa tuwing may dugong nakikita o naaamoy.
Agad na mawawala sa wisyo ang sinong normal na bampira na makakita at makaaamoy ng dugo. That's why Chiron had to lock the servants on their chamber first before going unto him that night.
Alam nilang nagkasugat si Miyuki kaya nila ito natunton. Her sweet blood scent were able to determine by them.
"That night?" Miyuki asked in confusion.
"Never mind just eat," aniya't hindi pa rin ito pinasadahan ng tingin.
Ramdam niya ang matatalim na titig sa kanya ni Miyuki ngunit isinawalang bahala niya lamang ito. Iniisip kung mas mabuti bang wala itong naaalala sa nangyari.
"Gin may kwento ako." Ibinaba ni Miyuki ang hawak na kutsara habang hindi pa rin iniaalis ang kanyang mga titig rito.
"Go."
"Nanaginip ako kagabi. It's kinda erotic though parang yung novel lang na pinahiram sa akin ni Chiron last year."
Gin almost felt his body ran cold. Kinabahan siya nang marinig ang salitang 'erotic' mula rito.
"Wag kang magagalit ha? Panaginip lang naman 'yon eh," Miyuki then pouted while trying to figure out putting those dreams in to words.
Hindi umimik si Gin at patuloy lang sa pagkain kaya nagpatuloy si Miyuki sa pagsasalita, "It was I think uhm me and some man on that dream."
"It was my first time dreaming it though and somehow it feels so real." She gazed dreamingly on the glass window where she could see random people passing by. It was getting darker. Nahagip ng mga mata niya ang isang pares ng magkasintahan na dumaan sa harap nila.
"The warm touch." She turn her gaze again at Gin and saw him staring at her. "The warm hug." Her face reflected on Gin's lenses before she unconciously trailed her sight on Gin's parted lips. " His luscious kisses."
Parang isang video na biglang nag play sa utak niya ang isang pangyayaring biglang klaro niyang nakita. It was her dream.
It was vivid making her dizzy and lean on the chair while her hands trying to massage her head. What was that? Bakit naging si Gin ang nakikita niya sa panaganip na iyon? Bakit naaalala niya ito na gising naman siya?
Making her think it wasn't really a dream.
Gin was just dumbfounded. Nakatingin lang siya kay Miyuki na hawak ang sintido nito't nakasandal sa upuan. Dumapo ang tingin niya sa kanyang leeg nang may makita siyang kakaibang mga marka rito. Tinitigan niya ito ng mabuti at napagtanto ang dahilan ng mga ito kaya agad siya napaiwas ng tingin.
He did something to a minor for goodness sake! Although just a few months from now Miyuki would be on her 18th.
"Nga pala Gin."
Nabaling ulit ang atensyon niya kay Miyuki nang tawagin siya nito. Umayos ito ng upo bago siya tinitigan.
"I think there's something wrong with me," anito at dahan-dahang hinawi ang buhok na halos tumakip sa kanyang leeg. "I just noticed these bruises earlier. Hindi mo naman siguro ako binugbog noong tulog ako diba?"
"Idiot. Walang bugbog na ganyang ang itsura," aniya at agad na sumubo sa kinakaian na ice cream para maka iwas ng tingin. Mas naging klaro sa kanya ang mga markang nagawa niya rito.
"So ano to? Kailan ko bang pumunta ng ospital? Baka cancer ito Gin!" bakas ang pag aalala sa boses ni Miyuki ngunit napailing na lamang siya sa naging asal nito.
"Idiot. Mawawala rin yan,"
"Paano kung hindi?" Naibaba nito ang isusubo sanang ice cream, " Gin naman, akala na ni Erin kiss marks daw to. Alangang kiss marks talaga to eh wala pa nga akong boyfriend eh. Sinong maaring gumawa nito? Ikaw?"
Halos maibuga ni Gin ang kinakain na ice cream. Agad-agad namang kumuha ng tissue si Miyuki at tumayo upang pahiran ang makalat na labi ni Gin.
"Ano ba naman yan Gin mukha kang bata."
"Coming from you," halos hirap niyang bigkas bago kumuha ng iba pang tissue at pinahiran ang sariling labi kaya umupo ulit ng maayos si Miyuki. "Anyway, just let those marks be. Takpan mo nalang ng kahit ano so people won't see it and assume."
Tumango na lamang si Miyuki at agad na kinuha sa gilid ng kanyang upuan ang isang paperbag na isa sa dahilan kung bakit siya nakipagkita kay Gin. It was her gift that she worked hard for almost two months. Inilapag niya ito sa mesa at bahagyang ngumiti.
"Tada!" aniya habang ang palad niya'y nakabukas na para bang nagsu-surprise. "It's a gift. I earned it. Sayang lang pinatanggal mo ako sa trabaho."
Gin opened the paperbag and a white rectangular box met his gaze. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang isang cellphone. Kinuha ito ni Miyuki tiyaka binuksan, tumambad sa mukha niya ang wallpaper na si Miyuki mismo ang naglagay.
"So tell me. Bakit mukha mo?" tanong ni Gin nang ibinigay na ulit sa kanya ni Miyuki ang cellphone.
"Wala lang ganda ko diyan eh."
Gin had never bought a phone. Wala talaga siyang interes sa bagay na ito. He could just ask Chiron to call someone so why do he need a phone? Pero ngayon wala na siyang magagawa binigyan siya nito kaya kailangan niya itong tanggapin.
Unti-unti na ring nawawala ang pagkailang niya kay Miyuki habang unti-unting bumabalik ang pangungulit nito sa kaniya. Bumabalik na rin ang kamanyakang mukhang natural na dumadaloy sa katauhan ni Miyuki.
"Gin masarap ba talaga mag kiss? Kiss mo ko dali!" pang aasar sa kanya nito. "Tanda-tanda mo na wala ka pang first kiss. Buti pa ako meron. Ako na nga lang magbibigay sayo."
Napantig ang tenga niya nang marinig ito kay Miyuki. Hindi dahil nag alok ito sa kanya kung hindi sa sinabi nitong meron na itong first kiss. Kaya ba masyadong magaling si Miyuki noong gabing yon? May nakilala na ba agad itong lalaki at naging malapit agad ito?
"You have you're first kiss already?" hindi niya namalayan ang sariling napatanong na pala siya bigla.
Bakas ang gulat sa mukha ni Miyuki. It was the first time Gin became so bold. Kaya sinagot niya ito habang naka pilyong ngiti.
"Oo sa panaginip ko," aniya at humalakhak. She somehow drawn attention from other shop costumers that's why Gin slightly smack her head with a book.
"Aray naman Gin ang harsh mo! Kiss nalang kita," aniya ulit habang bahagyang natawa.
"Shut up. Come on it's already dark I'll sent you to your dorm."
Bahagya munang inayos ni Gin ang suot na salamin bago tumayo at tuluyang lumabas ng shop. Hawak nito ang cellphone at ang lagi nitong dalang libro kaya si Miyuki pa ang nagdala sa paperbag kung saan nakalagay ang iba pang gamit ng phone.
"Call me whenever you want bestfriend ha?" ani Miyuki nang makababa siya sa gate ng kanilang dorm. "Pwede ka ng mangchix niyan gayahin mo si Chiron." Tinuro niya si Chiron na nakataas kilay na nakatingin sa kanya dahil sa pagturo nito, "ang daming babae niyan lagi kong nakikita sa mansyon mo oh."
Bahagyang natawa si Chiron. It was true. Chiron philanders a lot. From nobles to servants. Minsa nahuli na siya ni Miyuki na iba't iba ang babaeng dinadala sa mansyon. Gin doesn't even mind it.
"Don't compare me to that bastard. Anyway, I'll see you soon," ani Gin bago isinara ang bintana ng kotse. Hindi na niya hinintay na makasagot si Miyuki dahil mas lalo lang iyon dadaldal.
The car started to move. Napatingin siya sa hawak na phone at bahagyang napangiti. Miyuki really cared for him. Nawala rin agad ito nang maalala ang kanilang pagkakaiba.
"It's getting dangerous for her."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top