Chapter 4: Riri

Chapter 4: Riri

Sabrina

Halos mag apat na oras din kami sa mansyon bago nakauwi ng bahay. Agad naman akong pumasok nang mapansing bukas pa 'yong ilaw sa sala.

"Oh, ginabi ka yata," saad ni auntie May na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo.

Auntie May took care of me after I lost my parents. Wala siyang asawa't anak. Mag-isa na lang siya sa buhay pero matapos ang nangyari sa aking pamilya ay siya na ang kumupkop sa akin at tinuring akong parang tunay niyang anak.

Pero kahit ganoon, mahirap pa rin. I just don't remember anything.

Nagising na lang ako isang araw, wala na akong maalala. I was traumatized and hospitalized a several times. Sabi ng doktor, it's either masyado akong naapektuhan sa nangyari sa magulang ko o baka sa sobrang takot. Madalas din sumasakit ang ulo ko noon kaya pabalik-balik ako ng hospital. And there were times that I felt like I was in prison.

Lumapit ako sa kanyang gawi sabay halik sa pisngi. "Hmm, napasarap lang po 'yong kwentuhan namin."

Sabi ni auntie, parehong namatay ang magulang ko sa isang car accident 5 years ago. I was the only survivor. Doon ko rin nalaman na magkaibigan pala ang mama ko at si auntie. Kahit papaano'y unti-unti ko nang nakikilala ang sarili ko kahit alam kong marami pang kulang sa aking pagkatao. Auntie May is the only family I have now and I know that I can trust her.

Hindi na rin naman malala ang kalagayan ko. Iyong biglang pagsakit ng ulo ko kanina, epekto lang siguro 'yon ng gamot. Kagagaling ko lang kasi ng hospital a month ago. The doctor said that I don't have to worry dahil okay na ako. All I have to do is relax my mind and have plenty of rest. Tsaka nakakatulong din sa'kin ang pagkukwento ni auntie tungkol kina mama. Kahit papaano medyo maayos-ayos na rin 'yong kalagayan ko.

Kasama na rin si Cassandra sa tumutulong sa akin. Lumipat kasi kami ni auntie ng bahay at limang buwan pa lang kami dito sa bayan ng Langres. Nakilala ko siya nang minsang dumalaw ang kanyang ina rito sa bahay kasama siya. Dahil siguro sa pagiging madaldal at napaka-friendly niya kaya madali niyang nakuha ang loob ko. May pagkamaldita nga lang pero kahit ganoon, alam kong totoo siya.

"Ganoon ba? Sige, magpalit ka na't tatawagin na lang kita mamaya 'pag kakain na," saad ni auntie kasabay ng biglang pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang aking nakita. Tumango lang ako and took the stairs up to my room.

Matagal na akong may napapansing kakaiba kay auntie pero hinahayaan ko lang. Bukod sa pagiging kulay berde ng kanyang mga mata na sabi niya ay dahil sa sakit niya raw ay minsan napapansin kong parang may kausap din siya kahit wala naman.

Pagkatapos no'ng nangyari kagabi, tinanong ko kay auntie kung may lalaki ba ang nag-uwi sa'kin sa bahay pero tanging kibit lang ng balikat ang aking natanggap. Kung ganoon, eh ano 'yong nakita ko kagabi? Ano umuwi ako ng bahay nang walang naaalala?

Or maybe I'm just simply hallucinating?

Umiling ako. Ang ganda ko namang baliw. Imposibleng epekto 'to ng gamot at mas lalong wala itong kinalaman sa kondisyon ko. I know what I saw. Alam kong may tinatago si auntie at nararamdaman ko iyon.

When I finally entered my room, I jumped in bed with exhaustion. Mamaya na ako magpapalit, tinatamad pa ako. Nagpakawala ako ng hangin ngunit agad rin akong napabalikwas sa naramdamang matigas na bagay sa bulsa ko.

I grabbed it. Gently touching its golden chains. Sa kanya ba 'to? Pero pambabae 'yong style eh. Tsaka mukhang mamahalin pa. Agad kong napansin ang word na nakaukit sa gitnang bahagi nito. But my gaze suddenly averted at the symbol when I flipped it.

It looks familiar. Parang nakita ko na 'to dati. It was a heart-shaped symbol with a swirl inside. Three dots deeply carved at the right side bottom.

A zibu symbol, I thought.

My history teacher once tackled about zibu symbols and they say that they were lucky charms, something like that. Ancient people believed that by wearing one of the symbols would send a healing energy in one's system. Blessings from the Angels, they said.

Maraming klase ng zibu symbol and each one, they have their own meaning. A small smile escaped from my lips.

"Unconditional love," I whispered.

I must really look like an idiot right now while touching the edges of the accessory. Ngunit naputol ang aking ginagawa nang makarinig ng sunod-sunod na kalabog galing sa labas. Tumayo ako para silipin kung ano iyon.

Binuksan ko ang aking bintana pero wala. Napakibit na lang ako ng sariling balikat. Siguro aso lang 'yon.

Tumingala ako sa malawak na kalangitan. The stars were shimmering as the darkness enveloped the sky. Muli akong napangiti nang mahagilap ko ang bilog na buwan. Beautiful.

Ilang sandali akong nagmumuni-muni sa paligid nang bigla na namang mag-flashback ang lahat ng nangyari magmula kagabi hanggang sa mga nalaman ko kanina sa mansyon tungkol sa mga Pewton.

Ewan, tahimik pa naman 'yong buhay ko noon, pero ngayon naiinis ako sa mga nangyayari. Ang labo kasi, pinapagulo lang nito ang isipan ko.

"What the heck is happening, like seriously? Nakakaloka ha." I frustratedly brushed my fingers through my hair.

Sa sobrang stress ko sa mga nalaman, nakasimangot kong nilaru-laro ang bracelet na nakita kanina.

"Enough na ngayong araw, Sab, 'wag mo na 'yong isipin dahil hindi 'yon totoo lahat. Ginagawa mo lang tanga ang sarili mo." Mariin akong pumikit.

Pero ang tigas nga naman ng brain cells ko dahil rumehistro na naman sa isipan ko 'yong lalaking naka-itim.

"Ugh! Ayoko na sa Earth!" sigaw ko sabay subsob ng aking mukha sa mga braso ko.

Hawak-hawak ko pa rin 'yong pulseras kaya inis ko itong tinitigan.

"Isa ka pa, sino bang nagmamay-ari sa'yo?" yamot kong saad. "Tsaka ano ba namang pangalan 'tong nakakurba? Ang pangit naman, tunog aso."

Hay ewan, nababaliw na yata ako.

Akmang isasarado ko na sana ang glassed-window ko nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Kumunot ang aking noo sa mga lalaking nagkukumpol sa tapat ng bahay.

Sumingkit ang mga mata ko. Mga budol-budol gang yatang mga 'to eh! At ginawa pa talagang meeting place ang bahay namin ah.

Napailing na lamang ako. Ngunit agad rin akong napako sa'king kinatatayuan nang makita ko 'yong ginawa no'ng isa sa kasamahan niya. Kitang-kita ko ang pagbulagta ng katawan no'ng lalaki sa semento.

The man kicked him as if there's no tomorrow. Hindi pa ito nakuntento at sinipa pa ito ng malakas sa ulo. Tila nanginig ang mga kamay ko sa nakita. Pero laking gulat ko nang gumalaw pa ito sabay turo sa taong nakatalikod sa bahay namin. Biglang umiba ang ihip ng hangin, nararamdaman ko na ang mainit na tensyon na namamagitan sa pitong kalalakihan.

Napasinghap ako nang sabay-sabay silang tumingin sa direksyon ko maliban sa taong kaharap nila. Tuluyan na akong napaatras sa bintana. Ramdam ko na ang panginginig ng aking buong katawan nang mapansin ang biglang pag-iba ng kulay ng kanilang mga mata.

Red eyes are staring at me.

"Shit," nabulalas ko sa sobrang takot.

Napunta sa'kin ang atensyon no'ng lalaking nakatalikod. Napalunok ako ng sariling laway. Hindi na tama ang paghinga ko. Parang nawalan ng lakas ang aking tuhod nang makita ang mga matang iyon.

It's him.

Hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kanya. Ito ang pangatlong beses na nakita ko ang mga matang iyon. It is more intense, full of desire and fearless.

"J-James," nasabi ko na lang bigla.

Ngunit naputol ang aking pag-iisip nang ibalik nito ang kanyang atensyon sa anim. Halos mapatili ako nang sa isang iglap ay wala ng buhay ang lima.

Shit!

Nanginginig ang mga labi 'kong sumilip sa labas. Nakabulagta na ang kanilang mga katawan sa kalsada. I blinked a couple of times, nagbabaka-sakaling panaginip at baka nagha-hallucinate na naman ako pero hindi.

What the heck just happened?

Pansin kong buhay pa 'yong isa dahil gumagalaw pa rin ito. Habang 'yong lalaking nakatalikod sa'king gawi ay normal pa ring nakatayo na tila parang walang nangyari.

Gusto ko nang isarado ang bintana dahil hindi ko na kaya ang aking nasasaksihan, pero tinatraydor ako ng aking katawan. I shook my head, trying to convince myself.

Fuck. Please tell me, panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi 'to totoo.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala at tumakbo pababa kay auntie. Pero walang salita ang lumalabas sa'king bibig. Hindi rin kumikilos ang aking katawan. Halos marinig ko na ang kabog ng puso ko. Ayoko pang mamatay!

Mula rito sa kinaroroonan ko, dinig ko ang pag inda sa sakit no'ng lalaking nag-aagaw-buhay. Paunti-unti itong nilalamon ng itim na usok. In a blink of an eye, there bodies turned into ashes.

This isn't normal!

Napangiwi ako sa nakita. Sa limang buwan kong pamamalagi sa Langres, ngayon lamang ako nakasaksi ng gano'ng pangyayari. Tila nanghina ang aking mga tuhod at nawalan ako ng balanse. Mabuti na lang mabilis akong nakakapit sa may bintana. Habol ang aking hiningang napaangat ng tingin sa labas, ngunit wala nang tao ang makikita pa roon. Ewan kung maituturing nga bang tao ang mga iyon.

"Where is he?" wala sa sarili kong naibulong sa hangin.

Nawala na naman siya.

Damn, Sabrina! He's freaking dangerous, yet you're searching for him?! You're insane!

Pinilit kong tumayo ng tama. Ngunit muli rin akong naghina nang biglang umihip ang malamig na hangin dahilan para mapayakap ako sa aking sarili. In those split seconds that I knew, there's someone else in my room aside from me.

"Searching for me?" he said, emotionless and cold.

Dim lang ang ilaw ng k'warto ko kaya medyo madilim. Isang lalaki ang nagpakita ilang metro ang layo mula sa akin. Hindi ako makapagsalita. Parang na pepe na yata ako.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at pantalon. Simpleng black converse at itim na kalo. Nakaitim lahat pero litaw na litaw ang kutis nitong napakaputla.

Biglang sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Napalunok ako ng laway. Mas lalo lang akong kinabahan. I'm still mute causing him to chuckled, tilting his head on the other side. And just like that, I saw his tattoo once more.

"Are you done already? Staring is rude," saad niya na 'di pa rin nawawala 'yong ngisi sa kanyang perpektong labi.

Tuluyan na akong bumalik sa'king diwa sa inasta niya. Bahagya akong napataas ng isang kilay.

"Tsk, alam kong gwapo ako. Huwag mo nang ipahalata," mayabang niyang saad habang nililibot ng kanyang paningin ang kabuuan ng aking silid. My mouth almost dropped. I didn't expect that from him.

As if! Masyado ka namang mayabang, boy.

"Aanhim mo 'yang pagiging gwapo kung wala ka namang modo?" bulong ko. Pero parang narinig rin niya dahil bigla na lang sumeryoso ang kanyang mukha. Napasinghap ako nang makita ko na naman ang pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata.

"You, y-you're James aren't you?" nauutal kong saad. Tila nalulunod ako sa kanyang paraan ng pagkatitig.

Fuck those eyes.

Umihip na naman ang malamig na hangin, but this time it was gentle. Napakurap ako at nawala na naman siya sa aking paningin. I don't know how to react. I feel like fainting.

Akala ko mababagsak na ako sa sahig ngunit naramdaman ko na lang ang mga kamay na pumulupot sa'king munting katawan. Napaawang ang bibig ko sa bumungad sa'king harapan.

His face is so close to me. Para akong naduduling. I couldn't help myself from trembling. I could smell his menthol breath directed to my nose and his manly-intoxicated perfume.

Mas lalo ko lang natitigan ang mala-dugo niyang mga mata. Nakakalula.

Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. "I'm glad that you're back," he said hoarsely.

Nanlalaki ang mga mata kong napapatingin sa nilalang na ito. Napalunok ako ng sarili kong laway. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. Ramdam ko rin ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"I missed you, Riri," bulong niya sa'king tainga na naging dahilan ng pagtayo ng lahat ng aking balahibo sa batok.

I bit my lip. Hindi ako makapalag, tila nawala na ako sa'king sarili.

Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin. Kasabay nito ang malamig na hangin saka siya nawala na parang bula.

Tuluyan na akong napaupo sa sahig ng aking k'warto. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sobrang lakas ng pintig ng aking puso. Even his intoxicated scent and the cold yet warm body were still circling in my head. The thought that I let a stranger hugged me was as if I want to punch myself hard.

But, he's no stranger. Parang... ewan. Ugh!

Napaka-strange na talaga ng mga nangyayari sa buhay ko!

"I missed you, Riri."

I heard his voice echoing inside my head. Why was he acting like that? Bakit niya ako tinawag na Riri?

Muli kong tiningnan ang kanina ko pang hawak-hawak na bagay. Binasa ko ang pangalang perpektong nakakurba sa nakitang pulseras.

"Riri."

To be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top