Chapter 3: His Ghost
Chapter 3: His Ghost
Sabrina
Doon lang ako napabalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni lolo. Nakabalik na pala siya. Agad naman akong naupo sa'king pwesto kanina.
"Ah nasaan na nga ba tayo? Pagpasensyahan niyo na aba'y matanda na itong kaharap ninyo," saad ni lolo Ben habang nilalapag ang pitsel na puno ng orange juice kasama ang isang tasa ng kape at ilan pang babasaging baso sa lamesa.
Napangiti naman ako sa inasal niya. Naalala ko tuloy sa kanya si manong Pedro na nagtitinda ng street foods sa tapat ng school namin na isa ring makakalimutin.
"Lolo, nasa mansyon ho tayo," sagot ni Sandra habang hindi pa rin inaalis ang atensyon sa kanyang cellphone. Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Minsan talaga walang galang ang babaeng ito.
"Ah oo, tama," narinig kong tugon ni lolo na ikinakunot ng noo ko.
Napataas ako ng kilay. Tama ba 'yong narinig ko? Iyon ba talaga ang ibig sabihin ni lolo Ben? Kung nasaan na siya? Kung saan kami ngayon?
That was strange.
"Sabrina, hindi ba?" Napaayos ako ng upo.
"O-Opo," sabi ko kay lolo na nakatingin ngayon sa'kin.
Uminom ako ng orange juice nang makaramdam ako ng kaba. Inaamin ko, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sasabihin ni lolo tungkol sa may-ari ng bahay na 'to o dahil sa ramdam kong may nakatingin sa amin nang palihim habang nag-uusap kami rito.
Napaangat ako ng tingin sa matanda nang mapansing nakatingin pa rin siya sa'kin. Napalunok ako ng sarili kong laway. Uminom muna siya ng kape bago muling nagsalita.
"Sampung taon..." pagsisimula niya. Nahagip naman ng aking paningin ang biglang pag-ayos ng upo ni Sandra na kanina pa tutok na tutok sa kanyang hawak na gadget.
"Sampung taon na ang nakalilipas pero para sa'kin, napakasariwa pa nang lahat ng nangyari sa pamilyang nagmamay-ari ng mansyon—ang mga Pewton. Isa ako sa mga taong nakasaksi kung gaano kasaya at simple ang pamilya nila," pagpapatuloy ni lolo sabay higop ng kanyang kape.
Nakatingin lang kami ni Sandra sa kanya habang hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin.
"Hali kayo, may ipapakita ako sa inyo," biglang saad ng matanda sabay tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
Nagkatinginan pa kami ni Sandra. Pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti sabay kindat. Napailing na lang ako sa inasta ng babaeng ito at sumunod na rin sa matanda.
Natigil kami sa tapat ng malaking larawan. I gasped when I saw the images once more.
Napabaling ako kay lolo na kasalukuyang nakatingin sa mga litrato. Pain and loneliness were written on his face. Hindi ko mapigilang maawa. Gusto ko siyang yakapin. Ramdam ko 'yong labis na hinagpis na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Sampung taon din 'yon at alam kong hindi naging madali ang lahat.
Dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan.
"Iyan ang pamilyang Pewton," saad ng matanda na 'di pa rin inaalis ang tingin sa malaking litrato.
"Ang lalaking katabi ng babae ay si Don Miguel Pewton, ang padre de pamilya at ang kanyang katabi ay ang kanyang asawa na si Donya Realida Pewton. At sa bandang likod naman ang nag-iisa nilang anak na si Señorito Sean Pewton." Tahimik kong pinagmasdan ang litratong tinutukoy ng matanda na naagaw ng atensyon ko kanina.
"Galing ng Amerika sila Don Miguel nang mangyari ang hindi inaasahang aberya. Pauwi na sana sila sa mansyon, ngunit bigla na lang nasangkot ang pamilya sa isang aksidente."
"Eh lolo, ano pong klaseng aksidente?" nagtatakang tanong ni Sandra na halatang kanina pa nakikinig. Nilagay niya ang kanyang daliri sa ilalim ng kanyang baba at tila nag-iisip. Mas lalong lumungkot ang mukha ni lolo Ben nang banggitin ni Sandra ang ganoong tanong.
Pa-simple ko namang siniko si Sandra pero inikutan niya lang ako ng mata. Napailing na lamang ako sa inasta niya at binaling kay lolo ang aking atensyon.
"Ang totoo kasi mga hija, walang siguradong impormasyon ang dahilan ng aksidente. May ibang nagsasabing maaaring baka nawalan ng preno ang nagmamaneho ng sasakyan. Pero base sa nakita, wala namang kagalus-galos ang natamo ng sinasakyan ng pamilya. May iba rin naman na nagsasabing baka hinarang sila ng mga armadong tao na imposible naman."
"Kung ganoon, ibig sabihin..." napatigil si Sandra at tumingin sa'kin.
Hindi natukoy ang dahilan ng aksidente.
"Uh lolo, bakit hindi po matukoy? I mean, hindi po ba napaimbestigahan ang nangyari sa kanila?" nalilito kong tanong sa matanda.
Ang hirap naman ng sitwasyong 'yon. Paanong hindi nalaman? Hindi pa ba uso ang mga agents sa panahon na iyon? Napahilot ako sa'king sentido. Parang sumakit kasi ito bigla.
"Bukod sa nakitang sasakyan at mga gamit na halatang pagmamay-ari ng pamilya, walang bakas na kahit anong motibo ng suspek ang nakita maliban na lamang sa naninigas na bangkay ng pamilya. Ni isang galos mula sa katawan nila ay walang natagpuan." Huminga ito ng malalim.
"Pero nang mailipat na sa ambulansya ang mga bangkay, isang mid volunteer ang naatasang bantayan ang mga bangkay ng biktima na nagngangalang David Evans. Laking ipinagtaka niya nang mawala na lang bigla ang mga ito. Kasabay ang biglang pagbuhos ng ulan na sinamahan ng malakas na pagkulog at pagkidlat."
Ang saklap naman.
"How about the driver?" seryosong tanong ni Sandra. Napabaling ako sa kanya ng tingin.
Umayos ng tayo si lolo Ben. "Ah si Robert," bakas sa kanyang boses ang lungkot.
"Mabait na bata 'yon. Matapang at maalaga. Maraming pangarap sa buhay. Ngunit matapos ang nangyari, matapos ang biglang pagkawala ng mga Pewton, naatasan ang mga polisya na imbestigahan ang pinangyarihan ng aksidente at natagpuan na lamang ang bangkay ni Robert sa malapit na ilog. Nakatirik ang mata at duguan ang kanyang leeg."
Napalunok ako sa kanyang sinabi.
"Nakakalungkot mang isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung ano ang totoong nangyari sa kanila. At simula noon, tinuring na lamang na isang malaking misteryo ang pangyayari sa ilang taong nagdaan," saad niya habang kumurap-kurap, tila pinipigilan ang sarili na h'wag maluha.
"Napilitan rin kami at nang aking mga kasamahan sa mansyon na umalis dahil doon. Pero bumabalik pa rin ako para kahit papaano'y maalagaan ko ang bahay." Malungkot siyang napangiti.
Halos mapasigaw naman ako sa biglang pagkapit ni Sandra sa braso ko. Buti na lang talaga naitikom ko ang bibig ko.
"Hindi ko alam na horror pala ang nangyari sa nagmamay-ari ng mansyong ito," bulong ni Sandra na halos isiksik na niya ang sarili sa akin.
"Ano natatakot ka? Akala ko ba detective ka?" I teased her. Dahil sa sinabi ko ay mabilis din siyang napabitaw at kinagat ang kanyang labi.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka palayasin kami ng 'di oras ni lolo dito. Nalipat naman ang aking paningin sa litrato ng batang lalaki na kanina pa bumabagabag sa'king isipan.
"Lolo, sino naman siya?" sabi ko. Napaangat naman siya ng tingin sa larawang tinutukoy ko.
"Ampon siya ng pamilya. Tanging ang mga Pewton lamang ang nakakaalam kung saan nanggaling ang batang iyan. Ni kahit ako ay walang alam," saad ni lolo Ben saka inayos ang salamin na suot.
"Pero bakit po hindi siya kasama sa family picture?" pangungulit ni Sandra.
"Kung sa mag-asawa tanggap na tanggap ang batang iyan, ngunit iba naman ang pakikitungo ng Señorito Sean sa kanya. Kaya siguro iyan ang dahilan kung bakit wala siya sa litrato ng buong pamilya." Napansin ko namang hinawakan nito ang kanyang singsing.
"Ako ang laging kasama ng dalawang bata rito sa mansyon habang abala naman ang mag-asawa sa kanilang trabaho. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano minamaltrato ni Señorito ang bata." Umangat ang tingin niya sa akin na ikinabigla ko.
Ngumiti ito. "Mabait na bata si Señorito James at bukod sa tipong seryoso ang mukha, hindi siya marunong manakit ng iba."
James...
Bigla akong napahawak sa gilid ng aking ulo nang makaramdam ako ng kirot. Mariin akong napapikit. Anong nangyayari sa'kin?
"Ugh," mahina akong napadaing.
"Sab, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sandra. Tumango lang ako.
"Mabuti pa hija, paupuin muna natin ang kaibigan mo. May masakit yata sa kanya," rinig kong kausap ni lolo kay Sandra.
Inalalayan ako ni Sandra para makaupo sa sofa ng living room. Uminom ako ng juice at marahan na hinilot ang gilid ng aking ulo. Nang mahimasmasan na ako ay bigla namang napatayo si lolo nang makarinig ng parang may nabasag sa kusina ng mansyon.
"Maiwan ko muna kayo, titingnan ko lang kung ano iyon," saad ng matanda.
Sabay naman kaming tumango ni Sandra sa sinabi nito. Ilang minuto ang lumipas at napansin kong naka-earphones at busy na naman sa kanyang cellphone ang kasama kong si Sandra. Tiningnan ko ang relos ko at nanlaki na lang ang aking mata nang makitang alas syete na pala ng gabi.
"Uh, Cass—" Natigilan ako nang mapansin ang bulto ng isang tao na umakyat ng hagdan. Ilang beses akong napakurap. Sinilip ko si Sandra pero tila wala siyang napansin. Nakita ko namang abala rin si lolo sa kusina.
Napalunok ako. Hindi ko namalayan ang aking sarili na naglalakad na pala patungong hagdan ng mansyon. Nang tuluyan na akong nakaakyat ay napahinto ulit ako. I'm starting to feel nervous. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sinundan ko pa siya.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Humakbang ulit ako nang muli akong mapatigil dahil sa mga bubog na aking natatapakan. Nagdulot ito ng konting ingay.
What happened last night, it was real.
Napalunok ako ng sariling laway. In the corner of the corridor, somebody caught my attention. Napalingon ako doon at nahagilap ang nakabukas na pinto ng isa sa mga k'warto dito. Napahawak ako sa'king braso nang makaramdam ng lamig. I brushed my hair as I peeked. I bit my bottom lip when I saw a man standing with his back faced mine.
I was desperate to the point that I almost made a sound. The door creaked. He faced on my direction. Halos hindi ako makahinga sa kanyang presensiya. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-ihip ng hangin dahilan para liparin ang pulang kurtina ng bintana.
I blinked and he's gone.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaawang na lang ako ng bibig sa mabilis na pangyayari. It happened so fast. Paano 'yon nangyari ng ganoon kabilis? Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng silid. Habol ko pa rin ang aking hininga.
Did I actually see a ghost?
Nanghihina akong napatukod sa kahoy na mesa. Pilit na pinapakalma ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at akmang aalis na nang matigilan ako sa bagay na kumikinang sa paanan ng kama. Pinulot ko ito.
"Nandito ka lang pala!"
"Ay ang pangit mong palaka!" bigla kong nabulalas dala ng gulat sa biglang pagsulpot ni Sandra. Dali-dali ko namang nalagay sa bulsa ng aking pantalon ang bracelet na nakita.
"Dyosa ako at hindi palaka!" pagtatama niya. "Tara na! Gabi na baka nag-aalala na si tita sa'yo." Nauna na siyang maglakad.
Napakamot na lang ako sa'king batok.
"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Let's go."
Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Sandra pababa.
To be continued
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top