PROLOGUE

I dedicate this part to ASHLEYZSMITH. Thank you kasi nagpost ka pa talaga sa wall ko para lang magtanong ng title ng book 2 ng The Prophecy. So ito na nga, sana maenjoy mo 'tong update ko kahit patikim pa lang 'to. Sa mga gustong magpadedicate or magpamention, magsabi lang kayo. Enjoy reading Descendants.

☆•☆•☆•☆•☆

THIRD PERSON'S POV

Ngayon ang ikalabing-walong kaarawan ng kambal na sina Kenjie at Kylie. Masaya ang lahat lalo pa't lumabas na ang totoong kulay ng buhok at mata ng kambal na sumisimbolo ng kanilang kapangyarihan. Hindi na nagulat pa ang lahat nang ginto ang lumabas na kulay ng kanilang mata at buhok dahil kanino pa ba naman sila magmamana kung hindi sa kanilang inang si Kiana na siyang itinakda at pinakamakapangyarihan sa lahat.

Bilang selebrasyon ng kanilang kaarawan ay inimbita nila ang lahat ng mga nilalang na namumuhay sa kanilang mundo mula sa mga charmer, mapamaharlika o ordinaryong charmer man, mga serina, mga duwende, fairies, mga diwata, at iba pa. Maging ang mga Diyos at Diyosa ay nagpakita sa kanilang panaginip kagabi para lamang iparating ang pagbati nila sa kambal ng maligayang kaarawan.

Isang napakalaking selebrasyon ang nagaganap sa kaharian ng Sapience Kingdom. Ginanap ang selebrasyon sa malawak na bakuran ng palasyo kung saan ito'y napapalamutian ng mga nagkalat na golden pixie dusts, mga nakalutang na lanterns na gumagawa ng iba't ibang kulay na tumatama sa dance floor, carpeted floor para magsilbing daanan ng kambal, sahig na gawa sa yelo na sobrang linaw at kintab na aakalain mong isang salamin dahil malinaw mong nakikita ang repleksyon mo sa sahig, may napalaking buffet table sa tabi, isang napakagandang fountain na gawa sa purong ginto na nagliliwanag at paiba-iba ang kulay ng tubig ang matatagpuan sa gitna, may chocolate fountain sa kanang bahagi ng buffet table na singlaki ng magical water fountain na nasa gitna habang sa kabila naman ng mesa ay naroon ang napakalaking cake na kumikinang-kinang pa na halos pitong talampakan ang taas. Maging ang mga kasuotan ng mga dumalo ay agaw-pansin. Lahat ng bisita ay nakadamit ng magara na nakakasilaw ang kinang.

Sa kabuuan, kung titingnan ay para kang nasa loob ng isang fairytale story kaya naman ay hindi maipaliwanag ang saya na mayroon ang mga bisita lalo pa noong lumabas ang sentro ng selebrasyong ito na nakagayak ng isang magarang gintong kasuotan na kadalasang sinusuot ng mga prinsesa at prinsipe tuwing may ganitong kasiyahan. Sa mga ulo nila ay may nakapatong na koronang ginto na napapalamutian ng iba't ibang klase ng mamahaling bato na iba-iba ang kulay na sinisimbolo ang lahat ng kapangyarihang taglay nila.

Nakahawak ang kanang kamay ni Kylie sa kaliwang braso ng kakambal niyang si Kenjie. Inalalayan siya nitong maglakad hanggang sa makapunta sila sa pinakaharap ng lahat ng bisita kung saan ay may nakahandang dalawang magagarang gintong upuan para sa kanila.

Nang makarating sila sa kanilang upuan ay nagbigay muna sila ng mensahe sa lahat ng dumalo at nagpasalamat na rin bago nila inanunsyong magsisimula na ang kasiyahan at ang lahat ay maaari nang kumain at magsaya.

Habang lumalalim ang gabi ay patuloy pa rin sa pagsasaya ang lahat. May mangilan-ngilan nang umalis dahil hindi na kinaya ang pagod at nais nang magpahinga. Tanging mga malalapit na lamang na kaibigan ng kambal at ng pamilya nila ang natitira, kasama na roon ang mga maharlika ng tatlong kaharian. Nagkakatuwaan ang lahat. Masayang nakikipagkwentuhan ang kambal sa mga kaibigan nila at ganoon din ang mga magulang nila na matatalik na magkakaibigan at magkakasamang nakipaglaban sa digmaan halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Nagkayayaan ang kambal na sumayaw dahil magmula pa kanina ay hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataon na maisayaw ang isa't isa dahil maraming umaalok ng sayaw kay Kylie at wala namang magawa si Kenjie kung hindi ang alukin din ng sayaw ang ilang kababaihang dumalo sa kasiyahan dahil bilang isang prinsipe at susunod na tagapagmana ng kanilang kaharian ay kailangang matuto siyang makisalamuha at mang-aliw ng mga bisita.

Masayang nagsasayaw ang kambal habang tahimik lang na nanonood sa kanila ang kanilang mga magulang at malalapit na kaibigan. Bakas sa mukha ng mga ito ang saya habang pinapanood silang magsayaw.

Habang nagsasayaw ang kambal ay hindi nila namalayang unti-unti na silang lumulutang at may kakaibang liwanag na rin ang nagsisimulang balutin ang kanilang katawan. Hindi nabahala ang mga nanonood dahil inakala nilang kagagawan lamang ito ng kambal at gusto lamang nilang bigyan ng kulay ang kanilang pagsasayaw hanggang sa tuluyan nang balutin ng kakaiba at nakakasilaw na liwanag ang buong katawan ng kambal. Nang mawala ang liwanag ay bakas ang pagkalito at pagkagulat sa mukha ng mga nanonood nang mapansin nilang naging purong ginto na ang kulay ng mata ng kambal na ngayon ay nakalutang na sa ere. Wala ng bakas ng puti, itim o ano pa mang kulay maliban sa ginto ang kanilang mga mata. Bukod pa rito ay wala itong kahit anong emosyon. Tatangkain sana ng kanilang ama at ina na lapitan sila nang bigla silang magsalita gamit ang isang boses na parang nababalutan ng hiwaga at nagmumula sa pinaghalong boses ng isang lalaking may baritonong boses at isang babaeng may malamyos na boses na napakasarap sa pandinig na tila ba isa itong musika.

"Kapayapaang tinatamasa ay mawawakasan na
Kadilima'y magbabalik at muling mananalasa
Inaakalang tagapagligtas ay walang magagawa
Hindi sapat ang kapangyarihang taglay ng mga anak ng itinakda.
Sila'y mangangailangan ng mga makakasama
Ito'y magiging kanilang katuwang upang kadilima'y mapuksa.

Mga Diwata, mga Diyos at Diyosa, maging ang babaeng itinakda'y walang magagawa
Sapagkat kanilang panahon ay lumipas na.
Ngunit kahit kanilang panahon ay lumipas na,
Kapangyarihang taglay ay hindi kailanman kukupas at hihina
Lakas na kanilang taglay ay hindi mawawala ilan mang taon ang lumipas.
Kanilang kapangyarihan ay magsisilbi lamang gabay ng mga anak ng itinakda
Sila'y walang kakayahang labanan at puksain ang panganib na nagbabadya.

Kumilos na habang may oras pa
Hirangin ang mga tagapagligtas na magiging mga bagong itinakda
Binhing itinanim ay anihin sa panahong itinakda
Kaligtasan ng sanlibutan ay nasa kamay ng mga tagapagmana.

Hanggang may pagmamahalan at pagkakaisa,
Kapayapaa'y makakamit ano mang sakuna ang dumating na susubok ng kanilang pananampalataya at pagkakaisa."

Ang mga katagang iyon ang binanggit ng kambal bago bumalik sa normal ang kulay ng kanilang mga mata at bago sila mawalan ng malay, dahilan para bumagsak sila sa sahig. Ang kanilang mga winika ay nag-iwan ng kakaibang kaba at pagkabahala sa mga nakarinig ng kanilang mga binitiwang salita.

A/N: Prologue pa lang po ang kaya kong maisulat sa ngayon. Pinag-iisipan ko pa kasi kung alin sa mga story kung nakatingga ang uunahin kong tapusin. Saka I'm still doing my research para sa ikagaganda ng story na ito. Idagdag mo pang ang daming character dahil may mga part na ma-fe-feature pa rin iyong characters sa Book 1 which is 'The Prophecy' kaya hirap akong gawin ang characterization. I still have to read the Book 1 from the very beginning AGAIN dahil nakalimutan ko na kung sino-sino 'yong characters, ano-anong charms and abilities nila and kung anong mga ugali nila. I recommend na basahin ninyo rin muna iyong Book 1 para may idea kayo sa magiging takbo nitong kuwento at kung paanong nagsimula ang lahat. Connected kasi ang dalawang story kaya baka mahirapan kayong maka-relate kung hindi ninyo babasahin 'yong The Prophecy. Saka mas mabuti na 'yon para habang naghihintay kayo ng update ko rito ay kinikilala ninyo rin 'yong ibang characters nitong story at para may background knowledge naman kayo tungkol sa story na ito. At syempre, para hindi na rin kayo mainip. So, be patient and wait for my next update. Weekly lang kasi ako makakapag-update. Kaya patience is a must. Saranghae, My Descendants. Kamsahamnida❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top