Chapter 7: Such A Mess
KENJIE'S POV
Like what I promised to Kobe and Ace, I used my power on them and I gave them their reward. They can now talk in English fluently anytime they want.
After giving the twins their reward, I turned my gazed at the twelve descendants.
"Now, pack your things. Sasama kayo sa amin," mariing utos ko sa mga kapwa naming hinirang.
"Sure. I love adventures," they answered in chorus at nag-uunahan pa silang tumakbo papuntang mga kwarto nila.
Napailing na lamang ako at ganoon din si Kylie dahil sa inasal ng mga hinirang. They have completely became a different person especially their leader. Bigla na lang naglaho na parang bula ang coldness nila at naging parang mga batang gala.
Wala pang sampung minuto ay isa-isa nang nagsibalikan ang EXO sa sala habang may mga kani-kaniya silang backpack na nakasukbit sa mga balikat nila.
"It's time to go!" Xiumin exclaimed in excitement like a freak*ng child who is excited to go to the Amusement Part for the very first time.
"Magical world, here we come!" the guy with a rectangular smile exclaimed too.
Hindi na ako nagkomento pa sa pagiging isip-bata ng mga kapwa namin hinirang. Kinausap ko na lamang si Kylie gamit ang aking isipan para ibigay na ang aking hudyat. Sinenyasan ko rin sina Kobe at Ace na maghanda na dahil muli naming kakailanganin ang kanilang kakayahan para walang makaramdam ng enerhiyang lilikhain ng tangka naming paggamit ng aming teleportation ability.
Nang maramdaman ko ang paghawak ni Kylie sa kaliwang kamay ko ay kusa kong pinagsalikop ang aming mga kamay saka hawak-kamay kaming nag-teleport pabalik ng mansion kasama ang kambal at ang iba pang mga hinirang.
Pagkarating na pagkarating namin sa sala ng mansion ay agad na napatayo mula sa kanilang pagkakaupo sina Red at ang iba pang kalalakihan na halatang inaabangan ang aming pagdating. Dali-dali silang lumapit sa amin at pinasadahan ng nanunuring tingin ang mga kasama naming hinirang.
"Why are we in a mansion instead of a palace?" nakabusangot na tanong ng pinakaisip-bata sa EXO na bakas ang pagkadismaya sa mukha at boses. His rectangular smile is nowhere to be seen now.
"We still need to stay here for a couple of days," walang emosyong sagot ko nang hindi na inaabala ang sarili kong ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi agad kami babalik sa aming mundo gayong buo na kaming mga hinirang at nagawa na namin ang aming misyon sa mundo ng mga tao.
"Ken, K, nandito na pala kayo!" masayang salubong sa amin nina Nhice at Febbie na parehong galing sa kusina habang nakasunod naman sa kanila sina Alexa, Lyna at Florida na may kani-kaniyang hawak na prutas na tiyak kong nakuha nila sa ref.
Bigla na lamang namilog ang mga mata nina Alexa, Florida at Lyna nang sandaling magawi sa EXO ang kanilang tingin sa hindi ko malamang dahilan. Pero kung pagbabasehan ko ang pagbilog ng kanilang mga mata kasabay ng kanilang pagtigil ay masasabi kong nakikilala nila ang kanilang mga kaharap. Kung paano nila nakilala ang mga ito, hindi ko rin alam.
"Omo! Tama ba itong nakikita ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Alexa habang dahan-dahan niyang tinatawid ang distansyang pagitan nila ng EXO na para bang tinitiyak muna niyang totoo ang kaniyang nakikita at hindi ito basta isang imahinasyon lang.
"Yda, hindi ba sila iyong napanood natin sa tv? Ano ngang tawag sa kanila?" tanong ni Lyna kay Florida habang nakatutok pa rin sa EXO ang kaniyang buong atensiyon na tila ba siya mismo ay sinusubukan niyang alalahanin ang sagot sa sarili niyang katanungan.
"E... E... Ewan. Hindi ko na maalala," napapakamot sa ulo na tugon ni Yda.
"It's EXO." Ang lider na ng EXO ang sumagot sa katanungan ni Lyna dahil mukhang wala namang nakakaalala sa kanila ng pangalan ng grupo ng mga hinirang.
Mabilis na nagliwanag ang mukha nina Lyna, Alexa at Florida matapos marinig ang sinabi ng lider ng EXO. "Tama! Kayo nga 'yon!" they exclaimed in chorus.
"Teka. Anong ginagawa ninyo rito? At bakit kayo magkakasama?" mayamaya'y tanong ni Florida habang palipat-lipat ang kaniyang hintuturo sa amin at sa EXO.
Nang hindi mag-abala ang EXO na sumagot ay sinenyasan ko si Kylie na siya na ang sumagot para malinawan na ang mga kasamahan namin.
"They are the descendants that we are talking about," Kylie answered.
Halos sabay-sabay na nalaglag ang panga nina Lyna, Florida at Alexa habang tahimik lang naman na nakikinig at nakamasid ang iba pa naming mga kasamahan.
"Woah! Seryoso? Walang halong biro?" tila hindi kumbinsidong tanong ni Alexa, dahilan para mapairap si Kylie sa kaniyang direksyon.
"Mukha ba akong nagbibiro?" mataray na tugon ni Kylie na ikinailing ko na lang. Looks like I'm not the only one who's tired of talking.
"Kyah!" malakas na tili ni Alexa saka mabilis siyang lumapit kay Kylie at ipinulupot ang braso niya sa braso ng kakambal ko. "Ibig sabihin makakasama natin sila sa pagbalik ng Fantasia?" puno ng excitement na tanong ni Alexa na wala nang mapagsidlan pa ng kaniyang tuwa.
"Precisely," Kylie answered with a shrug.
Dahil sa kanilang narinig na tugon ni Kylie ay sabay-sabay na tumili sina Lyna, Florida at Alexa, dahilan para umasim ang mga mukha namin dahil sa tinis nito.
"Ang iingay ninyo," reklamo ni Red na hindi na maipinta ang mukha habang masama siyang nakatingin sa direksyon ng tatlong tumili.
"Ang sakit sa tainga," dagdag pa ni Sky na masama na ring nakatingin kina Lyna.
Sa halip na ma-offend ay napairap lang ang tatlo kina Sky at Red. "Hmp! Palibhasa inggit lang kayo. Kasi kayo, hindi tinitilian," pang-aasar ni Lyna kina Red na sinegundahan naman nina Alexa at Florida.
Sasagot pa sana si Matteo para gantihan ang kapatid niyang si Lyna nang maunahan siya ni Kylie na hindi na nakatiis sa nakaririnding ingay ng mga kasamahan namin.
"That's enough. Itinigil na ninyo 'yan ngayon din kung ayaw ninyong ipatapon ko kayo sa ibang dimensyon," may himig ng pagbabantang wika ni Kylie sa malamig na boses.
Awtomatiko namang tumahimik ang paligid dahil sa sinabi ni Kylie na hindi imposibleng totohanin niya lalo pa't kayang-kaya namin itong gawin sa loob lamang nang ilang segundo. Parang napapaso ring napabitiw si Alexa sa pagkakakapit niya sa braso ni Kylie.
Kylie sighed after a moment of silence. "Now, let's get back to business." She intentionally paused to get everyone's attention before saying what she has to say. "First thing first. I'm Kylie, and this is Kenjie, my twin brother. We are the descendants of the girl in the prophecy and we are the heirs of the Sapience Kingdom," she introduced us while motioning her hand to me.
Matapos naming magpakilala ay hindi na namin kinailangan pang sabihan ang EXO dahil kusa na silang nagpakilala isa-isa.
"Hello, I'm Wu Yifan but I'm known as Kris. I'm the rapper. But I think I'm also the lead vocal and the lead dancer. I can draw. I can fly. I can go to galaxy. I'm the most handsome and the tallest," EXO's tallest member introduced himself with so much confidence while trying his best to act cool with his both hands in his pocket.
The guy who's been acting cold toward us introduced himself next. "I'm Suho on stage but my real name is Kim Jun Myeon. I'm the EXO-K's leader. I'm the best at public speaking."
So he's the leader, huh? No wonder he's been acting as one since the day we met. Well, I'm not shock anymore. He has this leader aura. But I wonder how he managed to handle all these weird members that he has in his group.
When no one volunteered to take the stage to introduce themselves, EXO's leader, Suho, motioned his hand to the guy who introduced himself as Kris.
"And this guy here is the EXO-M's leader," Suho informed us.
Kris frowned at what he heard and look at Suho's direction with a confused look on his face.
"I was the leader?" Kris asked confusedly which made us all chuckle.
When I realized what I just did, I automatically pressed my lips together to stop myself from chuckling.
"I'm Luhan. I'm manly and I'm the face of the group," sunod na pagpapakilala ng may mata na parang sa isang usa at may feminine feature.
Hindi ko naman maiwasang paningkitan ng mga mata ang lalaking nagpakilalang Luhan dahil kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko makita ang manly na sinasabi niya. His feature is so feminine for f*ck sake! Kung hindi ko nga lang siya kilala at kung hindi ko lang alam na boy group sila, iisipin ko talagang babae siya.
I was brought back to my senses when I heard the guy with panda eyes-behind the sunglasses he's wearing-introduced himself.
"My name is Tao. Huang Zitao." The guy with panda eyes abruptly paused and roamed her eyes in the four corners of the mansion like he's looking for something before he turned his gaze at us and ask, "Don't you have something to eat?"
Bago pa man makasagot ang isa man sa amin ay bigla na lang nawala sa aming paningin ang lalaking nagpakilalang Tao. Nang igala ko ang aking paningin sa paligid ay agad na dumako ang paningin ko sa taong kasalukuyang binabaybay ang daan patungong kusina na para bang alam na alam na niya ang pasikot-sikot ng mansion.
"Don't mind him. He only cares about food," Suho stated which made me turn to his direction. Tss. No wonder he asked for food right after the introduction.
"Kim Jong In but known as Kai, the dance machine," the guy with dark skin introduced himself and bit his lower lip afterwards as if he was shy or something while tucking his shirt in his pants.
"I'm Zhang Yixing but call me Lay instead. I'm the cooking umma of this group. With that being said, I'll now go to the kitchen and cook us some food before Tao gets irritated," sunod na pagpapakilala ng lalaking may dimple at basta na lang itong umalis at nagtungong kusina nang hindi man lang kami hinihintay na magsalita.
"Oh Se Hun. I'm the maknae. And if there's an angel in this world, that would be me," the guy with a perfect jaw line introduced himself while sticking out his tongue.
So he's the maknae? I thought it was Xiumin. Well, looks can be deceiving like what they say.
"I'm Kim Min Seok but also known as Xiumin. I'm the oldest but I'm considered as the fake maknae of the group," masiglang pagpapakilala ni Xiumin sa kaniyang sarili.
Hindi ko naman maiwasang magsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Xiumin. Ang bata kasi niyang tingnan at idagdag pang hindi siya katangkaran. Nakakagulat lang na kung sino pa ang inakala kong bunso ay siya pa pala ang pinakamatanda. Mukhang kakaiba talaga ang grupong ito.
"Chen on stage but it's Kim Jong Dae off-cam. The thing I am best at is singing high notes," the guy who's fond of whining said confidently.
Hindi na ako nagulat pa sa huling sinabi ng lalaking katatapos lang magpakilala bilang Chen dahil sa tinis ng boses niya noong sumigaw siya dala ng paghanga sa kaharian ng mga Diyos at Diyosa ay walang dudang kayang-kaya niyang kantahin ang isang kanta kahit gaano ito kataas.
"Park Chan Yeol, the reversal voice," the guy with elf-life ears introduced himself.
Agad ko namang nakuha ang ibig sabihin ng sinabi ng nagpakilalang Chanyeol. He calls himself 'Reversal Voice' because his baby face is contrasted by his deep, manly voice.
"Do Kyungsoo," tipid na pagpapakilala ng lalaking may hugis-pusong labi saka bigla na lang itong umalis para tahakin ang kaparehong daang tinahak nina Tao at Lay.
"Where is he heading to?" Kylie asked while frowning.
"To the kitchen. He'll also cook," Chanyeol answered.
Looks like there are two Cooking Umma in EXO. What an interesting group they are.
"I'm Byun Baek Hyun and I'm sensitive," the guy with a rectangular smile who's wearing a fake eyeglasses introduced himself.
Nang makapagpakilala na ang lahat ng miyembro ng EXO ay sunod namang nagpakilala sina Lyna, Alexa at Florida na parang mga kinikilig na ewan samantalang sina Febbie, Nhice at ang kalalakihan ay mga naka-poker face lang na nakatingin sa EXO.
Nang matapos kaming lahat magpakilala sa isa't isa ay saktong may narinig kaming ingay na nagmumula sa kusina na sinundan ng sigaw ni Tao kaya agad kaming nagtungong kusina para tingnan kung anong nangyayari.
Nang marating namin ang kusina ay naabutan namin si Tao na parang takot na takot at mangiyak-ngiyak pa habang nakatago sa likuran ni Lay at nakakapit sa damit nito habang seryoso pa rin si Lay sa pagluluto at nakasuot pa ng apron.
"What happened?" puno ng pag-aalalang tanong ni Kylie habang nakapako sa direksyon ni Tao ang kaniyang buong atensiyon.
"Th-There's a co-cockroach," nanginginig sa takot na sagot ni Tao.
"A what?" hindi makapaniwalang tanong naming lahat maliban sa EXO na mga iiling-iling lang sa tabi habang pinagmamasdan ang kagrupo nilang si Tao na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa likuran ni Lay at nanginginig sa takot.
Seriously? He's scared of a cockroach? Tss! What a shame. Ang layo nito sa itsura niya na parang hindi patatalo sa kahit anong laban.
Ang EXO na mismo ang sumagot sa tanong namin at kinumpirma nilang takot nga sa ipis si Tao, dahilan para umingay ang paligid dahil sa mga kasama naming babae na hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan. At habang nagkakagulo sila ay hinanap naman ng mga mata ko ang ipis na sinasabi ni Tao. Nang mahanap ko ito ay agad ko itong sinunog gamit ang kapangyarihan ko. I don't want any insect nor dirt to cross our mansion.
"Takot ka ba talaga sa ipis?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Alexa na bahagya pang nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa kaniyang nalaman.
"Alexa, hindi ba halata?" pambabara ni Febbie kay Alexa.
"Naniniguro lang," sagot ni Alexa na may kasama pang pag-irap dahil sa ginawang pambabara sa kaniya ni Febbie.
"I want it dead! Can someone kill it?!" nag-hy-hysterical na sigaw ni Tao at mas lalo pa siyang nagtago sa likuran ni Lay to the point na bahagya na siyang naka-bend at tanging kalahati na lang ng mukha niya ang nakasilip sa kanang balikat ni Lay.
"Too late. I already killed it even before you asked for it," I said to stop the fuss right this instant.
Agad na nabaling sa akin ang tingin ni Kylie dahil sa bigla kong pagsasalita. "Where is it? Did you-"
"Yes. I burned it," I answered before she could even finish her question. We have a connection, remember? And I know what's in her mind even before she part her lips to speak.
Dahil sa sinabi ko ay umayos na ng tayo niya si Tao ngunit halata pa rin ang takot sa mukha niya. Sakto namang natapos na sa pagluluto si Lay at sinimulan na niyang ihain sa mesa ang mga niluto niya. Tumulong na rin kami sa paghahain para mapadali ang gawain habang sina Chanyeol, Xiumin, Baekhyun at Chen naman ay lumapit kay Tao para asarin ito at hindi nila ito tinantanan hanggang sa matapos kami sa paghahain.
Isa-isa na kaming pumuwesto sa mga upuang nakapalibot sa napakahabang mesa na kinailangan pa naming gamitan ng kapangyarihan para ito'y pahabain at doblehin ang bilang ng mga upuan dahil sa dami namin. Nang makaupo na ako sa upuang katabi ni Kylie sa kaniyang kanan ay agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong nakatayo pa rin si Baekhyun sa pagitan ng mesa at ng upuang nakalaan sa kaniya na para bang may mahalaga siyang iaanunsiyo.
"Eat! Everyone, don't diet! Eat!" Baekhyun shouted which caught everyone's attention.
The heck! How can he shout at this moment? I f*cking thought that he has something important to say. Tss! What do I expect from their group? I should have known better. The word silence is not found in their vocabulary because of the group's weird members.
Napailing na lamang ako at hindi na ako nagkomento pa. Umupo na rin naman si Baekhyun kaya nagsimula na rin kaming kumaing lahat.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan mapahilot sa aking sentido dahil sa ingay ng paligid na daig pa ang merkado. May mga nagkakagulo kasi nag-aagawan sa pagkain, may mga nagkukuwentuhan, may nag-aasaran, may nagbibiruan at may mga nangungulit sa EXO katulad na lang nina Alexa, Lyna at Florida na naging fan pala ng EXO unang kita pa lang ng mga ito sa kanila sa tv. Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay ang talagang nakaagaw ng atensiyon ko ay si Kylie. Pasimple niyang kinausap ang katabi niyang si Kris na nasa kaliwa niya.
"Here. You want some?" Ky offered Kris a fried chicken.
"Chicken is not my style," tipid na sagot ni Kris na ikinabusangot ni Kylie.
Napailing na lamang ako dahil sa biglang pagbusangot ni Kylie. Hindi kasi siya sanay na tinatanggihan siya lalo na kapag nagmamagandang-loob siya. It makes her feel rejected.
"Okay," mahinang sambit ni Kylie na halata ang pagkadismaya sa mukha at boses.
"Give that to Kai instead. He loves chicken," Suho butted in which lit up Kylie's face.
What a great leader. Mukhang alam na alam niya ang mga ayaw at gusto ng kagrupo niya.
Dahil sa sinabi ni Suho ay napaayos ng upo niya si Kylie upang harapin si Kai na nasa katapat niyang upuan. Nang magkaharap sila ni Kai ay nginitian muna niya ito saka niya inilapag sa plato ni Kai ang hawak niyang isang piraso ng fried chicken.
"Th-Thanks," tila naiilang na pasasalamat ni Kai na tipid lang na nginitian si Kylie.
Babalik na sana ako sa pagkain ko nang makarinig na naman ako ng boses mula sa isa sa mga miyembro ng EXO.
"Suho-hyung, I want meat," naglalambing na sabi ni Sehun sa lider nila na nasa katapat niyang upuan.
Bago pa man kumilos si Suho para ibigay kay Sehun ang gusto nito ay naunahan na siya ni Baekhyun. Mabilis na kumilos si Baekhyun para kumuha ng pork steak saka maingat niya itong iniumang sa bibig ng katabi niyang si Sehun na panay ang pa-cute sa harapan ng lider nila para maglambing.
"Here," wika ni Baekhyun at hinintay na muna niyang ibuka ni Sehun ang kaniyang bibig bago niya isinubo rito ang lamang pork steak ng kutsarang hawak niya.
Nang simulan na ni Sehun na nguyain ang isinubong pagkain sa kaniya ni Baekhyun ay bumalik na rin sa pagkain niya si Baekhyun. Babalik na rin sana ako sa pagkain ko nang marinig kong mag-ingay na naman si Baekhyun.
"Yum!" malakas na sambit ni Baekhyun saka malakas na nginuya-nguya niya ang pagkaing nasa bibig niya na lumilikha ng ingay.
Sinasadya ni Baekhyun na gumawa ng ingay sa pagnguya niya ng pagkain kaya buong hapunan ay panay ang pukol sa kaniya ni D.O ng masamang tingin na tanging apektado sa ginagawa nitong pag-iingay dahil minabuti na lamang naming magbingi-bingihan para matiwasay kaming makapaghapunan.
Other than that, nothing special really happened during our first meal together. We just chat a lot during and after our meal, trying to get to know each other. And I must admit, they were somewhat weird but in a good way. But they kept on insisting that they are not weird, that they are just special. Tss. Special? More like they are their own species.
It's kinda shocking at first how stupid and childish the EXO members are. My expectation and first impression on them is a bit different of how they behave and act behind the camera. It's also a good thing that EXO members were just being themselves. They act without any pretension even if that means embarrassing themselves in front of us. Each member of the group is such a dork and I guess they will never grow up. For goodness sake! They like to tease each other even in front of the food. They don't know how to act civil and proper.
This group is such a mess.
A/N: It's been what? A year? Haha! Inaamag na ang kwentong ito. Pero salamat kina materesajerez13 at Raven_Crown na nag-post sa wall ko para ipaalalang may story pala akong malamit na amagin😂 I can't promise to update every week but I'll try. May draft naman na ako kaya may susundan na akong daloy ng kwento.
Anyway, I just want to promote my facebook page. Pangalan po niya is Thartzo9: Stories & Updates. Kung gusto po ninyong maging updated sa kwentong ito, feel free to like and follow my page para kahit wala kayong load pang-wattpad at naka-free data lang kayo ay malalaman pa rin ninyo kung may update na ako rito. See you there🙆🏻♀️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top