CHAPTER 6: What We've Got

KYLIE'S POV

Matapos naming makabuo ng plano ay agad kaming kumilos ni Ken para muling subukang kumbinsihin ang mga hinirang na sumama sa aming mundo at makipaglaban sa kasamaan kasama namin. Hindi na namin pinayagan pang sumama ang iba maliban kina Kobe at Ace dahil baka makagulo lang sila. I don't want them to ruin everything just because of their silly acts. Yes, they can be useful pero malaking sagabal din sila. Magbabangayan lang 'yong mga 'yon doon.

"Aalis na kayo?" Yda asked in a lonesome voice when her gaze met ours.

"Yes," tipid kong sagot at nagtuloy-tuloy na ako sa pagbaba ng hagdan kung saan nakaabang si Yda sa aming pagbaba mula sa pinakadulong baitang.

Bigla na lamang sumulpot si Lyna sa tabi ni Yda nang saktong makababa kami ng hagdan.

"Hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" nakasimangot na tanong ni Lyna na bakas sa tono ng boses ang pagtatampo.

"We already talked about this," I said in an authorative voice para tumigil na sila.

I don't want to argue over this matter. We are in a mission and this kind of attitude is a no-no for me.

Magsasalita pa sana si Alexa na nasa sala nang maunahan siya ni Red na kagagaling lang ng kusina.

"Sige na. Umalis na kayo. Kami nang bahala sa mga 'to," pagsingit ni Red sa usapan habang cool na cool na nakapamulsa malapit sa mismong hagdan.

"Sisiguraduhin naming hindi sila lalabas ng mansion," dagdag pa ni Sky.

"Kung kailangang itali, gagawin namin. Huwag lang silang sumunod sa inyo," seryosong saad ni Matt as an assurance para hindi na kami mag-alala pa na baka sumunod iyong tatlong isip-bata at makigulo sa misyon namin.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ng mga kalalakihan. They really know when to butt in and what to say in a situation like this.

"Hmmp!" Napairap na lang sina Alexa, Lyna at Yda sa amin. Wala naman na kasi silang magagawa kundi ang makinig dahil kahit pa alam naming nagbibiro lang 'yong mga lalaki ay hindi pa rin sila magdadalawang-isip na totohanin 'yon kapag pinairal nilang tatlo ang katigasan ng mga ulo nila.

"Thank you, guys. Geh. We have to go," kapagkuwan ay paalam ko sa kanila.

"Mag-iingat kayo." Tipid lang na ngumiti si Nhice para itago ang lungkot sa mga mata niya. Ayaw na ayaw kasi niya na nagsasarili kami ni Ken. It makes them feel unworthy and unreliable.

"Siguraduhin ninyong magtatagumpay kayo sa misyon ninyo," mahigpit na bilin ni Febbie na hindi maalis-alis ang tingin sa flatscreen tv na nasa sala kung saan ay naka-flash sa screen nito ang isang Korean Drama.

Tss. Kailan pa sila nahilig sa Korean Drama?

"We will. I promise," tanging sabi ko na lang at tuluyan na kaming umalis ng mansion nina Ken, Kobe at Ace nang magkakasama.

Just like before, we teleported to wherever our teleportation ability will bring us. At dahil sa koneksyon na mayroon kami ng mga hinirang o mas kilala sa tawag na EXO ay hindi na kami nahirapang matunton ang kinaroroonan nila.

Basta na lang kaming sumulpot na apat sa isang dorm kung saan nabungaran namin ang EXO na mga nakaupo pabilog sa sahig ng living room at naglalaro ng kung anong larong hindi ko maintindihan. Basta't panay ang hampasan nila at sakitan kapag may natatalo. All in all, it was a total chaos. Para kaming nasa isang playground at nanonood ng mga nagkakagulong bata.

Agad na napahinto ang EXO sa ginagawa nila at nabaling sa amin ang kanilang atensiyon nang sa wakas ay maramdaman na nila ang aming presensya.

"What are you two doing here?" EXO's leader asked while giving us a cold stare.

"Hyung, they're four, not two," pagtatama ng lalaking may tainga na parang sa isang duwende at itinuro pa sina Kobe at Ace na tahimik na nakatayo sa likuran namin ni Ken.

"Those two were just like an audience. They will just watch us the whole time like last time, so why bother acknowledge their presence?" EXO's leader replied in a mocking voice as he sneered at Ace and Kobe's direction.

"Aba't—"

Bago pa magkagulo ay agad na akong kumilos. Mabilis kong idinipa ang kanang braso ko para harangin si Ace para hindi siya makalapit sa lider ng EXO.

"Ace, calm down. We came here to negotiate not to start a fight," pagpapaalala ko kay Ace para hindi siya gumawa ng ano mang makasisira sa planong napagkasunduan namin.

Nang maramdaman kong kumalma na si Ace ay kaagad ko nang ibinaba ang braso kong nakaharang sa kaniyang daraanan.

"Pasalamat kang Koreano ka at kailangan namin kayo nang buhay," nagpipigil sa galit na saad ni Ace na tinugon lang ng lider ng EXO ng pag-ismid.

I faked a cough to get their attention. Mukhang nagkakainitan na sina Ace at ang lider ng EXO. But no, they shouldn't make a scene. Baka tuluyan na kaming mawalan ng pag-asa na makumbinsi ang mga hinirang na sumama sa amin kapag nagkataon.

Nang makuha ko na ang atensiyon ng lahat ay agad ko nang inilatag ang aming alok na tiyak kong hindi matatanggihan ng EXO.

"Like what I said, we're here to negotiate. Give us a chance to show you everything we got and hear us out. After that, you are free to decide whether to come with us or not. The choice is all yours. We'll just do what we can do to convince you," I negotiated.

I know there's no assurance that everything will go as planned, that they'll choose to trust us and face their fate as the descendants of the Gods and Goddesses. But we don't have any choice. We have to take the risk. We have to show them everything that we've got. That's the only way to convince them.

"Sounds good," the guy with panda eyes commented before turning his gaze at their leader. "Suho-hyung, why not give them a chance? There's no harm in letting them show us what they've got. Who knows, maybe they were telling the truth all along," he tried to convince their leader into saying yes to our offer.

EXO's leader sighed in defeat. "Fine. But in one condition."

Bigla naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ng lider ng EXO. This is it!

"What is it? Say it," Ken asked while trying to refrain himself from smiling.

From the look on Ken's face, I know he's happy knowing that the descendants are willing to give us a chance to prove them that what we said were all true.

"You won't appear before us again if we still say no after all your efforts to convince us," EXO's leader also negotiated.

What the EXO's leader said made us heave a deep sigh. Like what I said, walang kasiguraduhang mapapapayag namin sila matapos naming magawa ang planong napag-usapan namin. But still, we have to take the risk. This is the only way and the only choice that we have right now. Kailangan naming sumugal.

"Deal," pagpayag namin ni Ken sa kondisyong hinihingi ng lider ng EXO.

"After this, if you still say no, you'll never see us ever again," I firmly stated to close the deal so that we can proceed to our next step.

"Good. Now, what do you want to show us?" EXO's leader asked impatiently.

"Just stay in your position," I instructed the EXO when they tried to get up from their seats.

Bago pa muling kumilos ang sino man sa EXO ay agad ko nang binalingan sina Kobe para ibigay ang aking hudyat.

"Kobe, Ace, you know what to do," pagbibigay hudyat ko kina Ace na sinagot lang nila ng pagtango.

"Ky, the hologram," pagbigay ni Ken sa akin ng signal.

"Got it," mabilis kong tugon kay Ken na para bang may hinahabol kaming oras at hindi kami maaaring mahuli kahit ilang segundo lang.

Agad kong ginawa ang iniutos sa akin ni Ken at mabilis kong ipinakita sa mismong sentro ng bilog na ginawa ng EXO ang isang 3-D hologram, showing what happened in the past. From the war which happened almost three decades ago na dahilan ng pagkapadpad ni ina sa mundo ng mga mortal, ang pagbuwis ng buhay ng maraming tao during the war hanggang sa muling digmaang naganap between our parents and Tita Mathilde who was under the influence of the Goddess of Darkness. Ipinakita rin namin ang lahat ng hirap at sakripisyo ng mga kalahi namin especially our mother, Kiana, na ibinuwis ang sarili niyang buhay for the sake of every living creatures, mapa-charmers, tao, hayop o ano man. Hindi rin namin pinalampas ang pagpapakita sa kanila ng naging buhay ng charmers sa loob ng dalawang dekadang nakalipas na malayo sa ano mang kaguluhan which is all thanks to my mom's sacrifice.

Matapos naming maipakita sa EXO ang kasaysayan ng aming mundo ay sunod naman naming ipinakita ang posibleng mangyari sa aming mundo at sa mundo ng mga mortal sa oras na magtagumpay ang kasamaan sa pagsakop sa buong sanlibutan.

Nang mawala ang hologram ay isa-isa kong tinapunan ng tingin ang bawat miyembro ng EXO. They have mixed emotions. May ibang natuwa sa napanood nila, may mga na-amaze, may parang nabitin at may parang mga naiiyak na ewan. But what really caught my attention is their leader's emotionless and expressionless face. He doesn't look satisfied. His eyes were asking for more. He wants more. He's not yet convinced.

Pigil ko ang aking hininga nang mapansin ko ang dahan-dahang pagtayo ng lider ng EXO habang tila malalim ang kaniyang iniisip. Nang tuluyan na siyang makatayo ay malalaki ang hakbang na lumapit siya sa amin habang wala pa ring kahit anong emosyong mababakas sa kaniyang mukha.

"Is that all?" nakataas ang kilay na tanong ng lider ng EXO na halata ang pagkadismaya sa paraan ng kaniyang pagsasalita. "What about your charms that you were talking about?"

I heaved a deep, heavy sigh in relief. Goodness gracious! I thought he'll gonna say no. Argh! I should calm down. Being this anxious wouldn't do me any good. I have to calm down and do something to make them say yes.

"We wanna see it. We wanna see what else you can do," the one named Xiumin said who can't hide his excitement any longer.

Agad namang sumang-ayon ang isa pang miyembro ng EXO sa sinabi ni Xiumin. At para pagbigyan ang kahilingan nila, ipinakita rin namin ni Ken ang mga kaya naming gawin gamit ang aming kapangyarihan at kakayahan para patunayan sa kanilang totoo ang mahika. Ginawa naming yelo ang sahig, nilagyan namin ng mga baging ang mga bintana na nagmistulang kurtina, pinaulan namin sa loob, nagpatubo kami ng mga halaman, nag-summon kami ng rabbit at squirrel, pinagalaw at pinalutang ang appliances, furniture and fixtures, and a lot more. But before that, we showed them the real color of our eyes and hair. Nagpalit din kami ng kasuotan ni Ken sa mismong harapan nila. Ken is now wearing a prince outfit with a crown on his head and in my case, it's obvious that I am now wearing a princess outfit with a tiara. Sinugatan din namin ni Ken ang mga sarili namin at ipinakita sa kanila kung paanong maging ginto ang aming dugo.

Tutok na tutok sa amin ang lahat ng miyembro ng EXO at puno ng paghanga at pagkamangha ang kanilang mga mata hanggang dulo.

"That's not yet the end of it," Ken stated afterwards which made the EXO's eyes widen in shock.

"Are you kidding, man?" the guy with an elf-like ears asked who was the first one to recover from the shock that Ken caused them.

"I'm not a f*cking clown so I don't joke around. What I'm about to say is f*cking serious. This is between life and death, peace and chaos, and light and darkness," malamig na tugon ni Ken na unti-unti nang nawawalan ng pasensya dahil ayaw na ayaw niyang nagpapakitang gilas. Mas gusto pa niyang magbasa ng libro nang tahimik kaysa ipagmalaki sa iba ang mga kaya niyang gawin.

"Spill it."

"Stop the suspense."

"Drop the bomp, dude."

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, ako na mismo ang nagsalita in behalf of Ken dahil alam ko namang wala siyang balak magsalita lalo pa't mahaba-haba ang dapat ay sasabihin niya.

"Like what I said before, you guys are the descendants of the Gods and Goddesses," panimula ko.

Saglit muna akong tumigil para bigyan ng saglit na panahon ang EXO na iproseso sa mga utak nila ang sinabi ko na pinagtawanan lang nila noong nakaraan. Nang mapansing kong tila abang na abang na ang ilan sa kanila sa sunod kong sasabihin ay muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"And as the descendants of the twelve Gods and Goddesses, and us, being the children of the girl in the prophecy, we are bound to protect the immortal world together just like what our parents did two decades ago. We are destined to exterminate the darkness that becomes a threat in our peaceful life. A darkness that is about to rise again. A darkness which we didn't expect. A darkness which can only be exterminated with our combined powers," I stated, relaying to them the content of the prophecy so they would realize that they are a crucial part of it.

I expect them to ask me endless questions, to oppose what I just said, but it was the opposite thing that happened. Their eyes were now full of admiration and... determination? Wait. Does that mean that they will now accept their fate as a descendant? Are they now willing to help us with our duty? Are they now one of us?

"Heroic," the EXO subconsciously uttered which gave me hope.

They were on it! A little more encouragement and they will be convinced. Kaya itotodo ko na 'to. Kailangang alisin ko ang pag-aalingan na mayroon sila. In our world and in the situation we are in right now, there's no place for doubts. What we need right now is trust and unity in order to win this battle.

"Just in case you haven't made up your mind yet..." I intentionally paused to give Ken the privilege to talk. It was his plan anyway, so he should be the one sharing it to them. I already did my part. Now, it's his turn to show them his capacity to be a leader. Na hindi lang siya puro angas like what the EXO expect him to be based on their expressions and the way they look at Ken.

"We'll bring you to the place of your origin. We'll bring you to the kingdom of the Gods and Goddesses," Ken continued.

EXO's jaws literally dropped. All were silent. No one dared to break the silence. They were still dumbfounded and they were still processing what they just heard.

"Pwedeng sumama?" biglang tanong nina Kobe at Ace na mga nakanguso na at mga tanging nangahas na magtanong at basagin ang katahimikang bumabalot sa apat na sulok ng dorm.

"Alam ninyong hindi maaari ang nais ninyo," I said dryly which made the twins pout even more.

"Bakit naman?" nakangusong tanong ng kambal.

"Wala kayong dugo ng isang Diyos o Diyosa. Hindi ninyo magagawang makatawid sa mundo nila," paliwanag ko para hindi isipin nina Kobe at Ace na ayaw namin silang isama.

"In addition to that, we are not allowed to bring anyone without the Gods and Goddesses' approval," Ken added.

"Bakit sila pwede? Wala rin namang pahintulot—" Before Kobe could even finish his rant, Ken cut him off.

"Because the power of the Gods and Goddesses run in their bloods. And bringing them to the kingdom of the Gods and Goddesses will help us with our mission. It is for the welfare of every creature in the world, living or dead," Ken elaborated.

Naintindihan naman na ng kambal ang gusto naming iparating kaya napahalukipkip na lamang sila na wari'y nagtatampo.

Nang mapansin naming bumalik na ang lider ng EXO sa kanina ay puwesto nito ay lumapit kami ni Ken sa EXO at pumuwesto sa pagitan ng leader nila at ng lalaking tahimik lang na nakaupo habang may kung anong nilalaro sa kamay niyang stuffed toy.

"Hold each other's hand," agad na utos ko sa mga kapwa namin hinirang pagkaupo na pagkaupo namin ni Ken na agad naman nilang sinunod.

Ako na ang humawak sa kamay ng lider ng EXO at ganoon din ang ginawa ni Ken sa katabi niya dahil mukhang nag-aalangan pa silang hawakan kami ni Ken.

"Kobe, Ace, stay where you are. All you have to do is to nullify the energy that we'll create. And make sure that no one will disturb us and wake us up," mahigpit na bilin ni Ken kina Ace at Kobe.

An authorative aura started to surrounds Ken. He looks scary and intimidating, but for me, he's still the sweet, caring and protective brother I used to know. Nagiging ganiyan lang naman 'yan sa ibang tao, but not on me. At kahit maging ganiyan pa siya sa akin, still, it won't work on me. I'm immune to that kind of look and expression on his face.

"Masusunod," magkapanabay na tugon ng kambal na may kasama pang pagsaludo na ikinailing ko na lang.

"Good. After this, you'll get your reward. Just be a good boy," Ken stated which made me look at his direction.

Hmm... Mukhang alam ko na kung anong reward ang tinutukoy ni Ken.

Kobe and Ace frowned. "Anong reward?" walang kaide-ideyang tanong ng kambal.

"I'll grant your wish. We'll use our power on you so you could talk in English just like what you've always wanted," Ken answered.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ng kambal kasabay ng panlalaki ng kanilang mga mata dahil sa sinabi ni Ken. Nang maka-recover sila mula sa kanilang pagkagulat ay bigla na lang silang nagtatatalon sa tuwa na parang mga batang nabigyan ng chocolate. They were so happy, to the point na lumapit pa sila sa amin ni Ken at mahigpit kaming niyakap. Pero agad din naman silang bumitiw at bumalik sa pwesto nila nang pareho naming pag-apuyin ni Ken ang mga katawan namin, dahilan para mapaso sila.

Nang umayos na sina Kobe at Ace ay bumalik na kaming lahat sa aming konsentrasyon.

"Now, close your eyes. Pakiramdaman ninyo ang inyong paligid at alisin o kalimutan ninyo ang lahat ng bumabagabag sa inyo," paggabay ko sa ibang mga hinirang na tiyak kong walang kaide-ideya kung paano namin magagawang tumawid sa kaharian ng mga Diyos at Diyosa.

Kahit nakapikit ako ay alam kong pinaikutan na kami ng kakaibang liwanag. I can sense it. Ramdam ko rin ang paglitaw ng magic circle sa gitna ng bilog na ginawa namin. Makalipas lang ang ilang minuto ay nasa kaharian na kami ng mga Diyos at Diyosa. The place of their origin. The place of our origin.

"Woah!"

"Ahwaee," someone whined from behind.

"Cool!"

"Fantastic!"

"Amazing!"

"Unbelievable!"

"Splendid!"

"Magnificent!"

"Awesome!"

Isa-isang nagkomento ang EXO habang manghang nakatingin sa paligid.

"Marshmellow..." pakantang sabi ni Xiumin, dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa. Such a cutie. Oops! It doesn't mean anything. I just find him cute. He's so childish. I wonder if he's the maknae of the group. Well, I'll find it out soon.

Ken faked a cough, dahilan para bumalik ako sa aking huwisyo at umayos ako ng tayo. Agad namang nahagip ng paningin ko si Ken na masama nang nakatingin sa akin. Pinaningkitan pa niya ako ng mata nang magtagpo ang aming tingin bago niya binalingan ng tingin ang EXO na nasa bandang likuran namin.

"Let's go. Sa throne room tayo," yaya ko sa mga kasama ko sa malamig na boses habang pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili kong matawa.

Kailangan kong maging maingat sa pagpapakita ng emosyon ko. Galit na si master. Baka mamaya gamitin na naman niya ang pagiging panganay niya "raw" para parusahan ako. Tss! Halos magkasabay lang kaya kaming ipinanganak. Nauna lang siya nang ilang segundo. Kasalanan ko bang na-traffic ako sa sinapupunan ni ina kaya hindi ako kaagad nakalabas. Tss.

Panay ang linga ng EXO sa paligid habang tinatahak namin ang daan patungong throne room na parang mga batang namamasyal.

Buong akala namin ay magagalit sa amin ang mga Diyos at Diyosa dahil sa pagdala namin sa mga hinirang sa kanilang kaharian nang walang pahintulot nila. Kaya laking gulat namin nang mainit na pagsalubong ang bumungad sa amin.

"Maligayang pagdating sa aming kaharian!" sabay-sabay na bati sa amin ng mga Diyos at Diyosa na nakaagaw ng atensiyon ng mga kasama namin.

Halo-halong emosyon ang mababakas sa mga mukha ng EXO. Nariyan ang pagkamangha, pagkagulat at paghanga.

"Meet the Gods and Goddesses, your descents. They will explain the rest to you," tanging sinabi ni Ken bago siya tumabi para magbigay daan sa mga hinirang kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Lumapit ako sa mismong kinaroroonan niya at tumabi ako sa kaniya ng tayo.

"Sa wakas at nagkaharap-harap din tayo, aming mga hinirang," wika ng Diyos ng Pag-ibig sa nananabik na boses.

"Lahat ng sinabi at ipinakita sa inyo ng kambal na hinirang ay totoo," wika naman ng Diyosa ng Buhay at Kamatayan saka ipinakita sa mga katulad din naming hinirang kung paanong napili ang kanilang mga ina na magluwal sa kanila. Ngunit hanggang doon lang ang ipinakita nila.

Pansin kong magtatanong pa sana ang lider ng EXO nang maunahan siya ng Diyosa ng Tubig na siyang humirang sa kaniya. Marahil ay nabasa nito kung anong tanong ang bumabagabag sa kaniya dahil sa koneksyon na mayroon sila bilang humirang at hinirang.

"Ngunit marami pa kayong kayang gawin at taglay na kapangyarihan. Ngunit malalaman at madidiskubre ninyo lamang iyon kung bibigyan ninyo ng pagkakataon ang magkapatid na kayo'y sanayin upang kayo'y maging handa sa nalalapit na digmaan. Ang tanong, payag ba kayong makipaglaban sa ngalan ng kapayapaan?" mahabang saad ng Diyosa ng Tubig.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin matapos sambitin ng Diyosa ng Tubig ang katanungang magtatakda ng kinabukasan ng dalawang mundo.

"With everything that have been said and done..."

Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba dahil ang paraan ng pagsasalita ng lider ng EXO ay tila ba hindi pa rin ito kumbinsido. Parang may pagdududa pa rin siya na hindi pa naaalis.

'God, please help us. This is a matter between life and death,' piping hiling ko habang pigil-hininga kong inaabangan ang sunod na sasabihin ng lider ng EXO.

"Payag na kami," sabay-sabay na saad ng EXO.

Agad na nagliwanag ang mukha ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapayakap kay Ken dahil sa labis na tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nagtagumpay kami. Nagawa namin ang misyon namin. Buo na kaming mga hinirang sa pagsugpo ng kadiliman.

Ken hugged me back and whispered something on my ear as he gently combed my hair using his fingers. "We did it."

What Ken said made me smile. Yes, we did it. We both did it!

Mangiyak-ngiyak sa tuwa na humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Ken saka ako muling umayos ng tayo upang pakinggan ang pag-uusap ng mga kapwa namin hinirang at ng mga Diyos at Diyosa. Umayos din naman ng tayo niya si Ken at mas lumapit pa siya sa akin at ipinulupot ang kaniyang braso sa aking baywang at tahimik din niyang pinakinggan ang pakikipag-usap ng mga Diyos at Diyosa sa EXO.

"Mabuti kung ganoon. Ngayon ay humayo na kayo at bumalik sa inyong mundo upang simulan ang pagsasanay," pagtatapos ng Diyos ng Digmaan sa kanilang usapan ng mga kapwa namin hinirang.

"Wait. I have one last question," the guy with a perfect jaw line said while raising his hand.

"Ano 'yon, aking hinirang?" tanong ng Diyosa ng Hangin sa malambing na boses na animo'y nakikipag-usap siya sa kaniyang anak na nasa sampung taong gulang.

"How about our parents?" may himig ng pag-aalalang tanong ng lalaking kanina ay nagtaas ng kamay.

"Huwag ninyo na silang isipin pa. Kami nang bahalang magsabi sa kanila ng lahat. Matagal na nilang alam na mangyayari 'to. Na mawawalay kayo sa kanila dahil sa inyong tungkulin bilang mga hinirang. Napaghandaan na nila ang araw na ito," mahabang tugon ng Diyosa ng Hangin na ikinahinga nang maluwag ng EXO.

"If that's the case, just sent them our regards," tugon ng descendant ng Diyosa ng Hangin habang may munting ngiti sa kaniyang labi.

"Makakarating," wika ng Diyosa ng Hangin at matamis itong ngumiti sa kaniyang hinirang.

Nang mapansin naming tila wala na namang mga tanong ang sino man sa EXO ay agad na kaming nakisali ni Ken sa usapan para magpaalam.

"Mga mahal naming Diyos at Diyosa, kami po ay lilisan na," puno ng paggalang na paalam ko sa mga Diyos at Diyosa habang bahagya nang nakatungo ang aking ulo bilang tanda ng aking paggalang.

"Ipagdarasal namin ang inyong tagumpay. Nawa'y tuluyan na ninyong mawakasan ang kasamaan. Hanggang sa muli," huling sinabi ng God of Wealth bago niya ikinumpas ang kaniyang kamay upang ibalik kami sa mundo ng mga tao.

A/N: Sorry po kung hindi na ako weekly nakakapag-update. Start na kasi ng klase namin at marami na masyadong mga ginagawa. Linggo lang ako vacant kaya pahirapan mag-update. Sana maintindihan ninyo. Anyways, leave your comment inline or outline kung may feedback kayo regarding this chapter either positive or negative. Or you can directly message me if you want. Thank you and God Bless

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top