CHAPTER 2: Their Connection
KYLIE'S POV
"Now, what? Saan tayo magsisimulang maghanap? At paano natin sila hahanapin nang hindi gumagamit ng kahit anong kapangyarihan upang hindi tayo matunton ng kalaban?" sunod-sunod na tanong ko kay Ken at pinagtaasan siya ng kilay.
Gabi na at nasa sala kami ngayon ni Ken, nag-uusap ng magiging hakbang namin ngayong nasa mundo na kami ng mga tao. Hindi naman kasi pwedeng magpadalos-dalos kami ng desisyon at basta na lang kaming kumilos. Kailangang pagplanuhang mabuti ang lahat. Kaunting panahon lang ang mayroon kami para mahanap ang mga hinirang. Hindi kami dapat mag-aksaya ng panahon.
"Wait. Do you remember what the Gods and Goddesses told us after we had our vision of what's in the prophecy?" Ken asked all of a sudden which made me frown.
Anong mayroon sa sinabi ng Gods and Goddesses? At anong kinalaman nito sa misyon namin? And what did they say anyway?
All my questions were answered through a flashback of the conversation that we had during the night of our eighteenth birthday.
"Ang totoo niyan ay matagal na naming alam ang tungkol sa hari ng kadiliman. Bago pa man madiskubre ang mundong ito at hiranging itinakda ang ina ninyong si Kiana ay may gumagala nang espiritu ng dilim na hinihinalang hari ng Kadiliman. Ngunit walang nakakaalam ng eksaktong kinalalagyan nito at wala pang nakakapagpatunay na totoo nga ito kaya hindi na namin ipinaalam sa inyo at sa lahat dahil ayaw na namin kayong mag-alala pa. At higit sa lahat, wala kaming pruweba. Hindi kami nakasisiguro kung totoo ngang may hari ng kadiliman. Ayaw naming maghatid ng takot sa lahat ng nilalang na naninirahan sa Fantasia kaya pinanatili naming lihim ang tungkol dito hanggang sa bigla na lang nagkagulo dahil sa mga rebelde at sa kambal na diwata na ginamit ang katawan ni Mathilde para sa maitim nilang balak. Nang malaman namin ang tungkol sa pananatili ni Luciana sa Dark Forest na dahilan ng paglakas ng kaniyang kapangyarihang taglay ay naghinala na kaming may nakatagong hiwaga sa gubat na iyon na walang ibang nakakaalam maliban sa kaniya. Kaya naman ay inalam namin ang laman ng memorya ni Luciana na kinuha namin mula sa kaniyang isipan bago namin siya ipatapon sa mundo ng mga tao. At doon namin nalaman at napatunayang totoo ngang may hari ng kadiliman at ito ang tumulong kay Luciana," mahabang salaysay ng Goddess of Wisdom na nagbigay linaw ng lahat. Ngunit sa kabila ng lahat ng nalaman namin mula sa kaniya ay hindi pa rin nabibigyang kasagutan lahat ng aming katanungan. Bagkus ay mas dumami lang lalo ang katanungan sa isipan ko at alam kung ganoon din si Ken.
"Alam na pala ninyo, tapos wala man lang kayong ginawa matapos ninyong malaman ang katotohanan? Ni hindi nga ninyo sinabi sa amin ang mga nalaman ninyo," dismayadong wika ni Ken na hindi man lang nagdalawang-isip na sumbatan ang mga Diyos at Diyosa na nasa harapan namin dahil sa paglilihim nila.
I know it was kind of rude of him, but I understand him. Kahit naman ako, gustong-gusto ko rin silang sumbatan pero nagpipigil lang ako dahil alam kong wala itong maitutulong. We're in the midst of crisis, ngayon namin mas kailangan ang pang-unawa ng isa't isa. And besides, they are the Gods and Goddesses. I'm certain that they know what they are doing.
"Iyon ay dahil hindi pa panahon para malaman ninyo ang totoo. Wala rin kami sa lugar para pangunahan ang kapalarang ipaalam sa inyo ang tungkol sa bagay na ito," pagpapaliwanag ng God of Love sa baritonong boses at tila ba hindi man lang ito naapektuhan sa ginawang pagsumbat sa kanila ni Ken. Mukhang inaasahan na nilang ganito ang magiging reaskyon namin matapos nilang ipagtapat sa amin ang buong katotohanan na matagal nilang itinago sa amin.
"Narito lang kami para kayo'y gabayan. Wala kaming ibang pwedeng gawin kung hindi ang manood mula sa malayo at bigyan kayo ng mga babala sa pamamagitan ng isang propesiya," dagdag pa ng God of Nature na hindi ko na ikinabigla pa dahil matagal na namin alam ang tungkol sa bagay na iyon.
Hindi sila maaaring kumilos nang walang pahintulot mula kay Bathala ayon kay ina. Maaari lang silang makialam sa mga pangyayari sa aming mundo kapag may basbas Niya at kapag talagang hindi na kaya ng charmers na harapin ito nang sila lang. Pero syempre, limitado pa rin ang tulong na maibibigay nila. Kailangan pa ring ang mga charmer mismo ang makaresolba ng mga problema at hamon na dumarating sa kanila dahil ito ang paraan ng mga nakatataas upang kami ay patatagin, subukin at turuan ng leksyon at aral sa buhay.
"At tungkol naman sa iyong katanungan kung wala ba kaming ginawa, nagkakamali ka kung inaakala mong wala kaming ginawa," seryosong saad ng God of War sa baritonong boses.
Agad na nangunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko dahil sa huling sinabi ng God of War. At kahit hindi ko balingan ng tingin si Ken ay alam kong ganoon din ang reaksiyon niya dahil sa biglaan niyang pananahimik.
Hindi pa man kami nakakabawi mula sa pagkagulat ay muli nang nagsalita ang isa sa mga Diyosa.
"Nang malaman namin ang totoo ay agad kaming kumilos. Habang ang mga magulang ninyo ay abala sa paghahanda sa nakaraang digmaan ay abala rin kami sa paghahanap ng mga babaeng may busilak na kalooban na tanging nararapat na magluwal ng mga hinirang na makakatulong ninyong dalawa sa pagharap sa pinakamalakas na alagad ng dilim," mahabang pahayag ng Diyosa ng Buhay at Kamatayan.
"Mga hinirang? Ibig ba ninyong sabihin ay may iba pang nakatakdang sumugpo sa kadiliman bukod sa amin?" naguguluhang tanong ko.
Hindi ko na napigilan pang ibuka ang aking bibig para magtanong dahil gulong-gulo na ako sa mga nalalaman ko. Walang katapusang rebelasyon ang nangyayari sa gabing ito. Rebelasyong konektado sa hamong aming kahaharapin. Hamong susubok sa aming lakas, kapangyarihan, pagkakaisa at pananalig.
"Ganoon na nga. At kakailanganin ninyo ang tulong nila upang ipanalo ang labang ito. Hindi na marahil lingid sa inyong kaalaman na wala nang magagawa ang inyong ina para tumulong sa pagkakataong ito kahit na siya pa ang tinuturing na pinakamalakas na charmer. Kabilang na siya sa amin kaya hindi siya maaaring makialam sa mga kaganapan sa mundong ito maliban na lang kung may pahintulot ni Bathala," mahabang tugon ng Goddess of Wisdom.
"Naiintindihan namin ang bagay na 'yan," magkapanabay na sagot namin ni Ken na ngayon ay kalmado na at tahimik na lamang na nakikinig sa iba pang sasabihin ng mga Diyos at Diyosa katulad ko.
"Mabuti kung gano'n. Maari na kayong bumalik sa inyong mu-" Hindi pa man natatapos magsalita ang Goddess of the Sea ay agad na akong pumagitan at pinutol ang ano mang sasabihin niya.
"Sandali. May tanong ako," mabilis kong pagsingit para pigilan ang Goddess of the Sea na matapos sa kaniyang pagsasalita.
"Ano 'yon?" magkapanabay na tanong ng mga Diyos at Diyosa sa malamyos at baritonong boses na musika sa aming pandinig.
"Sino ang iba pang hinirang? At saan namin sila mahahanap?" sunod-sunod kong tanong sa pag-aakalang maibibigay nila ang sagot na hinahanap ko na makakatulong sa amin sa paghahanap ng mga hinirang na sinasabi nila at ng propesiya.
"Patawad ngunit hindi namin masasagot ang katanungan mong 'yan. Maging kami ay hindi namin alam ang eksaktong kinaroroonan nila. Sa panaginip lamang ng mga natatanging babae kami nakikipag-usap sa kanila. Sa pamamagitan din ng panaginip namin inihandog sa kanila ang aming biyayang buhay na iniluwal nila na siyang magliligtas sa sanlibutan," mahabang tugon ng Goddess of Life and Death.
Bigla na lamang akong nanlumo dahil sa sagot ng Goddess of Life and Death. Buong akala ko pa naman ay may alam sila kung saan namin maaaring matagpuan ang mga hinirang. Ngunit nagkamali pala ako. Wala silang alam at wala silang magagawa upang tulungan kami ni Ken na mapadali ang aming paghahanap sa mga hinirang.
"Kung ganoon, paano namin sila mahahanap?" biglang tanong ni Ken na umagaw ng atensiyon ko.
Mukhang determinado pa rin si Ken na mahanap ang mga hinirang kahit wala kaming tulong na matatanggap mula sa mga Diyos at Diyosa.
"Bilang mga hinirang ay may koneksyon kayo sa isa't isa. Kahit magkakalayo kayo ay mararamdaman ninyo ang presensya ng isa't isa," pahayag ng Goddess of Beauty.
Hindi pa man ganap na napoproseso ng utak ko ang sinabi ng Goddess of Beauty ay may isa na namang nagsalita sa kanila na umagaw sa aking atensiyon.
"Bukod pa riyan ay may mga marka rin sila sa iba't ibang parte ng kanilang katawan na tanda na sila'y mga hinirang at ito rin ay simbolo ng kapangyarihang taglay nila katulad ng mga markang nasa mga braso ninyo," dagdag pa ng Goddess of Light sa sinabi ng Goddess of Beauty.
"Hanggang diyan na lang ang maitutulong namin sa inyo, mga bagong itinakda. Nawa'y makatulong ito upang madali ninyo silang mahanap bago pa mahuli ang lahat at bago pa mangyari ang bagay na kinatatakutan nating lahat na maganap," pagtatapos ng God of War sa aming usapan.
"Paalam. Hanggang sa muli," paalam nilang lahat bago nila kami ibinalik sa aming mundo.
"Tama!" I squealed in excitement dahil kahit papaano ay may clue na kami na makakatulong sa misyon namin. "We have our so-called connection. But still, how can we use it? Paano ito makakatulong para mapadali ang paghahanap natin sa kanila?" I asked afterwards nang ma-realize kong hindi pa rin sapat ang clue na hawak namin para mapadali ang aming misyon. Ni hindi nga namin alam kung anong koneksyon ang tinutukoy ng mga Diyos at Diyosa at kung paano namin ito magagamit.
Bigla namang napaisip si Ken dahil sa tanong ko. He was thinking for some possible ways to accomplish our mission for a minute or two.
"I think I know what to do," he stated after a couple of minutes.
Awtomatikong napaangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Ken. "Ano 'yon?"
"We need Ace or Kobe's power para malaya nating magamit ang kapangyarihan natin nang hindi tayo natutunton ng kalaban," seryosong tugon ni Ken.
Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Ken. Bingo! He's a genius indeed.
"Tama. Nullification ang power nila kaya kayang-kaya nilang pigilan ang kalaban na maramdaman ang presensya at kapangyarihan natin!" I exclaimed in delight with a victorious smile plastered on my face. Pero agad ding naglaho ang ngiti ko na parang bula nang may maalala akong isang bagay na maaaring maging hadlang para makatulong namin sina Kobe at Ace sa aming misyon.
"But will the other royalties allow us to summon them?" I inquired.
"Let's see. Maiwan ka na muna rito. Babalik ako ng Fantasia para kausapin ang lahat ng royalties at hingin ang permiso nila," aniya at akmang tatayo na siya pero mabilis ko siyang pinigilan.
"No need. We can communicate with them telepathically," I stated which made him frown in disapproval.
"Nakalimutan mo na bang hindi tayo pwedeng gumamit alin man sa kapangyarihan o kakayahan natin?" pagpapaalala niya na ipinagkibit-balikat ko lang bago ako muling nagsalita.
"Kung ganoon ay kausapin na lang natin sina ama at ina sa panaginip para sila na ang bahalang magsabi sa ibang royalties. Siguro naman ay hindi na mararamdaman ng kalaban pati 'yon? Hindi naman 'yon kapangyarihan o kakayahan na naglalabas ng enerhiya kapag isinagawa. Iyon na ang paraan natin upang kumonekta sa isa't isa bilang mga Diyos at Diyosa," kibit-balikat na sagot ko.
"You're right. Wala tayong enerhiyang ilalabas sa ganoong paraan kaya hindi mararamdaman ng kahit sino ang presensya natin," pagsang-ayon ni Ken sa suhestiyon ko na ikinangiti ko.
Two minds are better than one, indeed. Now, everything is settled. All we have to do is to carry out the plan that we have in mind.
"Ganoon naman pala e." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa katapat na sofa ni Ken. "Tara. Tulog na tayo," yaya ko sa kaniya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Ken at nauna na akong umakyat ng kwarto para matulog at nang makausap na namin sina ama't ina sa pamamagitan ng isang panaginip.
A/N: So, I decided na huwag nang ibase ang ugali ng characters ng Descendants sa mga magulang nila na nasa Book 1 which is 'The Prophecy' para masimulan ko na itong kuwento. Hope you understand. But don't worry, may ilang pagkakapareho pa rin naman since mana-mana ang ugali. Nevertheless, I hope na nagustuhan ninyo ang update ko. I'm open for suggestions and feedbacks, descendants. Feel free to leave your comments or you can directly message me if you want. Love lots❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top