CHAPTER 1: The Beginning
KYLIE'S POV
Matapos naming malaman ang nilalaman ng propesiya ay agad kaming nabahalang lahat. Sino ba namang hindi? Buong akala namin ay maayos na ang lahat. Buong akala namin ay mamumuhay na kami nang mapayapa. Pero mukhang hindi talaga kami titigilan ng kadiliman. Nagbabadya na naman itong maghasik ng lagim at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Ngayong nakasaad na sa propesiya na tanging kami na lamang ni Ken ang maaaring makatalo sa kasamaan along with the other descentants, gagawin ko ang lahat para talagang matuldukan na ang kasamaan. Kung kinakailangan kong isakripisyo ang buhay ko katulad ng ginawa ni ina noon ay gagawin ko. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat ng hirap, pagdurusa at sakripisyo nina ina, ama at ng mga kaibigan nila para lamang mapanatili ang kapayapaan sa aming mundo.
Bilang unang hakbang para mapigilan ang pagtagumpay ng kasamaan ay naatasan kami ni Ken na pumunta sa mundo ng mga tao para hanapin ang iba pang mga hinirang na sinasabi sa propesiya. Kailangan namin silang mahanap sa lalong madaling panahon. Kailangan pa namin silang sanayin at ihanda sa paparating na matinding labanan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan para matiyak namin ang aming tagumpay sa napipintong digmaan kaya talagang kailangang kumilos na kami upang hanapin sila at maisama sa mundo kung saan sila tunay na nabibilang.
Makakasama namin sa pag-alis namin si Tita Mel. Sa kaniya kami ipinagkatiwala ni ama dahil alam niyang ligtas kami sa pangangalaga ng kaisa-isa niyang kapatid.
Ito ang unang beses na malalayo kami sa mundong aming kinagisnan. Ito rin ang unang beses na malalayo kami sa piling nina ina nang matagal. Ayoko mang malayo sa kanila pero kailangan. Kinabukasan ng dalawang mundo ang nakasalalay rito. Kailangang unahin namin ang kapakanan ng nakararami bago ang kapakanan namin. Ganoon kami pinalaki nina ama't ina at hindi namin sila bibiguin.
Ngayon ang araw ng pag-alis namin ni Ken. Kasalukuyan kong iniempake ang mga gamit ko habang tahimik lang na nanonood sa akin sina Alexa habang sila'y nakaupo sa ibabaw ng kama ko.
"K, hindi mo ba talaga mapapakiusapan ang mga magulang mo at ang iba pang royalties na payagan kaming sumama sa inyo sa mundo ng mga tao?" Yda, short for Florida, asked all of a sudden, dahilan para mabaling sa kanila ang atensiyon ko. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at ganoon din kina Alexa, Febbie, Lyna at Nhice.
"Believe me, Yda. Ginawa ko na lahat. Nagpaawa na ako, nagpa-cute. Kulang na nga lang maglupasay ako sa harapan nina ina, payagan lang kayong sumama sa amin. Pero wala talaga e," malungkot kong sagot kay Yda bago ako muling nagpatuloy sa aking pag-iempake.
Kung pwede ko lang talaga silang isama ay gagawin ko. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na malalayo kami sa isa't isa. Mula kasi pagkabata ay hindi na kaming anim mapaghiwalay. Ganoon din ang mga lalaki. Tuwing may misyon kami ay kami ang magkakasama.
"Kainis naman e. Bakit ba kasi ayaw nila tayong payagan?" maktol ni Lyna na nakanguso na at parang naiiyak pa, dahilan para matawa ako nang mahina.
Umiral na naman pagkaisip-bata niya. Mag-ta-tantrums na naman 'to panigurado.
"Huwag na kaya tayong magpaalam?" suhestiyon ni Alexa na ikinabilog ng mga mata ko.
Seriously? Kay Alexa pa talaga nanggaling ang ideyang 'yon? She's a princess for heaven's sake! Tss! Palibhasa spoiled kina Tito Xander at Tita Athena kaya ganiyan 'yan. Only child kasi.
"Iminumungkahi mo bang tumawid tayo ng lagusan nang walang pahintulot ng royalties?" hindi makapaniwalang tanong ni Febbie na siyang unang nakabawi sa amin mula sa pagkagulat.
"Iyon ay kung payag kayo," kibit-balikat na sagot ni Alexa na ikinailing ko na lang at hinayaang makatanggap siya ng sermon mula kina Nhice, Febbie at sa iba pa. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa ginagawa ko para makaalis na kami at masimulan na namin ni Ken ang misyon.
Hanggang sa matapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay nagbabangayan pa rin ang mga kasama ko kaya hindi na ako nakatiis at nakisali na ako sa sagutan nila na hindi matapos-tapos.
"Nababaliw ka na ba, Lex? Paano kapag nahuli tayo?" nag-hy-hysterical na tanong ni Nhice na halata na sa mukha at tono ng boses ang mariin niyang pagtutol sa plano ni Alexa.
"Edi lagot," kibit-balikat na tugon ni Alexa na para bang wala lang sa kaniya kahit na magkahulihan.
"Tss! Umayos nga kayo. Kapag kayo napahamak dahil sa pagsunod ninyo sa amin, ako mismo ang magpaparusa sa inyo," I interfered which made them look at my direction.
"Parusa talaga? Hindi ba pwedeng itago o pagtakpan mo kami?" sarkastikong tanong ni Alexa.
"Hindi! Bakit ko kayo kukunsintihin? E matatanda na naman kayo. Alam na ninyo ang ginagawa ninyo," tugon ko para ipamukha sa baliw na si Alexa na hindi na siya bata kaya dapat alam na niya kung anong ginagawa niya at kung anong consequences ng mga gagawin niya.
Sasagot pa sana si Alexa ngunit hindi na niya nagawa pang magsalita nang biglang pumasok ng silid si Ken kasama ang lima pang kasamahan naming lalaki na sina Matteo, Red, Sky, Kobe at Ace.
"Oh? Anong nangyayari rito? Nag-aaway ba kayo?" tanong ng kararating lang na si Sky at pinasadahan kami ng nagtatanong na tingin.
"E ito kasing si Alexa, kung ano-anong kalokohan ang naiisip," parang batang sagot ni Lyna at dinuro pa si Alexa na panay ang ikot ng mata at halatang umiiwas sa mga tingin namin.
"Bakit? Ano na namang pinagagawa sa inyo?" seryosong tanong ni Matteo na halatang may ideya na sa kabaliwang ginawa ni Alexa.
"Gusto ba namang tumawid ng lagusan nang walang pahintulot ng royalties para sundan sina Kylie," sagot ni Febbie na panay pa ang irap sa hangin.
"Baliw nga," natatawang komento ni Red.
"Tse! Isa pa kayo e. Gusto ko lang namang samahan sina Kylie sa misyon nila," maktol ni Alexa na hindi na nagawang makatiis na makinig lang sa usapan habang siya ang sentro nito.
"Pare-pareho naman tayo ng gusto. Kaya lang ay hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos," wika ni Kobe.
"Tama si Kobe. Kailangan pa rin nating hingin ang pahintulot ng mga nakatataas," pagsang-ayon ni Ace sa sinabi ng kakambal niyang si Kobe.
"Edi kausapin ninyo ang mga magulang ninyo. Total sila naman ang hari't reyna ng Ardor Kingdom, hindi ba?" mataray na sagot ni Nhice na nakakrus na ang mga braso at masama ang tingin kina Ace at Kobe.
"Sinubukan na namin 'yan. Pero ayaw nilang pumayag," mabilis na tugon ni Ace.
"Ako rin. Nasubukan ko na ring kausapin sina ina pero ayaw rin nilang pumayag. Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag na tayong magpaalam. Hindi naman nila tayo pinapayagan e," muling pangungumbinsi sa amin ni Alexa na ikina-face palm ko na lang.
Wala ba talagang matinong maisa-suggest itong si Alexa? Sarap ipatapon sa lagusan tapos huwag nang pabalikin.
"Kung gusto mong maparusahan, Alexa, mauna ka na," panghahamon ni Red kay Alexa at iminuwestra ang daan palabas ng kwarto ko.
"Kung maparusahan man ako, idadamay kita," tugon ni Alexa na sinabayan pa ng pag-irap niya kay Red.
"Tumigil na kayo. Kahit magtalo pa kayo, walang magagawa 'yan. The royalties wouldn't allow you to come with us," pamamagitan ni Ken sa iringan ng dalawa na nakapagpatahimik sa aming lahat at umagaw ng aming atensiyon.
"Bakit daw?" sabay-sabay na tanong ng mga kasama namin samantalang ako ay tahimik lang na nakaabang sa sasabihin ni Ken.
"Because it's our mission. This is between me, Kylie and the other descendants," seryosong tugon ni Ken na ikinatango na lang ng mga kasama namin maliban kina Lyna at Alexa na hindi yata nauubusan ng tanong.
"E bakit si Ate Mel kasama?" parang batang tanong nina Lyna at Alexa, dahilan para mapahilot si Ken sa kaniyang sentido dahil sa kakulitan ng dalawa. Kaya bago pa hindi makapagpigil si Ken at tuluyang maasar sa kanila ay ako na ang sumagot. Bilang lang kasi ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Ken. Nagiging madaldal lang 'yan kapag seryosong bagay na.
"Kasi nga gusto ni ama na matiyak ang kaligtasan namin," sagot ko at diniinan pa ang bawat salitang binitiwan ko para tumatak ito sa isipan nina Lyna at Alexa.
"Edi dapat kasama kami. Mas marami, mas malakas ang laban natin at mas masisiguro ang kaligtasan ninyo," giit pa rin ni Alexa na ayaw talagang padaig.
Argh! Suko na ako! Wala nang pag-asa 'tong dalawang 'to. Malala na sila. Kailangan na nilang putulan ng dila at i-renovate ang utak.
"Ay naku! Ewan ko sa inyo. Ang dami ninyong tanong. Tara na nga sa labas at baka kanina pa naghihintay si Tita Mel," pagputol ko sa usapan namin bago pa ako mabaliw sa walang katapusang tanong na ibinabato sa akin ng dalawang isip-bata kong kaibigan.
Hindi ko na hinintay pang makapagsalita ang isa man sa kanila lalong-lalo na sina Alexa dahil agad na akong lumabas ng silid at hinayaan kong sina Kobe at Ace ang magbitbit ng mga maleta ko.
Nang makalabas kami ng palasyo ay agad kaming sinalubong nina ama, ina at Tita Mel na nasa tabi ng isang karwahe na nakakabit sa katawan ni Ferry the Pegasus.
"Mag-iingat kayo ro'n. Be vigilant. Don't let your guards down. Ano mang oras ay maaaring kumilos ang kalaban at maaari kayong malagay sa panganib," mahigpit na bilin ni ina habang marahang sinusuklay ang buhok ko gamit lamang ang kaniyang mga daliri sa kamay.
"Magiging maingat kami, ina. Wala kayong dapat ipag-alala," paniniguro ko kay ina para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya.
"Alam ko naman 'yon. Basta isang bagay lang ang huwag na huwag ninyong kalilimutan..."
"Huwag na huwag kaming maghihiwalay. Si Ky/Ken at ako ay iisa. Hindi kami pwedeng magkalayo," pagpapatuloy namin ni Ken sa sana'y sasabihin ni ina. Mula kasi pagkabata ay itinatak na ni ina sa mga isipan namin na magkadugtong ang buhay at kapangyarihan namin ni Ken. Tuwing may lakad o misyon kami ay 'yan ang palaging bilin niya sa amin.
Ken can't use his power and ability to its maximum strength or level if he's away from me or vice versa because we are one. Pareho ang taglay naming kapangyarihan. Ang kayang gawin ng isa ay kaya rin ng isa. Pero hanggang magkalayo kami ay kalahati lang ang kaya naming gamitin sa kapangyarihan namin because our power is complementary. Hati ang lakas at kapangyarihan namin equally. Magiging ganap lang na malakas ang kapangyarihan namin kung sabay namin itong gagamitin sa iisang lugar. At ang ano mang nararamdaman ng isa ay mararamdaman ng isa. Kapag nasa panganib ang isa man sa amin ay mararamdaman ito ng isa pa. Kapag naman namatay ang isa man sa amin ay pareho kaming mamamatay. That's our fate.
"Mabuti na iyong malinaw. Hindi tayo nakakasiguro sa kung anong naghihintay sa inyo sa mundo ng mga tao." Mom heaved a long sigh before turning to Tita Mel's direction. "Mel, ikaw nang bahala sa mga bata," pagbaling ni ina kay Tita Mel na ngayon ay nasa loob na ng karwahe kasama ng mga bagahe ko. Tig-iisang backpack lang kasi ang dala nila ni Ken na nakasukbit sa mga balikat nila at ako lang ang may dalang maleta kaya kasya lang ito sa karwaheng sasakyan namin.
"Huwag mong tuturuan ng kalokohan ang mga 'yan kung gusto mo pang makabalik sa mundong ito nang buhay," pagbabanta ni ama kay Tita Mel na ikinailing na lang naming pareho ni ina at ikinatawa naman ni Tita Mel nang mahina.
"Masusunod, kuya. Huwag kang mag-alala, kabaliwan ang ituturo ko sa kanila, hindi kalokohan. Magkaiba 'yon," pormal na sagot ni Tita Mel na halatang iniinis si ama.
"Subukan mo at nang—"
"Kyle, ganiyan ka ba magpaalam sa kapatid mo? Hindi ka ba maaaring maging malambing kahit ngayon lang?" pag-awat ni ina kay ama na ngayon ay nakahawak na sa braso ni ama para pakalmahin ito bago pa magkasunog at maging abo ang buong paligid.
"Oo nga naman, kuya. Para naman may baunin akong magandang alaala," wika ni Tita Mel sa naglalambing na boses na halatang inaasar si ama.
"Tss! Mabuti pang umalis na kayo bago pa kita gawing abo," pagtataboy ni ama kay Tita Mel bago niya binalingan ng tingin si Ken na nasa kaliwa ko. "Ken, take care of your sister," mahigpit na bilin ni ama kay Ken.
"I will," Ken answered without having any second thought.
"Kids, halina kayo. Malayo pa ang lalakbayin natin," anyaya sa amin ni Tita Mel.
Pareho kaming napalingon ni Ken sa likuran namin dahil sa sinabi ni Tita Mel.
"We're not kids," Ken and I said in unison as we glared at Tita Mel.
"Yes, you are," Tita Mel insisted.
"We're—"
"Hep! Huwag na kayong umangal. Sakay na." Tita Mel motioned as to join her in the carriage.
Hindi na kami umangal pa at sumunod na lang din kami kay Tita Mel dahil malayo pa ang lalakbayin namin lalo pa't mahigpit na ipinagbabawal nina ina ang paggamit namin ng kapangyarihan.
"Tita Mel, ba't kailangan pa nating gumamit ng karwahe kung pwede naman tayong mag-teleport?" hindi ko na napigilang itanong kay Tita Mel nang umangat na sa ere ang karwaheng sinasakyan namin.
"Hindi natin pwedeng gamitin basta-basta ang mga kapangyarihan at abilidad natin. Dahil kapag ginawa natin 'yon ay mararamdaman ng kalaban ang presensya ninyo at malalaman nila kung nasaan kayo. Madali rin nilang malalaman ang mga kilos natin," mahabang paliwanag ni Tita Mel na malinaw ko namang naintindihan kaya hindi na ako muling nagtanong pa at nanatili na lamang akong tahimik buong biyahe hanggang sa makatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising lang ako nang marinig kong magsalita si Tita Mel.
"Nandito na tayo," anunsiyo ni Tita Mel.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay doon ko lang napagtantong wala na kami sa karwahe at sa himpapawid. Nasa isang gubat na kami habang buhat-buhat ako ni Ken.
Nang mapansin ni Ken na gising na ako ay maingat niya akong ibinaba sa lupa. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko lang napagtantong iba ang gubat na ito sa normal na gubat na nakikita ko sa mundo namin. Walang kahit anong mahika ang bumabalot sa paligid kaya madali kong nalaman kung nasaan kami.
"Ito na ba ang mundo ng mga tao?" tanong ko pa rin para makasiguro akong nasa mundo na nga kami ng mga tao.
"Ito nga," tipid na tugon ni Tita Mel na katulad ko ay iginagala na rin ang tingin sa aming paligid.
"Nothing seems different from our world," komento ni Ken na parang na-disappoint pa yata sa mundong bumungad sa amin. But he has a point though. Halos wala ngang pinagkaiba ang dalawang mundo sa nakikita namin ngayon aside from the fact na walang mahikang bumabalot sa paligid.
"Diyan ka nagkakamali, Ken. Sa oras na lumabas tayo sa gubat na ito ay doon mo pa lang makikita ang kaibahan ng mundo ng mga tao sa mundo natin," Tita Mel answered which made me squealed in excitement.
"Really? Kyaah! I'm so excited!" masayang tili ko sa kaalamang may sorpresang nakaabang sa amin sa paglabas namin ng gubat.
Tita Mel faked a cough para patahimikin ako. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at mabilis akong umayos ng tayo.
"Bago tayo lumabas ng gubat na ito, gusto ko lang ipaalala sa inyo na hindi kayo pwedeng magpakita ng emosyon sa harap ng mga tao kung ayaw ninyong gamitin nila ito laban sa inyo. Mahihina ang tao sa pisikal ngunit matatalas ang kanilang isipan. Pwede nila kayong maisahan kung gugustuhin nila," babala sa amin ni Tita Mel.
Bigla naman akong napasimangot dahil sa sinabi ni Tita Mel. "Aww. Sad."
"I know what you're thinking, Ky. You want to befriend them. But I won't let you do that. Nandito tayo para sa isang misyon, hindi para magsaya o maghanap ng kaibigang kayang sakyan ang kabaliwan mo," pagpapaalala sa akin ni Ken ng talagang dahilan ng pagpunta namin sa mundo ng mga tao.
"I understand. I'll try to act cold in front of everyone. But I can't promise to be a good girl and behave the way you expect me to behave," I answered to somehow ease his worries.
"I'm well aware of that. You won't be you if you act like a prim and demure princess," he said in a sarcastic voice na mukhang pinapamukha pa yata sa akin na hindi ako isang prinsesa kung kumilos.
Sasagot pa sana ako nang biglang pumagitan sa amin si Tita Mel na bahagya nang napapailing sa inaasal namin ni Ken sa harapan niya.
"Isang bagay pa nga pala," may diing saad ni Tita Mel upang kunin ang aming buong atensiyon.
"Ano po 'yon?" magalang kong tanong habang si Ken naman ay tahimik lang sa tabi ko.
"Iyong buhok at mata ninyo. Hindi kayo pwedeng magpakita sa mga tao na ganiyan ang mga ayos ninyo. Baka sa sanlaan pa ang bagsak ninyo. Palitan ninyo 'yan," utos ni Tita Mel.
"Can we change the color of our eyes and hair into something that we like?" excited na tanong ko.
I really want to change our hair and eye color since the day of our birthday. Hindi ko kasi feel iyong gold. Masyadong nakakasilaw sa kinang. Daig pa namin ni Ken ang Christmas Tree.
"Of course we can, Ky. As long as it would look normal on the eyes of humans." Ken was the one who answered.
Good thing na hindi namin kailangang maglabas ng enerhiya sa pagpapalit ng kulay ng buhok at mata namin. Kung hindi ay baka ito pa ang maging dahilan para matunton kami ng kalaban.
"At dapat parehas din kayo. Tandaan ninyo, kambal kayo at iisa ang mukha ninyo kaya kailangang maging ang kulay ng mga buhok at mata ninyo ay iisa. Sa ganoong paraan ay maiiwasan nating pagdudahan ng mga tao ang tunay ninyong katauhan," Tita Mel added.
"Got it!" masayang tugon ko dahil hindi ko na magawa pang itago ang excitement ko.
Agad kong binalingan ng tingin si Ken para hingin ang kaniyang permiso sa bagay na nais ko.
"Ken, can I be the one to change our eye and hair color? Can I?" pagpapa-cute ko sa harapan ni Ken para lang mapapayag siya.
"Fine. Just make sure that you won't make fun of me, or else, you'll be grounded for a week," pagpayag ni Ken na may kasama pang babala.
"I won't. I promise," I assured him.
Matapos kong magbitiw ng pangako kay Ken ay ikinumpas ko ang kamay ko sa pagitan namin na naglabas ng gintong liwanag na lumipad patungo sa amin at binalot ang buong ulo namin. And when the golden light vanished, iba na ang kulay ng mata at buhok namin ni Ken na nagpalawak ng ngiti ko.
"Viola! It's perfect!" I squealed in delight.
Pinasadahan naman ni Ken ng tingin ang buong mukha ko na para bang sinusuri niya ang bawat detalye ng mukha ko para sipatin kung pumasa ba ito sa kaniyang standard.
"Fair skin, oval-shaped face, arched brows, pointed nose, almond-shaped blue eyes, thin pinkish lips and light golden blonde hair in loose, romantic waves. Not bad," he commented which made me roll my eyes in irritation.
"Not bad. Nahiya ka pang aminin na ang ganda ko. Magkamukha kaya tayo. We're a carbon copy of each other. I'm your girl version and you are my boy version. Kung pangit ako, edi pangit ka rin. Bleh!" I said in a matter-of-fact voice as I let out my tongue to tease him.
"Tama na 'yan. Mukhang malinaw na naman ang lahat sa inyo kaya mabuti pa ay tumungo na tayo sa mansion ng lolo't lola ninyo para makapagpahinga na kayo," pamamagitan ni Tita Mel sa asaran namin ni Ken.
Awtomatikong napalingon ako sa gawi ni Tita Mel dahil sa kaniyang sinabi.
"Wait. You mean, sa mansion nina Lola Thara at Lolo Leo tayo titira?" gulat na tanong ko na sinagot lang ni Tita Mel ng pagtango na muling kong ikinatili.
"Kyah! Tara na!" masayang tili ko.
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at nauna na akong maglakad. Nang medyo malayo na ako sa kanila ay muli ko silang nilingon mula sa likuran.
"Ken, pabitbit ng maleta ko!" sigaw ko mula sa kinatatayuan ko na ikinailing na lang ni Ken bago sila sumunod sa akin ni Tita Mel bitbit ang mga maleta ko sa magkabilaang kamay niya.
A/N: How was it? Ayos lang ba ang simula o medyo lame? Kindly leave your comment inline para alam ko. Thank you❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top