LV: Ang Paalam

Athyeia's PoV

Tonight..... I feel so restless. Bukod naman kasi doon sa sinabi ni Levi kanina saakin at nang pangitingiti siyang umalis ay hindi mawalay saaking isipan.

Hindi ko alam kung bakit at papaano niya nalalaman ang mga pangambang akala ko ay sapat nang nakatago sa aking isipan.

Pero ang pinakatumatak talaga sa aking isipang ay yung sinabi niya.

That he wants to marry me.

The fact is, as I am writing this diary of mine, kanina ko pang paulit-ulitna inihahampasang aking ulo sa librong ito.

SO please do forgive me if the ink is a little bit scattered.

I used the pen I got--More like dinekwat--ko mula kay Prinsipe Levi Azturias. Medyo matagal din pala ito matuyo.

I used this because like this book I am writing right now, nais kong mapuno lamang ang librong ito ng kagalakan, at pagmamahal tulad ng naging, at magiging buhay ko bilang si Athyeia Abarca.

I feel my heart beating and I can still feel hurt whenever I pinch myself to ask again and again whether what's happening right now is real or fantasy, and my senses didn't fail me.

I am extremely happy for that.

Sa ganitong kalagayan, tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at hinigit iyong upuan patungo sa isang study table kung saan nandoon nakalagay iyong libro kong sinusulat.

I started scribbling about my feelings hanggang sa naalala ko sina Mama.

Mama at Papa,

If you are reading this right now, gusto ko pong malaman na sinunod ko po ang inyong mga payo saakin.

Alam ko pong medyo naging medyo nakulit ako at masakit sa ulo noong panahon ng aking kabataan ngunit sa kabila ng lahat at ng katotohanang alam niyo napo malamang kung ano ang mangyayari saakin ay labis padin po ang pagpapasalamat ko sa inyong pagmamahal, pagaaruga, at pagpapalaki saakin sa abot ng inyong makakaya.

Mahal na mahal ko po kayo ni Papa at kahit na iba po ang mga magulang ko dito, tandaan niyo pong kailan man ay hinding-hindi ko kayo kakalimutan.

Tandaan niyo pong mula pagapak ko dito at hanggang sa pagdating ng araw na nakalubog na ang aking katawan sa lupa ay nakatatak po kayo at ang ating mga ala-ala sa aking puso at isipan. 

At bukas ay papatungo na kaming muli ni Levi sa tindahan ni Lola Thea.

Sa totoo lamang ay hindi mapatigil ang aking sarili sa kaiisip kung papaano ba siya nakasama sa gulo at kalituhang ito.

That's all for now.

******

"Are you ready yet?" Medyo may pagkailang at hindi tumitinging tanong ko kay Levi nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang kwarto.

He was towering me but I didn't even try to indulge myself with the marvelous sight of him.

Panigurado kasing pag ginawa ko iyon ay mas maaalala at mas mararamdaman ko iyong ginawa niya saakin kahapon, yung mga sinabi niya, at lalo na iyong mga tingin niya.

I heard Levi sighed. Kaya naman agad nawala iyon saaking isipan dahilanng pagaalala sa kaniya.

"May problema ba?" I worriedly questioned him.

Levi is not the type to tell someone his problems kung meron man so I always take the time to ask him. I know how sad his past is, ayaw kong maramdaman niyang nagiisa siya.

"Levi?! Pumunta muna kaya tayo sa clinic?" Masnagaalala at kabado kong tanong nang bigla itong sumandal sa may pader ng kaniyang pinto.

Mukhang nahihilo ata siya.

"You shouldn't have overworked yourself!" sigaw ko at hinawakan ang kaniyang noo. I know his tendencies, sa t'wing may lakad siya kinabukasanay sinisigurado niyang walang trabahong maiiwan sa kaniyang lamesa.

I heaved out a sigh when Ifound out that his temperature is normal.

My forehead creased. "Natulog ka ba ng maayos?" Just as I was asking him that, bigla siyang nagpakita ng isang impis at makahulugang ngiti.

"Now you're looking at me." Sabi niya 'saka sinapo iyong kamay kong nakahawak sa kaniyang noo at hinalikan ang tuktok noon. At first, gulat ako at medyo nakaramdam ng kilig ngunit nawala din agad iyon nang matanto ang ginawa niyang pangloloko saakin.

I flicked his forehead with my forefinger and hissed. "I hate you! Bilisan mo na nga!" Ugh! nakakawala sa mood ang lalaking ito!

I know that he just wants me to be comfortable pero huwag naman sana sa ganoong paraan diba?! ARGH!

"Good morning to you too." May masayang himig nitong sambit habang sumusunod saakin sa may pasilyo.

"Good morning mo mukha mo." Nagtatampo sa sarili kong saad at binilisan ang aking lakad. Levi followed after me as he gradually increased his walking phase.

After that, hindi na kami nagumagahan pa at tumuloy na agad sa tindahan ni Lola Thea, naisip kasi naming sa paguwi na lamang din kumain.

When we reached the store, kumatok kami ng ilang beses,

Sampung katok,

Sampung tawag,

Wala pading sagot.

"I brought the key." Sabi ni Levi at humugot mula sa pocket ng kaniyang amerikana.

Ito iyong binigay kahapon ni Lola Thea, ipinatago ko kay Levi dahil baka mawala iyon kapag ako ang nangalaga.

Ipinasok ni Levi ang susi sa nalock na pinto, it made a creek when we opened it.

Mahamog pa kaya naman medyo madilimpadin sa loob. "Lola Thea?" I called. Umaasang bakamasmarinig niya ako lalo na ngayong nakapasok na kami.

"We should check the kitchen." Mungkahi ko at linbingon si Levi. Tumango ito at sumunod na saakin.

Nang makarating kami sa may kusina ay agad bumaba ang aming mga tingin sa lamesang gawa sa kahoy. Nakapatong doon ang isang libro, Ang librong may pamagat na "Ang Kamatayan ni Athyeia Abarca."

"So that's was where it was. It seems that I forgot about it yesterday." Paliwanag ni Levi sa nakita. Kaya pala wala na kaming dalang libro kahapon... Iyon ay dahil naiwan namin ang librong ito dito.

"Nasa loob na nito ang kasagutan sa inyong mga katanungan." SAad ng isang papel na pinulot ni Levi mula sa taas ng libro.

Lumapit naman ako agad doon at binuksan iyong libro.

Kapansin-pansin ang pagkapal nito, may ilan ding mga kabanata na nadagdag na hindi ko naman sinulat ngunit panigurado akong nabasa ko na noong una.

Agad kong inilipat ang pahina sa dulo.

Ang Kamatayan ni Athyeia Abarca

Ang Wakas

Noong una, iniisip kong oras na gamitin ko ang kapangyarihan ng punyal ay magiging masaya na ako.

Lumipas ang araw, buwan, at taon—at doon ko nalaman kung gaano ako kasakim.

Ang kasakiman sa pagtatamasa ng lahat ng saya, at lahat ng lungkot ng buhay.

In simple words,

I want all of life's prefections and imperfections.

I want it.

And I might just have the item for it.

Unti-unti akong nabulag sa bagay na aking nais.

The thing I once thought was fair wasn't.

At ang bagay na inakala ko ay tatapos na sa buhay kong ito ay ang magkukulong pala saakin sa katawan at kapalarang paulit-ulit kong nais matakasan...

That was the time when I started writing books.

The books that would guide the past and future me..

Ang mga librong ibinigay ko kay Li-Em at ipinatago para sa magiging susunod kong manipestasyon sa mundong ito.

Isang manipestasyong magngangalang at mabubuhay bilang si Alaina.


Tulad ng sinabi saakin ni Lola Anren, ginamit ko ang punyal.

Sa dalanging sana ay magiba nang tuluyan ang aking buhay bilang si Athyeia Abarca at ang hiling na sana ay tuluyan nang magbago ang aking kapalaran at hinaharap.

Noong una, ang aking akala ay mamamatay lamang ako at muling mabubuhay gamit ang ibang pangalan,ang ibang mukha, kung saan lahat ay magbabago.

Ngunit ang kaluluwa nang tao ay hindi nagtatapos, katulad ng oras ay patuloy lamang itong dumadaloy sa loob ng walang hanggang espasyo.

Nagising ako nang araw na iyon sa isang bagong kapaligiran, nagising ako nang wala na ang identidad ko bilang si Athyeia.

At doon ko lamang napagtantong ang kapalit ng aking hiling ay ang pagiging bagong tagabantay ng punyal ng pagkabuhay at kamatayan--At doon kita nakita Alaina.

Alaina.

Ang pangalang dapat ay ibibigay saakin ng aking susunod na ina.

Noong araw na iyon, tinagpo kong muli si Lola Anren...

At sinabi sa kaniya ang aking plano.

Ang planong magbibigay saakin ng isang planado, mas perpekto, ngunit mas makahulugang pagkabuhay.

Ngunit lingid sa aking kaalaman na tulad ko, ang matandang nasa aking harapan ay may nais ding matamasa.

At iyon ay ang pagpapalaya ng kaniyang kaluluwa sa katawang nagmistulag rehas na paulit-ulir siyang kinukulong sa mundong ito.

Tulad ng sinulat ko sa mga unang libro, pinatay ko ang aking sarili gamit ang mahiwagang punyal.

In a book, I read, that once a person died, he or she will flow with time.

And as well as their bloodline...

That was all it took to set the stage for the real Alaina.

Sumalumghat sa akimg hiling ay ang mga sumusunod na pangyayari.

Hindi bilang isang bagong silang na sanggol ngunit bilang isang matandang akala ko ay kilalang-kilala ko na.

Si Lola Anren.

At sa taon at lugar ding iyon ko nakilala ang dalagang si Athyeia...

Noong araw na mapadaan sila saaking maliit na tindahan, kasama ang kaibigan niyang si Laura, napalapit sila at naantig sa punyal.

At imbes na tuwa pagkat nakikita ko ang aking sarili na nabubuhay base sa aking nais ay labis lamang na galit ang aking nadama.

Noong umalis sila, agad kong nilinis iyong punyal.

Sa pagbabakasakaling baka ito ag iyong mapansin at ikaw naman ang pumalit saakin.

Inagaw ni Alaina ang lahat ay dapat kay Athyeia.

Hindi ba at normal lamang naising maatim ang mga bagay na ibinigay mo gayong gusto mo pala talaga ito?

Ngunit sino na nga ba si Alaina?

Kinagabihan, naghalungkat ako ng sagot sa lumang bahay ni Lola Anren na ngayon ay akin nang kinatitirahan—at makalipas ang ilang buwan,

Sa ilalim ng papag na kaniyang tinutulugan ay aking natagpuan ang isang sikretong silid.

At doon ko nakilala ang demonyong may kagagawan ng lahat.

Sa una, ang punyal, sa aking akala ay isang biyaya, isang biyayang kayang ibigay ang lahat ng aking gusto ang lahat ng aking nais.

Malamang ay nasa akin na ang ginugusto kong biyaya noong una, ngunit tulad ng ibang tao, sa aking puso ay may kasakiman akong labis na kinikimkim.

Ngunit ang kapalit pala nito, sa oras na may isang panibagong tao ang humawak at gumamit ng punyal ay ang kaluluwa kong gagamiting panglaab pa lalo sa mga apoy ng impyerno.

Isang librong ako at ang pinakaunang may ari lamang, ng punyal ang nakakaalam...

Sa tabi ng librong nagpakilala saakin kung para saan ba ang punyal na ito ay isang malinis na sulat na nagsasabing:

Para sa sulat na ito, ibibigay ko na ang lahat—kapalit ang aking pagiral sa mundong ito.

Kung makita niyo man ang iyong sariling tinutupad ang iyong hiling, nais kong malaman mong mas magiging maayos ang lahat kung hahayaan mo na lamang siyang mabuhay.

Ang taong sumasaloob sa katawang iyong iniwan ay ikaw padin, ngunit ikaw iyon noong wala ka pang bahid na sumpa at kasamaan.

Isang kaluluwa na inihiwalay na sa iyo nang tuluyan.

Ang kaluluwang nagpapatunay na iniwan mo na ang iyong dating katauhan.

Hindi ako doon nakinig noong una, ang katotohanan nga niyan ay mas lalo pang nagigting aking aking galit.

Lalo na at nasa aking isipan ang katotohanang tila iniwan ko lamang bilang ako ang isang napakasayang buhay na dapat ay saakin at saakin lamang.

Kaya naman, muli akong gumawa ng isang bagay na hindi kanais-nais at hindi karapat-dapat.

Sa paggamit ng kapangyarihan ng punyal na ito, nagagawa kong makita ang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng isang nilalang. Kaya naman sana ay huwag kang magtaka kung bakit kita nakilala sa malayo pang kinabukasan.

Mula iyong pagkabata ay pinanood na kita.

Kaya naman, upang mapalapit ay inalagaan ko ang iyong kaibigan mong si Hyacinth nang panahong ikaw ay lumalaki ka pa lamang. Doon kita laging pinapanood at pinagmamasdan, lalo na dahil alam kong ikaw ang pumalit saaking pagkatao.

Gayon pa man, kahit ay nabuhay lamang muli si Hyacinth bilang ampon ay nais kong ipaalam mo sa kaniya na minahal ko siya bilang anak.

Nabasa ko sa iyong libro na noong araw na sinaksak kita nang punyal ay kamukha ko si Hyacinth, hindi ba?

Kahit ganito ang aking kinahinatnan ay nagagalak ako at hindi pinagsisisihan ang mga desisyon kong ginawa sa buhay.

Noong una ay nais kong tumakas sa aking ginawa, tulad ng mga taong nakikita ko ang dumadaloy nilang kapalaran, gusto ko ulit iyong maranasan.

Hindi ba at napagisipan kong lumapit sa iyo sa pagasang baka ikaw na ang magtuloy sa sumpang dinala ko saaking sarili?

Nawa ay patawarin mo ako sa isiping iyon Alaina.

Lalo na at kabaliktatan noong ang nangyari..

Dahil pati ako ay napamahal na din sa iyo Alaina.

Mayroon bang dahilan para hindi mahalin ng isang tao ang sarili nila?

Hindi ka mapaghangad ngunit hindi mo din hinahayaang manatili kung nasaan ka.

Masayahin ka, palakaibigan, at mapagmahal.

At sa iyong mga ngiti ay natanto kong ayaw kong masira din ang iyong kasalukuyan dahil lamang sa pagbabakasakali kong mamatay at muling ituloy ang mga kinabukasang noon ay pinutol ko na ang tali saakin.

Ayon nga sa libro, hindi ba at masusunog din ako sa impyerno??

Kaya naman, bakit hindi na lamang ako mabuhay ng tahimik ngunit masaya habang pinapanood ka pati ang halos anak ko nading si Laura?

Ito ang aking pinili at ito nadin ang yapak nanais kong sundan.

At hindi man kanais-nais, pero upang masskatuparan ang unang sumpa, pinabalik kita sa simula nang lahat.

At upang mailigtas ikaw at ang iyong kaluluwa, masaya kong iaaalay ang aking kaluluwa upang wala nang madamay pa sa sumpang ginawa ng punyal na ito.

Isang beses..

Isang beses lamang ginagawa ang sumpa at sa iyong tulong, alam kong isang beses lamang ang lahat ng ito mangyayari.

At doon na naisakatuparan ng buo ang aking hiling.

Salamat sa pagliligtas mo kay Hyacinth at Jeremiah.

Ngunit hindi ko maipapangakong hindi na ito muli pang mauulit pagkat hindi ko nakontrolado pa ang desisyon ng dating Athyeia.

Gayon pa man, taos puso kong ipinapanalangin na sana ay matapos na ang pangyayaring ito nang sa gayon ay hindi maiwan sa oras ang iyong kaluluwa tulad ng saakin.

Hanggang sa muli, Thea.

Vote. Comment. Thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top