LIII: The Death of Athyeia Abarca
Alaina's PoV
"Mama! Mama!" Sigaw ko kay Mama at agad na bumaba sa aming salas mula saaking kwarto.
Gabi na at nanonood padin sila ng TV, nakakita ako ng libro mula doon sa ilalim ng dati niyang kama.
Iisa ang design noon at napakaganda, mukhang 'yung mga princess fantasy books na nakikita ko sa mga cartoon movies.
"10PM na anak! Pinatulog ka na ni mama kanina di'ba?!" Gulat niyang sabi nang makita ako. I gave her a sly smile. Nagpanggap lang kasi ako kaninang nakatulog. Ang totoo kasi ay excited lang akong magsolo kasi ay nakita ko ang mga librong hawak ko ngayon.
"Ma! H'wag ka na po magalit, gusto ko lang naman po kasi magread e." Nakanguso ko sa kaniyang sambit.
Hehe, paniguradong makyu-cutan saakin si Mama! Lagi niyang sinasabi saakin na hindi niya saakin magawang magalit pagkat napakacute ko.
"Five yearsold ka palang 'nak. Baka maguluhan ka pag binasa mo agad ang mga ito." Naiiling niyang sambit at kinuha saakin iyong mga books. Ipinatong niya iyon sa lamesa ng aming salas.
"Pero ma..." angal ko sa kaniya. "Nga po pala mama, bakit po kayo bibili ng dalawang librong iisa ang design?" Malungkot kong sabi. "Hindi po ba iyon magastos??"
Napatawa saakin si Mama. Ipinaghiwalay niya ang patong sa lamesa ng mga libro at hininaan iyong TV muna.
Binuksan niya iyong unang dalawang pahina.
Ang nakalagay sa una ay:
The Death of Athyeia Abarca
At doon naman sa pangalawa ay:
The Life of Alaina Abarca Azturias
"Hala Mama! Alaina din ang name niya po o!" Masaya at excited kong sabi kay Mama. "Bakit po magkaiba ang nakasulat??"
"Magkaiba talaga iyan anak." Mommy chuckled. "At pareho ding napakagaganda ng storya."
"Binasa niyo na po ang ganito kakapal Mama?" Nahihiwagaan kong tanong habang pinagmamasdan kung gaano kakapal iyong kulay white na pages na magkakapatong.
"Oo anak." Masaya niyang sabi. "At balang araw, pag ikaw naman ang bumasa niyan ay paniguradong matutuwa ka at magagandahan din sa mundo kung saan ka ng mga ito dadalhin." Dagdag niya. "Pero hindi pa iyon ngayon. Kahit maalam ka na magbasa, dapat sa mga bata, natutulog muna nang maaga!" Suway niya at tinusok 'yung tagiliran ko gamit ang kaniyang daliri.
Napaigik naman ako dahil sa pagkakiliti. Napatawa si Mama pati nadin ako.
Naghabulan kami hanggang sa binuhat na niya ako patungo saaking kwarto.
Noong una, ramdam ko na ang aking antok, ngunit paulit-ulit na bumabalik sa munti kong isipan ang tungkol sa libro.
Kaya naman, noong hating gabi na, ay tumakas ako patungo sa salas at kinuha iyong isang libro.
'Yung "The Life of Alaina Abarca Azturias." Masaya kong bulong saaking sarili habang pinagmamasdan iyon nang makadating ako saaking may kwarto. Gusto ko talaga itong maread kasi ay kapangalan ko iyong bida!
Napasimangot naman ako agad ng mabuksan iyon at mabasa ang titulo sa loob.
The Death of Athyeia Abarca.
Waaah! Mali ako ng nakuhang librooo!!
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng aking kwarto upang lumabas at kunin yung isa pang book nang marinig kong bumukas ang pinto nina Mama na katabi lamang ng aking kwarto.
Napalunok ako at agad na pinatay ang ilaw.
Ito na nga lang muna ang aking babasahin, baka mahuli pa ako.
Binuhay ko na iyong lampshade na hello kitty sa tabi ng aking kama. Nailawan noon ang medyo may pagkaluma nang libro.
Tulad ng ibang bata, hindi ako mahilig magbasa ng mga mahahabang pahina.
Kaya naman tumalon na ako doon sa huling tatlong kabanata.
The Death of Athyeia Abarca
Athyeia's PoV
"Is this what you want?" Iyon ang mga katagang sinambit ni Levi Azturias nang lumapat ang hawak niyang punyal sa tabi ng aking kama.
Napamulat ako mula sa takot at hindi makapaniwalang napatingin dito.
He was looking at the door.
And by the door stood my beloved cousin, Verona Abarca.
"Verona...?" Nalilito kong saad at agad na naitulak si Levi habang namumula ang aking pisngi.
Hindi niya dapat iyon nakita!
Mula saaking pagkakaupo ay kita ko ang malalamig na titig ni Levi saaking pinsan. "A-Anong nangyayari?" Walang bakas kong saad.
"Your dearest cousin, Verona Abarca has been creating a stairways for your downfall Athyeia." Malamig nitong sabi. Hinagis niya ang isang matalas na punyal patungo sa direksyon ni Verona.
Malayo ito ngunit sapat na ang distansya sa pagitan ni Verona at ng punyal upang masugatan ang mukha nito.
"How does it feel to be ashamed?"
Hindi ako tanga upang hindi maintindihan ang mga nangyayari.
Alam kong matagal nang may hidwaan sa pagitan ng mga nanay namin ni Verona at alam kong malaki ang posibilidad na gumawa siya ng ganito saakin.
Pero hindi ko akalaing magagawa niya nga ito.
Ngunit sa kabila noon ay masaya ako.
Masaya ako pagkat nagkaroon ng bahid ang napakasaya at halos perpekto ko nang buhay.
Napahinga ako.
"Don't kill her Levi." Saad ko. Nilingon naman ako ni Levi Azturias, his eyes gazing at the deepest parts of my soul.
"If that is what you wish." Puno nang pagsangayon niyang sabi.
I gave out a bitter smile.
Even with this, it's too perfect.
After that event, napagdisisyunan ko nang umalis muna nang manor.
Nasasawa na ako sa buhay na aking nakuha, ang buhay at uri ng pamumuhay na ipinagkaloob saakin.
Bakit ba masyado itong perpekto??
Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa loob ng isang tindahan. Isang tindahan na saaking pagkakaalala ay nagbebenta ng kung ano-anong mga mahihiwagang bagay.
Ngunit imbes na iyon ang ipunta ko doon ay ang matandang naninirahan sa loob ang aking diniretsyo.
"Lola Anren." Masaya kong tawag sa matanda. Itinaas naman nito ang mga mata saakin.
"Athyeia!" Masaya niyang bati.
Agad niga akong inimbitahan patungo sa kusina.
Sa tuwing mararamdaman kong muli ang pagkasawa saaking buhay ay sa kaniya ako lumalapit para sa kausap. Pakiramdam ko kasi ay naiintindihan niya ako ng buo.
"Anong gusto mong inumin iha?" Masaya niyang alok saakin.
Naalala ko naman iyong paborito ni Levi.
"Tsaa po ng camellia kung mayroon po sana." Sinagot ni Lola Anren ang aking hiling ng isang matipid na tango. Nagpakulo siya at maya-maya ay inilapag ang tsaa saaking harapan.
Inamoy ko muna ang aroma noon bago sumipsip ng kaunti.
"Nandito ka nanaman ba dahil sa iyong pagkasawa sa iyong buhay iha?" Tanong niyang diretsyo agad sa punto. Marahan akong tumango. Napakaswerte ko dahil; nandiyan siya, pagkat hindi ko pa man sinasabi ay naiintindihan niya na agad.
"Medyo nakakasawa din po pala." Napapahinga kong sambit. Na lagi nalang nananatili sa aking tabi ang mga tao sa kabila ng kahit anong gawing paninira saakin ng iba."
If someone was in my shoes, they would probably feel very lucky.
But that is not the case for me.
I am already contented so what is the point of everything else?
What is there to be thankful of?
Kung lahat naman ay naklatag na lagi saaking harapan.
"Normal lamang iyan iha..."
"Talaga po Lola?" Tanong ko dito, umaasa na naiintindihan niya ako. The fact that I am wishing for her to understand and that she did probably means that I am turning this life into something much more perfect. Gayon pa man, I can't help myself.
"Oo iha." sambit nito saakin.
Malungkot kong ininom iyong tsaa.
Hindi na nga siguro ito magbabago na....
Sa ganoon isipin, noong araw ding iyon ay sadaling nabigyang liwanag ang aking buhay nang maglabas siya ng isang punyal na kay kinang.
"Kahit anong hiling mo iha, kung iyong nanaising tunay ay mapapasaiyo ito."
"What's the catch Lola Anren?" Kung may alam man ako, iyon ay walang bagay namaaaring makuha ng walang ibibigay na kapalit.
"Ang nais mong itapon Athyeia." Binigyan niya ako ng isang ngitngitna ngiti. Hinawakan niya ang aking kamay at ibinuka, dumagkit doon ang napakalamig na piraso ng metal na kanina lamang ay nasa kahong antike. "Ang iyong buhay."
At doon nagsimula ang buhay ko bilang si Thea.
At ikaw, bilang si Athyeia.
Vote. Comment. Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top