Kabanata XXXXVII: Ang Kaniyang Pakay

Verona's PoV

I was making my way out of Levi's office down the hallways with a smirk.

He might not have tasted the soup but I still used the potion my mother gave me.

I don't need his love.

I just need his power. And to achieve that, I need him.

Tingnan natin kung sino ang luluhod saatin kinabukasan.

Sa dulo ng pasilyo, sa taas ng isang pader, nakita ko ang isang orasan.

6 hours.

6 hours and Athyeia's Levi will no longer be hers.

And hell will finally befall their family.

Nasa ganoong katayuan ako noong biglang dumaan saaking harapan si Athyeia.

Nagiisa, at klaseng napakalayo ng iniisip.

Saan siya pupunta??

At bakit ba hindi pa siya namatay noong siya ay nadakip?

Malamig ang aking mga matang sumunod dito.

Mawawala ka nadin Athyeia.

Oras na mapasaakin si Levi isa ka sa aking inuuna.

Mula pa lamang pagkabata ay napakamangaagaw ng babaeng ito.

Siya ang naging anak ni Tito kahit na ito na ang tumatayong ama saakin noong namatay ang tunay kong tatay.

Magmula nang araw na iyon, napakadalang na nito kaming bisitahin. Dahil sa kaniya kaya ako naghirap pati nadin ang aking ina.

Napakagat ako ng labi.

Napakasarap himayin ng bawat parte mo at sunugin ito isa-isa Athyeia.

Ngunit bago iyon, kailangan muna kitang aralin.

Athyeia's PoV

Pagkatapos noong nakita kong senaryo sa opisina ni Levi, hindi ko makaya-kayang magisip ng maayos kaya naman mas pinili kong sarhan ang libro kong sinusulat at umuwi na saaking kwarto kahapon.

Bagong umaga na ngayon at kakatapos ko lamang kumain.

Hindi ganoon kadami ang aking naisubo dahil sa pagkabalisa. Bukod kasi doon sa nakita ko kahapon ay hindi ko mapigilan ang pakiramdam na may mga matang nagmamasid saakin.

Napahinga ako.

Dala lamang ba ito ng paninibago?

Ilang araw na kasi saaking walang kumakausap. Wala naman si Gracie at siya lamang ang aking kalapit sa manor na ito kaya't wala akong makakuwentuhan.

Isa pa, matagal-tagal ko nang hindi nakikita ang mga Abarca. Namimiss ko na si Li-Em pati sina mama at papa.

Sumulat ako sa kanila noong isang araw ngunit sa panahong nagaganap, hindi ko alam kung dumating na ba iyon sa kanila.

Pagkatapos kumain, mas pinili kong maglakad-lakad muli sa may hardin.

Nasa pasilyo na akong papasok dito nang muli ay makarinig ako ng maliliit at mahihinang hakbang.

Napahinga ako.

May sumusunod nga saakin.

Lumingon ako palikod at napagtantong wala na doon iyong tao. Idiniretsyo ko ang aking tingin.

Hindi siya nagpapakita kaya naman kailangan kong magisip ng paraan upang siya ay aking mahuli.

At upang matapos na ang kaniyang ginagawang laro.

Mas madali kung sasabihin ko ito kay Levi ngunit ayaw ko nang dumagdag pa sa kaniyang trabaho.

Sa ganoong pagiisip, lumihis ako ng lakad mula sa hardin at mas piniling lumakad lamang nang lumakad sa pasikot-sikot ng mga pasilyo.

Mahuhuli din kita maging sino ka man.

While I was thinking of a plan to lure who this person might be, nagisip ako ng maaari kong gawin.

I might be walking all day long, napaka-boring naman kung ganoon lamang ang aking gagawin.

Verona.

I suddenly remembered that girl from yesterday.

Hindi ko sigurado kung si Verona nga iyon but whoever might she be, siya ang goal ko ngayon.

Sa sobrang laki ng manor, alam kong medyo mapaghangad ang humiling na makita ang babaeng iyon.

But if I am walking all day, best make it to be a fruitful one.

Gusto kong malaman kung sino ba ang babaeng papalit sa katayuan ni Athyeia bilang ang pinakamamahal ni Levi Azturias.

****

I have passed hallways and gardens and still I can't find an opening. Kanina pa ako paikot-ikot at medyo nasasawa na ang aking paa.

Nasaan ba iyong babaeng kasama kahapon ni Levi??

Napahinga ako.

If only V was here, medyo enjoyable siguro ang paggala-gala ko. Si V na aso ha.

When he came to the palace back then, pinadala na agad ito saaming bahay. He was sent home with a letter telling my family that everything is under control.

Kaya eto ako ngayon, nagiisa.

Pati nga si Laura ay medyo namimiss ko na e. Hindi ko lang alam kung nakauwi na siya but I hope she's feeling alright, kahit naman tumakas siya sa ampunang iyon ay hindi padin maipapagkaila na inalagaan siya ng babaeng pumanaw ng ilang taon.

Iyon ang magulang na kaniyang kinagisnan.

I was walking with those thoughts in mind na hindi ko na napansin kung saan ako tumungo.

The floor seems familiar but I can't remember when I saw it.

Lumingon ako sa likod. I can't still see the one who has been following me, napakahaba ng hallway na ito at pag lumingon ako ay wala siyang agarang matataguan. That person is discreetly following me.

Ano ba talaga ang kailangan niya?!

I was in luck when I saw an opened door right in front of my eyes.

Walang pagdadalawang isip ko iyong pinasok—and Butler Vien was there.

Ngunit nakatalikod ito saakin.

Big or small, the rooms in this manor have the same designs. Agad akong pumasok sa kwarto at dumiretsyo sa dressing room na madadaan patungo sa banyo.

Whoever that person is, hindi na niya ako masusundan dito. At kung sundan man niya ako, mindlessly, kayang-kaya ko nang makita ang pagmumukha niya sa konting awang ng pinto ng dressing room.

"Binibining Abarca." My heart almost stopped when I heard what Butler Vien said.

He knew I hid here?

"Magandang hapon po Butler Vien." Shock and confusion showed in my face.

Verona Abarca.

She was the one who's been following me all along!

And the girl that kissed Levi!

My eyes didn't lie on me.

Sa konting awang ng pintong saglit kong naging mga mata ay mas lalo pa akong sumilip.

Verona was curtsing in front of Butler Vien.

Ano ba ang kailangan niya saakin??

"Tila ikaw ay naliligaw Binibini." Sambit ni Butler Vien habang tumitingin sa may pasilyo. Ngayon ay nasa may pintuan na siya ng kwarto. "Nais mo bang ituro ko sa iyo ang pababa?'

Verona smiled dearly. "Papaano po ba?"

"Sumama ka saakin at ituturo ko sa iyo iha." Hindi man ganoon kabaliko ang labi ni Verona, halata sa kaniyang mukha ang marahan nitong pagsimangot.

Didn't expect na ikaw mismo ang dahilan ng paghiwalay mo saakin ano?

I hissed.

Mabait si Veroma saakin, mabait din ako sa kaniya. But ever since I saw her earlier and thought of how she followed me throughout the day opens up my villain radar.

Ramdam kong may masama siyang pakay.

Like bitch, a lady's intuition never fails.

Kaya pagpakiramdam mo na ahas 'yang bestfriend mo, may tumpak ka diyan! Ngunit syempre, siguraduhin mo din bago ka gumawa ng hakbang, baka kasi mamaya, imbes na bestfriend mo ang mabaon sa hukay, mauna ka pa ng dahil sa pagkapahiya.

And seeing how she followed me like that just proved my assumptions right.

Napansin ko ang biglaang paghawak ni Verona sa kaniyang tenga. She was engaged in a talk with Butler Vien while doing that. Kita ko din ang pagtanggal niya doon ng isang hikaw.

Ibinaba niya ang kaniyang kamay at alalang nagsalita.

"Mauna na po pala kayo Butler Vien, nawawala lamang po ang isa kong hikaw. Baka ay naihulog ko iyon sa pasilyong ito."

"Kailangan mo ba ng tulong? Maaari akong magpadala ng kas—"

"Hindi na po." Ngumiti ito. "Labis ko pong ikinakagalak ang inyong kagustuhan ngunit kaya ko na po ito. Napakabait niyo po."

I rolled my eyes.

Kiss-up attitude doesn't suit her. Tsk!

"Kung ganoon ay mauuna na ako." Tumango si Butler Vien. "Buenas iha." Paghiling nito ng magandang kapalaran para kay Verona.

Sinarhan naman ni Butler Vien ang pinto, narinig ko din ang boses nitong papalayo.

I breathed.

Ngayon kailangan ko na lamang hintaying mawala si Verona.

"Athyeia?" Agad akong nakaramdam ng pagtaas ng balahibo ko saaking buong katawan nang maramdaman ang isang mainit na hininga malapit saaking may tainga. Napalunok ako at dahan-dahang napalingon sa likod.

"A-Anong..." Hindi ko sinasadyang pigilin ang aking hininga nang makita si Levi Azturias na hubad ang kalahating katawan habang halos nakadikit na saaking likuran.

Amoy ko din ang sabon niyang ang lakas makalalake.

Diyos ko po! Eba! Maghunos-dili ka!

"Got your tongue?" I felt him smirking at the back of my neck. Naramdaman ko naman ang pagtaas ng temperatura ng aking katawan.

"B-Bakit... Bakit ka nandito?!" Sinubikan kong ipangmaskara ang inis sa kakaibang pakiramdam na nananalaytay saakin.

Mabigat ang aking mga paghingang napapikit ako nang madama ang labi niyang hindi ko sigurado kung marahan nga bang dumidikit sa taas ng aking tenga.

Napamura ako sa isipan.

Bat ganoon???

Bakit nakakakiliti?!! Masikip pero, pero, pero parang—Ahhh! Naloloka na ako!

"I should be the one asking you that Athyeia." Bulong nito saaking mas lalong nagpalakas ng kabog ng aking dibdib. "You're turning red." Parang masaya pa niyang pangaasar saakin.

"Lumayo k—"

"Athyeiaa~" Sabay kaming napatahimik ni Levi nang pakantang binuksan ni Verona ang mga pintuan. "Nasaan kana Athyeia??" Iginala ni Verona ang kaniyang mga mata sa buong kwarto.

Napahakbang ako palikod at naramdaman ko ang mainit na labi ni Levi na tumama saaking leeg.

Waaah!!! Ano ba kasing uunahin ko?!!! Si Levi o si Verona?!!

"Athyeia??"

Humakbang si Verona nang nakangiti patungo saaking kinakataguan.

I was relentlessly panicking when Levi pulled me. Hinigit niya ako sa gilid ng isang cabinet na katabi lamang ng pintuan.

Lumayo siya saakin at doon ko siya mas napagmasdan.

Naiilang ako but at the same time ay naaamaze. Kala ko noon ay haka-haka lamang pero ang sarap palang tumingin sa lalaking nakahubad ano?!

"Taena." Mahina kong usal saaking sarili at lumihis ng tingin.

I musn't think of such unholy things!!!

"What are you doing here Verona?" He stated as he opened the door.

Hindi ko man sila nakikita, alam kong nagulat si Verona sa nakita.

"L-Levi." Marahan akong napataas ng aking kilay.

Levi? Ganon-ganon lang? Walang 'prinsipe'?

Lihim akong napanguso.

So close pala sila.

"Will you just stare at me Verona? O kailangan ko nanamang ipadampot ka sa tauhan ko?"

"But the potion." Medyo mahinang usal ni Verona ngunit rinig na rinig ko padin.

"Your death potion didn't work. Now will you take your leave? O gusto mong ipaputol ko ang paa mo nang ako pa ang maghatid sa iyo?"

"Athyeia is here! I saw her entered!! Don't think na ako ang may mali dito!" Depensa naman ni Verona.

"Is that one of your lies again?" Ramdam ko ang mahinang pagpintig ng aking palapulsuhan ng dahil sa sinabi ni Levi.

He is covering for me.

"Athyeia being a witch is not a lie! Binigyan kita ng proweba!!" Napataas ako ng isang kilay dahil saaking narinig.

Me? A witch?? At saan niya naman iyon napulot?

"I don't give a damn. Just get out." Sumilip ako sa mukhang ginagawa ni Levi when he used his scary ice-cold voice. He was glaring.

He was glaring at Verona without any emotions at all.

"Verona." Dagdag pa nito na tila nageecho sa palagid. I felt the seriousness the both of them were in.

"Fine! Pero tandaan mo Azturias. Ikaw ang magsisisi saatin!!" Pinal na sigaw ni Verona before she bolted out.

Vote. Comment. Thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top