Kabanata XXXXII: Sa Imbakan

Athyeia's PoV

"Nahihibang na ba si Yangzhe?!" Sigaw ng isang matandang lalaki dito sa may loob ng imbakan ng pagkain.

Isa itong kwarto sa ilalim nang lupa na may labasan sa may ilog.

Aside from its function as food storage, ito din ang itinuro sa kanilang takasan kung magkaroon man ng pagaalsa.

Nakatulong naman iyong lagusan patungo sa may ilog lalo na dahil sa mga may sakit.

Kung nais nilang sumuka, dumumi, o di kaya ay umihi ay pwede na doon. At kung mananatili kami dito nang ilang araw, may makakain naman kami.

Mabuti na lamang at mayroon ditong mga prutas na sa palagay ko naman ay makakatulong saamin pinakamataas na ang tatlong araw.

"Magtago kayo. Nandiyan na si Heneral Azturias!" Lahat ay natahimik nang humahagos na sumigaw at bumaba ang isang tao mula sa hagdan papasok sa aming kinatataguang kuta.

"Iyang si Azturias na iyan! At may balak pa talaga tayong sugurin! Gayong iyong kanila namang pamamalakad ang mali." Nakuha ng aking tenga ang isinigaw ng matanda.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit hindi tinugon ng palasyo ang hinaing ng tribong Zhing.

Ang alam ko kasi ay kailangan lamang magpadala nang sulat patungo kay Jeremiah at ito na ang nagaayos ng pagsusuring isinasagawa para humanap ng gamot.

Gayon pa man, hindi padin nawawala ang tiwala ko kay Levi.

Kung tunay mang hindi nila tinanggap ang paghingi ng tulong ng mga Zhing, alam kong may mahalaga iyong dahilan.

"Narinig ko nga na may kinakasama na daw iyon ngayong binibini." Kuwento naman ng isa pa. "Paniguradong tulad din lamang siya ng prinsipe na walang alam kung hindi ang magpakintab ng sapatos. Mga pasarap sa buhay!" Naiinis na sabi ng isa.

"Tama ka diyan Lloyda! A... Atya ata ang pangalan noon?? Jusko! Sila itong dapat nagtatago dahil sa ginagawa nilang pambabale wala sa hinaing ng mga tao." Napukaw naman ang aking atensyon nang dagil sa pangalang sinambit ni Mang Lloyda.

Di kaya Athyeia talaga ang ibig niyang sabihin o may ibang babae pang nakakasama si Levi madalas?

Sabagay. Gwapo naman siya, medyo mabait pag nakilala.

Imposibleng ako lang ang umaali-aligid sa lalaking iyon.

Somehow, I feel sad with the thought na may kaibigan siyang iba bukod saakin.

I pat my cheeks.

I shouldn't think about that! Dapat nga ay mas maging masaya ako na hindi lamang ako ang taong kilala ang tunay na siya di'ba??

"Dapat ay mas tumitingala ang mga tao sa Yangzhe natin!" Proud na sabi ng isang matanda. Natuwa naman ako.

Para kasing may fandom dito si Yangzhe, which I really find funny. Walang tao dito ang hindi tumitingala sa kaniya.

"Salamat iha." Sabi saakin ni Tiya Shang. Siya ang nanay ni Yangzhe. Dinaluhan ko siya upang painumin ng tubig na may pinakuluang bawang. Umaasang sana ay umayos-ayos ang lahay ng kaniyang bituka.

"Walang ano man po." Sabi ko sa kaniya at tinulungan siyang humiga.

Tending to those in need has really been a dream of mine. Matagal na akong nangangarap na sana ay makatulong ako sa mga nangangailangan.

That is why I wanted to be a nurse, and in the long run, maybe even a doctor.

Pangarap namin iyong magkakaibigang Hyacinth at Jeremiah.

"Alas! Bukod sa mas makisig at mas gwapo si Yangzhe, napakagaling niya mamuo at pumili ng babae! Tingnan mo naman si Athyeia! Napakaganda, matalino, at napakamatulungin pa!" Sobrang puri ng isang matanda. Nahihiya naman ako ditong nagpasalamat.

"Kung ikaw ang magiging sunod na Punong Bae ng aming tribo ay sigurado akong mas magiging masagana at matagumpay ang pagapak namin sa mundong ito!" Hindi ko alam ang aking isasagot kaya ngumiti nalang ako ng awkward sa nagsabi noon.

Pag talaga tapos na ang kaguluhang ito, sasapukin ko lang naman si Yangzhe nang mga sampu. Sa ulo, yung tipong hindi na siya magigising!

"Hayaan mo na sila iha. Ganiyan sila dahil ito ang unang beses na nagdala dito ng babae si Yangzhe." Sabi saakin ni Tita. Pinisil nito ang kamay ko. "Ngunit kung ganoon nga ang mangyayari ay labis akong magiging masaya."

Tsk!

Pati ba naman siya?? Haist.

"Ngunit torpe si Kuya Yangzhe. Kung sino man ang mapapangasawa mo Athyeia, masaya kaming magbibigay puri dito at makikisama. Malaki ang tiwala namin sa iyong pasiya." Sabi naman saakin ni Hessa. I never knew that they thought that much of me. Still, malaki ang pasasalamat ko kung ganoon nga ang mangyari.

What's much better than world peace?

Biglang dumating si Lola Liway. Siya ang nagboluntaryong siguraduhing wala nang naiiwan sa labas.

Mas napahanga niya tuloy ako.

Kahit kasi na napakatanda na niya ay napakagilas padin.

Tumahimik ang lahat noong makababa siya, inalok naman siya ng tubig ng iba.

"Kumusta na po ang nangyayari sa labas??" Tanong ng ilan pang matatanda. Pumaikot ang mga ito kay Lola Liway upang magpulong-pulong.

Hindi pa man nakakasagot si Lola Liway ay biglang may dumating na isang agila mula sa lagusan patungong batis.

Lumapag iyon sa balikat ni Lola.

Kinuha niya ang papel na nakasabit sa paa nito.

Muling natahimik ang lahat. Everyone held their breath when Lola Liway read what was on the small piece of paper.

"Kailangan na nating umalis."

Sabi nito na nakapagpagimbal sa lahat.

Kahit ako ay napatigil.

"Saan tayo pupunta pag tayo ay umalis?" Tanong nang isang tao. Lumapit naman ako.

"Wala na po ba talagang ibang paraan Lola Liway? Papaano po ang may mga sakit?" Nagaalala namang sabi ni Hessa at tinitingnan itong mga taong mga katabi kong nakahiga.

Napalingon sila. "Kahit na pinagbawal na ni Yangzhe ang mga may sakit sa normal nating tirahan, hindi padin natin sila pwedeng iwan." Segunda pa ng isa. "Kung alam ko lang na iyong pagsugod sa palasyo ay hahantong sa ganito, dapat ay hindi na pala ako sumangayon doon."

"Wala namang nasawi ngunit naghihiganti padin sila saatin. Nakakagalit!"

Napatahimik ako dahil sa sinabi ng isang matanda. Tama sila, walang nasawi sa pagaalsa ngunit nandito si Levi.

Malamang ay ako ang pakay nila.

Napakagat ako saaking labi.

Bakit ba kinikilig ako sa kabila ng mga nangyayari?? Tsk!!

"Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong umalis na lamang tayo. Pag dinala natin ang mga may sakit ay baka mas lalo lamang tayong mapahamak."

"Hindi maaari! Hindi ako papayag na maiwan ang mga kamag-anak natin!"

Doon nagsimulang magkagulo ang mga tao. Natigil lamang ito nang may malakas na palitan ng putok kaming narinig.

Sunod-sunod iyon, hindi nagpapapigil. Mas lalo akong nangamba.

Kung magpatuloy ito baka mas madami ang magkasakitan.

Nasa ganoong sitwasyon ang kapaligiran noong naisip kong tumakas.

Kung makita man ako ng mga Azturias, baka sakaling hindi na ituloy ng dalawang panig ang kaguluhang ito.

Ginamit ko ang kaguluhan at ang kaingayan upang hindi nila mapansin ang aking gagawin. Nagsimula akong umakyat doon sa may hagdan sa gilid, bubuksan ko na sana ang maliit na lagusan nang bigla iyong alisin ng isang taong nagmula sa labas.

"Levi..." Gulat kong sabi na dahilan nang pagkawala ng aking balanse. Muntik na akong mahulog sa lupa ngunit agad niyang hinigit ang aking kamay.

"Athyeia." Tawag niya at binigyan ako ng isang kalmadong ngiti.

Vote. Comment. Thanks for readinv!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top