Kabanata XXXX: Her Words
Athyeia's PoV
"Hmmm..." Bulong ko saaking sarili habang pinagmamasdan ang paligid.
Lola Liway reported cases of severe and bloody diarrhea, the vomiting of blood and abdominal pain.
Kanina ko pang pinagiisipan kung bakit nagkakaganoon ang mga tao dito, at isang bagay lamang ang pumasok saaking isipan.
Bacterial infection.
Maaaring nasa pagkain nila iyon nakukuha. And upon investigating, I think that what's causing this might be a bacteria called Escherichia Coli.
Mayroon naman lahat nito sa katawan, but there is one kind which is harmful for humans.
E. Coli. Can be found on animal's feces and might contaminate the greens, or iyong mga halamang gulay. It can also be acquired by eating raw meat.
Blood vomiting, diarrhea, and abdominal pains are one of its symptoms.
And I'm pretty much sure na baka iyon nga ang dahilan. They use animals for their farms in this place, madami ding pakalat-kalat na mga manok at madalas ay pinapausukan lamang ang kanilang mga pagkain.
I should tell Lola Liway about this.
Ayon kasi sa kwento niya ay matagal na nilang sinusubukang humanap ng gamot ngunit wala silang makalap. She even said na hindi ito tulad ng normal na ubong nagagamot lamang ng luya o di kaya ay dilaw.
Nandoon sina Lola, si Iryang, at si Hessiah sa pagamutan. Tending to those who needs it.
Nagpapanggap silang nagiikot sa kagubatan upang hindi mahuli ng mga mata ni Yangzhe.
Tumayo na ako mula sa aking pagmumuni-muni sa tabi ng batis. Kakatapos ko lamang maglaba ng mga damit na ipamamalit mamaya ng mga tao.
As I walk in the forest, sinusubukan kong maghanap ng bawang. It might be much easier kung magtanong nalang ako pero baka makakita ako ng kumpol noon.
I can boil garlic in water tapos ay ipapainom iyon sa mga taong sumasakit ang tiyan. Garlic is a medicine that can be used against E. Coli. Lalo na dahil sa anti-bacterial properties nito.
I am also thinking about teaching how to properly cook cow meat. Base sa hapunan kahapon, karne ng baka iyong aming kinain. I saw some people trying to grill it earlier but I doubt na sapat na iyon para maluto ang karne ng baka ng tuluyan.
Cow meat must be boiled for four to five hours, or else, baka makain iyon ng hilaw.
That might be one particular reason kung bakit nagkameron sa kanila ng impeksyon.
Isa pa iyong sa gulay, eating it raw and just washing it with plain water sometimes doesn't mean that it is super healthy, lalo na kung kalat ang mga manok doon. I should tell them about it.
Naaawa nadin ako sa estado ng mga tao kanina sa pagamutan. Salat na sila sa gamot at sobrang nahihirapan.
I don't mean to change their culture, pero iyong pagtuturo sa kanila ng tamang pagluluto at pagkain ay malaking bagay na. Mas mapapahaba ang kanilang buhay at paniguradong mas magiging healthy sila.
Yangzhe's PoV
What Ezekiel said bothered me.
He was right.
After the talk I had with that woman named Athyeia Abarca and the talk I heard that which she had with Ezekiel, mabilis lamang malamang mabilis ito magisip at hindi basta-basta umaakto.
She is a genius.
At hindi nalalayo ang katotohanang baka nga ay makatakas siya.
So I made a quick trip back towards the district. Making sure that she is not planning on doing any underhanded methods.
I was completely on watch when I started searching for her in the forest. Ngunit agad din iyong nawala when I found her walking as carefree as the wind without any knowledge of her surroundings.
Lumambitin ako pabaliktad sa isang puno at tiningnan ang tititingnan niya. She was caught up looking at the ground hindi man lamang niya napansin ang dahong sumabit sa buhok niya sa kaniyang noo.
Ni hindi man lamang din ako nito napansin.
I breathed.
Bakit ba tila wala siyang inaalala??
Natatandaan pa kaya niyang dinukot namin siya??
Athyeia's PoV
I was on my way, still finding garlic sprouts nang biglang may dumuro saaking noo.
Napatingin ako ng diretsyo at agad na napahakbang pabalik nang bulagain ako ng mukha ni Yangzhe na nakabaliktad.
Tiningnan ko ang kaniyang kabuuan. He is hanging upside down from a tall tree branch. "Bakit ka magisa? Do you plan to escape??" He questioned.
I shook my head. "Nope. Naghahanap ako ng bawang. Can you help me?" Tanong ko sa kaniya. He lives in this area kaya malamang ay saulado na niya ito.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa punong kinakasabitan niya, I heard a thud, signaling that he got down from the tree.
Ramdam ko naman ang pagapak niya sa lupa. He is now following me.
"You do know that you are a hostage don't you?" Paalala nito saakin. Tumango naman ako. Bakit ba trip na trip niyang ipaalala saakin iyon?
"I know. So tutulungan mo na ba akong humanap ng bawang??" Medyo nahihiya din naman kasi akong lumapit doon sa tatlong babae. They helped, assisted, and thought me alot already. Madami na silang ginagawa at ayaw ko nang gumulo pa.
Medyo nahihiya naman akong lumapit doon sa mga tao sa tribo pagkat hindi ko pa sila gaano kakilala.
Hindi naman sa kakilalang-kakilala ko na si Yangzhe, pero sapat na siguro iyong pangingidnap niya saakin para hindi na ako mailang sa kaniya. He seems straightforward kaya naman ganito nalang din siguro ang turing ko sa kaniya.
"Balak mo bang magluto?"
"Something like that." Sambit ko. Ayaw ko namang aminin na gagamitin ko iyong panggamot or else malalaman niyang sinasaway siya nina Lola.
"It's for the sick isn't it." Napatigil ako sa paglalakad. I looked at Yangzhe.
"You knew?"
"Kakatapos lamang magtanghalian. Why would you look for ingridients just after lunch? Probably because you want to feed the sick." I was taken aback by his comment.
Iniikot ko ang aking sarili at tiningnan si Yangzhe. Nakapamaywang siya saaking harapan. "Hindi ka galit?" Tanong ko dito.
Yangzhe heaved out a sigh. "I am afraid that they would get sick. Ngunit pinili nila iyon. It is their choice so why should I be angry?" Napakibit balikat ako.
Sabagay, may point siya.
"Kala ko ba hahayaan mo nalang sila dapat mamatay??" Pangungulit ko. Pahapyaw na nahihiwagaan kung papaano ba tumatakbo ang kaniyang isip.
Instead of answering me, biglang umiwas ng tingin si Yangzhe. Lihim akong napangiti.
So he was not the devil everyone thought he was.
"Iyong paghingi mo ng tulong at ang hindi pagtugon ng palasyo ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa." I pointed out as we walk at the naturally paved way inside the forest. "You rebeled againts the Azturias because you thought that it can solve things. Baka sakaling mapakinggan ang mga hinaing niyo." Dagdag ko.
I felt Yangzhe froze behind my back. "That man that almost killed Levi back from the earliest months of this year, wala iyon sa plano mo. Na may magiimpersona sa iyo. But when that man was killed, you are determined to use the event to your benefit—upang makapagsagawa kayo ng pagaalsa at hindi niya makikinita na nandoon ka. But your plan failed—and now you thought of this."
He thought of this to get the attention of the palace. Of the Azturias, to make them help their tribe.
Yangzhe's PoV
Napatigil ako sa paglalakad nang dahil sa pinagsasasabi ng babae saaking harapan.
Napangisi ako.
Tama si Ezekiel.
Hindi tanga ang babaeng kaharap ko.
But why is she pointing that out now? Hindi padin noon mababago ang katotohanang papatayin ko sila.
If she is not of use, handa na akong padanakin ang kaniyang dugo.
Hindi ko siya kadugo—So what's the loss?
Buhat-buhat ang palangganang may mga damit at walang ekspresyon ako nitong nilingon.
"Do you really think that taking someone else's life can save the lives of your people?" Taas noong tanong niya. "Do you really think it would help you?" She breathed. "Because if you think so, then you are not their protector. You are just a revenger and an evil one at that."
Tila naputol ang paghinga ko sa mga salitang lumabas sa bibig ni Athyeia.
Hindi makapaniwala at tila nabingi sa matalas na dila nitong naglabas ng mga salitang iyon.
Bigla itong tumingin saaking likudan at pinatungan ng ngiti ang kaniyang matapang na mukha.
"Found it!" Masaya niyang sabi at tumakbo patungo sa lugar na iyon.
At iyon lamang ang panahong bumalik ako sa katinuan.
Sinundan ko ng tingin ang babaeng ngayon ay masayang nakatitig sa tanim ng bawang na kita ang ulo mula sa nakalubog nitong katawan sa may lupa.
Masaya itong nakangiti habang tinititigan ang gulay na kaniyang hinukay mula sa lupa gamit ang kaninang malilinis at walang balot na mga kamay.
Just who is Athyeia Abarca?
Vote. Comment. Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top