Kabanata XXIII: Sulat

Alaina's PoV

What I read was exactly from how my life turned upside down.

Noong araw na iyon, namatay si Ate. Si Ate Alaina Abarca.

Ang linya na pinagtapusan ng kwento noong araw na nawala ako.

Tiningnan ko ang sunod na pahina. May sulat doon si Li-Em.

Ate Alaina Abarca,

Ang oras niyo po dito ay kapos at panandalian.

Ngunit kahit ganoon pa man po ay ramdam ko na minahal niyo padin po kami at tunay kayong naging masaya sa araw-araw na gumigising ka kasama kami.

Nabasa ko po itong libro mga libro ninyong sinulat.

Ang isa ay iyong mga nangyari sa mga araw niyo dito habang iyong isa naman ay galing po ata sa inyong imahinasyon (?)

Iyon pong libro ninyo na "The Death of Athyeia" ay itinuloy kong isulat.

Base po sa iniisip kong maaaring naging posible niyong buhay kung kayo man po ay hindi maagang nawala.

Nalaman nadin po pala namin nina Mama at Papa kung bakit po nawala ang tunay na Ate Athyeia na hindi ko na isasalaysay ang dahilan dahil sa sakit at labis na pait na naramdaman namin dahil doon.

Ate Alaina, hindi ko po sigurado ngunit nabanggit niyo po doon sa inyong talaarawan na galing po kayo diyan sa kinabukasan? O di po kaya ay sa ibang mundo??

Kung totoo man po iyon ay sana mabasa mo po itong sinulat ko.

Mahal na mahal na mahal ka po namin.

Hindi ko kayo mapipilit na bumalik dito ngunit kung ganoon man po ang mangyayari ay gusto ko pong ipaalam na naghihintay kami.

Nagmamahal,

Abarca Family.

Walang luha ngunit labis na lungkot ang nararamdaman ko dahil sa sulat ni Li-Em para saakin.

Hindi ko padin alam ang dahilan ng pagkawala ng tunay na Athyeia ngunit masaya ako sa katotohanang lahat ng aking ala-ala ay puros katotohanan lamang.

Iyong ala-ala ko kasama si Jeremiah at Hyacinth, pati nadin iyong bagong ala-ala ko noong napapunta ako sa sinaunang mundo at ginampanan iyong pagkatao ni Athyeia Abarca.

Naalala ko naman ang katapusan ng libro.

Ayon sa kwento saakin ng pinakamamahal kong si Jae-ha, ito ang nangyari noong araw na iyon.

Basang-basa ng ulan ay magkahawak kamay na pumasok sa loob ng manor ng mga Azturias si Alaina at Prinsipe Levi.

Dinaluhan ni Butler Vien ang dalawa at agad na binigyan ang mga ito ng tuwalya.

Bagamat basa, napakasaya padin daw ng hitsura ni Ate Alaina.

Bakit hindi kung ang kasama naman niyang ligtas ay ang tinuturing niyang isang matalik na kaibigang si Prinsipe Levi Azturias.

Masayang naguusap-usap ang mga tao, na tila ba walang nangyaring kaguluhan kani-kanina lamang.

Ngunit biglang nangyari ang hindi inaasahan.

Muling nanghina si Alaina dahil sa sobrang pagod.

Agad naman itong dinala ng mga tao sa klinika, kung saan siya nanatili ng isang buong linggo.

Ilang libong minuto at buwan ang lumipas.

Ngunit hindi na siya muling gumising pa.

Madaming nalungkot, madaming nahabag sa kung paano natapos ang buhay ni Ate.

Ang tumayong pamilya niya na ang mga Abarca at ang kaniyang mga naging bagong kakilala.

Labis-labis ang paghingi ng tawad ng mga Azturias sa pamilya ng Abarca.

Ngunit sa kabila nito, may isang taong hindi mapuyos-puyos ang galit na unti-unting nanaig sa kaniyang puso.

Si Binibining Hyacinth Laura De Amado.

Ang pinakamatalik na kaibigan at matagal nang kasama ni Ate Athyeia.

Hindi alam ng pamilya ng Abarca na sa paglipas ng panahon ay gumagawa na ito ng plano.

Ang kaniyang planong maaaring tumapos sa buhay ng Prinsipe at Magiging Hari na si Levi Azturias.

Habang lumalapit ang kalooban ko kay Jae-Ha, lalo na at mas napapadalas ang pagkikita ng mga Azrurias at Abarca, ay ang siya ding paglapit ng kamatayan ng Prinsipe Azturias.

Dalawampu't tatlong gulang ang dalaga noong napagpasyahan nitong magpakasal kay Jae-Ha, ang personal na guardia ng mahal na prinsipe.

Sa kasal ding iyon ninais na gawin ni Laura ang kaniyang plano.

Habang nakatayo sa gilid ng simbahan ang prinsipe, at habang isinasagawa ang pagdiriwang, doon walang pagdadalawang isip na binaril ni Ate Laura si Kuya Levi.

Lahat ay napalingon, at lahat ay nasaksihan ang hindi pinakaaasam.

Ang Mahal na Haring si Nero ang tinamaan ng bala na dapat ay sa prinsipe.

Agad na dinakip noon si Laura at ipinagutos na agad parusahan ng agarang kamatayan.

Sinubukan itong patakasin ng Doktor at kasintahan nitong si Jeremiah na nahuli din naman agad.

Pareho silang pinatay at isinabit ang ulo ng dalawa sa pultahan ng kastilyo.

At doon nagsimula ang pagmumuno ng pinakamamahal na haring si Levi Azturias.

Kaya ba sila wala sa kasalukuyang ito ay dahil doon? Dahil mas napaaga din ang kanilang kamatayan??

Sa baba ng sulat ng mga Abarca para saakin ay isang maikling kataga.

Sa susunod na pahina naman ay ang sulat ni Laura para kay Ate Alaina. Wala siyang alam sa tunay na kalagayan ni Ate Alaina at Athyeia, kaya naman Athyeia padin ang tawag niya sa iyo Ate Alaina.

Basa ko sa papel nang maglipat muli sa ibang pahina.

Athyeia,

Kumusta mahal na kaibigan?

Binigyan ako ni Li-Em ng isang papel upang sumulat daw sa iyo bago ang nalalapit kong kamatayan.

Hindi ko alam kung mababasa mo man ito gayong nasa kabilang buhay ka na, kahit ganoon ay masaya padin akong susulat sa iyo.

Unang una, salamat sa ginawa mo noong pagtulong noong ako ay musmos pa lamang.

Noong mga panahon kung kailan ang araw at gabi ko ay nauubos sa maduming lansangan, noong panahon na ni tubig ay hindi malamnan ang aking tiyan.

Pangalawa, salamat sa pagbibigay ng ibig sabihin saaking buhay.

Kung hindi dahil sayong pagaabot ng tulong ay malamang pa sa malamang, matagal na akong patay.

Ikaw ay isang kaibigan na higit pang mas maganda kaysa sa mga panaginip kong nagdaan. Isa kang grasya para saakin.

Isang taong nagpapasaya, isang taong hindi nangiiwan. Isang taong hindi basta-basta humuhusga, at isang taong alam kong tunay ang pagmamahal na ipinapakita.

Nabulag ako saaking galit kaya naman nagawa ko iyon sa isa mo pang matalik na kaibigan.

Hindi ko naisip na baka dahil doon ay mas lalong hindi ka sumaya.

Pasensya Athyeia... Alam kong kulang ang mga salitang ito ngunit nawa ay maramdaman mo ang sigaw ng aking napapaos nang puso.

Naririnig mo pa kaya ako?

Hinihiling kong sana ay katabi kita ngayon upang personal akong makahingi ng kapatawaran sa iyo.

Kung nakikinig ka man, sana ay matanggap mo padin ako bilang isang kaibigan.

Hindi man ngayon ngunit maaarin sa susunod ko namang buhay, sana ay muli padin tayong magkita.

At sa panahong iyon, sana ay hindi ka na mawala nang maaga.

Paalam na kaibigan.

Hanggang sa muli.

Laura.

*****

A/N: Drama really ain't my thing >.< pagpasensyahan na hehehe, still, thanks alot for reading!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top