Kabanata XIX: Run
Athyeia's PoV
Madilim ang loob ng silid, at ang tanging nagbibigay lamang ng ilaw ay ang sumisilip na liwanag mula sa bintanang natatakpan ng kulay pulang mga kurtina.
Pula.
Ang mga mata ni V.
Sa taas ng kulay putik at gawa sa kahoy na malaking lamesa ni V ay malinis na nakapatas ang magkakaibang libro.
Magkakaiba sa kulay, sa laki, at sa kapal.
He never seemed like a messy person anyway. Halata ko din iyon sa kaniyang uri ng pananamit at paggalaw.
Kahit naman kasi kami ay madalas umuupo sa mga malalaking ugat ng puno ay halatang marahan lamang ang kaniyang pagkakalapat sa mga ganoon. Upang hindi dumikit ang dumi sa kaniyang suot.
If I place his locket atop this tall pile of books, siguro naman ay makikita niya agad iyon hindi ba??
I hope so.
Mula saaking bulsa ay kinuha ko iyong binili kong isang napakagandang box kanina, kasabay noong pagbili ko ng kwintas namin ni Laura.
Ipinatong ko iyon doon sa may libro at tsaka binuksan.
Napapaloob doon ay isang red cushion na maaaring pagpatuntan noong locket.
Malinis ko doong inilagay iyong locket ng nakasara.
The small loose dusty rays of the sun shone over the small but memorable piece of jewelry. Muling naarawan iyong nakakatay na mga linya sa locket.
Ngayong mas natingnan ko na ito, I remembered about what it is.
This is the symbol of the Azturias family. Isang symbolo na sila lamang ang maaaring magbigay at magsuot.
Kinuha ko naman iyong maliit na papel sa nakasipit saaking bulsa.
Ito iyong papel na hinahabol ko kanina noong muntik pa akong mabangga.
Mabuti na lamang at mabait iyong tao at pinagpaliban na lamang ang nagawa ko.
Pinilas ko ang maliit na papel na ito mula sa walang sulat na pahina noong librong balak kong sulatan.
I wrote a little word here which is 'Sorry'.
Ayaw naman kasi ako nang makita pa ni Levi. At least, kahit hindi niya alam na ako ang magbibigay nito, ay makakahingi padin ako ng paumanhin.
"If the circumstances were different we could've been friends." Sambit ko saaking sarili at tsaka huminga ng malungkot.
Isinipit ko iyong papel sa may box ng locket.
Sana makita niya ito...
Levi's PoV
When Jeremiah held Laura, tahimik at patuloy akong naglakad patungo saaking opisina.
So they conspired for this.
For their whole stay, wala silang ginawa kundi ang kumalap ng impormasyon na labis nilang magagamit sa pagsasagawa ng mga hakbang upang patayin ako.
She's a great actor.
Kung tanga siguro ako ay mabilis niya lang din akong mapapaniwala. Mabilis niya lang nakuha ang tiwala ng mga tao dito sa manor. My people let their guards down and now look at this pretender.
Naghihintay sa opisina ko para patayin ako.
Will she hide for a surprise attack?
I wonder.
I smirked at the thought of her decapitated head hanging by the gates.
It will earn me more respect from my people. And those who plans to scheme on me again shall cower with fear.
Bago ako pumasok sa aking opisina ay inaasahan ko nang nagtatago siya sa loob noon. But to my surprise she wasn't.
She was just there... standing.
Has she anticipated me coming after her?
Napangisi ako.
What more must I expect from the assassin that killed Yangzhe?
I walked silently towards her. When I was a meter away from Athyeia, walang pagdadalawang isip kong itinutok ang aking baril sa likod ng kaniyang ulo.
I was about to pull the trigger when she spoke.
"If the circumstances were different we could've been friends."
Friends?
She probably means if I wasn't Levi.
I was caught off guard ng bigla itong lumingon saakin sa kabila ng mga bagay na tumatakbo saaking isipan.
She too was shocked as well.
Didn't expect me, huh?
"AH! H'wag mo akong patayin V! Kaya lang naman ako bumalik kasi may kailangan akong ibalik sa'yo na mahalaga sa iyo, na alam kong ikakalungkot mo pag nawala sa iyo! Promise, cross my heart, hope to die, hinding-hinding-hindi na ako magpapakita sa'yo!!!!" Malakas at mabilis nitong sigaw habang nakapikit na sandaling nakapagpabingi at nakapagpatigil saakin bago tumakbo palayo.
My mind went blank and my hand was left hanging by the air because of that unexpected sudden burst of lines.
Napabalik lamang ako sa huwisyo noong may kulog na nanggaling mula sa kalangitan.
"Catch her!!!" I shouted with my wits almost out.
Napabalik naman ako ng tingin sa aking lamesa. I wasn't sure about what I saw not until I look at it once again.
The locket...?
Athyeia's PoV
Napakabilis ng tibok ng puso ko noong makalabas ako ng opisina ni V.
Bakit nandito siya??
I don't know! Basta kailangan na naming makatakas!!
My heart fell when I saw the back of Jeremiah facing me. At kung hindi ako nagkakamali ay nasa kamay niya si Laura.
Walang pagdadalawang isip kong tinakbo ang pagitan sa gitna ko at ng tambong kanina ay pinagamit ko kay Laura.
At mabilis na hinampas ang stick noon sa ulo ni Jeremiah.
Sorry par.
Nilipad ang ulo ni Jeremiah sa padet na dahilan ng pagkahilo nito.
Laura was still in shock when I pulled her hand to flee away from the scene at hindi ko sinasadyang maapakan din ng binti ni Jah dahil saaking mabilis na galaw.
Sorry talaga Jah!
"Catch her!!" Malakas na utos ni Levi na siyang rinig na rinig ko mula sa kaniyang opisina.
"Binibini!!" Sigaw naman ni Laura ng makita ang isang hindi pamilyar na lalaki saaming harapan.
He shot twice ngunit pareho namin iyong naiwasan.
"Yaah!!!!" Sigaw ko bago ito hampasin ng ulo ng walis tambo.
Pumutok muli ang baril niya ngunit tumama iyon sa sahig.
He fell flat on the floor at mabilis kaming tumakbo pababa ng hagdan.
Thank goodness at wala pang mga cellphone at CCTVs ng panahong ito! Or else, paniguradong kanina pa kaming cornered.
"Run! Mas madali po tayong makakatakas kung maghiwalay tayo!" Sigaw ni Laura ng makababa kami sa first floor at nang binitawan niya ang aking kamay.
"Be safe!!" I shouted at her at tsaka lumihis ng daan.
She's gonna escape through the kitchen, habang ako naman ay patungo sa front gate.
The distance is still the same naman kaya paniguradong makakalabas kami ng sabay.
When I stepped in front of the manor's big doors, agad ko iyong itinulak.
"Athyeia!" Was the shout I heard behind me. Medyo hingal na ako at mas nadagdagan pa ang bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ang boses ni V.
He's gonna catch up!
Hinawakan ko ang dalawang gilid ng aking palda at itinaas iyon ng konti upang mas mabilis akong makatakbo palayo.
"Aghhh!!! Bakit mo pa kasi ako hinahabol?!" I muttered to myself. Hindi ba niya nakita iyong nilagay ko sa kaniyang mesa?? Kung hindi, ang ogag mo naman Levi! Ughh!!!
I was almost at the closing gates when I remembered another chapter of the story.
The next week after our visit at the Azturias Manor, to my surprise, the Prince invited me once again.
Muntik pa akong hindi pinayagan nina Mama at Papa, pero dumating si Tita Veronica, sinabi niya at ipinaliwanag kina Mama at Papa na maaaring ito lamang ang maging tsansa ko upang magasawa.
Noong una ay mas lalong umigting ang paninindigan nilang hindi ako sumama, ngunit dahil nadin sa pangungumbinsi ni Tita ay naging praktikal sila.
Nangako naman akong hindi ako gagawa ng kahit anong aking ikakasama. Sinabi din nila na h'wag kong madaliin ang pagaasawa.
Natutuwa ako sa isiping kahit na labing-anim na taong gulang na ako ay itinuturing padin nila ako bilang batang anak na dapat nilang gabayan.
Tatlong araw makalipas, linggo, nakarating na ako sa Manor ng mga Azturias, makulimlim, malakas ang hangin, at tila babagyo.
Kinakabahan ako sa maaaring mangyari....
Bumaba ako ng karwahe. Mabilis namang binuksan ng ilang guardia ang pultahan ng manor.
"Magandang hapon po Binibining Athyeia." Masayang sabi saakin ng isa na sinagot ko ng isa ding:
"Magandang hapon."
Napatingin ako sa orasan sa arkong bato sa taas ng pultahan. 3:00PM.
Muling humangin ng napakalakas. Muling kumulog at kumidlat.
Malayo-layo saakin ay nakatayo si Ginoong Levi Azturias.
Ngunit imbes na lumapit ay tila ba natigil siya at napatitig sa langit.
Mabilis ko namang pinalipad ang mata ko sa kaniyang tinitingnan.
Ganoon na lamang ang aking takot ng makita ang isang kidlat na patungo sa kaniya.
"Levi!" Natatakot kong sigaw at walang pagdadalawang isip na tinawid ang espasyo saaming gitna.
Mabilis akong tumigil sa pagtakbo at lumingon saaking likudan.
Sa gitna ng harapan ng manor ay nakatayo lamang si Levi at tahimik na nakatitig sa kidlat na malapit nang tumama sa kaniya.
Hindi maaari... kasalanan ko 'to!
Ngunit.. hahayaan ko ba siyang mabuhay?
Kung siya din ang papaslang kay Athyeia??
Napahinga ako at agad na tumakbo patungo kay Levi.
Tila naman bumagal ang galaw ng aking paligid.
Tanging siya lamang ang aking nakikita at iniisip.
Kahit anong gawin ko ay tao padin ako, binigyan ako ng isip ng Diyos na alamin kung ano ba ang tama at mali. At binigyan niya din ako ng malayang pagpili.
At gusto kong iligtas ang buhay ng kaibigan ko.
Levi's PoV
Mahahabang hakbang ang ginawa ko upang habulin si Athyeia.
Sa kaniyang ginagawang pagtakbo patungo sa kalawakan ng harapan ng manor ay paniguradong baka matulad ito sa ama ko.
Mula ng kaniyang kamatayan, inaral ko ang lahat ng bagay tungkol sa kulog at kidlat.
At isa doong sinabi na upang hindi matamaan ay hindi dapat pumunta sa isang lugar na hawan.
May pangako ako saaking ina.
Kailangan ko siyang pigilan.
Habang naglalakad ay muli kong narinig ang kulog.
Rumehistro sa langit ang isang kidlat kaya naman mas binilisan ko ang aking mga hakbang.
Malapit na ako sa likod ni Athyeia nang muling sinakop ng isang napakapamilyar na tunog ang aking mga tenga.
Vote. Comment. Thanks for reading!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top