Kabanata III: Ang Kaguluhan sa Perya
Athyeia's PoV
"Bilisan mo po Manong Rodelios! Kailangan nating magmadali!" Taranta kong sigaw mula sa loob ng karwahe.
"Ano po ba talaga ang nangyayari binibini?" Nalilitong tanong ni Laura habang iniaabot saakin ang panyong pinakuha ko sa kaniya kanina.
"May masamang mangyayari, ramdam ko." Palusot ko nalang sa kaniya. Hindi na ako kanina nagayos ng sarili bago pumunta sa may peryahan, nagpakuha na lamang ako kay Laura ng panyo pantakip saaking mukha upang wala saakin doong makakilala.
"Ang paa niyo po?"
"Ahh.." Paano ba ako makakalusot? "Natapilok ako sa pagmamadali kanina, umayos na uli ng pwesto iyong buto." Ang tanga ko naman sa palusot na iyon. Ugh.
"Po? Pwede po ba iyon?"
"Oo. Tamo, nagagalaw ko na ngayon." Pagmamalaki ko pa habang pinapakitang naiikot ko na muli ang kaliwa kong paa. Ang galing ko sanang magsinungaling, medyo tanga nga lang.
"Malapit na po tayo binibini." Sigaw ni Manong Rodelio, kinuha ko mula sa kamay ni Laura ang panyo niyang bitbit at pinangtakip saaking mukha.
"Doon kayo sa may liblib pumarke, huwag kayong lumabas at hintatin niyo akong bumalik. Siguraduhin niyo ding hindi ito malalaman nina Mama at Papa intindi?" Sunod-sunod na pagtango ang iginawad saakin ni Laura.
"Masusunod po binibini." Sambit naman ni Manong Rodelios mula sa labas. Nakita ko ang isang tela mula dito sa loob ng kawahe.
Binuksan ko ang parisukat na bintana sa harap upang makita si Manong Rodelios. "Manong, ito po, suotin niyo mamaya pag po kayo ay nilamig."
"Salamat Binibining Abarca." Nakangiti akong tumango kay Manong.
Maya-maya pa ay tumigil ang karwahe, kami ay nasa isang liblib na lugar malapit sa perya. Kailangan ko pang hanapin iyong tinutukoy ni Laura na larong barilan kaya kailangan ko talagang magmadali.
Ayaw ko naman siyang isama pagkat ayaw kong madamay pa siya sa gulong ito.
My plan is, to go in, then go out, oras na mabaril ko ang dalawang binti noong lalaking susubukang asintahin ang kapatid ko at si Levi ay dapat na agad akong umalis.
I mist fled from the scenery without Levi seeing me.
Sinimulan ko nang tanggalin ang mga alahas na baka ay sumabit mamaya kung saan-saan. Niluluwagan ko palang ang isa ay bigla nang nagsalita si Laura.
"Magsisimula na ang fireworks. Nagpapatayan na ang mga tindahan ng kaniya-kaniyang mga ilaw at nagsisindi na sila ng mga kandila."
Fireworks....
Kasabay noon magpapalipad ng bala ang masamang tao upang matakluban ang tunog o putok ng kaniyang baril.
Hindi ko na tinuloy ang pagtatanggal ng aking mga alahas at agad nang sinuot ang isang balabal 'saka binuksan ang pintuan ng karwahe. "Magingat kayo." Sabi ko sa kanila bago tumakbo patungo sa perya.
Mas bumilis ang tibok ng aking puso ng madatnan ang lawa ng mga tao sa aking paligid.
Papaano ko sila hahanapin?
Ako na si Athyeia ngayon hindi ba? Kailangan kong tandaan kung nasaan ang pwesto ng baril-barilang iyon.
Masaya kami at magkahawak kamay na pumasok sa malaking pultahan ng perya ni Li-Em. Pultahan pa lamang, napakaganda na ng dating, pagkat may makadekorasyon doong samu't saring mga bulaklak. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkasabik na aking nadarama...
Ito na ang huling araw ng selebrasyon, at paniguradong ito ang magiging pinakamasaya!
Nasa bungad pa lamang ay agad ko nang nakita ang paborito kong laro sa perya. Ang barilan ni Mang Isko.
Gusto kong bigyan si Li-Em ng isang teddy bear, o kaya naman ay kahit anong palamuti sa damit, o di kaya ay laruan, kaya naman agad kaming pumunta doon.
Nagmulat ako pagkatapos alalahanin iyong nabasa ko sa libro ni Athyeia.
Pultahan na nadedekorahan ng bulaklak.
Nasaan na nga ba ang gate ng lugar na ito?? Ilang mga tindahan na ang nagpapatay ng mga ilaw para sa magaganap na pagsabog mamayang hating gabi.
Kaya naman mabilis at paikot kong iginala ang aking mga mata. At wala pang ilang segundo ay nahanap ko na ang aking pakay.
Agad akong tumakbo doon.
Iilan na lamang ang bumbilyang bukas sa paligid at mas madami na ang kandilang nagsisilbing liwanag para saakin, ngunit hindi iyon sapat para gabayan ako hanggang dulo ng misyon kong ito.
Noong makarating sa pultahan ay doble ang naramdaman kong galak ng makita kung papaano huling nagpatay ng ilaw ang barilan ni Mang Isko. Agad akong tumungo doon.
Hawak ang laruang baril, liningon ko ang kapatid ko saaking likudan na katabi ang mga magulang ko.
Sumabog ang napakaliwanag at makulay na paputok sa langit. Saaking harapan ay nakakita ako ng isang bagay na kumikislap.
Isang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa lalaking nasa aking harapan.
Bumaril siya, nabangga ito sa isang metal.
Napatingin ang lalaking malapit saakin sa nangaasinta, klaseng hindi lang din ako ang nakakita.
Naramdaman ng masamang lalaki ang mga matang tumingin sa kaniya, inilihis niya ang kamay at ganoon na lamang ang gulat ko ng nakatapat iyon saaking kapatid.
Si Li-Em!!!
Binitawan ko ang laruang baril at hinigit ng baril ng lalaking nasa aking harapan.
I did as what I have remembered.
Kinuha ko ang baril na nakatali sa kaniyang tagiliran at pinaputukan ang lalaki sa kaniyang binti.
Nanlaki ang mga mata nito at mukhang natantong hindi na siya makakatakas.
Muli niyang itinapat patungo sa lalaking nasa harapan ko at saakin ang baril. Nanginginig na ang may masamang loob at baka madamay pa ako kaya naman walang pagdadalawang isip kong binaril ang isa pa nitong binti.
Nadapa siya sa lupa at nabitawan ang hawak na baril.
Hinihingal akong nakatitig sa lalaking ngayon ay nasa lupa.
Muntik ko nading ikamatay iyon...
"Sino—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaking nasa harapan ko ng lumingon ito saakin at mabilis na tumakbo.
Sa bilis noon ay nahulog ang panyo saaking mukha na hindi ko na binalikan dahil sa takot na baka ay makaharap ko pa ang taong aking iniiwasan.
Mabuti na lamang at hindi niya nakita ang mukha ko dahil nakatalikod na ako ng mahulog ang panyo.
Napahinga ako ng maluwag noong sa wakas ay makarating ako sa pinagparkehan ni Manong Rodelios.
Ligtas na ang lahat. Sa wakas.
Levi's PoV
Mahigpit kong hinawakan ang panyo na nahulog ng babaeng kani-kanina lamang ay tumulong magligtas sa buhay ko.
"Laura." Basa ko sa pangalang nakaburda sa panyo.
"Patawarin niyo ako mahal na prinsipe. Hindi ko agad nakita ang lalaking may nais umasinta sainyo." Nakarungong saad ni Xavier. Ang aking guardia.
"Forgiven." I simply stated. I looked at him. "Find every Laura in the kingdom."
"Po?" Tila gulat pa niyang sambit. "May I ask why, sire?"
"She was the woman who helped you kill Yangzhe, pay her accordingly. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob."
"Understood."
Sa baba ng panyo ay napangisi ako ng makita ang isang bagay.
Napaisip ako kung bakit pa niya kailangang magtakip ng mukha. May nagutos ba sa kaniya?
Yangzhe is one of our time's best assassin, to lure him, napili kong pumunta dito sa karamihan ng tao at hayaan siyang patayin ako—he fell for it though.
Kung hindi kinuha ng babaeng si Laura ang aking baril, panigurado akong ako ang makakatapos sa buhay ng lalaking iyon.
Who she is, I don't know.
But one thing's for sure, she is a threat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top