Kabanata II: Ang Pagpapanggap
Athyeia's PoV
Nagising ako ng masakit ang ulo. Buong gabi ko kasing inisip ng inisip kung ano ba ang mga hakbang na dapat kong gawin ngayon upang maiwasan ang pagkikita namin ni Levi.
Niyakap ko ang isang teddy bear sa aking tabihan at pumuwesto ng nakatalikod mula saaking pintuan.
Kagulo ang lahat dahil sa paghahanda, kaya naman nagpapanggap akong tulog upang hindi muna nila ako idawit sa gulong nagaganap sa ibaba.
Napagpasyahan kong habang nasa katawan pa ako ni Athyeia ay papangalagaan ko ito sa abot ng aking makakaya.
Kung ito man ang magiging buhay ko sa mga sumusunod na taon, kailangan kong pigilan ang kamatayan kong maaari nanamang dumating ng maaga.
Kailangan kong mas magingat.
Maya-maya ay magpapanggap ako masakit ang ulo at tiyan upang hindi nila ako pasamahin sa may plaza kung saan magaganap ang selebrasyon.
"Athyeia!!! Gumising ka!!!!!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang isang napakatinis na sigaw ni Tita Veronica. Ang tunog ng kaniyang takong ay umaalingawngaw sa kahoy na flooring ng aming munting bahay.
Wala sa sarili akong napabalikwas ng higa at nagpapanggap na nagsusuot na ng tsinelas pambahay. "Athyeia!!" Muling sigaw ni Tiya at padabog na binuksan ang pintuan ng aking kwarto.
"Tiya Veronica. Magandang umaga ho sainyo." Plastik ang ngiti kong bati sa kaniya. Nasira niya ang pagmumuni ko tas ang tapang-tapang pa niya.
Jusko, daig pa ang nanay ni Athy.
"Anong maganda sa umaga kung tanghali na?!" Sigaw niya sakin. Kung maaari lamang sanang takpan ang aking mga tenga ay nagawa ko na. "Bakit hindi ka pa tumatayo?!!"
Ang sarap pilipitin ng nguso niya.
"Pasensya na po Tiya. Ngunit napakasakit po ng aking tiyan at ulo, sa akin pong palagay ay hindi ko kakayanin ang tumayo pa sa lagay na ito..." Kunwari ay nanghihina kong sabi. Iyan, bruha ka, anong akala mo saakin? Basta lang magpapagamit?? Tss.
Umacting-acting pa ako ng may pahawak-hawak saaking tiyan.
"Athy anak? Hindi kaya nagugutom ka lamang ng sobra kaya ka nagkakaganan?" Malambing na sabi ng aking nanay na nasa likod pala ni Tita Veronica.
Dumaan naman si Mama Alta at sinagi pa ang braso ni Tita Veronica. "Huwag mo madaliin ang aking dalaga Veronica, baka mamaya ay mas mahilo lamang siya dahil sa iyong ginagawa." I secretly smirked when Mama said that.
Actually, itong si Tita Veronica ay kapatid ng ama ko sa labas. May gusto nga ang bruha kay Papa e kaya naman laging nakasunod, nakakaawa siya dahil hanggang kapatid lang ang tingin talaga sa kaniya ni Ama.
Isa pa, itong si Mama ay matagal nading napupuno kay Tita Veronica dahil sa asta nitong akala mo ay siya ang may ari ng aming bahay.
"Hmph! Dahil lamang iyan sa gutom. Pakainin mo na siya at nang maayusan ko na."
"Kung bakit ba naman kasi labis na napakaganda mo anak, naiiba ka talaga sa lahat." Malakas at may bakas na yabang na sambit ni Mama. Iba din pala talaga itong nanay ni Athy, kung sa nobela ay tawang-tawa ako, lalo na ngayon.
What Mama said if translated in layman's term is: "Kung bakit ba naman ang ganda ng anak ko, hindi katulad ng anak ng iba diyan."
Nakita ko ang pagirap ni Tita Veronica bago sarhan ang pinto at umalis.
"Gagang 'yon. Gagamitin ka pa para lamang magkameron ng kasintahan ang pangit niyang anak." Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng bahagya ng dahil sa kaniyang sinabi.
Bitchessa din talaga ang nanay ni Athy.
"Siya anak, kumain ka muna at tingnan natin kung aayos ang iyong pakiramdam. Alam kong paborito mo ang Summer Festival kaya naman sana ay mapabuti ka." Ackk, pasensya sa iyo tunay na Athy. Wala munang pasummer-summer festival dahil dito mo unang makikilala ang lalaking walang pusong papatay sa iyo.
"Opo mama." Pagsangayon ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Mama sa noo bago ako iwan sa aking kwarto para maligo at magbihis.
Bumaba ako sa hapagkainan ay eksaktong tanghalian na, nakasuot lamang ako ng simpleng sayang pambahay at hinayaan kong nakalugay ang aking buhok upang mas mabilis itong matuyo.
Halos maglaway naman ako ng makita ang mga pagkaing nasa hapagkainan namin.
May roasted beef, bulanglang na kalabasa, kanin, tinapay, prutas, at keso.
Ibang-iba sa nakasanayan kong noodles, tuna, at fast foods.
"Masayang pagbati sa iyo pinsan." Sambit ng pinsan kong si Verona, ang anak ni Tita Veronica.
"Masayang pagbati din sa iyo Verona."
"Umupo kana anak, narinig ko sa mama mo na nananakit daw ang iyong ulo at tiyan kaya naman pinadamihan ko ang nakahandang pagkain." Masayang sabi naman ni Papa saakin. I saw Tita Veronica hissed, si Nanay naman ay lihim na nakangising muli. "Tell me kung may kulang pa iha, nagpatimpla din ako ng paborito mong fruit juice."
"Salamat po ama." Napaka-swerte mo talaga Athy!!! Ang ganda na, mayaman pa at spoiled. Everyone would kill for your life but not on my era because they know that you'll be dead soon, haiist.
"Klaseng gutom na gutom ka Athyeia. Mukha kang hindi pinapakain Haha." Lihim akong napataas ng kilay sa sinabi ng tiyahin ko. What she said means: "Mukha kang patay gutom. Pinapakain ka ba dito?"
"Madami pong nagugutom sa mundo Tiya, kaya bakit ko po ba ito sasayangin? Isa pa, gusto ko pong ibalik ang pagmamahal na ginawad saakin ni ama sa pagpapakitang natutuwa ako at nasasarapan sa kaniyang inihanda." Itutulad mo pa ako sayong bruha ka na always nakadiet. Sana magets mo na never ka ipaghahanda ng ama ko dahil hindi ka niya ganito kamahal.
"Tama si Athy, Veronica. Mabuti nga at hindi siya tulad ng ibang dalaga na mabilis lumobo ang pisngi kaya naman laging nagtitipid sa pagsubo." Haha, hindi talaga mapigil din ng nanay ko ang bunganga niyang mampuna e. I somehow feel bad for Verona, nadadamay tuloy siya dahil sa laging pagkaepal ng mama niya.
Napakatabil ng dila.
"Ahh..." Angal ko ng maramdaman ang sakit ng aking sikmura. Sakto! "Hindi po talaga ako makakasama sa selebrasyon mamaya, klaseng napasarap po ako masyado sa hinanda mo aking ama."
Bumakas sa mukha ng aking ama ang pagaalala. "Pasensya na anak." Nalulungkot niyang saad. "Gusto kitang isama sa plaza ngunit ayaw kong nahihirapan ka, baka mas mabuting magpahinga ka muna sa ngayon."
"Ha?!"
"May mali ba doon Veronica?" Asik ng aking ama ng sumigaw si Veronica.
"W-Wala po Kuya. Sayang naman Athyeia, gusto ka pa namang makasama ni Verona na umikot sa may perya." Heh, if I know may hidden agend ka lang.
"Ayos lang po iyon Mama, ipapanalangin ko ang mabilis mong pagkabuti pinsan upang makapagkwentuhan tayo at makapaglibot sa perya ng magkasama." Sabi ni Verona at pinisil ang aking kamay. Buti pa siya, ibang-iba sa nanay niyang laging may natatagong pakay.
"Salamat Verona."
Noong araw na iyon, masaya akong tumungo saaking kwarto-pero hanggang doon lamang iyon.
Ng maalala kong tatagal ng limang araw ang summer festival at kailangan kong magsakit-sakitan sa loob ng halos isang linggo.
"Pasensya na po talaga Mama, Papa, Li-em." Kunwari ay nanghihina kong sabi.
Lumipas ang isang linggo at guryong-guryo na ako saaking kwarto, wala akong magawa dito! Hindi pa nga pala uso ang cellphone sa panahon nina Athyeia, napakaboring tuloy. Tsk!
Ngunit kahit ganoon ay hindi ko pwedeng hayaang mapapunta sa wala ang lahat ng paghihirap ko.
Napahinga si Papa. "Hindi kaya kailangan mo nang magpatingin sa doktor, anak?" Nanlaki ang mga mata ko.
Kung may makikita man ang doktor, paniguradong ang nasisira ko lamang iyong utak!
"H-Hindi po papa. Maayos na po talaga ang pakiramdam ko." Nakangiti kong sabi. "Sadyang hindi ko lang po talaga maigalaw ng maayos ang paa ko dahil nahulog ako sa kama kanina. Masyado po kasi akong naexcite na umalis kanina." Ang ngiti kong binigay kanina ay binahiran ko ng konting lungkot.
Klase namang napaniwala ko silang tatlo agad. "Magpagaling ka po ate." Sambit saakin ni Li-em na humalik pa sa taas ng aking kamay. "Sana po sa susunod na taon ay magkakasama na tayong bibisita muli sa pagdiriwang na iyon."
"Sana nga Li-em. Sana nga..." Sana nga ang tunay na Athy na ang nasa katawang ito muli.
Yumakap ako sa bawat isa sa kanila bago sila tuluyang umalis.
Sinaraduhan ko ang pinto at naghanda nang pumanhik patungo saaking kwarto ng biglang magsalita si Laura.
"Sayang po binibini. Nandoon pa man din po sa perya ang paborito niyong laro, iyong babaril upang makakuha ng laruan." Kuwento ni Laura. Sinama kasi siya nina mama at papa sa plaza noong unang araw.
Napangiti ako. Iyong larong iyon ang dahilan kung papaano unang magkakakilala sina Athy at Levi.
May mangyayaring kaguluhan sa huling araw ng selebrasyon.
Naglalaro si Athy ng barilan ng biglang dumaan si Levi sa tabihan, may isang lalaking maglalabas ng baril upang patamaan at asintahin si Levi ngunit sumablay ang unang bala noon.
Nakuha niya ang atensyon ng mga tao ngunit nagpaputok ito sa ibang direksyon upang makatakas pag may tinamaan at upang subukang muling barilin si Levi.
Ang taong tatamaan ng paligaw niyang bala ay si Li-Em, na bago niya gawin ay babarilin ko na siya.
Magpapaputok muli siya ng bala kahit na tinamaan ko na siya patungo kay Levi upang matapos ang kaniyang misyon bago mamatay, ngunit muli ko siyang papaputukan kaya naman mabubuhay Levi.
Nanlamig ang aking kamay ng maalala si Li-Em.
Kung wala ako doon, maaaring mamatay si Li-em!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top