CHAPTER 4: AFTER CONFESSION


"Balita ko may nagtapat daw sa'yo kagabi Autumn." tanong ng ina ni Autumn nang gisingin siya kinaumagahan.

"Opo" sagot ni Autumn na bumangon kaagad para makaiwas sa tanong ng ina. Pumunta siya kaagad sa kusina pero kinukulit pa rin siya nito.

"Anak kalimutan mo nalang 'yong sabi namin ng tatay mo na bawal ka mag nobyo dahil baka magalit sponsor mo, ayos lang iyon anak. Kaya ka naman naming pag-aralin at may scholarship ka din naman kaya ayos lang." mahabang litanya ng nanay ni Autumn. Halos mabulunan naman si Autumn sa kapipigil ng tawa, sobrang seryoso ba naman ng nanay niya.

"Nanay naman, hindi pa naman ako mag-aasawa eh." natatawang sagot ni Autumn sa kanyang ina.

* * *

Lunes na, ang araw na ayaw ni Autumn na darating. Medyo makulimlim ang paligid at may bahagyang pag-ulan dahil sa paparating na bagyo at ang bawat tunog ng kulog ay dumadagdag sa kaba ni Autumn. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung makita niya si Bryce, sobrang nahihiya pa siya sa nangyari noong gabi ng victory ball.

Pagkapasok niya sa gate ay may nakikita siyang mga babae na may nga dalang balloons. May mga nagtinginan sa kanya, ang iba ay nakangiti at ang iba naman ay nakasimangot. Binalewala niya nalang ang mga nakikita niya. Lumiko siya sa pasilyo kung saan wala masyadong dumadaan, doon na siya dadaan sa likod ng building papunta sa unang klase niya ngayong araw.

Binilisan niya ang paglalakad dahil baka mahuli pa siya sa klase ng biglang may kumuha sa bag niya. Sisipain niya na sana gamit ang natutunan niya sa taekwondo(tae kwon do) ng makita niyang si Bryce pala.

"I know na black belter ka pero pagmamahal mo ang gusto kong matikman, hindi sipa baby girl." nakangising pang-aasar ni Bryce.

Sumimangot lang si Autumn at nagpatuloy sa paglalakad habang sinasabayan siya ni Bryce.

Pagkarating sa room niya ay agad kinuha ni Autumn ang bag niya na agad naman itinaas ni Bryce para hindi niya maabot. Heto na nagsisimula na ang pang-aasar ng mga tao sa paligid.

"Akin na." maikling sabi ni Autumn dahil hindi na siya nasisiyahan sa atensyon na nakukuha nila.

"Gift ko muna, birthday ko ngayon." sabi ni Bryce na parang natutuwa pa sa pagkainis ni Autum. Medyo natigilan naman si Autum dahil kaarawan pala ni Bryce, hindi niya man lang nabati sa halip ay sinungitan niya pa ito.

"Hindi ko alam." sagot ni Autumn habang inaabot pa rin ang bag niya. Nakita ni Autumn na medyo lumungkot ang mukha ni Bryce kaya tumalikod siya kahit hindi niya pa nakuha ang bag niya.

Bigla naman itong isinuot ni Bryce sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pingi at pagkatapos ay mabilis na naglakat palayo. Hiyawan ang mga kaklase niya habang si Autumn ay na estatwa na yata sa kinatatayuan niya. Gulat na gulat siya, unang beses niyang mahalikan at para siyang nakaramdam ng bolta-boltaheng kuryente. Kinalma niya ang sarili at pumasok na sa room, natapos ang klase na parang wala sa sarili si Autumn. Hindi niya alam kung ano ba itong kakaibang nararamdaman niya.

"May araw ka rin sa akin Bryce" bulong ni Autumn sa sarili. Dumeretso siya sa CR para tingnan ang sarili sa salamin. Papasok na sana siya ng marinig niya ang pag-uusap ng dalawang babae sa loob ng banyo.

"Oo, iyon ang sabi ng kaibigan ko kanina." sabi ng medyo paas na boses, halatang boses ng isang chismosa.

"Gosh! Girlfriend hindi alam kung kailan birthday ng boyfriend niya tapos walang regalo, nakapa irresponsable naman. Akala ko pa naman may girlfriend na mayaman si Bryce, hindi ko bet si Autumn." sabi ng maarte na boses, halatang inggit.

Tumikhim si Autumn bago pumasok at tiningnan ang sarili sa salamin. Tumahimik ang dalawa at alanganing ngumiti sa kanya ang may chismosang boses, tiningnan niya lang ito at nagpatuloy sa pagsuklay. Pagkatapos magsuklay at mag polbo ay umalis na rin siya kaagad, iniwan niyang tahimik ang dalawang babae sa CR.

* * *

Nasa library si Autumn, nakabibingi ang tahimik ng paligid dahil sa matandang dalagang librarian na ubod ng strikta. Mangilan-ngilan lang din ang mga estudyante dito at puro mga seryoso sa binabasa kaya normal lang na walang ingay. Tahimik na nagbabasa ng libro ni Bob Ong si Autumn ng biglang may umupo sa tabi niya, ayaw na ayaw pa naman niya ng katabi. Hindi niya na ito nilingon pero nagulat siya dahil kinuha nito ang earphone sa tenga niya.

Tatarayan niya na sana ng paglingon niya ay si Bryce pala, nakalagay ang hintuturo sa labi at pinapatahimik siya.

"Problema mo ba?" inis na bulong niya.

"Mali ang tanong mo, tanungin mo ako kung ano ang kailangan ko." pag-uutos ni Bryce na lalong nagpainis kay Autumn.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" kalmadong tanong niya. Iniksik ni Autumn sa utak niya na nasa library sila at hindi siya pwedeng ma ban sa lugar na ito.

Kinuha ni Bryce ang notebook niya at may isinulat. Pagkatapos ay ipinakita sa kanya.

"Basahin mo." sabi nito na parang hinahamon siya, naka baybayin ang pinapabasa nito.

Napangiti si Autumn dahil napakadali lang sa kanya ang baybayin, nakatuwaan niya kasi itong pag-aralan.

"Oo" pagbabasa niya doon sa nakasulat na naka-baybayin. Ngumisi naman si Bryce na ikinataka ni Autumn tapos tiningnan niya ulit ang nakasulat, sakto naman ang pagkakabasa niya.

"Maraming salamat sa iyong matamis na oo aking binibini." wika nito na nagpagising kay Autumn.

"Hindi ganyan ang tamang pag sungkit ng oo ginoo, paumanhin pero kailangan mong magsimula sa umpisa ng proseso." mahina pero mariin niyang sabi, sinisigurong narinig ni Bryce ang bawat katagang binitawan niya.

"Biro lang naman, sobrang seryoso mo kasi. Huwag palaging ganyan, bahala ka madaling mangunot ang noo mo." natatawang hirit ng binata.

Ngumiti nalang si Autumn at itinuon ang atensyon sa binabasa, nakikibasa naman si Bryce. Hinayaan niya nalang ito dahil baka mapansin na sila ng librarian dahil sa ingay.

Saktong natapos niya ang libro at mag aalas-singko na rin, huling klase niya na ito nitong araw. Tiningnan niya ang katabi niya at tulog na tulog pa nga, ang gwapo nga naman ni Bryce. Pwera sa matangkad at maputi ay makapal din ang kilay nito at matangos din ang ilong. Dumako ang tingin niya sa nakaawang nitong labi, hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Nilapit niya ang kanyang mukha...

"Miss... is that my boyfriend?" isang maganda at sosyal na babae ang nakatayo ngayon sa harapan ni Autumn at nakaturo kay Bryce.

Good night bookworms!
HANGGANG SA SUSUNOD NA KABANATA!

-YUW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top