CHAPTER 3: VICTORY BALL


AUTUMN P.O.V.

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng school gamit itong high heels na bili ni papa dahil nagpadala na naman daw ng pera ang Anonymous Sponsor ko. Medyo hindi pa naman ako sanay gumamit nito pero kaya ko naman, kung pwede lang hindi dumalo sa mga ganitong event ay hindi na ako dumalo pero kailangan. I need my certificate kung sakaling panalo ako, pinaghirapan ko yun. S'yanga pala, if you're curious kung anong nangyari kagabi pag uwi ko.

Flashback...

Si papa yung nakabukas ng pinto and grabe yung kaba ko, 1st time ko umuwi ng may kasama tapos lalaki pa. Kita ka sa mukha ni papa ang gulat hahaha

"Tuloy ka hijo, hinatid mo ba itong anak ko? Salamat ha.", sunod-sunod na sabi ni papa. hahaha si papa talaga, malamang hinatid ako nito kasi nandito nga kami oh.

"ah wag na po, tutuloy na rin ako kasi gabi na. Opo hinatid ko lang si Autumn, Ako nga po pala si Bryce tito.", pagpapakilala ni Bryce.

Hahaha magalang naman pala itong si Bryce.

So yun lang po ang nangyari, at umalis na si Bryce.

Ayokong e kwento kung gaano ako kinulit na papa kung boyfriend ko ba yun o ano at kung gaano kainis si mama dahil hindi man lang sya ginising ni papa.

Balik sa Reyalidad...

Malapit na ako sa main hall at dinig na dinig ko ang pag-uusap ng mga babae sa unahan ko kahit naririnig ko na ang music sa hall.

"Sis I should be the one to win the crown bilang Queen of the night then magiging partner ko si Bryce.", sabi ng babaeng may mahaba at blonde na buhok.

Hahaha nakakatawa ang mga babaeng ito, ang academic dapat ang ginagalingan sis hindi puro paganda. (ops parang ang maldita ko yata)

"Yeah yeah, you deserve the crown", sabat naman nung isa na parang alipores n'ya.

hays ang slow pa maglakad ng mga ito dahil sa arte, nilagpasan ko na sila at binilisan ang paglalakad baka kailangan kami ng council.

Dumeretso na nga ako sa Student Council Office and there I saw Bryce, ang gwapo nga talaga ng lalaking 'to. Sabagay deserve nito pag-agawan haha.

Lumapit s'ya sa'kin at tinanong ako kung ready na ba ako e explain yung essay ko mamaya during awarding kung sakaling ako ang panalo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaalam sa'min ang result. Kung naalala nyo pareho kaming sumali ng writing contest, essay ako at sa poetry sya.

Tumango lang ako at nginitian sya. Nilagpasan nya na ako sabay bulong ng "ang ganda mo".

Jusme! kinilabutan naman ako dun, parang tanga tung si Bryce.

Maya-maya pa ay magsisimula na ang program, tumabi si Bryce sa'kin kaya inis ang tingin sa akin ng mga babaeng malapit sa amin. Maya-maya pa ay tinawag na ang winner and ako nga ang nanalo so tumayo na ako to get my Award, nag explain lang ako ng konti then binigay na yung microphone sa MC. Si Bryce naman ang nanalo sa Poetry Writing Contest so halos magkasabay kami sa stage.

Pababa palang ako sa stage ay narinig ko ng nagsasalita si Bryce.

"This poem is for the girl I secretly admire since day 1."

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga kababaihan dito sa open hall.

"...Sumali ako sa contest na ito para ma notice n'ya ako dahil nalaman ko na sobrang hilig nya sa poetry."

"Awwwwsweeettt....", sigawan ng mga kababaihan at mga bakla din yata kasi ang ingay talaga.

Pabalik na ako sa may upuan ng...

"...Akala ko nga siya yung makakalaban ko pero Essay Writing pala yung sinalihan nya."

medyo napaurong ako sandali sa narinig pero Autumn ha bawal mag assume, nagpatuloy ako sa paglalakad ng... rinig ko ang bulong-bulungan, mga tanong kung sino-sino ang mga kasali sa Essay Writing Contest.

"Actually s'ya nga yung nanalo sa Essay Writing eh, Tama kayo I admire Ms. Autumn Lynn since the day I met her."

Jusme! Kailangan ko ng maupo, langya yung spotlight tinutok na sa akin. Mapapatay talaga kita Bryce. Ang ingay may mga bulung-bulungan na hindi ko maintindihan.

"And this poem is just a step para masimulan ko ang panliligaw sa kanya.", pagtatapos ni Bryce

Pababa na si Bryce pero ang ingay pa rin ng paligid, nakasunod sa kanya ang spotlight hanggang sa maupo sya sa tabi ko.

Ang walanghiya ay kinindatan pa ako.

Bumulong pa ng "alam kong naka blush on ka pero alam ko ring nag-ba blush ka".

Sobrang presko din nitong si Bryce parang ang sarap mahalin ay este kutusan.

Hindi ko siya kinausap simula pa kanina pero sabagay wala naman bago, hindi naman talaga ako mahilig makipag-usap sa tao. Sa libro, oo pero sa tao. Salamat nalang.

Hanggang sa pipili na ng King Of The Night and tulad ka ng inaasahan ay tumindig na itong katabi ko, papunta sa stage.

Pumagitna naman ang emcee and...

"So we already have our king here and now we are looking for his queen, and just to let everyone know. The student council decided that tonight....

The King will gonna choose his Queen!!!

Excited na ba kayo kung sino ang pipiliin ng ating King Of The night?!

Sino kaya?!".

Ang ingay na naman ulit, yung emcee naman ay binigay na yung microphone kay Bryce. Nakita kong ngumiti ang loko at tumingin sa gawi ko.

Walang hiya ka talaga Bryce, sana ay higupin ako ng lupa. Now na.

"Mukha yatang nahihiya ang aking Reyna", nahihimigan ko talaga ang panunukso ng mokong.

"Kailangan ko pa ba talagang pangalanan? Diba sinabi ko na kanina?" ngingiti-ngiti pa.

Kinuha ko yung phone ko and nag text na ako kay papa na sunduin na ako, tumayo na ako at naglakad papunta sa exit ng itinutok na naman saakin ang letcheng spotlight na 'to.

"Mukha yatang tatakasan ako ng aking Reyna", pang-aasar pa nitong si Bryce.

Konti nalang talaga at masusuntok ko na 'to!

So instead of walking towards the exit, I walk towards the stage.

To make the story short, sinayaw ako ni Bryce ng sweet dance and maya-maya pa ay umuwi na ako dahil nandyan na si papa.

Syempre ang daming inggit, halos patayin na ako sa mga masasamang tingin nila.

Oo nga pala kanina ay pormal na nagpaalam si Bryce kay papa na manliligaw nga kamo sya, pumayag naman si papa at sinabihan siya na bumisita sya sa bahay para makilala nya si mama.

'Di ba nag saya? Hindi na nagpaalam sa akin, deretso na kay papa.

Sa akin muna dapat sya nagpaalam bago kay papa. 'Di ba? Akala ko pa naman matalino itong si Bryce. Nagtataka din ako kay papa kung bakit pumayag, sabi kasi nila ni mama bawal pa daw ako mag jowa baka malaman ng Anonymous Sponsor ko tapos ma disappoing at ititigil ang pagtulong sa pag-aaral ko.

Anyway, that's it for the Victory Ball, parang ayaw ko ng pumasok sa lunes.


(AUTHOR'S NOTE: Waaahhhhh sa wakas ay nairaos (hahaha what a term! nairaos hahaha) ko din ang chapter na ito at sana ay kinilig kayo. Comment down blow kung nagustuhan n'yo. Salamat sa pagbabasa at pasensya na kung may mga mali kayong nakikita. Abangan natin sa susunod na pahina ang ligawan stage nila Bryce at Autumn. Sana ay suportahan nyo ang love story nila. Sa mga mahilig sa plot twist, huwag kayong mag-alala gugulatin ko kayo hahaha. Thank you bookwormsssss! )

-YUW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top