CHAPTER 2: THE SUBJECT OF MY PIECE
Autumn P.O.V.
So lumingon ako with matching pa flip ng smooth long hair ko hahaha. Seryoso na, lumingon ako with curiosity kung sino yung nag thank you sa likod ko at syempre may ideya na ako na baka sya nag may-ari ng tulang binasa ko. Hmn gusto ko sya makilala at hangaan din, galing nya kasi. I think I'm captured by this poem, I wonder kung para kanino kaya 'to. So yun nga lumingon ako and...
Okay. Ang gwapo nya. Period.
Pero chill lang Ako. Hindi ako mahilig sa gwapo at hindi ako interesado sa mga gwapong lalaki pero kung sya ang naghabi ng pyesang kakabasa ko palang ay ibang usapan na yan.
Hahaha syempre joke lang baka umasa kayo.
Ngumiti ako sa kanya, hindi ako snob pero hindi din ako palakaibigan. Tiningnan nya lang ako, sabay sabi ng "So, you like my piece huh?" ay woowww ang yabang bentaaaa, ang hangiinnn.
"Yes I like this poem, actually I love it. Is this your piece?", medyo pormal kong sabi. Nakakainis lang kasi yung nginitian mo yung tao tapos dedma lang yung ngiti mo, ang yabang talaga very rare pa naman ako ngumiti. hahayss my precious smile.
Ngumiti sya pagkarinig ng sagot ko then he said, "Yeah that's mine, what do you love about that piece? I can say that you love poem din."
"Uhmn I love the way how you confess your admiration towards your subject." I answered him while thinking about how good his poetry is.
"That's for the lady I admire since the day I met her, I know she love poems so I tried my best to write this poem in order to win and baka sakaling mapansin nya. By the way I'm Bryce.", sabay extend sa kamay nya for shake hand. Ommo! hindi ako sanay makipag shake hand...
Bryce P.O.V.
I saw her, the lady I admire from afar. I first saw her in a library, she's different from other girls na na meet ko. That time hindi nya man lang ako nilingon so I tried na magpapansin nakiupo ako sa vacant na upuan sa table nya since wala naman syang ka share. Kakausapin ko sana kaso dalawang salita lang ang narinig ko sa kanya that time "Yes?" and "Okay" lang then she ignored me again na parang wala syang kasama sa table. Panay sulyap ako sa kanya that time pero ewan ko kung napansin nya kasi sobrang seryoso nya sa pagbabasa hanggang sa umalis nalang sya. Hindi ako makapaniwala that time na na-ignore ako, nakita nya naman ako kasi tumingala sya nung sumagot sya ng "Yes?".
That time I notice the poetry book kasama sa mga business and accounting books sa table nya so naisip ko na baka mahilig sya sa tula and that thought makes me smile. At least I have a way para magpapansin sa kanya dahil I love writing poetry din.
I saw her again dito sa school, Rank 1 ba naman sa batch nila. Kilala sya dito sa school pero wala syang pake, siya yung tipo ng matalino na hindi nerd. Ang linis nya nga tingnan eh kaso tahimik nga lang sya at loner, hindi sya palasalita pero halimaw sa loob ng klase. Bakit ko alam? kasi minsan nakiki sit in ako sa mga subject nya makita lang sya. Madalas s'yang tumatambay sa library at h'wag n'yong isipin na stalker ako ha, sadyang mahilig lang din ako tumambay sa library.
(Author's Note: Landi mo Bryce, walang pake si Autumn sayo. hahaha)
Paliko ako sa pasilyo kanina para pumunta dito sa room na 'to to see kung may result na ba and nagkataong nakita ko sya at parang papunta rin sya rito. Hindi nga ako nagkamali, mahilig nga sya sa tula. Tumingin-tingin s'ya sa mga entry hanggang sa umabot s'ya sa entry ko. I saw her smiling while reading my writing.
I heard her saying "Daebak", a korean word which means amazing. She's amazed, I'm flattered.
I said "thank you" then nilingon nya ko, shocks! gandang babae haha nginitian ba naman ako, hindi nya ba alam na hulog na hulog na ako sa kanya since day 1?! Nababakla ako sa babaeng 'to, syempre hindi ko inexpect na ngingiti sya kaya di ko na e ready yung pinakapogi kong smile.
Tinanong ko sya if she really like my poem and told her na para sa babaeng mahal ko yun, syempre nagpaparinig ako.
I extend my hand to her as I introduce myself.
Syempre para-paraan tayo mga kuys, baka sakaling mahawakan ko ang kanyang mga kamay.
Kinabahan ako while silently hoping na sana makipag shake hand sya.
She look at my hand then...
"I'm sorry I didn't do shake hands, I'm Autumn by the way. Nice meeting you, you have a great writing skills :-) Congrats. Una na'ko ha, I have a class pa kasi.", then tumalikod na sya.
Araykopo! di man lang inabot kamay ko
"Ah okay, thank you. It is really nice to meet you, see you around Autumn.", sabi ko kahit nakatalikod na sya.
Lumingon naman sya at ngumiti kahit papano then lumakad na palayo.
Kinabukasan...
Usap-usapan ang parating na Victory Ball, "Glow In The Dark" yung theme.
Nakaupo lang ako sa gilid when someone inform me na pinapatawag daw ako sa Student Council Office. As a representative of our batch pumunta naman ako kaagad.
I saw her.
Umupo ako sa tabi nya since yun nalang yung vacant chair.
I said "Hi" and nginitian nya lang ako.
"Attention Everyone!", agaw eksenang anunsyo ng President sa Council.
"So since Victory Ball is approaching, pinatawag ko kayo dahil tayo ang naatasang mag-ayos ng stage. Our treasurer have the budget but what we need is a hand during the preparation, so I am expecting everyone mamayang hapon. E expect n'yo na rin na gagabihin tayo kaya magpaalam na kayo sa mga parents n'yo.", mahaba-habang litanya ni Pres.
"Lagot!", narinig kong bubulong bulong tung katabi ko. Hahaha marunong din pala sya mag reklamo.
"May curfew ka?", mahinang tanong ko sa kanya
"Yeah, kung wala lang talagang scholarship tung pagiging student council ay umalis na ako dito", sagot nya.
OKAY! SINCE WALA NG NAKIKINIG SAAKIN! OKAY NA MAGSILAYASAN NA KAYO!, malakas na sabi ng President namin.
"SYANGA PALA, BRYCE AND AUTUMN SINCE PAREHO KAYONG NASA WRITING PREPARE A LITTLE BIT EXPLAINATION ABOUT SA SULAT NYO PARA READY KUNG SAKALING MANALO KAYO, ESPECIALLY IKAW BRYCE.", pahabol pa na sabi ng baklang si Allan.
Sabay na kaming lumabas sa Student Council Room.
"Saan next subject mo?, hatid na kita.", I said while naglalakad kami sa pasilyo.
"Ah it's okay, kaya ko naman mag-isa go ahead baka may klase ka pa." di ko sure ah pero parang nahihiya sya sa'kin haha baka sabihin nyung assuming ako.
"Okay cge, next time hindi na ako tatanggap ng "NO", (lalo na kapag nanligaw na ako sayo)" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Nginitian nya lang ako.
AUTUMN P.O.V.
Nagpaalam ako sa papa ko na gagabihin, pumayag naman sya basta daw may maghahatid sa akin pauwi o 'di kaya ay tawagan ko s'ya pag pauwi na ako para masundo n'ya at yan ang pinoproblema ko ngayon. Eh wala nga akong close dito, I don't have that so called friend. Lahat yata kakompetensya tingin sa'kin eh tapos nahihiya din akong gisingin si papa para lang magpasundo. Nag oo pa naman ako, hayst bahala na.
Papunta na ako sa stage and nandoon na nga halos lahat. Kumaway sa'kin si Bryce at lumapit naman ako sa kanya. Masipag naman pala tu, ang galing mag design parang babae.
Alas dies y medya na kami natapos. I started picking my books nang agawin ito ni Bryce.
"Ako na magdadala nito, hatid na kita. Delikado na rin para sa isang babae ang umuwi mag-isa lalo na pag ganito na kagabi.", dere-deretsong sabi nya.
Hindi na ako pumalag at hinayaan nalang sya. Nakakahiya man ay kailangan kong umuwi ng may kasama. Actually, hindi naman masyado malayo ang bahay namin.
Habang naglalakad pauwi tinanong nya ako kung bakit ko pinili ang Business Administration na course.
"Well, my parents want it. Hindi ko alam kung bakit dahil wala naman kaming big company.", sabi ko.
"Magkakaroon palang pag graduate kana." positibo nyang sabi.
"Yeah, I hope so." sabi ko kanya sabay ngiti.
"Bakit 'di ka sumali sa poetry contest?" tanong n'ya ulit, buti nalang matanong 'tong si Bryce kung nagkataon na hindi ay baka sobrang awkward ng sitwasyon.
"Mahirap ang poetry kay doon ako sa essay (easy) sumali." pabiro kong sabi na nagpangiti sa kanya.
Medyo nag-enjoy naman ako na kausap s'ya, hindi ko nga namalayan na nandito na pala kami sa bahay.
Kumatok na ako sa pinto, hoping na si mama ang bubukas dahil tiyak na magugulat si papa na lalaki ang naghatid sa akin. Bawal kasi ako mapalapit sa lalaki o kaya'y mag jowa.
Kumatok ako ulit at bumukas ang pinto at tumambad ang mukha ni papa na nahalatang nagulat pagkakita kay Bryce.
Itutuloy natin tu sa CHAPTER 3.
Pasensya na sa mga error, e edit ta na puhon.
Hanggang sa susunod bookwormsssss.! GRACIAS!
Your_Unknown_Writer
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top