Chapter One Hundred-Three
Dane's POV
Makikipagkita ako kay Ace ngayon.
May date kasi kami. Hihihi.....ang swerte ko talaga sa kanya!
Nakasakay na ako sa jeep ngayon, at magbabayad na sana kay manong nang biglang may sumakay at tumabi sakin.
Pagtingin ko---shete.
Ang EX kong si Rio.
Parang nagulat din yata siya, pero di nalang namin pinahalata sa ibang pasahero na magkakilala kaming dalawa.
Kainis! Sarap patayin ng bonggang-bongga!!
At umiral na naman ang kapilyahan ko kaya nagbayad na aketch kay manong driver.
"Manong, bayad po." Sabi ko.
Tingnan ako ng driver.
"San po ito Miss?"
"Sa kalye Manloloko, Block Sarap Patayin ng Ex kong G*go, Feelingerong Panget City."
Sinamaan naman ako ng tingin ni Rio. "Boss, eto po bayad ko."
Sabay abot sa driver. Si kuyang driver naman, nagtanong ule. "San naman po ito?"
"Sa Nagbago Lang, Feeling Maganda Na, Kaya Di Ko Siya Pinili St., Trying Hard Ave!!"
Tsk! Ang sarap patayiiiiiinnnn!!
Si manong driver, nagkamot ng ulo. "Oh, kayong dalawa, baba na. Nandito na tayo."
Nagtaka kaming dalawa ni Rio.
"San po???" -kami
Lumingon si Manong at sabay sabing,
"Sa Ampalaya St. Ang lugar kung san bagay ang mga bitter."
At ayun na nga, wala na kaming nagawa kundi bumaba. Tsk! Kainis.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top