Chapter One Hundred-Eleven

The Grand Finale...

***********

Note: salamat po talaga sa lahat ng nagbasa! Di nga sapat ang thank you sa mga gusto kong sabihin sa inyo ngayon eh.. Super. :)

***********

Cassandra Montez's POV

Parang gumuho ang mundo ko.

Hindi ko na naabutan ang kasal...

Tapos na.

Game over.

Catherine, won.

Wala na si Ivan Jacob Rivera ko..

Hindi ko na namalayan, na tumutulo na pala ang luha ko.

Ang sakit.

Feeling ko, tinutusok ang puso ko ng milyung-milyong mga karayom.

"Cassie!"

"Cass!"

Tawag sa akin nila Dane at Ace nang bumigay na ang mga tuhod ko at napaluhod na lang ako sa lupa.

I don't care if I look so stupid right now.

Ang sakit talaga eh..

If only, nasabi ko kay Ivan na mahal ko rin siya..

Kung sana, hindi na umiral ang lintek na selflessness ko!

Edi sana, siya ang kasama ko ngayon? Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko talaga.

Mula noon, hanggang ngayon.

"Cassie, okay lang yan! Wag ka nang umiyak, please?" Tahan sa akin ni Dane habang hinihimas himas yung likod ko.

"Damn it! Hindi siya sumasagot!!" Narinig kong mura naman ni Ace nang sinubukan niya sigurong tawagan ang phone ni Ivan.

"T-Tama na guys....." Mahina kong sabi na aakalain mo na lang na bulong...

"C-Cassie---"

"Dane. I appreaciate your effort. Pero okay na ako... G-Gusto ko na lang umuwi.."

Tiningnan ko si Ace, na alalang-alala na. Bakas ang doubt sa kanyang mukha, pero he sighed na lang in defeat.

"Sure ka ha? Gagabihin na tayo nyan." -Ace.

Tumango-tango na lang ako.

Actually, naawa ako kay Ace. Ikaw ba naman naka-sando at boxer shorts lang sa Baguio ng ganitong oras?

Kung di lang nadudurog ang puso ko ngayon, promise matatawa sana ako.

Ang kaso, hindi eh.

Kasalanan ko, kung bakit wala na sakin si Ivan.

Wala na, ang makulit, at mayabang kong Ex.

---

Mabilis lang naman ngayon ang biyahe namin.

Mga 9 pm, nakauwi na kami,

Ang kaso, nagpababa ako dito sa may park.

Ang park kung saan lagi ko siyang iniiyakan nang brokenhearted pa ako sa kanya dito sa Maynila.

"Cass, ano ka ba? Talaga bang---"

Pinigil ko ulit na magsalita si Dane.

"Dane. I'm fine. Uwi na kayo ni Ace... Kaya ko nang mag-isa."

At siguro, naiintindihan niya ako kaya tumango na lang siya at sumakay na uli sa kotse ni Ace.

"Ace! Dane!"

Tawag ko sa kanila, bago nagpakita ng isang alam kong plastik na naman na ngiti.

"S-Salamat.."

Ngumiti na rin sila at kumaway bago tuluyang umalis ang sinasakyan nilang kotse..

Ako naman?

Single ule.

No love life.

At feeling ko, kahit kailan, hindi na ako magkakaroon pa ng love life.

Baka nga, nakatadhana na sa akin ang mabuhay nang mag-isa.

Nanghihina akong nag-lakad papunta sa may bench at naupo roon. Kahit na wala pa akong kinakain simula kanina, ay feeling ko, immune na ako sa gutom.

Wala na kasi akong ibang maramdaman, kundi ang sakit..

Kaya dahil alam ko naman na, ako lang mag-isa dito sa may park,

Umiyak na lang ako.

Inilabas ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko..

Baka kasi, kung mapano pa ako pag kinimkim ko ito.

Ivan... Sana, masaya ka na.

Humahagulgol na ako sa iyak. It hurts so damn much!

Sa palagay ko, hindi na ako muling iibig pa.

"K-Kung sana.. Nandito ka sa tabi k-ko...s-sana ma-masasabi ko sa'yo Ivan...n-na...

Mahal na mahal kita."

At ipinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak. But I know, na my tears aren't gonna change anything...

"Mahal rin kita."

Bumilis yung pintig ng puso ko.

Agad kong iniangat ang ulo ko at nakita,

Si Ivan..

Nakangisi sa akin.

P-panaginip ba 'to? Lord, pwedeng wag Niyo na po akong gisingin?!

Hindi ako nakakilos agad. At mas lumala pa yata ang paglabas ng luha ko.

Nagulat na lang ako nang niyakap ako ni Ivan.

"Cassie!"

"I-Ivan.."

"Cassie, look, alam kong ma---"

Hindi ko na siya pinatapos pa at hinalikan ko na siya. Hindi talaga ako makapaniwala.

Lord, thank you po!!

Nang magkahiwalay kami sa halik, ay tinitigan ko siya sa mga mata niya.

"A-Akala ko kinasal ka na kay Ate!"

Ngumiti siya at pinunasan yung luha ko.

"Ano ka ba naman, Cass! Hinding-hindi ko gagawin yun....iniwan ko siya sa altar at umuwi dito, lalo na nong tinext sakin ni Ace na hindi natuloy ang sainyo ni Carl. Kahit gaano man ako kag*go sa paningin mo, ay totoong mahal na mahal kita ang I would never make that mistake again."

Umupo na siya sa tabi ko. Ang saya-saya ko talaga....

"U-Um...Cass?"

"Yes?"

"Bago ang lahat...uunahin ko na 'to. Look, um...kasi, I accidentally slept with y-your sister?"

Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. O_____O

Sasabog na sana ako sa galit at pupuguta siya ng ulo nang may maalala ako kaya napatawa na lang ako bigla.

"H-Ha??? Hey, bakit ka tumatawa??"

Takang-takang tanong ni Ivan sakin. Hahhahaha, pinisil ko ang ilong niya. "Hahaha. Ivan, may kundisyon si Ate! Kung nag-aalala ka na may kailangan kang panagutan dahil sa nangyari kaya ka ikakasal, don't worry. Hindi yung mabubuntis!"

Para naman yatang natuwa si Ivan aa narinig niya.

"Talaga----!"

SSLLLAAAAAPPP!!!

Well, sinampal ko lang naman siya. "C-Cassie?! Ouch..para san naman yun?!"

I glared at him.

"G*go ka ba talaga?! You still slept with my sister, dummy!!" Sigaw ko. Para namang siyang nahiya at umiwas ng tingin. "Sorry na, baby ko..."

Napangiti na lang ako. Sa super saya ko talaga ngayon, I can't stay mad at him, kaya naman I poked his forehead.

Pero in returned ngumisi ng nakakaloko si Ivan. Hm...anu na naman kayang----

"Ikaw ba babe? Hindi ka rin ba mabubuntis??"

Ha??

"Tanga ka ba?! Excuse me! Normal po ako, no!! T-Teka...bakit mo naman naitanong??"

Biglang naging triple yung bilis ng tibok ng puso ko at namula ako nang lumapit siya. Nakangisi pa rin.

"Hehehehe...syempre!! Para naman maipalaganap ko pa ang lahi naming MAGANDANG LALAKI!!"

Tsk! Sarap sapakin ah =_= nakuuu, kung di lang kita mahal Ivan, naka namassacre na kita! Kaloka.

Naging tahimik kami after that. Enjoying each others company ang peg namin. Nang biglang umiral ang kapilyuhan ni Ivan.

"Cassie ko?"

"Hm?"

"Pakasal na kaya tayo ngayon!! Tutal naman, naka bihis pa tayo!! LIKA NA! TAKBO NA TAYO SA SIMBAHAN AT TAWAG TAYO PARI!!!"

Natawa na lang ako sa kanya. "Loko!!" At niyakap ko na lang siya.

"Ivan, alam mo..wag na muna ngayon babe."

"Huh? Bakit naman??"

"Kasi, ZIPPER MO, NAKABUKAS PA."

Peri imbes na nagalit si loko o tiningnan man lang, ay natawa na lang kaming parehas.

"Hahahha! Ikaw talaga Cassie, ang joker mo! I love you~~"

"Hahhaha.. Ikaw talaga Ivan! I love you too bebe ko~~ at isa pa.."

Kumunot yung noo niya.

"Anu??"

"Di ako nagbibiro. Nakabukas pa nga yang zipper mo!!!"

"H-Ha?! What the-------"

Pero syempre, dahil ako yata ang lalaki samin, hinalikan ko na lang siya.

I just feel so blessed to be with him.

***************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top