Chapter Nine
Cassie's POV
Aba, mabuting bata.
Yuck, siya? Bata? Bigyan ng mapa! Hanapin san banda!! Hahahaha! Hay naku, natatawa na lang talaga ako sa sarili ko. I shook my head. Shit, nagmumukha na naman akong mental dito!--magandang mental!
At umupo si Ivan dun sa may chair nyang mukhang malaki at malambot. Mukhang mamahalin! Balikan ko kaya 'to tapos pakasalan? That way magiging rich kid ako pag pinatay ko na siya! Lols. Pero syempre I won't do that.
Balik na nga sa reality! Sumimangot ako.
"Hoy, sinong nagsabi sayo na umupo ka dyan sa chair mo?! Sa lapag ka umupo!"
"Aba't, sumusobra na ka ha!! You are already stepping on my precious pride tapos ngayon gagantuhin mo ako?! Aba matindeee!! Babae ka lang! Lalaki ako! Gets mo?! LALAKI AKO! I'M THE BOSS!"
Peste. Daming satsat. Mas tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Sige, anong mas precious sayo? Pride mo o buhay mo?" Sabay pamewang ko. Hindi ko alam kung ano yung hitsura ko pero parang naubusan ng dugo si Ivan.
Natakot yata si ex?
"O-Opo nga po! Sabi ko nga sa lapag ako uupo diba?"
At ang cute na----este, g*gong lalaki, ay nag-indian sit sa floor habang nakapout. Sa histura niya ngayon, mukha siyang kinder na nagmamaktol sa nanay.. Ay, binabawi ko na pala. Masyado akong sexy para maging nanay.
Hahaha. Ako ang boss ng boss!! Girls rule!!! Female DOMINATION! WE RUN THE WORLD!
Umupo na aketch sa upuan niya. Uy, ang lambot nga!! Hihihi..eh kung i-uwi ko kaya itey? Kaso baka pabayaran pa sa'kin nung driver ng jeep pag binitnit ko pa 'to pauwi. Sayang naman.
"So, anong pag-uusapan natin bebe ko na alam kong mahal pa rin ako at nagpapakipot lang kunwari para masuyo ko siya???"
Wow. Nagparinig! Palakpakan naman diyan! Nageffort itong ex ko eh.
"Well, EX ko na matagal na dapat namatay at ibinaon sa lupa at pinaglamayan kundi lang ako takot makulong, I just wanna ask what happened?! Bakit ka nagsinungaling at nagpakilalang pinsan kita sa harap ng aking PRESENT at FUTURE?!"
At mas lalo yata akong nairita dahil mukha siyang bored sa hitsura niya!
"Kung di lang kita mahal, Cassie, matagal na kitang minahal. By the way, wala ka namang hinaharap ah."
Wtf?! Namula ako sa sinabi niya.
"Wag ka ngang magpaka-g*go! Sagutin mo ako ng matino!!"
"Wala na akong katinuan because ikaw na lang lage iniisip ko."
I sighed. Oo nga naman, Cassie. Kailan pa nagkaroon ng matinong pag-iisip ang isang Ivan Jacob Rivera? Makaalis na nga.
Susko.
Paraparaan lang yan ni Ivan. Kaya girls, kung ganito ang ex niyo, wag na wag kayong magsisisi na hiniwalayan ninyo! Pramis, sakit nila sa ulo! Di baleng magmahal ka na lang ng Koreano. Kay?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top