Chapter 6

Naiwan akong nanginginig sa takot nang umalis si Julius. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong bumagsak. Nakakapangilabot. Hindi ko maatim na kinakaya-kaya niya lang ako. Hinahawakan na parang pagmamay-ari niya. Ganito pala ang pakiramdam. Akala ko magiging matapang ako, pero hindi ko pala magagawa kapag nangyayari na sa akin. Nakakapanghina pala talaga. Lalo na 'yong huli niyang sinabi sa akin. Nagpapatunay lang na kayang-kaya niya ring pumatay. Sasaktan niya si Rain, kapag lumapit pa ito sa akin.

Napapikit ako habang kagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko inakalang magiging bangungot pala ang pagpunta ko sa magandang lugar na ito. Sana hindi na lang ako pumayag. Sana hindi na lang ako nagpadala.

Ilang sandali pa akong namalagi sa lugar na iyon habang pinakakalma ang sarili at pinagagaan ang loob bago ako nagdesisyong bumalik na lamang sa kwarto, pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ng mga kaklase kong kasalukuyang naglalaro ng beach volleyball. Nakakainggit. Sana kaya ko ring maging masaya sa bakasyong ito.

"Ate Chandria!" tawag sa akin ni Angelique. Kasama niya si Sammy, Macy, at Dors na kapwa naglalaro. "Sali ka sa amin!"

"H-hindi, kayo na lang," pagtanggi ko, pero wala na akong nagawa nang hilahin na nila ako. Niyaya rin nila ang iba pang mga lalaki at kasama roon si Rain. Nandito na pala siya. Tumingin siya sa dako ko, pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko dapat tingnan ang taong iyon dahil baka mahila ko siyang lumapit sa akin.

"Bawal ang KJ, ate Chandria!"

"Oo nga! Sumali ka na sa 'min! Minsan lang naman!"

"H-hindi ako marunong," dagdag ko pa, pero pursigido na talaga sila Angelique na isali ako sa laro nila.

"Madali lang ito!" At wala na akong nagawa nang turuan niya na ako. Pinilit ko na lang iwaksi lahat ng bagabag upang makisabay sa kanila.

Mabuti na lang at wala namang komplikadong rules at kapag napapunta lang daw sa akin ang bola ay paluin ko lang para mapunta sa kabilang net. Normal na volleyball lang daw ito at hindi naman pang-competition.

"Kampihan na tayo!"

I'm glad na hindi ko naging kakampi si Rain. Si Macy ang kakampi ko at ang dalawa pang lalaki. Ganoon din ang bilang sa kabila. Tag-apat—dalawang lalaki, dalawang babae—dahil 'yong iba naming mga kaklase ay nagsipagliguan na. Iyong iba naman ay sapat na raw na manood sa amin. Nakita kong nasa tapat ko si Sammy habang kahanay niya naman si Rain at naroon din si Dors kasama ang isang lalaki. Si Angelique naman ang naging taga-score. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang tanda ko na para maglaro.

Nagulat ako nang pumalo si Sammy ng bola papunta sa akin. Hindi agad ako nakaiwas pero mabuti na lamang at nasanggi iyon ng lalaking ka-team ko.

"Okay ka lang, ate Chandi?" tanong nito.

"O-oo, salamat," komento ko. It was a good thing na mabilis ang reflexes niya at nasanggi niya agad 'yong bola dahil kung hindi paplakda iyon sa mukha ko. Nakita ko namang ngumiti siya sa akin, pero dahil nakatalikod siya sa net, hindi niya napansin ang paparating na bola sa likod niya, kaya natamaan siya. Tuloy-tuloy pa rin pala ang laro at hindi ko rin 'yon napansin.

Pareho kaming napatingin doon at napatunayan kong si Rain ang pumalo ng bola para matamaan 'yong lalaking kausap ko. What's with him and his angry face?

"Ang matalo ha, iinom ng tig-iisang baso ng alak! Tapos sasayaw ha!" sigaw ng babaeng bagong dating. Kaklase ko rin siya at mukhang siya ang pasimuno sa mga tagayan. May hawak siyang disposable cups at isang malaking bote ng alcoholic drink na mukhang kinuha niya mula sa paalak ni Julius kanina. Kulay palang nakakalasing na.

"Ate Chandi, tira!" Hinanap ko kaagad ang bola nang isigaw ni Macy ang pangalan ko. Agad kong isinangga ang braso ko para patalbugin do'n ang bola. Pinalo naman 'yon ng pagkalakas at pagkabilis ni Macy papunta sa kabila. Sinalo naman 'yon ni Sammy at mabuti na lang na-block ulit ni Macy nang bumalik ito sa amin at hindi ko alam kung allowed ba 'yong ginawa niyang mahinang pag-toss ng bola sa kabilang net.

Napangiti ako nang magkaroon kami ng puntos. Pumunta si Macy sa dulo para maghanda sa service.

"Nice one, ate Chandi!" sambit ng lalaking ka-team namin at nakipag-apir sa akin. Tinanggap ko naman iyon dahil medyo natutuwa na ako sa paglalaro namin. Sa isang banda, nakakalimutan ko ang lahat. "Masakit masyado sa braso kapag sinasalo 'yong spike, mamamasa 'yan," tukoy niya sa braso ko na ngayo'y namumula na nga.

"Pa'no ba dapat?" tanong ko.

"Dito mo patamain." Hinawakan niya ang braso ko. Tinuro niya sa akin ang tamang ayos ng kamay at dapat pala sa gilid ng kamay pinapatama at hindi palaging sa braso. "The ball should hit your fist."

Napa-ooh naman ako dahil may bago akong natutunan. Ayos din naman palang makihalubilo sa mga bata kahit na ang layo ng agwat ng edad ko sa kanila. Hindi naman pala sila ganoon kahirap kausapin. "Nice nice, gets ko na."

Nag-thumbs up siya bago muling nag-focus sa laro. Ganoon din ako dahil ayokong uminom ng alak! Kailangan naming manalo rito!

Nakakatuwa na kahit papa'no, nakakasabay ako sa laro. Kapag nakakapalo ako, pina-pat nila Macy ang balikat ko. Good job daw. Napapa-apir din ako sa mga lalaki kung sinong makatabi ko kapag nakakapuntos kami. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang naglalaro. Aaminin ko, nag-enjoy ako.

"Yehey!" Agad akong niyakap nila Macy at Rhodorra nang manalo kami.

"Basic lang kay ate Chandi 'yong beach volleyball," sambit ng lalaking ka-team namin. Napangiti naman ako.

"Oo nga, kunwari ka lang yatang hindi marunong, eh," kantyaw din ng ka-team naming lalaki na hindi ko rin alam ang pangalan.

Umiling ako. "Nanalo tayo kasi magagaling kayo," wika ko na nagpangiti naman sa kanila.

"Nanalo tayo because of teamwork."

Pare-pareho kaming sumang-ayon sa sinabi ni Macy. Somehow, I felt something different about being with them. I also feel guilty because of the regret na hindi ako masyadong nakihalubilo sa kanila noon. Napatingin kami sa kabilang team na ngayo'y may kani-kaniyang hawak na baso habang sinasalingan ng alak ng babae.

"One shot! One shot!" sigaw ng mga kaklase ko na ngayon ay mga nagsiahunan na sa dagat para lang mapanood ang consequence na gagawin ng natalong team. Sinulyapan ko si Rain na may hawak na'ng plastic cup na puno ng alak. Ininom niya 'yon. Napansin ko rin si Sammy na katabi niya na nakatingin kay Rain habang iniinom ang alak na hawak niya. Sandali, sa paraan ng pagtingin niya kay Rain... May gusto ba siya sa lalaking 'yon?

At nakumpirma ang tanong ko sa sunod na ginawa ni Sammy. Lahat kaming naroon ay kapwa nagulat nang pagkainom niya ng alak ay binitawan niya ang baso. Pagkatapos ay hinila ang batok ni Rain para halikan sa labi.

Nabingi ako sa kantyawan ng mga kaklase ko dahil sa nasaksihan nila, pero mas nabingi ako sa lakas ng kabog ng aking puso. Kumikirot ito nang hindi ko alam ang dahilan.

I just saw myself walking away from that scene.

Dinala ako ng mga paa ko sa dalampasigan. Malakas ang hangin na dumadampi sa akin na para bang tinutulungan akong burahin ang nararamdaman ko. What is this feeling? Why am I feeling something toward him? This is so wrong. This should be prevented. Isang araw palang kami rito at hindi pa kami ganoon nagkakakilala pero bakit nakakaramdam ako ng selos? What the hell is this? I am going nuts.

Napatingin ako roon sa may dulo nang makita ko ang mapunong lugar na parang gubat. Kailangan kong maglakad-lakad. Kailangan kong ayusin ang pag-iisip ko. Kailangan kong ituwid ang tibok ng puso ko dahil parang lumiliko ito papunta sa taong hindi ko dapat balingan ng tingin o buhusan ng pagmamahal.

I am too old for him.

Of course, he is for someone his age.

I should stop myself.

I was about to enter the forest when someone stopped me.

"Chandria..."

Sa pagtawag niya palang ng pangalan ko, alam ko na kung sino siya. Hawak niya ang braso ko pero hindi ko magawang lumingon sa kaniya. What the hell is he doing here? He was supposed to be there. He shouldn't be here.

"Are you ignoring me?"

Bumigat ang paghinga ko lalo na nang iharap niya ako sa kaniya. Kita ko ang malalim na tingin sa akin ni Rain na para bang nagsusumamo na pansinin ko siya. Dala ba iyon ng nainom niyang alak?

Umiling ako. "Hindi. Bakit naman kita iiwasan?" Tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin tsaka ako umatras.

"I feel like you are ignoring me. What have I done?"

Muli ay umiling ako. "Hindi kita iniiwasan. Bakit ko naman gagawin iyon?" Kailangan kitang iwasan dahil ayokong mapahamak ka...na pati ikaw ay madamay, mamatay dahil sa akin.

"Because you found out my feelings and it's making you uncomfortable."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. A-anong feelings?

"Halata ba masyado?"

I gulped. What is he trying to say?

"Halata bang may gusto ako sa 'yo?"

That shut me up. What's going on? What the fuck?

My breathing became shallow, and I couldn't comprehend why I felt a lot of emotions deep inside me. Is he confessing his feelings towards me? All of a sudden?

"May gusto ako sa 'yo matagal na."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Of all the words he can use to shut me up, why did he choose to say that? And of all the times he will confess, why does it have to be today when I am suppressing my feelings for him too?

"Lasing ka na." Fuck. And of all the words that I will answer, why did I tell him that?

"I am not. I know what I am talking about. I know my feelings are real. Even the alcohol can't surpass how strong it is. Alcohol can't make me forget you."

That completely shut me up. I don't know what to say anymore. Hindi ako lasing, pero ako yata 'yong tinatamaan ng kalasingan sa mga sinasabi niya.

"Here, if you don't want me to be closer, at least have this for your protection. I'll be meters away, looking at you. I will still protect you even if you don't feel the same."

Naiwan sa kamay ko ang isang maliit na butterfly knife bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.

Rain, what am I going to do with you?

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you on the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top