Chapter 4

"Only you and I are in here. If I wasn't trustworthy, I would have done something the second we walked into this room."

Hindi agad ako nakapagsalita. That was the answer I never expected from him. Napatikhim lang ako. Somehow, it is convincing, but the atmosphere inside here has become heavy. How can a nineteen-year-old guy know how to use the right words to threaten an old woman?

Napaupo ako sa kama. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Wala na akong lakas makipagsagutan sa kaniya. And with that, I suddenly felt the tears flowing down my cheeks. And it is not only because of the fear inside me but also all of the emotions I held back. All of it is surpassing my chest.

Pinanood niya lang at pinakinggan ang pag-iyak ko. This is my first time crying in front of a guy, and I don't know why I feel safe crying. Maybe it is because of his assurance. It was just an hour or two before we became friends, but how can I act like I've known him before? Why am I showing sides that I don't often show to others? Ni hindi ako umiiyak sa sarili ko. Ngayon lang.

It's been a few minutes since I started crying, and when I felt tired, I wiped it all. Agad namang may nag-abot sa akin ng isang basong tubig.

"Here," sambit ni Rain. Tinanggap ko naman ang tubig at ininom. Nahimasmasan na ako kahit papaano.

"Gusto sana kitang hayaang mapag-isa dahil mukhang kailangan mo, pero ang hirap mong iwan sa sitwasyon na 'to," sambit niya. Kung umasta siya parang siya ang mas nakatatanda sa aming dalawa. "Baka paglingat ko, may nangyari na sa 'yong masama."

I bit my lip. Am I dreaming o sinasabi niya talaga iyon?

"You can stay here, ate Chandria."

Napatingin ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang mga tinging nangungumbinsi na hindi ko kailangang matakot.

"Babantayan kita."

I heaved a sigh as I put the glass of water on the side table. "I don't want to be a burden."

"You are not a burden, ate Chandria."

I don't know what to say anymore. I surrender. Muli akong napabuntong-hininga. "Alright, if I should stay, then I'll stay here in this room. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung nandito lang ako. Sige na, you're supposed to enjoy yourself with your classmates," saad ko at pinilit na ngumiti.

"That's what I'm doing."

Muli na naman akong napatingin sa kaniya. What the hell is he trying to say?

"You're my classmate, and I am with you now. I am having fun with you." Napahinga ako nang malalim. "I'll stay here instead."

I disagree. "Rain," matigas kong sabi.

Napabuntong-hininga naman siya na puno ng pagkadismaya. "Alright." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kabilang deck at tumango-tango. "I'm leaving now, pero kung kailangan mo ako, nandito lang ako," sabi pa niya.

Tumango ako. Sinamahan ko na siya papunta roon sa pintuan para mai-lock ko na rin ito pagkalabas niya. "Enjoy your day with your classmates," sambit ko at saka siya tinapik sa balikat—isang body language na nagsasabing kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at wala nang iba pa. Akmang papalabas na siya ng pintuan nang magbukas ito.

"Ate Chandria? Rain? Bakit kayo magkasama sa kwarto?" salubong na tanong ni Sammy habang pinagpapalitan kami ng tingin. Napasinghap naman ako at sandaling nabahala. Anong idadahilan ko?

"Oo nga, 'te Chandi. Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Hinihintay ka namin sa dagat. Sa'n ka ba pumunta?" singit naman ni Macy.

Nakita kong magsasalita na sana si Rain nang sumabat ako. Ayokong malaman ng mga babae ang tungkol kay Julius.

"Naligaw kasi ako kanina, kaya nagpatulong ako sa kaniyang hanapin 'tong kwarto natin," sagot ko tsaka ako muling tumingin sa lalaking katabi ko. "Sige na, Rain. Salamat nga pala at tinulungan mo ako. Narito na sila kaya pwede mo na akong iwan."

Wala nang nagawa si Rain, kung hindi ang sundin ako kahit mukhang aapela pa sana siya. Sinulyapan ko lang ang likod niya habang naglalakad siya papalayo sa amin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa mga kaklase kong babae na kapwa mababakas sa mukha na nag-iisip kung anong mayroon sa amin ni Rain. Mukhang hindi sila kumbinsido sa dinahilan ko.

Napatikhim na lang ako. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Mabuti na lang at sumingit si Macy.

"Tara na sa baba 'te Chandi. Kakain na raw tayo sabi ni Prof. Isabel."

"Oo nga! Nagpe-prepare na ng pagkain ang boys!" nagagalak na wika naman ni Dors.

Napaawang ang bibig ko. Si Isabel! I almost forgot about her. I should warn her about her students. It is not only about what happened to me, but what might happen to other girls na kasama namin dito.

Nagpahila na ako sa kanila pababa ng hotel room. Iyong pinaplano kong pag-stay sa kwarto ay hindi ko nagawa.

Napabuga na lang ako ng hangin habang sinasabayan sila sa paglakad. Rinig ko namang nag-uusap sila habang ako'y tahimik lang na nakikinig sa likod nila. Sinusulyap-sulyapan din ako ni Macy at Angelique na parang niche-check kung nakasunod ako sa kanila. Nginingitian ko lang sila kapag nagkakasalubong ang mga mata namin. I am thankful they are not making me feel out of the place.

"Ang gugwapo talaga ng boys 'no, Macy?" tanong ni Dors nang makababa kami galing sa elevator.

"Naku! Tumigil ka nga, Rhodorra! Kasama natin si ate Chandria baka isipin niya malandi tayo," saway ni Angelique.

"Bakit hindi ba?"

Nagsitawanan naman sila at ako ri'y natawa. Ni hindi ko naranasang kiligin or lumandi noong nasa ganiyan pa akong edad. Malaki pala talaga ang nawala sa pagkabata ko dahil subsob ako sa pagtatrabaho habang nag-aaral. Walang oras para mag-isip ng mga lalaki sa buhay.

"Look at those boys! Pinapawisan sa paglalaro ng basketball, pero ang pe-fresh pa rin!" dagdag pa ni Dors. Natanaw namin ang iba naming kaklase na nagba-basketball sa may court.

"Huy, baka may makarinig sa kaharutan mo, Rhodorra!"

"Tse! Manahimik ka nga, Angge! Hindi naman tayo ija-judge ni ate Chan!"

Napakunot ang noo ko. Iba na talaga ang biruan ng mga kabataan ngayon. Hindi na ako maka-get in. Ang tanda ko na yata talaga.

Tinawag naman ni Macy ang mga lalaking iyon para alukin na kakain na. Tama, hindi ko nga pala naubos ang pagkain ko kanina noong umorder kami ni Rain kaya pala nanghihina na rin ako sa gutom.

"Wala talagang latak sa section natin. Puro magaganda at gwapo! 'Di ba ate Chan?" tanong pa sa akin ni Dors. Alam ko na ang pagkakaiba nila ng pagsasalita. Si Macy ay parang maton at pangkanto ang way niya ng pagsasalita. Si Dors naman ay medyo feminine at flirty. Si Angelique ang mahinhin at may pagka-anghel samantalang si Sammy naman ay hindi masalitang tao pero inglesera.

"O-oo," simpleng sagot ko at saka ako ngumiti.

"Ayoko nga lang kay Julius dahil iba siya makatingin parang manyakis na ewan. Parang palaging may balak na masama. Sarap dunggulin ang mukha. Lagi pang naglalabas ng dila."

Natigilan ako sa narinig ko mula kay Macy. Agad na nawala ang mga ngiti ko sa labi.

"True, 'di ba nga may issue 'yun noon?" sabat ni Dors.

"Di naman daw totoo. Obsess lang daw talaga masyado 'yong babae, kaya kung ano-anong ibinibintang. Magjowa kasi sila ni Julius, eh etong si boylet, gusto nang makipaghiwalay eh si girl naman eh wit, mahal na mahal ang lolo mo. Kaya ayun, nagsumbong sa pulis. Gumawa ng kwento. Ni-rape daw siya," kwento ni Angge na tila ba umusbong ang ugaling pagkabakla dahil sa tsismis. Medyo nagulat pa nga ako. Mali pala ang pagkakilala ko sa kaniya bilang mahinhin. Nag-iiba pala siya.

Napanganga ako.

"Ahh 'yan pala 'yung kwento? Ang nasagap ko kasi, etong si Julius may gusto sa lower-year student kaya palagi niyang sinusundan. Si student, nag-report sa prof, pero hindi pinakinggan. Hanggang dumating nga 'yung gabi na pauwi si student, then si Julius, inabangan niya si student at isinakay sa kotse. May nakakita nga raw do'n," kwento naman ni Macy.

Napansin ko ang naging reaksyon ni Sammy sa gilid. Maging ang mariin niyang pagkagat sa labi habang nakayuko. Pati na rin ang mga daliri niyang hindi mapalagay.

"Pagkatapos anong nangyari?" tanong ni Dors na parang naiinip.

"Eh di ayun na, ni-rape na nitong Julius. Wala namang magagawa 'yong bata, eh. Tsaka mahirap lang daw 'yon sila. Isinumbong daw ni student sa pulis pero ilang araw din, binawi din ng estudyante at inaming may relasyon nga raw talaga sila ni Julius kaya hindi daw rape kundi love making lang daw ang ginawa nila. Pero I doubt it. Tunog kalokohan."

Nadurog ang puso ko sa ikinuwento ni Macy. Ibig sabihin, isa sa mga sinasabi nila ang totoong nangyari sa kapatid ni Rain.

Sumilyap ako sa cottage namin kung nasaan ang mga lalaking naghahanda ng mga pagkain namin. Nahagip ng mga mata ko si Julius. Nakatingin na naman siya sa akin—tinging hindi ako tatantanan hangga't hindi ako pumapayag.

"Chandria!"

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you in the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top