Chapter 3

Inalalayan niya akong maglakad papalayo sa lugar na 'yon. Halos maubusan ako ng hininga sa kaba.

"Anong ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya?" tanong pa niya kahit na ni isa roon ay wala akong sinagot. Kita ko sa mukha niya ang inis, maging ang tainga niya'y namumula. Umiling ako.

"Pinagsalitaan ka ba niya nang masama? Did he harass you?"

Napakagat ako sa labi. Doon talaga ako pinakatakot—sa mga lalaking katulad ng taong iyon. Nakakakilabot. Automatic akong kinakabahan kapag nakakasalamuha ako ng mga lalaking walang galang sa babae. I was not overreacting but my hunch was always right and I could feel his bad energy. Paisa lang means something else. He wants to take over me.

"Kaklase natin 'yon, si Julius. Marami na nga akong nabalitaang babaeng hinarass niya. Hindi ko nga alam bakit naka-graduate pa 'yan. Dapat matagal na 'yang natanggal sa school noong may ni-rape siyang lower year."

I gasped. I couldn't help but cry. Wala talagang salitang lumalabas sa bibig ko because I'm still in shock. Tila ba naumid ang dila ko sa takot. So it was true and I was about to be his prey. God. I almost fucked up my life. Why did I even join this outing? I feel like I put myself into a trap. I can't even think straight now. How can we enjoy this day if some kind of rapist is lingering here in this place? I am worried about myself but I am more worried about my classmates.

"Pero ang gagong iyon, nagawa niyang suhulan ang magulang ng babaeng ginahasa niya para hindi ituloy ang kaso. Iba talaga kapag mayaman," dagdag pa niya. Mukhang may galit din siya sa taong iyon kaya ganito siya magsalita.

He glanced at me but this time, it was longer. Napansin niya siguro ang katahimikan ko. Paano ba kasi ako makapagsasalita kung mas nangingibabaw sa akin ang pagkabahala? What if that guy is around us? What if he's planning to do something? What if he raped me? I am an old lady and have no experience but I don't want to have my first involved in a heinous crime. That was supposed to do with the one I love.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Rain sa likod ng palad ko kasunod no'n ay pinunasan niya ang luha ko. "I'm sorry for telling you these. I was just taken aback by your reaction. But what I am telling you is the truth and that is the reason why I came here—to observe him."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He wants to observe him?

"Ako si Rain, hindi mo siguro ako kilala sa pangalan, but I am your classmate. I am your seatmate. Ako si Rain Trinidad, ate Chandria. And I hate that guy too. And the lower-year student that I was talking about was my younger sister."

Napasinghap ako. I am bombarded by a lot of information right now and I can't seem to sink it all in my head. Did I heard it right? Kapatid niya ang pinagsamantalahan ng kaklase naming si Julius? Kaya ba ganoon na lang ang pag-aalala niya sa akin kanina dahil nangyari na ang ikinatatakot ko sa kapatid niya?

I bit my lip. I felt sorry for him and for his sister. "I'm sorry," nasambit ko na lamang.

He shook his head. "He is the one who needs to say sorry. I just have to gather some evidence of his deeds so I can put him in jail."

Bumigat ang pakiramdam ko lalo na nang sumeryoso ang mukha niya. "Don't worry, as long as I'm here, you'll be fine. You're protected."

Hindi ko naiwasang mapatitig na rin sa kaniya nang matagal dahil sa narinig ko. It was the very first time someone told me that and he was not a member of my family. I don't even know him that well, but I find myself trusting him. At least for the entire three days that I am here, I can be at ease.

"Thank you." Pinunasan ko ang mga luha ko at pinakalma ang sarili kahit na napakahirap pigilin ang panginginig sa takot. "And if ever you needed some help, I am here too." Naalala ko ang sinabi niya tungkol sa kapatid niya. So, Julius is the prime suspect and Rain is gathering some proof to put him in jail.

My breathing became shallow. Rape is a serious crime, kahit hindi ako biktima I know the pain of it. Now looking at Rain, I began to have this feeling of sympathy. I hope I can help him.

Pinagmasdan ko kung nasaan kami. Nasa al fresco dining area pala kami ng isang restaurant. Maganda rito at malakas ang hangin dahil malapit sa dalampasigan. Sandaling napawi ang pangamba ko.

"Ate Chandria, can I ask?"

Muling bumaling ang tingin ko sa kaniya. "Sure," sagot ko nang tuluyan akong kumalma.

"Ilang taon ka na? Is it okay to know?" tanong niya habang nakatingin sa akin nang seryoso. Mabuti na lang nakikipag-usap siya sa akin para mabaling ang isip ko sa ibang bagay. I don't want to remember what happened earlier.

"Twenty-four," tipid kong sagot. Napanganga siya na siyang ikinakunot ng noo. "Why? How younger are you?"

"Nineteen," sagot niya na para bang nadidismaya. I almost laugh about it too. Did my heart race earlier because of him? That is a bit off, Chandria. He's so young for you. You should never feel that way towards this guy. He's just a baby. "Dapat nga kitang tawaging ate," dagdag pa niya. I agree.

"Right." Somehow, I find him cute. Kanina lang ay seryoso niya akong kinakausap, ngayon naman ay para siyang batang nakanguso. "Pero hindi naman kailangan kung hindi ka komportable," sambit ko, although I feel happy that someone is calling me 'ate'. I missed being called that. It's been a long time since I was called by that.

"So, Chandria?" That caught me off guard, kaya napatingin ako sa kaniya at napalunok. Lumapad ang ngiti niya na naging dahilan ng pagkasamid ko. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Masyadong malalim at parang nang-aakit. Kasasabi ko lang kanina na hindi puwede!

"Nah, it doesn't fit. I should still call you ate. Anyway, anong gusto mong kainin?" pagbawi niya. Mabuti naman. Maganda na 'yong malinaw. Ang laki ng agwat namin. Magmumukha akong sugar mommy at isa pa, hindi rin pwede dahil wala akong maraming pera pangsuporta sa kaniya kung sakali man.

Ibinigay niya sa akin ang menu na kanina pa pala naroon sa table namin kung saan kami nakaupo.

"Bakit?" tanong ko. My forehead creased.

"Syempre kakain. Hindi ka ba nagugutom?"

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. "Pero, naghanda na kami ng pagkain kanina roon sa cottage," giit ko.

"You still want to go there?"

I gasped as I remembered what happened earlier—my encounter with Julius. Rain is right, I should find a way to distance myself. I'd rather eat here instead but the thing is, I don't have my wallet with me.

"Wait. Wala akong dalang wallet," sambit ko ngunit hindi niya ako pinakinggan at tumawag siya ng waiter.

"Anong gusto mo?" he inquired. Inaabot niya sa akin ang menu ngunit hindi ko kinukuha. "Wala akong dalang pera."

"Ako nang bahala."

Wala na akong nagawa kundi ang pumili ng pagkain. Babayaran ko na lang mamaya kapag nakabalik na kami sa hotel namin. Mabuti na lang at kinabisado ko 'yong price at magaling ako sa math kung kaya't natuos ko na kung magkano ang ibabayad ko sa kaniya. Medyo sumakit ang batok ko sa presyo. Sana tubig na lang ang inorder ko.

Nasa gitna ako ng pagkain nang may maramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa palagid at hindi ako nagkamali. May nagmamasid sa akin mula sa malayo. Si Julius. Nakatanaw siya sa amin habang nakatayo mula sa isang puno roon sa gubat. Nakikita ko siya at malinaw sa aking tinitingnan niya ako.

"Ate Chandria, are you okay?"

Umiling ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko. I suddenly felt a sudden blood rush into my chest. I can't help it. I am starting to feel anxious again about the way that guy looks at me. It's disturbing.

"Ate Chandria?"

"He's looking at me," sambit ko habang pinipilit na kontinahin ang sarili. Muli ko na namang naalala ang sinabi niya sa akin. "Paisa lang."

"Do you want to change seats?" pag-aalok niya sa akin, but that won't change the fact that that guy is still staring at me. I want that to stop because it is bothering my whole being. I am beginning to feel mad about it, but I know I can't do anything. No one would believe me if I told them he was trying to ask me for something explicit.

"Uuwi na ako, Rain." Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko tsaka ko pinunasan ang bibig ko gamit ang napkin na galing sa hita ko. "I'm sorry. I'm going home now."

Nanghihinayang man sa pagkain ay mas pinili kong tumayo at maglakad papalayo sa lugar na iyon. I should prioritize my safety over something else. Wala pang nangyayari, pero malakas ang kutob ko. Isa lang ang ibig sabihin ng paisa lang at dahil tumakbo ako kanina, siguradong gagawa siya ng paraan para muling magkaroon ng pagkakataong makaisa. Ngayon pang kahit nasa malayo ay tinatanaw niya ako. I'm sure he's planning something or waiting for a chance to cross paths with me.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko, isang malaking pagkakamali ang pagpunta ko rito. Kung hindi ako narito, sana'y hindi ako nakakaranas ng ganitong pagkabahala. Nakakatakot siya kung tumingin. Tingin palang niya para niya na akong hinuhubaran.

"Uuwi?! Sandali, ate Chandria!"

Hindi ko na pinakinggan pa si Rain at nagmadali na akong bumalik sa hotel na tinutuluyan namin, kung nasaan ang mga gamit ko. Malakas ang kabog sa dibdib ko at hindi ko mapigilang mag-alala. Nakakabaliw. Nakakasira ng ulo. Kahit ang kalamnan ko'y nanginginig sa takot. No one can understand this feeling unless someone has already experienced it.

"Ate Chandria, where do you think you're going?!"

Narinig kong tanong pa ni Rain. Napapatingin tuloy sa kaniya ang mga taong nakakasalubong namin. Napagkakamalan pa yata kaming nag-aaway na mag-nobyo't magnobya.

Pumasok na ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko. Ang laki ng namumuong takot sa dibdib ko dahil sa lalaking 'yon. Kay Julius. Pakiramdam ko ay kaya niya akong patayin kung kailan niya gustuhin, kung sakaling hindi niya makuha ang gusto niya. Nangingilabot ako.

"Hey, ate Chandria!" Hinawakan ako ni Rain sa braso ko at sa sandaling iyon, muli na naman akong nawalan ng lakas. Napatingin ako sa mukha niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa nangyayari sa akin. Bakit kapag siya ang humahawak sa akin, ayos lang? Bakit kapag iba ay nangangamba ako?

"You don't have to leave! I-report na lang muna natin siya kay Professor Isabel."

Muli kong naalala na I was supposed to find Professor Isabel earlier but I was interrupted by that guy. Mas lalo akong nanlumo because of the idea Rain is suggesting. "But that won't do anything, Rain. Just like what you said, mayaman ang taong 'yon. Wala tayong laban sa kaniya. Kung magsusumbong ako baka mas lalo niya akong pag-initan. Also, wala akong sapat na ebidensya para pagbintangan siya. He will surely laugh at my accusation."

Siya naman ang bumuntong-hininga at napahawak sa kaniyang baywang. "Kaya aalis ka na lang? Paano kung may mangyari sa 'yong masama habang bumubiyahe kang mag-isa? Paano kung sundan ka rin niya?"

Napabuga ako at napasapo ang kamay sa noo. Pakiramdam ko, wala akong takas. Bakit sa lahat ng taong makikita ni Julius ay ako pa? Kinakain ako ng takot gayong tatlong araw akong mamamalagi sa lugar na ito. Ang akala kong magiging masaya ay pansamantala lang pala. Ilang oras lang pala.

"We will be worried about you, ate Chandria, if you leave us here. This outing is for all of us. Why are you leaving?" He sounds so worried, but how can I act like nothing happened when a bad guy is lurking out in the bush waiting for his prey to be caught in his trap?

Umiling ako. "No, all of these things are meant for all of you, not for me. I was supposed to be working today." Hindi ko na napigilang mapaluha. I am so devastated right now. Sa punto palang na masabihan ng paisa lang ay nakakaputang ina na, paano pa ako makakatulog sa gabi? "Isang araw lang akong nagpahinga tapos ganito pa. Hindi talaga para sa akin ang pagpapahinga."

I burst out from frustration. Magpapahinga lang akong sandali, pero parang maling gawin ko 'yon. Ito ba ang sumpa na galing sa pamilya ko? Sinumpa ba nila na maging ganito ang buhay ko? Maging miserable?

Napabuga ako at tinanggap ang pagkatalo. Wala na. I am the target now. If Julius is really planning to do something on me, I don't know how to escape from it. I'm trapped. At sa tatlong araw na narito ako, how can I be sure nothing's going to happen to me? Akala ko mabilis lang ang tatlong araw, pero parang ang tagal naman yata. Gusto ko nang umuwi.

"You can take your rest here. I am here. Nothing's gonna happen to you as long as I'm around."

I inhaled heavily. My eyes were locked at his deep serious gaze. "How can I trust you?" I uttered.

"Only you and I are in here. If I wasn't trustworthy, I would have done something the second we walked into this room."

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you in the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top