Chapter 2

Pinagmasdan ko ang asul na dagat na tila ba naging salamin ng asul na kalangitan. Ang ganda rito sa La Union. Tila ba ako'y nakahinga sa matagal na pagtatrabaho. Ngayon lang ako nakaranas magbakasyon at magpahinga at hindi ko ito masusubukan kung hindi dahil sa mga kaklase ko. Ang mga batang iyon.

"Sabi ko sa 'yo, magugustuhan mo rito, eh!" sambit ni Professor Isabel.

"Oo nga prof, ang ganda rito," sagot ko naman.

"Huwag mo na nga akong tawaging Prof! Isabel na lang tutal graduate ka na! Pwede mo na akong ituring bilang tropa!" Tumawa naman siya. Napansin ko ang damit niya. Hindi na siya nakasuot ng pormal na damit at kung susumahin ay mukha na talaga siyang bata.

"Bakit? Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

"Duh, twenty-five palang ako!"

Napangiti ako. I can't fathom how this lady in front of me who is my professor can also be my friend. Isang taon lang pala ang tanda niya sa akin.

"Sige na, puntahan mo na muna ang mga kaklase mo. May aayusin lang ako sa lobby. Ayaw naman kitang isama roon dahil baka mainip ka."

Tinulak niya na ako papunta sa mga kaklase kong nakahanay na sa gitna at nagpa-partner-partner kung sinong gusto nilang makasama sa kwarto.

"Ate Chandria! Dito ka na lang sa amin! Kulang pa kami ng isa!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Mabuti na lang sumama ka, ate Chandria! Akala nami'y hindi ka mapipigilan sa pagtatrabaho," sambit ng isa kong kaklase na hindi ko matandaan ang pangalan. Kasama niya ang iba niyang babaeng kaibigan na kapwa nakasuot na ng pangligo at nakabalabal lang. They are all in their sexy swimsuits. Hindi naman sila excited?

Napansin kong pumasok na sa elevator ang iba at ang majority naman ay umakyat na lang sa hagdan para pumunta sa kani-kanilang kwarto.

"Oo, thank you nga pala sa ginawa ninyo. I never thought you will do this for me," wika ko na nagpangiti sa kanila. Hindi ko inaasahang gusto nilang makasama ang matandang tulad ko. Ang layo ng agwat ng edad ko sa kanila. Apat na taon? Lima?

"Sus! Syempre, mas masaya kapag marami lalo naman na kapag kumpleto! Talagang magtatampo kami sa iyo, kung pati ba naman ang araw na ito'y ipagdadamot mo pa sa amin. Hindi ka na nga namin madalas makausap dahil irregular student ka at palagi ka na lang umuuwi agad."

"Oo nga, ni hindi ka nga namin mahagilap sa klase. Ngayon, ngayon ang pagkakataon na magkakila-kilala tayo," natutuwang sabi ng isa pa. Maikli ang kaniyang buhok at may dimple siya. Totoong mahahawa kang ngumiti kapag ngumiti na siya.

Nagkayayaan na kaming pumunta sa kwarto namin. Napanganga ako sa ganda ng loob. Napakalinis at napakalawak. May touch of wood ang lahat ng furnitures. May malapag na television sa harapan. May dalawang double deck na queen size. May closet sa gilid malapit sa sliding door papunta sa veranda. Maganda rin ang bathroom. At ang bongga pa dahil may bathtub bukod sa showerheard and toilet. Mukhang mahal itong napili nilang hotel!

"Don't worry, ate Chandi, tabi kami ni Macy," sambit ng isang babae nang makita akong nakatitig na palang muli sa kama at hindi malaman kung saan pupwesto.

Tumango ako. Apat ang babaeng kasama ko ngayon at dahil sa pakikinig sa usapan nila ay nakilala ko na silang lahat—si Rhodorra, Macy, Sammy at Angelique. Mabuti na lang at hindi naman ganoon kahirap kabisaduhin ang mga pangalan nila.

Napili kong pumwesto sa sulok, malapit sa bintana at sa closet. Dumungaw pa ako roon at halos malagutan ako ng hininga sa nakita kong scenery. Napakaganda. Walang katumbas. Talagang nakakawala ng pagod. Sa isang banda, I am really thankful because this won't happen without the help of my classmates.

"Bakit nga pala nagtatrabaho ka na, Ate Chandria?" tanong naman ni Angelique na siyang nagputol ng pagmamasid ko sa tanawin.

Nilingon ko sila bago ako sumagot. "Wala na kasing nagpapaaral sa akin. Marami akong pangarap sa buhay, kaya kailangan kong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral," mahabang paliwanag ko.

"Kaya pala. Grabe ang tatag mo, te! Kung ako siguro 'yong nasa ganiyang kalagayan baka 'di lang walong taon ang tinagal ko sa college. Mabuti na lang at magaling akong mangopya!" sabat naman ni Rhodorra. Nahahabaan ako sa pangalan niya. Ayos lang kayang tawagin siyang Dors?

"Yan, yan, proud na proud ka pa!" sabat naman ni Macy tsaka tumingin sa akin. "Bakit? Nasa'n ang parents mo, 'te Chandi? Buti pumayag sila kahit on the spot na niyaya ka namin."

Umiling ako tsaka ngumiti. "Wala naman na akong magulang at pamilya. Mag-isa na lang ako. Kaya walang hahadlang." Well, bukod sa manager ko na madalas magpa-duty nang biglaan kapag may absent. Madalas akong reliever dahil malapit lang ang bahay ko sa restaurant.

Napanganga silang lahat sa sinabi ko at kapwa nagkatinginan.

"Mag-isa? Why? Is it okay to ask the reason?" nag-aalalang tanong ni Sammy, bago umupo sa kama ko. Lahat sila ay lumapit sa akin. Hindi naman ako na-orient na guest pala ako sa isang talk show.

"Hindi ko alam. Paggising ko isang umaga, wala na sila."

Napasinghap sila. Si Sammy ay napatakip pa ng kaniyang bibig. I was wrong when I said that they are hard to approach. They are not. They are very cute to talk with.

"Wala na as in nag-disappear o wala na as in they're in heaven?"

"Pareho," sagot ko. "Nagising akong wala na sila sa bahay. Nabalitaan ko na lang na naaksidente sila. Balak na talaga nilang iwan ako at nagtagumpay sila," pagkukwento ko pa.

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata ni Angelique. Pinunasan niya pa iyon agad, ngunit nakita ko na bago niya pa magawa. "Sorry ate Chandria, hindi ko na napigilan." Napangiti ako dahil hindi ko inaasahan ang mga reaksyon nila.

"Anong nangyari pagkatapos? Ang mga lolo at lola mo or tita? Hindi ka nila kinupkop?" Matagal ko silang tinitigan. Napaka-invested naman nila sa buhay ko.

Umiling ako. "Kung gusto nila ako'y mag-aalala sila sa akin at hahanapin ako, ngunit hindi ko naman sila naramdaman so I guess, they don't want me."

Bumuntong-hininga sila na para bang ramdam na ramdam nila ang pait ng buhay ko. "Bilib ako sa 'yo, ate Chandria. Biruin mong napagtapos mo ng pag-aaral ang sarili mo."

"Oo nga, 'te. Congrats! Congrats to us!!!" Nakita ko ang kilig sa kanilang mga mata. Mabilis ba talagang magbago ang mood ng mga bata?

"Tara na! Magswimming na tayo sa dagat! Ilangoy na lang natin ang lungkot na nararamdaman natin!"

Hindi pa nga sana ako papayag dahil parang nakakaramdam ako ng antok, pero hinila na nila ako papalabas ng kwarto. Agad kaming naglakad papunta sa dalampasigan. Nakakamangha ang puting buhangin at napakalinis din at malinaw ng tubig.

"Ayon sila!" sigaw ni Dors sabay turo sa mga kaklase naming naroon sa may cottage. Napakagat na lang ako sa labi nang makitang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Isa-isa nila akong binati dahil natutuwa daw sila na sumama ako.

Tinulungan ko na lang silang mag-ayos ng mga gamit sa cottage namin pati na rin ng mga pagkaing ibinaon nila. Ang mga lalaki'y nag-iihaw ng isda at ang iba'y nagtitimpla ng maiinom. Sinaway ko pa nga sila dahil napakaaga pa para uminom ng alak, pero tinawanan lang nila ako. Hindi naman daw nila ako yayayaing uminom. Para daw iyon sa kanila.

Somehow, I felt surreal being with them. Isabel was right, I'll enjoy this. Pero nasaan na nga ba siya?

Nagpaalam muna ako kina Macy na pupuntahan ko lang sa lobby si Professor Isabel upang yayaing kumain. Pumayag naman sila at hihintayin daw nila ako para sabay-sabay na kaming kumain. Napangiti ako. How thoughtful they are.

Naglakad na ako pabalik sa hotel ngunit sandali lang ay napansin kong parang may sumusunod sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil kakaiba ang paraan ng pagsunod niya sa akin. Kung kaklase ko siya, normal namang tawagin niya ako sa pangalan ko, hindi ba? Pero bakit sinusundan niya lang ako at bakit parang ang talim ng tingin niya sa likod ko?

Nagmadali akong maglakad upang hindi niya ako maabutan, pero mas lalo ko lang nararamdaman na sinusundan niya ako. Namuo ang takot sa dibdib ko. Sino siya?

Lumingon ako, pero walang tao sa likod ko. Guni-guni ko lang ba iyon? Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siya sa harapan ko. Nakangisi siya na para bang may balak siyang masama sa akin.

"Saan ka pupunta, ate Chandria?" tanong niya sa nakakikilabot na paraan. Kilala niya ako! And he is somewhat familiar. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya.

"S-sa lobby," sagot ko habang ikinukubli ang takot sa dibdib. How he looks at me is scary and creepy. Nakakapanindig balahibo. Masyadong mataas ang araw para sa madilim niyang mukha na kung tumingin ang mga mata'y parang may gustong gawin.

"Samahan na kita." Naumid ang dila ko.

"B-bakit?" buong lakas kong tanong sa kaniya.

"Alam mo na 'yon. Paisa lang."

Napakurap ako sa sinabi niya at dagling napaatras. Agad na umusbong sa dibdib ko ang pagkamuhi at pagkabahala. Unti-unti siyang lumapit sa akin at akmang hahawakan ang braso ko nang tuluyan na akong umatras at tumakbo palayo.

Habol ko ang hininga ko habang nakikipagsapalaran sa pagtakbo. Paisa lang? What the hell?! Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang mga pagluha. Why would a guy tell me such things like that? The way he looks at me and the way he talks, pati na rin ang pagsubok niyang hawakan ako...creeps me out.

I was in the rush when I bumped into someone—someone's chest. Masyado akong nakatingin sa likod upang alamin kung nahahabol ba ako ng lalaking iyon at hindi ko namalayang may mababangga ako.

Muntikan pa akong madapa.

"Miss, okay ka lang?"

Napatingin ako sa lalaking nakasalubong ko. Agad akong napaatras. Lalaki na naman?

Nagngitngit ang ngipin ko dahil parang maiiyak na akong lalo. Punong-puno ng emosyon ang dibdib ko. Akala ko'y may mangyayari na sa aking masama at hindi na ako makakatakas pa kanina sa lalaking iyon. Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo.

"O-oo, s-sorry." Nilagpasan ko na lamang ang lalaking nakabangga ko ngunit tinawag niya ang pangalan ko—"Ate Chandria?"—na siyang nagpatigil sa paglakad ko palayo. "Ayos ka lang?"

At doon ko naalala kung sino siya.

"Umiiyak ka ba?"

Isa siya sa mga kaklase ko.

"Bakit? Anong nangyari?"

Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko nasagot dahil umiiyak na pala ako... Sa takot.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa harap ko. Maging ang pagdampi ng kaniyang mainit na kamay sa nanlalamig kong braso.

"Ate Chandria..."

Hindi ako makapagsalita. May kakaiba akong naramdaman sa paghawak niya sa akin. Parang tinanggal niya ang bagabag sa loob ko.

Iniangat niya ang ulo ko at dahil doon nagtagpo ang mga mata namin. At isang pagkakamaling tiningnan ko siya nang matagal...isa pala ito sa mga dahilan kung bakit hindi ko tinitingnan ang mga kaklase ko. Bukod sa ayaw kong ma-attach, ayokong mahulog. Even if I am an independent woman, I know my weaknesses are...and he is one of them.

"May sumusunod ba sa 'yo?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. I remember now who he is. He is one of my classmates and he is my seatmate. But I don't know his name since I don't look at him for too long. I just know his hair but never his eyes... It was the first time I saw him this close.

At hindi ako makasagot sa mga tanong niya.

Ni hindi ako makalingon sa likod ko dahil baka biglang lumitaw roon ang lalaking sumusunod sa akin.

Naglakad siya at nilampasan ako upang tingnan siguro kung may taong sumusunod sa akin. Maya-maya lang ay bumalik siya sa harap ko.

"Si Julius ba? Nakita ko siya at mukhang inaabangan ka pa rin niya roon. Siya ba ang humahabol sa 'yo kaya tumatakbo ka kanina?"

Nanginginig ang mga kamay ko nang marinig iyon. Nakakaramdam ako ng panghihina na kung hindi ko pinipigilan ay kanina pa siguro ako bumagsak sa lupa.

"Ate Chandria, naririnig mo ba ako? Halika. Lumayo muna tayo rito."

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you on the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top