Chapter 13

He is holding my hand. Hindi niya ito binitiwan hanggang sa makabalik kami roon sa transient home upang puntahan ang katawan ni Isabel para ilibing nang maayos.

Nabanggit din niya sa akin na hindi raw sila nagkita ni Macy dahil ako raw ang hinahanap niya. Hindi niya pinaparamdam sa akin na may kulang na ako kahit alam niyang may nangyari sa akin. Hindi rin siya nagsasalita tungkol doon.

Sa unang pagkakataon, naramdaman kong may halaga ako...na hindi ako nag-iisa. Nakatingin lang ako sa likod ng ulo, sa maganda at makapal niyang buhok na palagi kong nakikita kahit noong nasa klase pa kami. Kahit magkatabi kami, hindi kami nagkakausap. Hindi ko alam na magkakaroon pala ng araw na magiging malapit kami sa isa't isa.

Hindi ko na siya magawang iwasan. Kahit na iyon ang pinakiusap sa akin ni Sammy. At kahit na iyon ang gusto ni Julius. Paano ko ba bibitiwan ang mga kamay na nagsasabing hindi ako bibitiwan kahit kailan?

Muli na namang may nanuot na kirot sa ilong ko...naiiyak na naman ako. Hindi ako makapaniwalang mahal ako ng taong ito. Paanong nangyari?

Nakapasok na kami sa kwarto kung saan pinatay ni Julius si Isabel, pero laking gulat naming pareho nang makitang wala ito roon. Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang humahangos na si Macy.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Hindi kayo maniniwala sa nakita ko."

Naghanap kami ng ibang lugar kung saan maaari kaming makapag-usap na tatlo...iyong hindi kami matutunton ni Julius.

"Nawawala ang katawan ni Sammy," dugtong ni Macy nang mahabol niya na ang kaniyang hininga. Kasalukuyan kaming narito sa treehouse. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito na ligtas kaming makakapagpalitan ng impormasyon.

"P-paanong—? Nawawala rin ang katawan ni Professor Isabel," komento ko.

"Hindi lang sila ang nawawala, 'te Chandi. Pati na rin si Martin at Alba."

"Martin? Alba?" tanong ko.

"Iyong nakalaro natin sa beach volleyball."

Kumunot ang noo ko. Tsaka ko sila palitang tiningnan. Bakit may mga nawawala?

"Ang nakapagtataka pa, pati iyong waiter doon sa restaurant malapit sa dalampasigan. Nagkakagulo nga sa lugar na 'yon dahil sa nangyari."

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Si Martin at Alba? Pati na rin ang waiter? Sandali.

I looked at Rain, and he met my gaze. "Hindi kaya pinatay din sila ni Julius? Julius warned me, he would kill someone who touched me."

Bumalik sa alaala ko ang mga apiran namin ni Martin at Alba, noong naglalaro kami ng beach volleyball pati na rin doon sa restaurant, noong itulak ako ni Sammy at tinulungan akong tumayo ng waiter bago bigyan ng tubig.

Pero paano niya malalaman iyon?

Sinusundan niya ba ako?

Pero hindi niya alam na nasa gubat ako noong gabi. Nalaman niya lang dahil sa suot ko ngayon na siyang nakita niya kagabi.

Muli kong tiningnan si Rain at Macy. Pareho silang malalim ang iniisip, habang nakatitig din sa akin. Tila ba may napagtatanto rin.

"Pinapanood ka niya..." sambit ni Rain. At muling bumalik sa akin ang mga nabanggit ni Julius, noong pinagsasamantalahan niya ako. Nasabi niyang matagal niya na akong hinihintay. Ibig sabihin, matagal na rin siyang nakamasid sa akin? Paano?

Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan habang ang paghinga ko'y bumibigat. Bakas sa mga mata ni Macy na nag-aalala siya para sa akin. "Para tayong nasa isang kulungan," sambit niya.

"Walang daan palabas. Walang telepono, walang orasan, wala 'yong sasakyan natin," dagdag pa niya habang pinipigilan ang sariling luha. "Walang makakatulong sa atin para makatakas kay Julius. At imposibleng matalo natin siya kung palagi siyang nakamasid sa 'yo. Baka nga kahit ang pag-uusap na ito'y alam niya rin," paliwanag pa niya.

Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Kaya pala hindi ko alam ang oras at parang napakatagal umusad ng panahon. Napakarami ring nangyayari para sa isang araw.

I noticed how Rain became silent. He was just looking down and seemed to be thinking of something. He closed his eyes as he tried to remember something. What is it?

And then he slowly chinned up as his eyes met mine. "May alaala ba kayo after graduation?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

Napatingin ako kay Macy at sabay kaming umiling.

"May alaala ba kayo kung paano tayo napunta rito?" dugtong pa ni Rain na lalong nagpapakaba sa dibdib ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" bulalas ko dahil hindi ko nakukuha bakit niya tinatanong iyon sa amin.

"I think I know where we are now." Napalunok siya. "May sinabi sa akin ang kapatid ko noon after she woke up from three days of sleep. It happened after her—"

Iniwas niya sandali ang mga tingin niya sa amin. Alam ko na kung anong tinutukoy niya. "—after she was raped. She was unconscious due to stress...she told me she experienced life in death."

Doon tumigil ang paghinga ko. Life in death? Kaya ba may impyerno rito? Dahil nasa gitna kami ng aming kamatayan? Bakit? Ano bang nangyari? Bakit kami mapupunta rito?

Napansin ko ang paghawak ni Macy sa ulo niya maging ang mariin niyang pagpikit. "It all makes sense now."

Tumingin siya sa amin. "Kaya wala ang bus natin dito...dahil naaksidente tayo."

I gasped. I tried to comprehend what she said, but what the hell is she talking about? We got into an accident? Bakit wala akong maalala? Normal ba iyon na walang maalala pagkatapos ng aksidente? Tsaka bakit maayos pa naman ang lagay namin? Wala kaming kahit anong bahid ng pagkakakilanlan na naaksidente kami?

Napalunok ako. Ibig bang sabihin, hindi totoo ang lahat ng ito? O totoo? Napailing ako. Kalahati ay totoo? Kalahati ay hindi?

Pilit ko mang sagutin ang mga tanong ay hindi ko magawa. Wala sa akin ang sagot.

Mas lalo lang dumarami ang mga tanong na bumubuo sa utak ko at doon ako mas nakukumbinsi na wala kami sa totoong buhay kung hindi nasa gitna ng kamatayan. Naaksidente kami pagkatapos ng graduation—iyon lang ang kapanipaniwalang paliwanag, kaya kami napunta sa lugar na ito na parang langit ang itsura, pero puro kadiliman ang nagaganap. Para kaming hinahabol ng sarili naming kamatayan. Paano kami makakaalis dito? Makakaalis pa ba kami? Lahat ba talaga nakararanas ng ganito? Napupunta sa lugar na ito na kailangang makipagsapalaran para sa buhay? Hindi pa ba sapat ang kapaitang nararanasan namin sa totoong buhay?

"Something needs to happen," sambit ni Rain. "For us to leave this place." Seryoso ang mga mata niya maging ang tono ng kaniyang pananalita. Parang hindi makakapayag na matatalo kami sa larong ito lalo na laban kay Julius.

Muli kong naalala ang matandang babaeng nagsabi sa amin ni Macy na impyerno raw ang kadilimang nasa likod ng gate. Kailangan namin siyang mahanap. Siya na lang ang pag-asa namin. At siya lang ang maaaring may alam ng sagot sa lahat ng katanungan ko.

Nagkasundo kaming hanapin ang matandang babae. Humiwalay sa amin si Macy para mas mapabilis daw ang paghahanap namin. Si Rain naman ay sumama sa akin dahil hindi niya raw alam ang mukha ng babaeng tinutukoy namin.

Nag-umpisa kaming bumalik doon sa gate kung saan namin unang nakita ang babae, pero wala ito roon. Kung saan-saan pa kami napadpad, pero hindi talaga namin makita ang hinahanap namin. Sinubukan naming magtanong, pero walang nakakasagot kung nasaan siya at majority, hindi raw siya kilala.

Bagsak ang mga balikat ko nang mapatingin ako kay Rain. Nakatitig siya sa mga receptionist na para bang may inaanalisa. "Mga naaksidente rin kaya sila?" tanong niya sa akin.

Napatingin din ako sa magagandang babaeng naroon na siyang umaasikaso sa mga bagong dating na mga bisita. Napaatras ako at muling napatingin kay Rain. Tila ba pareho kaming may naintindihan.

"Ang mga bagong dating...mula rin sila sa aksidente?" mahinang tanong ko habang pinagmamasdan namin ang mga grupong iyon na kapwa may saya sa kanilang mga mukha.

"Ito ba ang tagpuan ng lahat ng mga taong naaksidente?" dugtong ko pa.

"Hindi."

Nagulat kaming pareho ni Rain nang may magsalita sa likod namin at doon napanganga ako nang makita ko ang hinahanap namin. Iyong matandang babae!

"Hindi lahat," dugtong pa niya tsaka siya naglakad palayo sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Rain, bago ko sinundan ang matanda. Mukhang naintindihan naman ni Rain na siya na ang hinahanap namin kung kaya't nagpadala siya sa paghila ko.

"Lola, anong ibig niyong sabihin? Pwede niyo ho bang ipaliwanag sa amin?" habol kong tanong.

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumigil sa paglakad. Napansin kong narito kami sa malaking lugar kung saan posibleng ganapin ang kahit na anong malaking event—function hall. May mga nakasalangsang upuan sa gilid at mga oval ng lamesang hindi pa naka-arrange.

"Chandria," pagtawag sa akin ni Rain sabay hila. Agad akong napakapit nang mahigpit sa kaniya nang makita ko kung saan siya nakatingin. May katawan ng isang babae sa sahig. Nanigas ang katawan ko nang makita ko si Macy.

"Macy! Anong nangyari sa 'yo?" sigaw ko at mabilis ko siyang nilapitan. "Si Julius ba ang gumawa nito?" Pero humarang lang sa akin ang matanda at sa isang iglap ay naglaho ang katawan ni Macy. Napanganga ako.

"A-anong ginawa mo?" malakas na tanong ko sa matanda. Pinigilan kong makaramdam ng galit kahit nakakabaliw na makitang naglahong parang bula si Macy. Kanina lang ay nag-uusap kami nila Rain, ngayon ay tuluyan na siyang nawala. Si Julius ba ang pumatay sa kaniya?

Lumingon sa amin ang matandang babae. "Hindi lahat ng naaaksidente ay dito napupunta. Ang mga nabigyan lang ng pagkakataong mamili."

Kumunot ang noo ko dahil kahit sa paliwanag niya ay wala akong naintindihan.

"May mga namamatay agad, mayroon namang matataas ang will mabuhay, mayroong nabibigyan ng pag-asang mamili..."

"At kami iyon," wika ni Rain na para bang nakukuha niya ang ibig sabihin ng matanda.

"Kung gano'n, anong kailangan naming gawin para makaalis sa lugar na ito? Kung ito nga ang buhay sa gitna ng kamatayan at kami iyong nabigyan ng pag-asang mamili, anong maaari naming gawin?"

Umiling ang matanda. "Iyon ang kailangan niyong alamin kaya kayo narito. Katulad ng babae kanina," pagtukoy niya kay Macy.

"Sandali, ibig sabihin..."

"Hindi ko alam kung anong pinili niya. Kung mabuhay ba o mamatay pero oo, nalaman niya na ang kailangang gawin kaya wala na siya rito at inalis ko na siya."

Kumunot ang noo ko. "Ikaw rin ba ang dahilan kung bakit nawala ang katawan ni Sammy at Isabel? Pati na rin ng ibang mga lalaki?" tanong ko pa.

Tumango siya. "Oo, pero lahat sila ay hindi nakapili."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "B-bakit?"

"Dahil may pumatay sa kanila."

Sandali. Anong ibig sabihin nito? Sandali. Kailangan kong malinawan.

May pumatay kay Sammy at Isabel, ganoon din kay Martin at Alba, pati na rin doon sa waiter, pero hindi sila nakapili kahit na may pagkakataon sila dahil pinatay sila...pero si Macy, nakapili siya, pero hindi lang sigurado kung ano ang napili niya. Ibig sabihin, hindi siya pinatay ni Julius.

Ibig sabihin...

May nalaman siyang kailangan din naming malaman ni Rain para makaalis kami rito sa lugar na ito.

Napatingin ako kay Rain at bakas sa mga mata niya ang lungkot. Sandali ko iyong pinagmasdan. Wait, kapag ba namatay sa lugar na ito ay...

I bit my lip as I remembered Professor Isabel.

Ibig sabihin, hindi ko na siya makikita kung sakaling piliin kong mabuhay?

Ibig sabihin...

Napsulyap akong muli kay Rain.

Kung may mamamatay sa isa sa amin, hindi na rin namin makikita ang isa't isa?

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you in the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top