Chapter 11

"Anong ibig sabihin nito, Macy?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa labas ng gate kung saan naroon ang kadiliman na parang hinihila ako.

"Hindi ko rin alam, ate Chandria," sagot niya na lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko rin naman kayang pumunta roon upang tingnan kung anong mayroon sa madilim na lugar na iyon dahil sa takot na namumuo sa dibdib ko.

"Close the gate."

Pareho kaming napalingon nang may magsalitang matandang babae sa likuran namin. Agad ko naman iyong sinunod at sinara ang gate.

"That's the hell," dagdag pa nito, kaya napabalikwas ako at nang muli namin siyang tingnan ay wala na siya. Wala na ang matandang babae sa paligid namin.

Pareho kaming nagkatinginan ni Macy. Nangingilabot ako. Impyerno ang nasa likod ng gate na ito?

Lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayari? Totoo ba 'yong sinabi ng matandang iyon? Pero bakit naman siya magbibiro nang ganoon? At bakit siya biglang mawawala sa paningin namin? Nasaan ba talaga kami?

"Ano nang gagawin natin, 'te Chandi? Alam kong hindi ikaw ang pumatay kay Sammy at nasisiguro kong isa lang ang pwede nating sisihin dito. Si Julius lang naman ang nakikita kong posibleng makagawa nito kay Sammy dahil si Sammy lang ang tunay na nakakaalam ng nangyari kay Nair."

Napanganga ako. Tama. Tama si Macy. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? Si Julius lang ang maaaring pumatay kay Sammy. Lalong umakyat sa dibdib ko ang kaba. Maging ang mga kamay ko'y nanginginig na rin sa takot dahil pakiramdam ko nasa isang lugar kami na hindi maaaring makatakas. Wala kaming kawala. Kung si Julius nga ang pumatay kay Sammy siguradong hindi siya magdadalawang isip na patayin din kung sinong kumalaban sa kaniya. Ganoon niya nga lang kadaling sabihin sa akin na papatayin niya si Rain kung sakaling makita niya kaming magkasama. Siguradong kahit sinong humadlang sa kagustuhan niya ay papaslangin niya.

Napabuntong-hininga ako at napahilamos ng mukha. Kulong na kami sa mga kamay ni Julius at ang tanging magagawa lang namin para makalayo sa kaniya ay lumabas sa gate na ito upang harapin ang impyerno. 'Yon lang ang nakikita kong paraan, pero kapwa hindi maganda ang kahahantungan namin.

"Hindi ba't sabi mo ay dadalhin mo ako kay Professor Isabel? Kailangan natin siyang makausap. Kailangan nating magtulungan," wika ko.

Nababalot man ng takot ay hinanap namin si Professor Isabel. Mataas pa ang sikat ng araw, pero parang papalubog na rin ang pag-asa naming makamit ang hustisya para sa kapatid ni Rain at maging sa sinapit ni Sammy. Kung makakaisip lang sana ako ng paraan para makatulong pa.

Kung saan-saan namin hinanap si Professor Isabel. Mabuti nga at magaling din akong magtago dahil hindi ako nakikita ng mga kaklase namin. Siguradong magtataka sila kung bakit pagala-gala pa ako gayong sa isip nila ay ako ang pumatay kay Sammy.

Napabuga ako. Kaya kailangan talaga naming mahanap si Isabel. Maraming mga tanong ang naglipana sa utak ko at hindi ko iyon kayang sagutan. Siya lang ang makasasagot dahil siya ang nagdala sa amin dito. Siya ang nagsama sa akin dito na dapat ay nananahimik sa buhay at nagtatrabaho. At saka ang ipinagtataka ko una sa lahat, bakit kadiliman ang naroon sa labas ng gate? At bakit ang sabi ng matanda ay impyerno iyon?

Nasaang lupalop ba kami ng mundo? Hindi ba't La Union lang ito? Bakit ganito? Bakit maging ang sasakyan namin ay hindi namin makita?

Napadpad kami sa lobby at naisip kong doon magtanong sa receptionist kung may nakita ba silang katulad ng pagkakakilanlan ni Professor Isabel at mabuti na lang ay tinulungan nila kaming pumunta sa security office kung saan naroon ang mga CCTV Footages na pwede naming i-check kung nasaan ang hinahanap namin. Nagulat kami sa dami ng camera at kahit ako'y hindi ko alam kung saan magsisimulang tumingin.

"Kailan niyo ba huling nakita ang hinahanap niyo?" tanong sa amin ng lalaki.

Kailan nga ba? Kahapon lang noong nag-usap kami sa dalampasigan. Pero imposibleng may CCTV roon dahil malapit iyon sa dagat.

Tiningnan ko si Macy para hintayin ang kaniyang sagot, pero nakatingin lang siya sa screen at masusing hinahanap ang propesor namin.

"Hayon siya 'te Chandi!" Napatingin ako roon sa screen na itinuturo ni Macy. Agad akong nabunutan ng tinik nang makita si Isabel na naglalakad sa isang pasilyo papunta sa isang transient home ngunit bumalik din ang bigat sa loob ko nang mapansin kong may sumusunod sa kaniya.

"Si Julius..." sambit ko habang nakakuyom ang mga kamao. Ito na nga ang ikinatatakot ko. Mabilis kaming nagpasalamat sa security officer bago kami umalis at pumunta sa lugar kung saan namin nakita si Isabel.

"Kailangan nating bilisan dahil baka kung anong gawin niya kay Professor Isabel!" saad ni Macy habang mabilis na tumatakbo. Sinusundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Hindi ko alam saan banda rito 'yong transient home kung saan pumasok si Isabel.

Agad kong napansin ang hallway na dinaanan ni Isabel na siyang dinadaanan namin ngayon. Narito na kami malapit sa kwarto kung saan siya pumasok. Hinila ako ni Macy nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Julius.

Napasinghap ako nang makita ko sa kamay niya ang butterfly knife na ibinigay sa akin ni Rain. I bit my lip as I tried to suppress my thoughts. Hindi. Hindi ito maaari.

Nakita ko ang mapaglarong ngisi sa mga labi ng demonyong iyon. Maging ang mga mata niya'y madilim. Hindi na ako nagtataka kung bakit may impyerno roon sa labas ng gate dahil narito sa loob ang satanas.

Gusto ko man siyang sugurin at labanan ay hindi ko nagawa. Bukod sa pinipigilan ako ni Macy ay alam kong ipapahamak ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko iyon kaya wala akong pinagpilian kung hindi ang magtimpi at hintayin siyang mawala sa paningin ko.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto kung saan posibleng naroon si Isabel. Sumalubong sa amin ang madilim at magulong kwarto na puno ng mga kagamitang sira-sira. Bodega ba itong pinasok namin? Bakit may mga makakapal pang agiw sa kisame?

"'Te Chandi, si Professor..." Nabasag ang boses ni Macy at may kutob na ako kung bakit. Nakita ko ang katawan ni Isabel sa kama habang luray-luray ang damit.

Napapikit ako. Ni hindi ko siya magawang lapitan.

"H-hindi na siya humihinga."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko habang bumabalik sa isip ko ang mga alaala niya sa akin. Siya lang ang gurong naging malapit sa akin dahil palagi niya akong kinakausap o kinukumusta. Siya lang ang ginustong maging kaibigan ako. Maghahanap pa nga kami ng lalaki rito, hindi ba? Bakit naman nangyari pa ito sa kaniya?

Napaluhod ako habang minamasdan si Isabel. "A-ano nang gagawin natin?" tanong pa ni Macy habang pinipigilan ang pagluha. Una, ang kaibigan niya, ngayon naman ang guro. Masyado pang bata si Macy para masaksihan ang mga ganitong bagay? Napakabigat sa loob.

"Si Rain...kailangang malaman ito ni Rain," sagot ko na lamang. Hindi naman nagdalawang-isip si Macy na umalis at hanapin si Rain. Nanatili ako sa kwarto habang tinitingnan ang katawan ni Isabel. Inayos ko ang damit niya. Mukhang pinagsamantalahan pa siya ng gagong 'yon. Napakawalang puso. Walang awa. Walang pinipili. Mapagbigyan lang ang tawag ng laman.

Napapikit ako. Kung binigay ko ba ang sarili ko kay Julius, hindi na darating sa ganito ang lahat? Kung pumayag ba akong sumama sa kaniya at magpagalaw, walang mamamatay? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko? Kung hindi ba ako sumama rito ay masaya silang ipinagdiriwang ang kanilang pagtatapos?

Noong isang araw lang kami nagtapos sa pag-aaral. Marami pa kaming pangarap na bubuuin, lalo na silang mga bata pa. May buhay pa silang kailangang ayusin at i-enjoy pero ano itong nangyayari? Dahil lang sa outing na ito ay tila ba bangungot ang maiiwan sa kanila.

"Sabi na nga ba't narito ka lang. Kanina pa kita hinahanap."

Napalingon ako sa may pinto at tuluyan na akong napasalampak sa lupa nang makita ko si Julius na naglalakad papunta sa akin.

"Akala mo ba hindi ko malalaman? Magkasama kayo ni Rain kagabi. Kayo ang nakita ko sa kubo."

Tiningnan niya ang damit ko. Nawalan ako ng hininga nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

"Binalaan na kita, hindi ba?"

"Huwag kang lalapit," matigas kong sabi na naging dahilan ng pagtawa niya. "Huwag mo sabi akong lapitan!" sigaw ko, pero hindi siya natinag at hinawakan ang mukha ko. Sa kanan niyang kamay ay naroon ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Rain. Nakatutok iyon sa pisngi ko.

"May magagawa ka ba?"

Nagulat ako nang halikan niya ang labi ko. Napapikit ako dahil gusto kong umiyak. Hindi ko maatim na ang unang lalaking nakakatikim ng mga labi ko ay siya.

"Sinabi ko na sa 'yong huwag kang magpapahawak sa iba."

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Pilit ko siyang tinutulak, pero hinawakan niya lang ang dalawa kong kamay.

"Akin ka lang, Chandria. Akin ka lang."

Itinaas niya ang dalawang kamay ko sabay tulak sa akin kaya napahiga ako sa sahig. Gamit ang kutsilyo ay hiniwa niya ang damit ko. Mabuti na lang at makapal ang jacket na suot ko kaya hindi ako nahiwa ng balisong pero ang mas dapat kong ipag-alala ay ang gagawin niya sa akin. Mabuti pang patayin niya na lang ako.

Sinubukan ko siyang sipain, pero mas malakas siya sa akin at naibuka niya ang mga hita ko. Sinuntok niya pa iyon nang manlaban ako kaya mas lalo akong namilipit sa sakit. At sa tuwing sumisigaw ako, para humingi ng tulong ay hinahalikan niya ang mga labi ko. Magaspang. Masakit. Kinakagat niya ito nang madiin para bang gusto niya akong patahimikin.

Malakas ang mga iyak ko. Hindi ko alam na magiging ganito ang wakas ko. Na mararanasan ko ang ganitong bagay sa buong buhay ko. Hindi na nga ako ganoong palaayos para hindi makakuha ng maraming atensyon pero may magkakainteres pa pala sa akin.

Hinawakan niya ang dibdib ko nang marahas. Napakasakit. Gusto kong kamuhian ang araw na ito.

"Hindi ka marunong sumunod kaya ito ang mangyayari sa 'yo."

Hinubad niya ang pang-ibaba kong kasuotan. Nagpumiglas pa ako, pero hinila niya lang ang mga hita ko. Hindi ko alam kung saan siya nakahanap ng panali at itinali niya ang dalawa kong kamay.

"Mas gusto mo pa 'yong lalaking ngayon mo lang nakilala kaysa sa akin na matagal nang naghihintay sa 'yo?"

Hinubad niya ang kaniyang pantalon at pinuwersa ang kaniyang sarili sa akin. Lalo akong nanlumo. Nag-uumapaw sa mga mata ko ang mga luha habang nararamdaman ang sukdulang sakit sa loob ko. Mas lalo akong naiiyak dahil naaalala ko ang mukha ni Rain. Mas lalo akong nanliliit sa sarili ko.

"Tang ina. Ang sikip mo, Chandria."

Umibabaw siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. Hindi ko magawang masiyahan o masarapan sa ginagawa niya. Nandidiri lang ako habang pinanonood siya. Hinahalay niya ako. Tumatawa siya na parang baliw habang patuloy na ipinipilit ang laman niya sa akin.

"Worth it ang paghihintay ko sa 'yo, puta."

Hindi ko na magawang sagutin ang mga patutyada niya sa akin. Tinanggap ko na lang ang pagkatalo habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Isabel na siyang nakaranas din nito.

Napakagat ako sa labi ko at napapikit. Mas lalong hindi ako naging karapatdapat para kay Rain ngayon. Hindi ko na magagawang tingnan pa ang lalaking iyon...kahit kailan.

*****

[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you in the next chapter!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top