Chapter 1
"Should auld acquaintance be forgot and never brought to mind?"
"Should auld acquaintance be forgot and the days of auld lang syne?"
Umihip nang malakas ang hangin ngunit nakita kong may sindi pa rin ang kandilang hawak ko. Napakunot ang noo ko at nilingon ang mga kaklase ko. Where am I?
Pinagmasdan ko ang mga mukha ng mga kaklase kong nakapaligid sa akin. Hindi ko tanda kung anong pangalan nila. Hindi ko sigurado kung sino sa kanila ang mga namatayan ng kandila at kung kanino pa ang may sindi. What is happening?
Pilit kong ni-familiarize ang paligid, pero narito ako sa pagtitipon, hindi, narito ako sa graduation ceremony. Wait, ga-graduate na ako?
"Pasindi," sambit ng katabi ko, kaya napatingin ako sa kaniya at sandaling nawala ang atensyon sa pagkabahala sa paligid.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ko rin matandaan kung sino siya, pero alam kong kaklase ko siya.
Sandali, parang alam ko na.
Ngunit bago ko pa mabanggit ang pangalan niya, tumunog na ang alarm clock sa side table ko.
Isang panaginip.
I was catching my breath as I tried to remember my dream. Hindi naman ako nag-aksaya ng pagkakataon at isinulat iyon sa maliit na notebook na nakatago sa side table ko.
The dream was vivid, but I know there will be an instance na hindi ko iyon maaalala kung kaya't mabuting isulat ko na.
Things are getting weirder in my dreams lately, and it's always the same—the graduation ceremony. Maybe it was because I am very much longing for it. I took a deep breath as I returned the notebook to the cabinet.
Isinantabi ko na ang isip ko roon sa panaginip at bumangon na. Today is the day of our graduation. Yes, at last. I am graduating. After what? After eight years. Daig ko pa ang nag-masters degree sa sobrang tagal kong namalagi sa Edminton University. Why? Because I am a working student. Estudyante sa umaga, trabahador sa gabi. I can't afford to live without a job since I am living by myself. I have neither parents nor family, and so all I can depend on is myself.
Agad na akong naligo at nag-ayos. Hindi naman ganoon katagal dahil nasanay na ako sa mabilis na pagkilos. Maging waitress ba naman sa isang sikat na fast food chain, eh, sinong hindi mate-train?
Kaya hindi ko naranasang tumaba.
Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin habang sinusuri kung bagay ba ang bestidang suot ko sa sapatos kong may mataas at manipis na takong. Mabuti na lang at may nahanap akong magandang dress sa ukay-ukay. Pasok na pasok sa taste ko.
Maganda.
Iyon ang nabanggit ko nang mapangiti ako. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili ko, bago ko napagpasyahang pumunta na sa university kung saan gaganapin ang graduation namin.
Heto na.
Sa wakas, ga-graduate na 'ko. Matagal ko nang tinatamasa ang araw na ito na sa wakas makakapagtapos na ako ng pag-aaral. Makakahanap na ako ng full-time job at paglao'y makapagpapatayo ng magandang negosyo, and even can buy a house and a car. How I wish, madali lang gawin ang lahat, but I know I can do that, kahit mag-isa lang ako.
Kasi kung hindi ko kaya, sana wala na ako. Biruin mong walong taon ang itinagal ko sa kolehiyo dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagpa-part-time job, pero nairaos ko, tumagal nga lang. I should be proud of myself. Ilang batches man ng fourth year college ang nakasabay ko, at least ngayon sigurado na. Hindi ko na nga lang din kinilala ang mga kaklase ko dahil sa pag-aakalang hindi na naman ako makakapagtapos, pero heto ako't nasa paligid nila. Sila pala ang makakasabay ko.
Nakasuot na kami ng kani-kaniya naming toga. Hindi ko mapigilang mapaluha, habang pinagmamasdan ang libo-libong tao sa loob ng auditorium hall. Lahat ay namamanata. Lahat ay kumakanta ng awiting pagpapaalam.
Ito na nga ang huli—huling araw ko na sa lugar na ito dahil makikipagsapalaran na ako at magfo-focus sa paghahanapbuhay. Hindi na magiging abala ang pag-aaral ko. Mali, hindi minsan naging abala ang pag-aaral. Ang abala ay ang pagiging mahirap ko, isama mo pang wala akong pamilya na makapitan sa tuwing kailangan ko.
"For auld lang syne, my dear
For auld lang syne..."
I took a deep breath as I looked up into the stage, kung saan ako umakyat at bumaba kanina para kunin ang diploma ko at makipagkamay sa deligates. Naalala ko na naman ang mga panahong madalas ay puyat akong pumapasok sa school kung kaya't madalas din akong pinagagalitan ng prof namin dahil nahuhuli niya akong humihilik sa gitna ng klase, at ang mga araw na late akong nakakapagpasa ng projects, hindi nakakapag-quiz at kung hindi pa ako lumuhod ay hindi rin ako makakapag-exam. I never thought this day would come that I would finally finish my studies with the help of no one else but me. Akala ko hindi na ito darating. Thank God, it is happening now.
"We'll drink a cup of kindness yet
For the sake of auld lang syne."
Napatingin ako sa kandilang hawak ko. May sindi pa rin siya kumpara sa ibang mga kaklase kong wala na, na tila'y naihip na ng hangin at 'di naagapang takpan. Ang iba nama'y nagsisindihan ng kandila habang umiiyak dahil mami-miss nila ang isa't isa.
Wala akong mami-miss.
Dahil wala akong kilala sa kanila.
Sandali...
Itong paligid.
Itong pangyayari.
Ito ang palagi kong napapanaginipan.
Was that a premonition?
I feel like it's deja vu.
"Pasindi."
Napalingon ako sa katabi ko. Isang lalaki. Nakayuko siya dahil nakatingin siya sa kandilang hawak niya at hawak ko. Gusto kong makita ang mukha niya para makasiguro na siya ang nasa panaginip ko, pero hindi ko nagawang tingnan ang mukha niya dahil lumingon na siyang muli sa katabi niya upang sindihan din ang mga kandila ng mga ito.
Napailing na lang ako.
Natapos ang graduation ceremony at iniwan ko na ang toga na ginamit ko sa upuan. Ganoon daw kasi ang gawin namin. Isa-isa nang nagsilabasan ang mga estudyante at nagpaiwan ako sandali, dahil ayokong makipagsabayan sa daloy ng tao.
Mahigpit kong hawak ang envelope kung saan naroon ang diploma ko for Bachelor of Science in Business Administration. Sa wakas! Mauuwi na rin kita! I will definitely put this in the frame na binili ko sa bookstore at isasabit ko ito sa dingding ng kwarto ko.
Nang mapansin kong hindi na ganoon karami ang tao sa paligid ay nagdesisyon na akong maglakad papalabas ng hall. Hindi na ako nakihalubilo pa sa mga kaklase ko, dahil hindi rin naman ako sanay sa pagpo-pose sa litrato. At isa pa, hindi ko sila close! Nakakahiya ring sumabay sa pagkain upang mag-celebrate. I can celebrate on my own! Well, by sleeping because I have no enough money for luxurious things and the fact that I also don't have enough time to do that. Papasok na lang siguro ako sa trabaho para may pera ako pangdagdag sa gastusin sa bahay.
"Miss Munzanares!"
Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Prof. Isabel pala, ang tumayong homeroom adviser namin. Maganda siya at maputi at may balingkinitang katawan. Ang sabi nila ay wala pa raw itong asawa ngunit wala naman akong pakialam sa bagay na iyon, dahil may kani-kaniya kaming buhay at ang mga private matters na katulad no'n ay hindi na dapat inuusisa pa. Ako nga, wala ring boyfriend, eh. Mukha bang may oras pa ako para roon?
"Papauwi ka na ba?" tanong niya. Hindi naman ako masyadong nagtataka kung bakit niya ako tinatanong. Siya kasi ang nagpapayo sa akin na maging malapit daw ako sa mga kaklase ko, pero hindi ko naman iyon magawa, dahil bukod sa wala akong maraming oras, malayo ang edad ko sa kanila. Panigurado'y hindi ako makaka-relate sa mga usapin nila at kung paano sila magsalita. Nakikita ko pa nga minsan ang mga kaklase ko na naglalaro lang sa kani-kanilang cellphone, kaya bakit ko pa sila kakausapin? Baka mahawaan lang nila ako at maadik ako roon at hindi na magawa ang mga dapat kong gawin.
"Opo, prof," sagot ko.
"Bakit? Hindi ka ba sasama sa La Union?" Naalala ko ang pinagpaplanuhan ng mga kaklase kong gala nitong nakaraan. Paano ba namang hindi ko malalaman ay isinulat ng classroom president namin sa whiteboard noong may vacant time kami. Maging ang mga plano nilang gawin at puntahan pati na rin sa pagkain ay planado nilang lahat, ngunit hindi naman ako interesado, dahil hindi ako sasama.
"Hindi po. May duty po ako," sagot ko.
"Duty? May work ka pa rin kahit ngayong graduation day?"
"Opo, prof."
Umiling naman siya. "Paano ka makakapag-asawa niyan kung puro ka trabaho?"
Natawa ako. Nagsalita ang mayroong asawa.
"Biro lang." Lumapit siya sa akin upang makapag-usap kami nang maayos. "Sayang naman kung hindi ka sasama. Huling beses mo nang makakasama ang mga kaklase mo. Pagbigyan mo na sila. Tatlong araw lang naman tayo roon."
Magsasalita pa sana ako nang dugtungan pa ni prof ang sasabihin niya. "Tsaka kung problema mo ay pera, huwag mo nang alalahanin pa. Pinagtulung-tulungan na ng mga kaklase mo ang lahat ng gagastusin. Hindi mo na kailangang mag-ambag."
Kumunot ang noo ko. "P-po?"
"They are aware of your situation so let yourself rest for a bit. Makalanghap ka man lang ng sariwang hangin. Tsaka para may kasama ako! Samahan mo ako para hindi naman ako mag-isang matanda na kasama nila!"
Umawang ang bibig ko. Iyon naman pala ang dahilan. Sa totoo lang, parang magkasing-edaran nga kami ni Prof. Isabel. Twenty-four na rin kasi ako, hindi ko lang sigurado kung ilang taon na siya. Baka magkadikit lang naman 'yong edad namin. Kung hindi nga siguro siya nag-uuniporme na pang-professor ay mapagkakamalan din siyang estudyante dahil sa bata niyang mukha.
"Sumama ka na, Chandria. Paniguradong mag-e-enjoy tayo roon. And it's time for us to go for boys!"
Napanganga ako. Binulong niya lang iyon sa akin, pero nakagugulat na nanggagaling iyon sa kaniya. Siniko niya pa ako.
"Dali na, Chandria! Tingnan mo ang mga kaklase mo, nagmamakaawa na sa iyo."
Hindi agad ako nakasagot nang maayos kay Prof. Napalingon ako sa mga estudyanteng katabi ko kanina na naroon sa likod ko. Hindi, mga kaklase ko iyon. Ang iba'y nakatingin sa akin at nakangiti na tila ba masaya silang makita ako. Kapwa naghihintay habang nababakas ko sa mga mukha nila ang pagpupumilit na sumama ako.
"Huwag ka nang mahiya. Akala mo lang walang pakialam sa 'yo ang mga kaklase mo, pero gusto nila kumpleto kayo. At syempre gusto ko rin kasama ka para may kachikahan ako."
Hindi ako agad nakapagsalita. Masyado bang matigas ang puso ko kaya hindi ko hinayaan ang sarili kong ma-attach sa kanila? Siguro'y nanawa lang talaga ako sa pakiramdam ng iniiwan dahil ilang mga kaklase na rin ang napalapit sa akin noon, ngunit naiiwan lang ako dahil hindi ko sila nasasabayan sa pag-akyat sa stage for graduation.
Muli akong sumulyap sa mga kaklase ko. Hindi ko alam na nakikita pala nila ako, samantalang ako, hindi ko sila kilala sa pangalan.
Huminga ako nang malalim bago tumango at ngumiti. "Kailan ba ang alis, prof?"
"Mamayang gabi."
Napanganga ako. "Agad-agad?"
*****
[Missy: Hi! Thank you for reading! Kindly vote for this chapter if you like it. It is a way to encourage a writer to continue writing. You can also share and recommend this book to your friends. Thank you so much for the love and support. See you on the next chapter!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top