TWENTY SEVEN
Tilian ng mga tao ang humila sa akin paalis sa nakaraan. A group of girls with their signed merch like cd's are shrieking and jumping their way out of the arena. One of the hundred more testimonials that the euphoric buzz is still humming around the air blessing every audiences the night of their lives.
Mahirap nga namang kalimutan dahil hindi lang mga VIP holders ang naka-avail sa meet and greet. Even those who are at the lower box got the chance for an upclose and personal encounter with the band.
Pero kahit yata ako ang kauna-unahang nag-purchase ng VIP ticket ay tila bawal akong makita sila. Lalo na siya.
Tumingala ako. The night is at its prime and how this kind of night always brings me back to that night to where the tower guides with light. Ang mga hampas ng alon nang gabing iyon. At the back of the pick-up, the ring, the plead in his eyes...
"Did you try to talk to him after that?"
Inabutan ako ni Jude ng flavored beer para pamatay sa uhaw ng two hour event. Mas matagal pa iyong pagpila namin kesa sa oras na itinagal ng concert.
Tumango ako sa tanong niya at uminom. Medyo hirap sa paglunok dahil sa sakit ng lalamunan galing sa pagtili. Sa likod ng kamay ko'y pinunasan ko ang aking bibig at nilingon ang iba ring umuupo sa hagdan. Dinadaanan kami ng mga nagtitilian at tawanan na fangirls.
They were talking how Cash kissed them in the cheek and shriek about it. How Skylar held their phone for a selfie and Wilmer smiled and said thank you.
At hindi mawawala kung paano nakipag-interact si Dean sa kanila. Well, I guess he went back after knowing I'm gone.
Iyon ang akala niya. You don't know me very well, Dean. I'll let your head cool for a moment pero babalik ako sa loob.
"Metaphoricals! Metaphoricals!" A group of girls cheered.
May mga lalake rin akong nakikita na ginagaya ang signature style ni Dean na pulupot ng red bandana sa ulo. Making their hair strands stand up. They even dyed their hair sand brown, too! Ang daming impersonators.
More people scattered outside the arena, not ready to go home yet. Tila kulang pa ang dalawang oras sa kanila. Dahilan kung bakit mabagal ang usad ng linya ng mga taxi na nag-aabang sa mga uuwi. I could already feel the after effect of the concert. Post-concert depression. Where you relive every second of that memory.
In my case, hindi lang iyon ang laman ng damdamin ko. Longing dominated more than it should.
"Bakit siya galit? He should have waited for you, girl," maarteng komento ni Jude saka nilagok ang beer niya.
Nagbukas pa siya ng chichirya. Iba rin sikmura ng baklang 'to. 'Di nakukuntento 'pag walang ningunguya.
"He's not a patient man." Pait ang nalunok ko. Don't know if that came from the beer though.
Ngumiwi siya, hindi kumbinsido. "Bakit hindi ka niya tinawagan? If I were him, I could have called you to hurry."
I'd thought about that, too. Sa pagkakakilala ko kay Dean ay tatawag siya o magte-text kung nasaan ako. And when I don't respond, he goes to where he thinks I am. But finding answers to those questions woud just be an abortive attempt. From his reaction a while ago, he still doesn't want to see me.
Alam kong masyadong mababaw ang rason ng inaakalang hindi ko pagsipot upang magtanim siya ng galit. Hindi naman kasi tungkol doon ang dahilan.
I hugged my knees for comfort as I was brought into thinking the real reason. I've been keeping my vow of silence alive for it. Bakit ko pa babanggitin kung ang karamihan ay iyon ang pinag-usapan nang araw na iyon? Walang saysay ang pangangatwiran ko lalo na't nakita nila ang pinaniwalaan nila at hindi ang katotohanang hindi nila nakita.
What happened to my sister triggered my realization that...I wasn't fully ready. Lihim kong inamin sa sarili na medyo umahon ang pakiramdam ko na hindi ito natuloy.
What burdened my heart was the guilt for not wanting for the wedding to happen just because I am not ready. Not because I don't want to marry him.
At naroon ako upang tanggihan siya. It was a last minute decision. Now what could have been the worst to happen?
In retrospect, maybe my heart was the only thing that was ready. My heart already fell in love and that's what spoke for me that I was psyched up for marriage. But thinking about it for long, that's where the misgivings surfaced out. I am not mentally ready. Handa ang puso ko ng mga panahong iyon dahil mahal ko na siya. Pero sa isip ko ay hindi pa ako handa.
And that's because we grow on experience. I had not. Not in that time. Ano nga bang karanasan ko sa pangmatagalang relasyon? Sure, that influenced my question on how would I maintain a marriage for the long haul? Ayoko namang lapastanganin ang sakramento ng kasal.
There are a lot of opinions about marriage. And for me, you don't marry someone because of love alone. You have to be emotionally and mentally prepared.
Mentally speaking, mga edad lang naman namin ni Dean ang legal pero hindi ang aming pag iisip. Being eighteen I think is barely an adult. I don't even know how to cook.
At hindi rin ibig sabihin na hindi ka na pwede maging handa sa ibang mga bagay kasama ang mahal mo. I have already set my priorities and at that time, marriage wasn't on the list. That's because we can love more than one person all at the same time but we can't make them as the first priority all at once.
We don't have to rush. We would lose living the majority parts of life that we would surely regret for not being able to experience them.
Hagdan ang tinatahak natin. Kaya hindi tayo aakyat ng ganoon kabilis sa kung saan natin gusto. The journey is the best part, if you want things fast pace and dying to be in your destination right away, you'll miss out a lot of great things.
Kaya karamihan sa mga nagmamadali ay madali ring nagkakasawaan.
The most monumental and life-changing experience I had was that of my mother. Even that tainted my belief in young marriage. I may have not gone through it yet but I saw how marriages fail. And that motivated my beliefs and decisions.
The years that have passed nudged me to believe that love doesn't always have to involve matrimony. Tama nang kasal kayo sa mga puso niyo. Sa panahong iyon dapat sapat na sa amin ang mapanatili ang relasyon at damdamin. Yet Dean wanted more. It blew an impact for me to want the same.
Now that we're here with each of our own self-made successes and living our dreams, napapatango na lang ako sa sarili na may pait sa aking ngiti.
Dean and I, we still have to grow up and grow apart. Because growing together is not for us.
"You've mentioned that he's adopted," ani Jude pagkatapos ako bigyan ng ilang minutong katahimikan. Dinig ko ang malutong niyang pagnguya sa chichirya.
Tumatango na ako habang nililingon siya at uminom sa aking bote.
"My theory, he's mad that he doesn't want to trust you again. Hindi siya binalikan ng parents niya, and what he thought you did, not being in the wedding on time, made it the part two of the abandonment he'd been through. He thought you left him. Pain feeds on hate, Ruth. He made it his every reason to still hold a grudge."
Posibleng iyon nga ang naramdaman ni Dean pero alam ko ang mas saktong rason. Ayoko na lang banggitin. Ayokong manira ng mga tao.
Only Erika knows. And widening the portal of that conversation is futile. Seven years is so long ago.
May binunot siyang maitim sa kanyang bulsa. A square thing with what looks like a tube kung saan sinusubo na niya ngayon. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang lumilikha ng bilog sa usok na binuga niya.
"Ano iyan?" pagtataka ko. At ang bango ng amoy. Smells like fruity lychee.
"It's vape, hunny."
"Kailan ka natutong magsunog baga?"
Hindi ko nagawang hawiin ang usok na binuga niya sa gawi ko. It just smells so great na pwede ko itong gawing pabango.
"Simula noong nag-break tayo."
Pabiro ko siyang tinulak. Bahagya siyang tumawa. I think he got that from his barkadas here in Manila. Pagkatapos naming gumraduate ay dito siya nakipagsapalaran. He's currently working on his masterals to become a clinical instructor.
"I was eighteen, Jude. Hindi ako handa sa gusto niyang mangyari..." wala sa sarili kong sabi habang nakatanaw sa mga sumasakay ng taxi sa harap.
Finally they've decided to descend the midnight and go home. It's almost one in the morning.
The noise is still hanging around pero hindi na tulad kanina. Puro kwentuhan na lang ang mga taong nanatili at may narinig pa akong pupunta sila sa hotel kung saan nag-check in ang banda.
I've heard stories about fans waiting at the condo. Dean's fans mostly. Dinaig pa mga bodyguard kung makabantay.
Then they send death threats to those women who were being linked to him. Approve ako sa ginagawa nila.
Pero nang maisip ko ang isasagawang plano, napagtanto ko na magiging delikado rin ang buhay ko. I think I need a bodyguard, too. Perhaps a fanboy?
"Sabagay...kahit ako rin naman, noh." Si Jude na patuloy sa pagpapabango sa hangin. "I need to have more ex- boyfriends first before marrrying my the one. Sa bansa kung saan legal ang same sex marriage."
Maarte itong tumawa at humingi ng high five. Pinagbigayn ko naman ang binabae kong ex na hindi ko maintindihan kung paano naging kami.
Ganon yata ang nagawa ng pag aaral ko ng nursing kung saan mas marami pang porsyento ng mga bakla kesa straight guys. May iba pang confused. Truly, my life has a lot of iconic moments.
"What are you gonna do now?You want him back?"
The smoke that Jude blew passed my eyes clouding the view infront of me. But the truth is lucid. The words are so crystal clear in my mind and my eyes.
"I've always wanted him back."
Suminghap siya at gumawa ulit ng mga smoke rings.
"Pero jinowa mo ako." Marahan siyang tumawa.
"I was trying to move on."
Nakakakilabot ang ngisi niyang nanunuya. "Pero hindi nakaka-move on ang beauty ko, noh?"
Ang binabae niyang tawa ay umalingawngaw sa labas ng arena. Umusog ako palayo sa kanya dahil pinagtitinginan kami. Lalo siyang tumawa at hinampas ako sa braso.
"Aray!" sa hampas niya ay may clue na ako kung gaano siya kasakit smanampal!
Tumingin ako sa hamba ng arena at nakitang marami pang mga tao. Ngayon na lang kaya ako bumalik? Kesa naman mamaya na posibleng hindi ko na siya maabutan.
I don't care if he doesn't want to see me. Pake ko sa galit niya? Long ago, I can tame him with just a smile and a kiss. I just have to believe that I can still do that now.
He still has feelings for me, I could sense it. He wouldn't have been that affected upon seeing me if he doesn't. Natatabunan lang ng poot na imbes na magbakasyon lang ay nag-permanent residency na sa damdamin niya.
"Naisip ko lang, Ruth..." Niligpit ni Jude ang vape niya. He emptied his beer before carrying on. "You have every album of The Metaphoricals. Hindi naman siguro pwedeng niisang kanta sa album nila ay walang tungkol sa 'yo."
Mabagal kong hinalikan ang bibig ng bote at dinama ang likido sa aking labi habang naisip rin ito.
Now that he mentioned it, I don't know what to say. I memorized the lyrics of their songs and there are familiar instances mentioned that happened to us way back.
But I'm not sure If i was the one he's talking about. It might be some ladies he met in Spain. He might had shared the same experiences with them as what he had with me.
But most of them, I know it's all about me. Hindi iyon basta hula. Alam ko lang talaga. Sigurado lang talaga ako!
'On my skin, is your name. 'Cause if I can't have you, I'll have your mem'ry in my veins!'
I bet that's about his tattoo. Kaninong pangalan pa ba ang nakaukit doon kung 'di sa 'kin lang. Not that I assumed but this is a sure bet for me. It's. My. Name.
'As we live in sin, You were seventeen. With all the wrongs and should have been. I fall, I fell, I've fallen...'
E, sino pa bang tinutukoy niya rito? I am his only girl in highschool. We were together when I was seventeen! Tss.
Nilagay ko na sa gilid ang mga ubos naming bote saka ako tumayo. Pinagpag ko ang aking pang-upo.
"Iyong iba tungkol sa 'kin," kampante kong sabi.
Umakyat ako ng ilang hakbang pabalik sa loob ng arena. No bouncers waiting. Paniguradong nasa loob at minamatyagan ang umuunting natira sa meet and greet.
"O, saan ka pupunta? 'Di pa tayo uuwi?"
Nilingon ko si Jude na nanatili sa hagdanan. Lalong lumiit ang chinito niyang mga mata sa pagsasalubong ng kilay niya.
"Babalik ako."
Namilog ang mga mata niya. Though, it didn't make any difference. Medyo maliit pa rin naman ang mga mata niya.
"Ruth! I just saw what happened back there!" Halos maghisterikal siya. "Kulang na lang itanggi niyang kilala ka niya. Well, as if he's not going to. Itatanggi ka talaga niya! Iyong pride mo, girl!"
Mukhang siya pa itong mas namroblema. He even pulled his hair out of frustration.
Parang bumabaligtad ang sikmura ko nang maalala ang nangyari kanina. But thinking about having my second chance for it made me feel motivated again. Hindi naman habang buhay niya akong maiiwasan. Iyon ang pampalubang loob ko.
"I just lost a fraction of it a while ago. What difference would it make?"
Hindi ko na siya hinintay at nagpatiuna na sa loob.
I have to lose something to gain another more than what I've lost. Maybe in losing my pride, I would gain Dean's trust and affection again. Doble ang matatanggap ko kesa sa naiwala ko. Go Ruth!
Masasabi kong marami pa ring tao sa loob ngunit hindi na puno. Some of them were hovering around.
Dahil nasa huling silya si Dean ay siya itong mas natatabunan dahil nagtatagal ang mga nagpapapirma sa kanya. I couldn't see what he's doing. While Sky and Cash were talking.
Matapang at taas noo akong humakbang patungo roon. Again, hoarding every molecule of courage and kapal ng mukha.
Hindi katulad kanina ay hindi na nanginig ang mga binti ko dahil alam ko na ang mangyayari at pinaghandaan ko na iyon.
But damn it I'm sweating! Ganon pa rin naman ang suot ko. At nakaukit pa ang pirma ni Dean sa ibabaw ng aking dibdib. Because I am Dean Cornelius Ortigoza the fifth's girl. I am only his!
Malapit na ako sa hagdan nang may humarang na bulto sa aking harapan. The mix of sweat and man perfume is dizzying. Hindi pa ako nakailag ay kinain na ng kamay niya ang braso ko at mabilis akong kinaladkad.
"Hey! Bitawan—"
Screaming became miles away when this man put his hand on my mouth. Kumalabog ang puso kong takot sa nangyayari.
Masyado siyang malakas upang makawala ako. Hindi ko nagawang makabaling sa mga tao upang magmakaawa ng tulong dahil abala sa panlalaban sa kanya. I whimpered, tumama ang tagiliran ko sa barikada. The F-bomb exploded from the man who's trying to abduct me.
Walang katao-tao sa parte ng backstage na pinagdalhan niya sa 'kin. Sinandal niya ako sa pader at kinulong sa mga braso niyang humarang sa gilid ng aking ulo.
Tinulak ko siya ngunit kinuha niya ang mga kamay ko at marahang binaba. Uulitin ko sana ang ginawa nang tinanggal niya ang kanyang ballcap.
Suminghap ako at napaatras muli sa pader. Weakness never found its footing seeing him infront of me. Ang suplado niyang mukha ay ganon pa rin. Pinunasan niya ang pawis at ngiwing pinasidahan ang buhok.
"Ano na naman 'to, Wilmer? You're going at this, again?" I almost screamed that in hysterics.
Hindi ko akalain na hahantong na naman kami rito. After all these years this man still planted an irrational hate for me.
"He's busy. You can't see him yet." Gamit niya ang natural na malamig na boses.
Tahimik siyang humihingal, marahil na–stress sa pagta-trying hard na kidnapin ako.
"He already saw me. At lumayo ka nga!" Tulak ko sa kanya.
My strength is a piece of light feather. Hamak na langgam lang ako na sinusubukang itulak ang isang higante. Hindi man lang siya natinag.
Matigas ko siyang tinitigan at tinumbasan niya ito sa natural niyang pagtitig. Kung susubukan kong umalis ay haharangan na naman niya ako. I will just exhaust myself pleading to him to talk to his best friend.
Or...I don't what happened to them so maybe, ex-best friend?
"Not again, Will," iling kong sabi, unti-unti nang nilalamon ng pagsuko. "This time, you have to let me talk to him," mariin kong utas. "And you're going to help me."
I expected the cold in his eyes to allow some consideration. The same set of cold that ruined the sailing ships.
Nakauwi ako sa bahay na hindi pa rin nakokontak si Dean. I feel sticky from the tears and sweat. Ang make-up ko ay nagkalat na sa paligid ng aking mga mata. Ang luha ko'y naging itim na nagmantsa sa aking pisngi.
Doon ko ipinagpasalamat na wala si daddy sa bahay. Naduwag akong sabihin sa kanya ang mga nangyari; Sue being pregnant, me not being able to make it...at isipin ko pa lang ang pagsasabi nito ay naluluha na ako. I thought about fixing things first bago ko ito gawin.
Hindi ako pumasok sa klase kinabukasan. Sobrang aga kong kinatok ang gate nina Cash at kakagising palang nito. He never knew about the wedding kaya tinanong ko na lang kung dito sila magpa-practice mamaya sa bahay nila.
"Hindi, e. Sa school nina Wilmer, doon siya mamaya. Bakit?"
Ngumiti ako at nagpasalamat, hindi na sinagot ang tanong. I didn't further procrastinate at pumunta na agad ako. Kung wala pa siya ay maghihintay ako.
Nagpanggap akong late enrollee kaya pinapasok ako ng guard sa university. Naghintay ako sa labas ng locker room. The classes are on-going at panay ang tapik ko sa aking mga paa at silip sa aking relo. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.
Nanlalamig na ang mga kamay ko. Tinakwil ko sa isip ang posibilidad na pagtanggi niya. No. Dean would listen to me. I just have to believe for it to be true.
Ilang sandali lang ay naaninag ko ang paparating na si Wilmer dala lang ang kanyang mga libro. Tumayo ako at mas lalong hindi mapakali. I'm sweating cold bullets. I'm sure Dean's with him or he knows where he is.
"Si Dean? Pupunta ba siya rito? Cash told me he'd be here."
Nanliliit ako sa sarili sa masama niyang tingin sa akin. I'm not sure about his thoughts but from his jaw clenching, siguro'y inalala niya ang paghihintay ni Dean sa akin habang siya'y nasa tabi nito, inaalo ang nabigong kaibigan.
"Will..."
Nilagpasan niya ako at pumasok sa locker room. Sumunod ako.
"You're a distraction, Ruth. Ikaw ang sisira sa banda." His tone is monotonous.
Marahas niyang siniksik ang mga gamit sa kanyang locker at mas marahas nang kanyang sinara.
"Oh come on! I am not some Yoko Ono to your John Lennon, Wilmer. Nasaan si Dean? I have some explaining to do so let me!"
Halos tumilapon ako palabas nang umikot siya upang maharap ako. His brooding features turned shades darker. I really don't get his problem with me at bakit palagi siyang galit sa akin. Anong kasalanan ko sa kanya?
"He would quit this band for you, Ruth. I won't let that happen. Hindi masisira ang banda. I suppose I am the only one who cares about this band more than anyone does. Lahat sila, they all got carried away by distraction. Dean, mostly. You're taking him away from the band."
Umiling ako. "I might be taking Dean away from the band, but I can never take the band away from Dean. Masisira man kayo, alam kong bubuuin niya ulit ito. You got together because of your love for music."
May lamang pait ang marahan niyang tawa. Humalukiphip siya at sumandal patagilid sa locker. Hindi ko maikaila ang takot na nagpangyari sa akin dahil sa kanyang ngisi.
"Really? You have him by the balls, Ruth. You got all corrupted by that idea of young love. It's just an abstract idea to ignorant people. Infatuation is what we should call it. Masyado kayong nagpapadala sa mga bata niyong puso. Reckless, I could say."
Umiiling ako nang mapagtantong wala akong mapapala sa kanya.
"I give zero fucks about your standpoint here, Wilmer. Own it. Lamunin mo iyang opinyon mo."
Tinalikuran ko na siya at tatlong hakbang na lang bago makalabas. Talo ako sa bilis niya nang agad akong nahila at binagsak ang likod ko sa locker.
"What the fuck is wrong with you!" sigaw ko sa nararamdamang sakit sa aking likod. Umipon na rin doon ang iritasyon ko sa kanya. Namumuro na talaga siya!
Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan kong dinikit niya sa kanyang dibdib upang pigilan ako sa muli pananapak.
"Si Dean ang ipinunta ko rito, Wilmer! I'm not here to play bullshits with you!"
"Make me, Ruth. Convince me why you have to see him." I caught the threat in his tone.
Sinubukan ko ulit siyang itulak. Ang intensidad sa kanyang tingin ay hindi ko alam kung dahil ba sa galit o sa panggigigil na pigilan ako. My wrists are already hurting at unti-unti nang kinakain ang lakas ko.
I can't believe he can do this to me!
"Wala kang tiwala sa kabanda mo, Wilmer. You don't trust Dean's commitment to the band! You know he won't quit no matter what! Mag-aaral lang siya ng kolehiyo sa ibang bansa!"
Umiling siya at mas hinigpitan pa ang hawak sa aking pulsuhan. He's trying to break my bones. Napapadaing na ako sa sakit!
"What I don't trust are the trimmings outside this band. You have Dean wrapped around your naughty girly fingers. This is his dream, too, Ruth. Before you, this has been Dean's dream. Before you, this is our dream! So don't ruin it by showing your face to him!"
Sa isang malakas na tulak ko ay nagawa na niya akong bitawan. Pareho na kaming hinihingal. Matalim ang tingin sa isa't isa na parang nagrarambol na mga hayop na kakalabas lang sa hawla.
Tikom ang kanyang bibig sa pagmamatigas habang ako'y nakaawang. My heart is beating with so much vehemence.
Hindi ba niya alam kung bakit aalis ng banda ang kaibigan niya? It isn't even a permanent leave but temporary! At kung alam niya bakit wala siyang konsiderasyon para sa pag-aaral nito? He's being selfish!
"I never thought you're an asshole, Wilmer." His lips twitched as soon as it came out from my mouth. "I just asked for one thing."
"But that one thing could mean a lot of things, and would result to multiple ends, Ruth." His cold tone sent ice to my skin.
Lumayo ako nang akma niyang bubuksan muli ang kanyang locker. May kinuha siya sa notebook at inabot isa akin.
"That's for the battle of the bands. Maybe our last gig because you made him quit. Huwag kang magpakita sa kanya."
Tinignan ko ang pass bago siya. Hindi ako natinag sa kanyang banta. He can't make me obey him. I'm not his pupil.
"Paano kung magpakita ako?" paghahamon ko.
Napaigtad ako sa muling marahas na pagsara niya sa locker.
"Kung alam kong gagawin mo, ngayon pa lang pipigilan na kita."
Umirap ako at hinablot ang VIP pass. Nagtaas noo ako sa kanya.
"Pupunta ako. At magpapakita ako sa kanya!" matapang kong asik.
Ang paniniwala ko sa paunang sinabi ay nayanig sa nakitang gapang ng madilim niyang ngisi. Hinawakan niya ang aking mga braso at muli akong sinandal sa locker.
"Wilmer. Huwag. Don't you dare." Nanginig ang boses ko, tuluyan nang natuyo ang aking tapang sa naisip na gagawin niya sa akin.
Huli na ang lahat nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Namilog ang aking mga mata at hindi agad nakakilos. Nang matagpuan ang aking lakas ay tinulak ko siya ngunit sa aking ginawa'y mas diniin niya lang ang kanyang labi tila pinupuwersa akong humalik sa bato.
That's when the door opened.
Napuno ng liwanag ang buong locker room. Imbes na init ay kilabot ang kumulong sa akin. Lumakas ang ingay ng mga estudiyente sa labas na ginagamit ang oras ng kanilang break.
Pagkabitaw ni Wilmer ay agad akong lumingon sa pinto. Biningi ako ng sariling kabog ng aking puso. Pinagkaitan ako ng kakayahang huminga. Hinang-hina ang mga buto ko at init ang sumakop sa aking mga mata.
"Dean..." nagasgasan ng sakit ang bulong ko sa pangalan niya.
The hurt and anger in his eyes tortured me alive. Nauupos ako nang dahan dahan at dama ko bawat pagpiga ng puso ko sa sumusugat na sakit sa kanyang mukha. Bagsak ang kanyang balikat ngunit nanginig ang nakakuyom niyang kamao. His parted lips are quivering.
"Seriously? The both of you?" He sounded like he was betrayed. That's what he thought.
"Dean, hindi!"
"She pulled me to kiss her."
Sinapak ko si Wilmer. "Hindi iyan totoo!"
"I can't believe the both of you."
Mabilis ko siyang nilapitan upang itama ang mali niyang paniniwala. Umiiling siyang nakatingin sa sahig. Incredibility just ate him alive. He took what he saw the wrong way. We can't be in our separate ways with him believing the wrong thing!
Bago pa ako tuluyang makalapit ay nahila na ako palayo. Mas lalo akong nairita kay Wilmer. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko nakita kung paano tumama ang kamao ni Dean sa matalik na kaibigan at nakita na lang ang pagbagsak ni Wilmer sa harap ko!
The students outside started too see what's happening. May mga nagsisigawan na.
"Dean, stop! Just let me explain, okay? Nandito ako para kausapain ka!"
Binalingan niya ako. At takot ko na lang kung lalapit ako sa kanya. I know he's not gonna physically hurt me, pero malay ko ba kung ano ang magagawa ng galit niya. He just blew a fist on his best friend!
"What for, huh? Tungkol sa inyong dalawa?" marahas niyang sabi na aakalain kong minumura na niya ako.
"H-hindi..."
Patuya, nagbabanta at dahan dahan niya akong nilalapitan. Ganon rin ang bagal ng aking pag-atras na tila tupa na gagawing panghimagas ng isang leon.
"Is this why you weren't there?" nabasag ang boses niya. Halos hindi ko marinig sa sobrang hina nito dahil nakakain na ng sakit sa kanyang boses.
His bloodshot eyes are knives around my heart. Sinusubukan kong maging matatag kahit unti unti na akong gumuguho.
"Kaya hindi ka pumunta?"
"I was there, Dean..." hikbi ko. I can't look at him.
"No, you weren't there..." he pressed darkly and with bitterness.
"Nahuli lang ako ng dating pero pumunta ako!" sigaw ko upang mas maging malinaw sa kanya.
Dahil umiiyak na ako samantalang sinusubukang magpaliwanag. My sobs and the buzzing students are the only noise I can hear around in this room.
Huminto si Dean. Mabagal ang pag-angat ko ng tingin at una kong nakita ang umiigting niya panga.
"Tell me why should I believe you."
Sumisinghot ako. Humihingal sa pagsubok pigilan ang hikbi. Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pag-agos.
"Dahil mahal mo ako..."
Nagtagpo ang paningin namin. Sinundan niya ng tingin ang naglandas na luha sa aking pisngi.
"But I don't entertain one way affection, Ruth."
Hind siya kumurap. Dilat na dilat siya nang bumagsak ang luha sa kanyang mata. Pinipiga ang puso ko na hindi ko na kayang magsalita at gustong umiyak na lang. Ni walang panlalambot na rumehistro sa mukha niya habang pinapanood akong humihikbi.
"No, Dean. I...I—"
"Don't even say it because you don't."
Lalo akong nauupos sa walang kaemo-emosyon niyang boses.
"Dean please..."
Maingat akong lumapit ngunit tinalikuran na niya ako. Napako ako sa kinatatayuan at tinakpan ang aking mukha sa aking kahihiyan.
"Fuuuck!"
Mga sigaw ng pagmumura ni Dean ang panggatong sa mga iyak kong lumalakas. Sigawan ng mga tao sa labas kasabay ang bagsak at pagbasag ng mga kagamitan.
Binaba ko ang aking kamay, dinungaw ang pangyayari at nakita ang pagtapon ng de-kahoy na silya. Dean was angrily kicking it multiple times. Namumula ang kanyang balat at mukha sa ginagawa. Hindi ko maawat ang mga iyak ko.
Sa gilid ay nakabangon na si Wilmer at pinupunasan ang dumudugong ilong. Hurting him would do nothing. Dean won't still listen to me. Ang magagawa ko na lang ay saktan siya sa isip ko nang paulit-ulit.
"Masaya ka na?" nanginig ang boses ko sa galit.
Nagkibit siya ng balikat na tila wala lang ang nangyari.
"Dean will temporarily quit the band dahil mag-aaral siya sa Spain, Wilmer. Hindi dahil pinilit ko siya. It's his choice. Not mine."
Iniwan ko na siya roon at lumabas. Dean's nowhere to be found at hanapin ko man siya siguro ay walang silbi ang paghahabol ko. The sheer anger I saw that dominated more than the pain, I don't think magkakaayos kami nang ganoon kadali.
Napaharap ako sa mga tao. Most of them stabbed their look of disappointment at me. They assumed the wrongest thing.
"Girlfriend daw ng bestfriend nung guy. Bakit sila lang dalawa diyan sa locker? Parang may something , 'di ba?"
God, they don't know shit.
"Oh my! She cheated?"
"Balita ko ikakasal nga raw. Pero hindi sumipot iyong girl. Now we know why."
Maybe I wasn't that of a good person all my life. Dahil nahuhusgahan at nakakamuhian nila ako nang ganito kadali, na parang wala na akong nagawang maganda sa buong buhay ko.
Is this my punishment for my shortcomings?
Nahawi ang mga tao sa aking pagdaan. Halos matumba ako dahil sa sobrang panghihina ng aking mga tuhod. Tinatanggap ko bulong ng maling akusayon. Sirang-sira na ang loob ko but with my chest out and head up high, I had my walk of shame into the world. Hindi na ako makapaghintay na makauwi at iiyak lahat ng natira sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top