TWENTY ONE

"So saan ba siya dapat umikot? Left or Right?" tanong ni Dean.

Nasa gilid namin siya ni Wilmer na pinapakitaan ng steppings sa cotillon. Will's kind enough to help his friend. Ayaw man sa akin ng taong 'to, he endured a dance with me for the sake of dancing and Dean, not because of me.

No hard feelings. Sanay na rin naman ako.

"Right. It's always on the right, Dean,"matiyagang ani Will at muli akong inikot.

Nilingon ko si Dean at naabutan ang kanyang pagtango. For a while I thought he understood what Wilmer has demonstrated. Ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin. Nakahalukiphip habang pinipisil-pisil ang kanyang bottom lip.

Nagsalubong ang kilay ko . I'm quite desperate to pay a penny for his thoughts at aalamin ko pa lang sana iyon kung hindi lang binawi ni Wilmer ang tuon ko sa pagsasayaw.

Wilmer has got the moves. Kita ko ang galing niya kaya mas ginanahan ako. I never took him as a dancer since ganon ang karamihan ng mga nasa banda. They care solely about music and playing than anything else. Mas saulo pa nga niya ang steps kesa sa 'kin.

Napangiti ako sa smooth flow ng aming pagsasayaw. At habang nangyayari iyon ay tinitignan ko si Dean. I smirked at him. Patuya ang pag-aangat ko ng kilay sa kanya at mas ginalingan ko pa.

Nahuli ko kung paano tumigil ang daliri niyang naglalaro sa kanyang labi. His fingers are just merely folding his bottom lip now while slightly parted. Nakatunganga lang siyang ganoon habang sinusundan ako ng tingin.

His reaction brought a surge of entitlement to me. Humalakhak ako habang iniikot ni Wilmer.

Bilang parte ng sayaw, hinawakan niya ako sa baywang at inangat saka inikot. Tinukod ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat.

"Tama na iyan, tama na iyan! Tapos na ang kanta!" awat n Dean sabay lapit.

Pinagitna niya ang kanyang kamay sa amin ni Wilmer. His other hand is holding my arm pulling me to him. Tumama ang gilid ko sa harap niya.

"Chill..." Inilingan lang siya ng kaibigan at binalikan na ang totoong partner nitos sa cotillon.

"Iyan, ayaw mo kasing makipagsayaw sa 'kin. Naghanap tuloy ako ng iba," pang-aasar ko at humiwalay sa kanya.

Nahagip ko ang kakarating lang na si Erika galing guidance. Simangot na nakasunod malayo sa kanya ang babaeng humila sa buhok ko. I'll ask Erika later kung anong pataw sa kanyang ginawa. That's quite an offense. And I bet the other girl has it worse than my bestfriend.

"It's 'cause I hate dancing..."mariin niyang sabi."At saka hindi ako marunong. Alam mo iyan. And let's not talk about things that I don't know."

Yes. Of course. His ego would be subtly crushed into sand grains once those things he doesn't know about were acknowledged.

Mabagal siyang lumapit sa akin. Nang maramdamang dumidikit na siya ay umatras ako. Hindi niya ako hinayaan na makalayo nang kinuha niya ang kamay ko.

Just a moment of wonder if he's finally going to dance. If we are at last going to see him dance. Nakatingin kami pareho sa magkahawak naming kamay.

"Ang alam ko lang gawin ay paikutin ka..." His voice bordered into a whisper. Inangat niya ang kamay ko saka dahan dahan akong inikot. "...hanggang sa mahulog ka, tapos..." He bended forward as he leaned me back and lower. Kumapit ako sa kanyang braso nang maramdamang babagsak ako. But with his hands on my back and waist..."Sasaluhin kita."

He just did a dip on me. Sumadsad ang nakalugay kong buhok sa gym floor. Sa gulat at mangha ko'y walang namutawi sa aking bibig. The order of ABC's suddenly dear forgotten.

His intense eyes soften like green steel being melted in an open blue flame. Malaya ang mga itong naglakbay sa buo kong mukha. From my forehead, down to my eyes, cheek and nose...

Umihip ang ang buntong hininga niya nang humantong sa labi ko ang kanyang mga mata. Tila doon pa lang binuhos ang nag-ipon na hangin. Awang ang kanyang bibig. In our position, I could feel the silent rapid rise and fall of his chest.

"Ruth..." bulong niya at binalikang tagpo ang aking mga mata.

"Huh?" maliit ang tinig ko.

Namilog ang mga mata kong nag-aabang. While the question, doubt and permission I saw from his eyes had me conclude something.

He didn't just think of kissing me here and now, right? Kumalabog ang puso ko sa sariling tanong.

"Oy! Ano iyan?" rinig kong sigaw ni Erika. Maraming sumegundang ingay at mga pang-aasar.

"Simeon! Ortigoza! Wala iyan sa stepping!" An unfamiliar voice.

Sandaling pumikit si Dean at inangat na ako upang makatayo nang maayos. Init na init ang pisngi ko, hindi makatingin sa mga tao. Pakiramdam ko bida ako sa isang scandal video!

Nakayuko kong sinuklay ang aking buhok at tinakip sa aking pisngi habang nakatilikod sa kanila. Nag-reyna ang boses ni Erika sa pang-aasar. Nagawa ko pang masilip si Dean na hinarap ang mga nasa bleachers at pinakitaan ng middle finger. Nagtawanan sila roon.

"Naistorbo yata natin sila. Sige lang, Dean. Pagpatuloy niyo lang. Wala pa naman si Miss." Saka sumunod ang kanilang tawanan.

Lalo kong naramdaman ang pagpaso ng aking pisngi. I blame Dean for this! Kahit anu-ano kasing naiisip na mga pakulo! At hanggang ngayon patuloy ang paninikip ng dibdib ko habang inaalala ang nangyari kani-kanina lang.

That's...I don't know. It terrifies and excites me at the same time. Iyon bang excited kang tumalon sa talampas ngunit pagdating mo sa dulo ay bigla kang inatake ng takot at umatras. Iyon bang tila nangangapa ka pa sa dilim at wala kang mahanap na pinto o daan palabas.

At iyong may tinatanaw kang hinaharap ngunit walang konkretong imaheng nagpapakita. Dahil walang katiyakan. Kung hindi naman malabo ay blanko.

Why am I thinking about the future is beyond me.

Kakabaon pa lang ng kalangitan sa araw upang buhayin ang gabi. Loneliness seems close to home as I scan on the view. Nakakakilabot tignan ang mga buildings na wala nang katao-tao at ginugupo na rin ng dilim. Ang tanging maliwanag ay dito sa gym kung saan kami lang na mga kasali sa cotillon ang nagpa-practice.

Tulog si Dean habang naglalaro ako ng bomber man sa cellphone niya. Boring ang games sa phone ko, and I so like this game kaya nag-download siya sa kanyang cellphone. Palagi tuloy itong nalo-lowbat dahil sa 'kin. I never heard him complain. In fact, I seldom see him use his phone. Minsan nga hindi niya ginagamt unless may nagte-text. He's not a techie guy.

Parang pagmamay-ari niya lang ang buong bleachers habang nakahilata siya rito at ang ulo niya'y ginawang unan ang aking mga hita. His hands were on his lean stomache.

I let him do all these things that invite an assumption of our closeness. Ano ba naman kasi ang dapat itago? If I am not being too open about it, Dean is.

"Ayaw mo ulit mag-practice? 'Di mo pa memorize iyong steps," paalala ko habang nilalagay na iyong bomba sa isang sulok.

Hindi sumagot si Dean. Nang sinilip ko'y mahimbing ang tulog nito. Sinubukan kong hindi ma-distract na naka-sando lang siya. Nagbalik tingin ako sa screen at hinintay sumabog ang bomba.

"Uy!" Biniglang angat ko ang isang hita kaya parang nilipad ang ulo niya.

"Nah...Ruth. I'm sleeping..."

Dumaing siya saka nagpalit ng posisiyon. He's in side lying at niyayakap ang tuhod ko.

Tumitig ako sa banyaga niyang buhok. Lahat talaga ng paraan gagawin para lang takasan ang pagsasayaw. Napailing ako.

"Okay. Si Wilmer na lang ulit ang..."

Hindi pa ako tapos ay nakaupo na siya. Binaba niya ang mga paa sa ibabang bleacher at dalawang kamay niya ang mabilis na pinagpalit-palit na sinusuklay sa buhok niya upang maayos.

"Tara, practice na tayo."

Kinuha niya ang kamay ko. Siya pa ang humila sa 'kin!

Mahina akong tumatawa habang pababa kami. I exit the game saka binigay sa kanya ang cellphone. Tinanguan niya lang ito na para bang sinasabi niyang itapon ko na lang.

"Diyan muna iyan sa 'yo," aniya.

Sandali akong natigilan bago tumango. In place of why's is a feeling that he trusts me and he wants me to do the same. To trust him, too. And he's makingme see that he's not the kind of guy people perceived him to be just because of the way he acts and speaks.

Not all attitudes can be based on gestures alone. Doon at sa kanya ko napagtanto na hindi basehan ng ugali ang nakikitang kabutihan o kasamaan sa isang tao. Doing good or bad is just a part of an attitude but it doesn't signify the whole attitude of an individual. That's how I began to understand all the while I was slowly learning to know Dean.

"Mommy mo, nag-text,"pahayag ko pagkakita sa message bago sinilid sa bulsa ko ang cellphone.

Bahagya ko pa iyong nailahad ay nakuha na ni Dean at binasa. He keeps on licking his lips as he reads the message. Marahan ang salubong ng kilay niya.

Umiwas na ako ng tingin bago pa siya kilabutan na tinititigan ko siya. Bumaling ako sa mga nagpa-practie ng sayaw.

Maybe, just maybe, kung hindi ko nakitang mommy niya ang nag-text, I would have probably asked him who was texting. Sa rami ba naman na nakakilala kay Dean, I'm sure pati cell number niya alam nila. Especially coming from girls. Kasi kung galing sa boys, ano naman kayang itetext ng mga lalake niyang kaibigan sa ganitong oras?

Muli niyang binigay sa akin ang cellphone pagkatapos mag-reply sa kanyang mommy. Doo'y napakunot noo na talaga ako. Why would he give me his phone? He's already have it.

Hindi ko sinadyang mabaligtad iyon at nakita ang reply niya. The message has already been sent.

Cotillon practice. Be home at 8 pa po.

Inipit ko ang labi ko. Ewan ko kung bakit uminit ang pisngi ko para lamang sa pagpipigil ng ngiti. Naririnig ko sa utak ko ang boses at tono niya nito kapag sinasabi.

Kinuha ni Dean ang kamay ko at hinila na ako sa gitna ng gym kasama ng iba pang nagpa-practice.

Three days before prom ay kailangan pa ring turuan si Dean sa steppings. What he's good at in playing music and memorizing lyrics, he lacks in it in dancing. Totoo nga talagang hindi siya marunong sumayaw dahil ayaw niya namang matuto.

Of course, how would you learn if you're not willing to learn at the first place? And he really hates dancing. He has no qualms in letting everybody know.

Si daddy ang naghatid sa akin sa school bago mag-alas sais ng gabi sa araw ng prom. Dean's last call to me, he sounded irritated. Kaya duda tuloy ako kung a-attend siya ngayong gabi. He doesn't like wearing anything formal.

"Uwi ng maaga, ate ha?" bilin pa ng kapatid ko na sumama sa paghatid.

She keeps on smiling on my dress. Kada baling ko sa kanya ay nakatingin siya sa damit ko.

"Ruthzielle!"

Nilingon ko ang matinis na tili ni Erika na inalsa ang haba ng palda habang papalapit. She looks stunning in her strapless sweetheart long dress. Lalo siyang pumuti rito dahil sa itim na kulay. May slit pa sa gilid.

"Ang ganda mo!" agarang pagpuri niya sabay pasida sa aking damit.

Hindi ko alam kung ngumiti ako o ngumiwi. I'm not even wearing a long gown, hindi katulad ng karamihan sa mga nandito. I think I'm the only one wearing a short prom dress. I didn't regret a bit. Maganda naman kasi ang damit ko.

Binunot ni Erika ang camera niya para mag-picture kaming dalawa. May inutusan siyang kakilala na picturan kami na whole body hanggang sa dumami na kaming nasa iisang picture.

"Tignan mo..." aniya at tumambad sa akin ang stolen shot niya kay Kiefer. Tumitili na siya sa gilid ko habang ako'y natatawa.

"Nandito na pala siya? Si Dean, nakita mo?" tanong ko. Hindi na siya nag reply nang tinext kong nasa school na ako.

Umiling si Erika. "Nope, si Kiefer lang, e."

Malamang, e baka si Kiefer lang ang minamanmanan niya buong magdamag.

Humalo na kami sa pila para sa grand entrance ng mga juniors at seniors. Seconds from now ay magsisimula na ang program. Isa-isa na ngang humahakbang ang mga pares. Formal suits and polos were donned by the guys while long dresses from the girls.

"Wala pa iyong partner ko..." Rinig kong iyak ni Aileen sa likod.

Nilingon ko siya at nakitang hindi siya mapakali. Kanina ko pa na-text si Dean na magsisimula na. I think his friends have already called him, too.

"Nag-reply si Dean sa 'yo?" tanong ko kay Wilmer.

Doon pa lang niya ako nilingon. Nang tumabi ako sa kanya kanina, he didn't spare me a glance. Pero ngayon ay nagawa na niya akong pasidahan.

Sa pag-angat niya ng tingin ay dumiresto ito sa buhok kong naka-braided updo na nilagyan ng mga bulaklak sa paligid ng braid. Ang kakilalang bakla ni Tita B ang nag-ayos sa akin pati na sa make up.

Ngumuso si Wilmer at umiling. "You look good."

Napakurap ako. Wala sa sariling napasapo ako sa dibdib. "Anong nagawa ko at pinapansin mo ako?"

Biglang humulma sa busangot ang mukha niya. Pinagtawanan ko na lang iyon.

"Thanks. Ikaw rin ang guwapo mo."

"Tss..." Tinamaan niya ako ng irap saka tumingin na sa harap. Sa kasungitan niya hindi ko alam kung paano sila nagkasundo ni Dean.

Ilang sandali lang ay nasa baba na kami at malapit na sa stage. I get to appreciate the whole setting now that I am here. Mula rito ay nasisilip ko na handa na ang dalawang upuan para sa prom king and queen. Two long tables, decorated in red and white with a romantic lighting, readied the foods for the light dinner.

Lines of series lights serve as our ceiling. Nakikipag-cooperate sa amin ang panahon dahil wala namang senyales na uulan. Beside the stage is a platform made for the performance of the band. Hindi sinabi sa akin ni Dean kung kailan sila tutugtog.

Tatawagan ko pa sana siya ulit nang humakbang na sina Erika at ang partner niyang nerd na third year. Hawak pa ang phone ay iaangkla ko na ang braso ko kay Wilmer.

Natigilan ako sa bahagyang paglayo niya.

"Wait lang," aniya sabay yukod. Inayos niya ang sintas ng kanyang sapatos.

Muli akong tumingin sa harap at pinanood ang paglalakad nina Erika. Kanina ay hindi ako magkamayaw sa pang-aasar na mukha siyang kalahok sa long gown competition ng isang beauty pageant. She looks exactly like a candidate.

Nilingon ko na si Will para sa aming pag-abante. I thought he's done tying his shoelace. Ngunit matindi ang bugbog sa akin ng sariling puso sa kung sino ang nasa tabi ko.

"Dean? H-how..."

With a self-assured crooked grin, he tugs at the collar of his black suit jacket then turned to me. "Simple. Wilmer is my best friend."

At kinuha niya ang kamay ko upang iangkla sa kanyang braso. I was so stunned while walking all the way to our designated seats. Ni hindi ako makangiti sa flash ng camera at nagmukhang gulat na robot na iginiya lang ni Dean.

Incredibility is caging me with a padlock key. Sa gulat ko'y natawa ako't napailing. Nilingon ko si Dean at pinasidahan. Gagawin niya talaga lahat upang hindi matumpak sa pagiging pormal ang ayos niya. His crisp white shirt is collarless and with no tie. At imbes na black shoes ay white sneakers ang suot niyang sapatos.

This is so unreal for so many reasons. Nanlamig ang mga kamay ko. Punong-puno ang dibdib ko sa hindi mapangalanang bagay at realisasyon.

The people were cheering for us seeing how Dean's smile almost reached his ears. Mukha siyang nanalong prom king sa laki ng ngisi niya! I even saw some teachers infront clapping, too. May ilan akong nakitang napailing at natatawa tila sinasabing wala na silang nagawa.

"Dean, paano nga?" Dinala ko ang ang nang-aakusang mukha sa kanya, hindi pa rin makapaniwala.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Do you really think na papayag akong iba ang partner mo? This is fucking prom! Once in a school year."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Bumagal ang mga hakbang namin. By now, I don't care if we have already reached our seats. I just wanna know how this happened. I asked him 'how', not 'why'. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Hinila na niya ang aking silya upang ako'y makaupo. Nahimigan niya ang paninitig ko kaya lumingon siya. His expression told me that he's read my silent question.

"Bakit ikaw? Papayag ka bang iba ang partner ko?" tahimik niyang tanong.

Umirap ako. "Hindi rin."

"Exactly!" he chuckled and squeezed my right cheek.

Anim kaming pares sa isang malaking round table. So that makes us twelve all in all. Sa pulang mantel nito ay binagay sa isang floral centerpiece sa gitna. Its size is enough for us to squeeze in our plates and glasses for the dinner later.

We listened and participated for the whole course of the program. Ngunit alam ko, katulad ko rin, mas naexcite sila sa kainan. Kaya naman nang inanunsiyong pwede na kaming kumuha ng mga foods ay halos magkaroon ng marathon papunta sa dalawang mesa.

"Girls, huwag tumakbo, ang mga gowns niyo. Jusko!" biro ng isang kasamahan namin sa table. Hindi naging boring ang table namin dahil sa kanya.

Isa ako sa mga naunang nakalapit. Maybe the tenth person? Ang lapit lang naman kasi ng long table sa pwesto namin.

Kukuha na sana ako ng plate nang inunahan ako ng kilala kong kamay na may tribal bracelet at leather watch sa palapulsuhan. Siya na rin ang kumuha ng spoon and fork.

"Share tayo. What's yours?" tanong niya habang kumukuha na ng mga prutas. Umusog ako upang mas maayos niya iyong maisagawa.

I pointed at the cheese sticks, kanina pa iyan tinatarget ng paningin ko. Marami ang kinuha niya.

"Fried chicken?" he asked, nakasipit na siya ng isang hita.

Masigasig akong tumango. Nawala bigla ang poise ko nang marinig iyon. Tumawa siya at nilagay ang pagkain sa plato.

The light dinner was fancy. Tulad ng sabi ni Dean ay nag-share nga kami sa isang plato. Mabilis akong nabusog at marami-rami rin ang nakain. Ang mga hindi ko naubos ay nilagay ko sa space niya upang siya ang umubos. Man, the guy has got some appetite.

"That's my glass, Dean."

Natigil siya sa pag-angat ng baso kong may softdrinks. He looked at me momentarily.

Bahagyang umatras ang ulo ko sa paglapit ng mukha niya. Pinigilan niya iyon sa kamay niyang humawak sa batok ko. His face neared my ears until I felt his breath.

"We've already kissed, Ruth. Come on, ipagkakait mo pa talaga sa 'kin 'to?" bulong niya.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. I'm not sure kung nakaya bang takpan ng light make up ko ang pamumula ng aking mukha.

"Pagtatawanan talaga kita kapag sasayaw na tayo mamaya," banta kong walang katuturan. An empty threat.

Humalakhak siya saka hinalikan na ang bibig ng baso. Sumandal siya sa silya at tinitigan ako habang umiinom. The image of rebellion is still intact with his messy tousled hair and black earring on his right ear. Nanunuya at tila natatawa pa siya.

Pinunasan ng hinlalaki niyang daliri ang gilid ng bibig pagkatapos uminom.

"That's if I'll dance," makahulugan niyang sabi sabay lapag ng baso.

"What? Kasali ka kaya sa cotillon."

Nagkibit siya at tumusok ng pinya sa kanyang tinidor. Hinarangan ng kanyang pag-kain ang imbes na pagsagot sa akin.

Nalaman ko ang sagot nang sumayaw na kami. Si Wilmer ang naging partner ko sa sayaw.Hhinanap kopa talaga si Ms. Guillen pagkatapos na parang masasagot ang tanong ko kapag natagpuan ko siya. Ito iyong pinakiusap ni Dean sa kanya! How is this possible?

Marami pang mga seremonyas ang nangyari. After those segments ay wala na si Dean sa table dahil kinailangan na ang banda sa platform stage.

Nang magsimula na ang pagtugtog ng banda, nilusob ang gitna ng court ng mga excited sumayaw. Biglang napunta si Erika sa table namin at hinila ako. Nakipag ballroom siya sa kin na sobrang layo sa genre na tinutugtog nina Dean.

"Run, baby, run

Don't ever look back

They'll tear us apart if you give them the chance..."

Ang iba'y pinapalibutan na rin kami't kahit ano na ang sinasayaw. Some were screaming the lyrics back to the band. There was a moment where we made a human train habang sinasabayan ang pagkanta ni Dean.

"Don't sell your heart, don't say we're not meant to be..."

I saw some group jumping near the platform stage na ginagawa nang concert ang prom night. There are definitely no rules tonight. Everybody's enjoying and having fun without thinking about boundaries and what's awaiting for the coming weekdays. At ang isipin iyon ay tila pinapalapit lang ako sa katapusan.

I don't want to think about endings. Gusto ko ito lang. Iyong ganito. Masaya. Ngayon.

"Run, baby, run, forever we'll be

You and me..."

Lumingon ako sa platform stage dahil sa papatapos na ang kanta. Dean is already looking at me while strumming at his guitar. Tinuro niya ako at kinindatan.

Mabilis lumipad ang paningin ko sa mga nagsayawan at doon pa lang ngumiti. Dean saw that. Hindi man lang niya tinago ang magaspang niyang tawa't tinapat pa ang bibig sa microphone.

"Hi!"

Ikinasurpresa ko ang paglapit sa amin ni Kiefer na tipid ang moves sa pagsasayaw. Ngunit natawa rin nang maramadamn ang paglayo ni Erika. Hinila ko siya.

"Ang lakas mong makalandi sa iba, pero sa crush mo, hindi mo kaya!" bulong ko sa kanya at tumawa.

Bumitaw siya upang itulak ako at nakipagsayaw na sa iba.

Sa siksikan ng mga tao ay nadikit kami ni Kiefer. We are not really close and have never had a long conversation. Kaya kung ano man 'tong gagawin ko ngayon ay pakapalan na lang talaga ng mukha.

Kinalabit ko siya sa balikat.

"Hm?"

Lumapit ang mukha niya sa akin. Umatras ako pero inanggulo niya ang mukha upang malapit ang tenga niya sa bibig ko.

Nakahinga ako nang maluwang. Okay, nag-assume ako roon.

"May last dance ka na?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. He's got a different perfume from Dean but man, the guy is scented! Nakaka-intimidate nga talaga siya. Parang madudurog ka niya anytime.

Muli kong nilapit ang bibig sa tenga niya at nagtanong.

"Pwede mong i-last dance si Erika? If that's okay with you?"

Kusang dumapo roon ang paningin niya sa kaibigan kong tumatalon at sinisigaw pabalik kay Dean ang lyrics ng panibagong kanta.

Tumango si Kiefer sabay lingon sa 'kin. "Sure."

Hindi ko mapigilang mapatili at magsaya. Gusto ko siyang yakapin! Erika's going to go nuts once Kiefer asks for her hand! Ayaw ko nang patagalin iyon at gusto ko nang mapanood ang reaksiyon niya.

"Thanks!"

"Guys, smile!"

Nilingon namin ang kaklase kong may hawak na camera. Nag-pose kami ni Kiefer ng mga tatlong shots. May ilan pang mga kaklase ang nakisali at kahit saan saan na napupunta para sa pagpapa-picture.

"My brother's gonna kill me." I heard Kiefer murmured.

Tumawa ako. I don't think Dean has seen us. He's busy on the stage and I'm sure may magagandang dilag sa harap niya na nakikikanta sa kanya.

Tinitignan namin ang mga kuha. Pansin kong parang ayaw dumikit ni Kiefer sa akin sa mga pictures.

Tatlong kanta yata ay umalis na ako sa kumpulan at bumalik sa table. Naghihingalo na rin ang paa kong makalaya sa aking sapatos. Sa dami ng nakain ko ay mukhang pati paa ko ay nabusog at hindi na magkasya.

Tinanggal ko ang aking kitten heels at hinilod ang aking paa. Natutuwa kong pinapanood iyong isang makulit na student na nakipag ballroom sa Values teacher namin. Pinagkaguluhan sila roon at tumatawa akong mag-isa dito sa aming table.

The dance track the band is playing started to fade. Nag resulta ito sa isang rhythmic na plucking ng gitara na tumutungo sa isang mabagal na kanta. Hindi na rin kumakanta si Dean.

"Everybody gather now in the center for the last dance."

Guys started looking for their girlfriends and those girls of their choice. Iyong iba ay iyong mga partner nila ang ginawang last dance.

Sandaling huminto ang music kaya rinig ang ugong ng mga tao sa paghahanap ng mga partners nila. When it started again, a harmonized strum and pluck of electric guitars and bass serenaded the whole venue. Nakikita ko sa isip ang sanib puwersa nina Dean, Wilmer at Cash rito.

The intro instrumental was extended para sa hindi pa nakahanap ng ila-last dance nila. Hindi ako tumayo. I keep my buttocks nailed on the chair. Wala itong kinalaman sa panlalambot ng aking kalamnan at mga tuhod. The hot sweat I was feeling a while ago turned cold right now.

He's going to remain singing on that stage. I'm going to remain sitting here and watch people slow dance.

Maraming nag-aya sa akin bilang last dance nila. I made a lot of alibis. Masakit ang paa ko. Pagod ako. May time na dinahilan kong magc-cr pero pumunta ako sa table nina Erika. Hanggang doon ay sinusundan pa rin ako.

"Sige na, Ruth. Kumakanta naman si Dean, hindi ka niya maisasayaw," ani ng kanina pa sunod nang sunod sa akin na lalake.

I looked at Erika. Tumango siya. May simpatiya sa mukha niya.

"Isayaw mo na." nguso niya sa matiyang naghihintay. "Kawawa naman. Kanina pa iyan naghahanap sa 'yo."

Sa huli ay tumayo ako at kinuha ang kamay niya. Mukha naman siyang mabait. Wala na rin naman akong magawa dahil hindi ko na makakasayaw si Dean.

Is this the end of the moment?

Or just a beautiful unfolding

Of a love that will never be

Or maybe, be

We approached the center court. Awkward siyang humawak sa baywang ko. I put my arm on his shoulders.

"Alam mo, matagal na kitang crush. Hindi ako naniniwalang mataray ka tulad ng naririnig ko sa iba. Pinagbigyan mo nga ako ngayon., Kaya thank you, Ruth."

Nagulat man ay hindi ko iyon pinahalata. Wala akong maalalang nagtangka 'tong manligaw sa akin dati so maybe, patago ang feelings niya sa akin?

"Salamat din." Tipid akong ngumiti at medyo nahiya sa pag-amin niya.

I am the older one here so I should be the one who needs to try not to make this awkward for him. He's a third year student.

Mula rito ay tinanaw ko ang pwesto ni Erika. Pinanood ko ang paglapit ni Kiefer doon at hindi pa ito namamalayan ng kaibigan ko. The guy I'm dancing with, Phillip is the name, ay nakita ang pagngingiti ko kaya bumaling na rin siya roon. Sila na ang ginawa naming entertainment.

"Crush niya?" tanong ni Phillip.

Tumango ako at humagikhik. I saw how Erika stood stunned as if she turned to stone. Nakalahad na ang kamay ni Kai sa kanya.

"Ang hilig niyong mag-best friend sa mga Ortigoza."

Ningitian ko ang komento niyang iyon. Wala akong masabi. I mean, what is there to say? Sometimes a smile is a safest answer so I resulted to that.

Mahina kaming nagtawanan ni Phillip sa ngayo'y tulala pa ring si Erika. Kiefer already brought her at the center. Pormal na pormal ang pagkakahawak niya rito na parang nasa business function lang.

Erika's done covering her mouth but still shocked. I could read her mouth chanting God's name.

"Aba, Soriano, baka gusto mong kamao ko ang maging last dance mo?"

Biglang nawala ang kamay ni Phillip sa baywang ko kasabay ang paglingon namin sa harap. Dean's messy styled hair made room for his intense features to make him look more gorgeous.

Ngunit ang nagdilim nitong mukha ay nakakatakot na dumirekta sa kasayaw ko. Sa tingin pa lang niya ay parang pinagpipira-piraso na niya iyong tao.

Awang kong binalingan ang stage. And there I saw Wilmer taking over Dean's place.

"Dean," ani Phillip na unti-unting lumalayo.

I wanna say something to him ngunit wala akong mahagilap na sasabihin. I was still trying to figure it out ngunit naunahan ako ng paghila ni Dean sa akin.

Kinuha niya ang aking kamay at nilagay sa kanyang balikat. Hindi siya nag-aalis ng tingin habang ginagawa iyon at ganon din ako. His hands on my waist, he tightened them as he slightly pulled me closer.

Kamot ulong umalis si Phillip at hindi man lang ako nakahingi ng dispensa. Dean doesn't seem to care.

"I thought you hate dancing. Hindi ka nga sumali sa cotillon," sabi ko. Sinimulan na naming sabayan ang tugtog.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. "Do you think I'd like to dance with somebody? Oo nga't partner kita roon, but there would be switch of partners. A lot."

"Is this a natural feeling?

Or is it just me bleeding

All my thoughts and dreams

In hope that you will be with me"

"I only like to dance if it's with you and only you, Ruth..."

Tahimik akong bumuntong hininga, sinasamyo ang mga salita niya sa hangin at pinuno nito ang dibdib ko. This feels oh so great but it hurts at the same time. Sa sobrang saya ng pakiramdam ay ginagasgas nito ang puso ko. It's too much it scares me. Ngunit sa ganda ng sandali ay may sumasamang banta ng takot. Good things come to an end so quickly. I'm afraid this would be one of them.

Muli akong huminga nang malalim at umiling. Galing sa balikat ay kinawit ko na ang mga kamay ko sa leeg niya.

"You look..."Hot, dashing...oxygen-thief. "Basta, bagay sa 'yo." Mahina kong tawa.

Wala siyang reaksiyon doon kung 'di ngiti sa mga matang walang kinalaman sa sinabi ko. The lights from the series lights illuminated the color of his eyes it made me breathe barely. May multo ng ngiting naglalaro sa manipis niyang labi.

"I wonder if maybe

Oh maybe I could be

All you ever dreamed..."

"This is a dream come true I feel like I can already die anytime..." he deeply sighed. May nakita akong lungkot sa mga mata niya na hindi ko kakayaning tignan nang matagal. "You're the most beautiful girl I've ever seen, Ruth. Walang kapantay."

Nagbaba ko ng tingin at bahagyang ngumuso. Paano pa kaya kung nagre-apply ako ng lipstick? Baka hindi lang iyan ang maririnig ko.

I watch our feet move. Hindi na kami sumusunod sa beat ng kanta. We're too slow.

Gamit ang hintuturong daliri ay inangat niya ang baba ko upang ma-level ng paningin niya.

"What, you don't agree?" mahinahon niyang tanong.

"Slight."

He chuckled. "Why? Who do you think among here I find the prettiest?"

Nagkibit ako. "Hmm...Lucia? The student council president?"

"Tss..." Inirapan niya ako saka nagbalik tingin sa akin. "Iyon? Maganda?" Ngumiwi siya. "Okay lang."

Ngumisi ako nang pagkalaki-laki na ikinangawit ng bibig ko. Parang hindi ko na ito maaalis pa. Muli akong yumuko at ninanamnam ang ngiting iyon. With that, mahinang tumawa si Dean na aliw na aliw sa reaksiyon ko. I probabaly look funny, like a clown.

Naramdaman ko ang mainit niyang labi na humalik sa noo ko. Agad napawi ang aking ngiti kasabay ng aking pagpikit. There's something about what he did that formed tears around my eyes. I don't know why but it filled me a lot of somethings. Emotions, questions, doubts, future...

"Am I special to you?" halos pabulong kong tanong. I don't think he heard it.

Kinulong ng ngipin niya ang itaas niyang labi. His thoughts seem to be in a distant as he stared at me.

"I'm surrounded by special someone's. Family, friends, and special things like cars and guitars. So saying you're special, yeah, probably you're one of them. But I want to call you something na ikaw lang ang may karapatan. Na ikaw lang ang nagmamay-ari. And that is being mine, Ruthzielle. Mine..."

'Cause you are

You're beautiful inside

You're so lovely and I can't see why

I'd do anything without you

Hindi ako makapagsalita. Tuluyan na akong huminto at ganon rin siya. His words that are too much to contain for me covered my brain that it can't function to form anything. Nangangapa pa ang mga letra sa isa't isa upang makabuo ng salita.

"How do I get to crawl into your deepest thoughts, Dean?" wala sa sarili kong tanong, tila nalalasing na.

"I'd rather you dive and swim into it, Ruth. You wanna?" nanunuya niyang tanong.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Ikulong mo muna ako sa puso mo."

How would I even respond to that? And someone who isn't good in words, can I do better through my actions?

Tumingkayad ako at dinampian ko siya ng halik. "Lock na..."

Kumurap siya at kitang-kita ko ang gulat niya sa ginawa ko. I thought that's what he's expecting me to do. Akala ko iyon ang gusto niya.

With his slightly parted mouth, he chuckled incredulously. Umiling siya at pumikit. Binagsak ang noo sa noo ko. Our noses touched.

And when I'm not with you

I know that it's true

That I'd rather

Be anywhere but here without you...

"Shit..." bulong niya. "Hulog na talaga ako..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top