TWENTY
Nakalaya man sa kumpulan ay kinukulong naman ako ng paninikip ng dibdib ko.
The rush of blood in my veins has me on edge. Gusto kong maligo, but I doubt it would simmer down my flaming frustration. Naging gaas lang yata ang subok kong pagkontrol. The more I put all the stops, it only blazes like a relentless wildfire.
"Uy, Ruth. Kumakanta lang sila. Ilugar mo ang pagseselos mo, jusko!"
Nahabol ako ni Erika at nagawang pumantay sa lakad takbo ko. Nahati ko ang grupo ng nagtatawanang mga CAT officers sa gitna ng court field. Maingay silang lumayo sa akin na tila naglalakad akong apoy. I don't care.
Pagak akong natawa.
She has my mother! At kung sa estadong iyan ay hindi pa niya kukunin ang atensiyon ni Dean, can she tell me where to place my jealousy? Like hell? Yeah! Probably. In hell!
Kinain ko na lang ng pizza ang emosyon kong hindi pa nagpakilala. I'd consider that the closest was jealousy. But it wasn't exactly that.
Nilibre ko na rin si Erika dahil sinamahan niya ako. Hindi pa kami bumabalik sa gym pagkatapos marinig na tatlong kanta pa ang pinagsaluhan nila. I bet my talentless ass that the people like their tandem they'd even asked for more.
Kung marunong lang akong kumanta, ganon din kaya ang maging pagtanggap nila sa amin ni Dean kung magdu-duet kami? I couldn't reallly tell. Talent should be inborn. My inborn capability is being rude. I couldn't even call that talent.
Why do most people hate me is because I usually snub at people that I don't like to deal with. I know myself that way. Mapili ako sa pinapansin ko at depende lang sa mood kung gusto kong maging mabait sa kanila o hindi. Criticism is welcomed but asking me to change is a sure reject.
While plain Jillian can be everybody's bestfriend. Innocent but inferior. Nanginig ang pakpak ng mga anghel sa kabaitan ng itsura niya. And that voice! That voice can tempt anyone to pray the rosary everyday! What saint would not be threatened by that?
Hindi nagtagal ay namalayan kong wala na ang ingay sa gym. Students started to scatter on the open court field and on the driveway. Ang ilang seniors na nag-canteen ay nilapitan kami.
"Girls, lipat daw tayo sa open court," ani ng isa sa kanila.
Ang kasama niya'y mabilis nag-iwas nang tinagpo ko ang tingin.
"Bakit daw?" tanong ni Erika.
"Doon gaganapin ang prom. Iyong formation ng line magsisimula sa freshmen building. Andun na si Ms. Guillen, pinatawag na tayo."
"Sige, salamat!"
Inubos muna namin ang natirang slices saka kami tumayo. Dala ang mga tubig namin ay tumungo na kami sa freshmen building. Hindi naman masyadong pormal ang nakikita naming pila roon so we didn't hurry.
Maingay ang hallway dahil sa nagtatalakan na mga estudiyante. Nag-aasaran pa ang iba kung saan partner ng ilang seniors ang mga third years. Mukhang nasa height talaga ang kapalaran namin sa prom.
Nang mahagip si Wilmer ay dumirekta agad ang mga hakbang ko sa kanya. Saglit niya akong sinulyapan saka binalikan ang kausap na third year sa harap niya. Erika's partner.
"Papabili nga ako ng bagong version ng game. Maraming magandang features. Ni-research ko."
Nagkibit si Wilmer, mukhang bored. "Okay lang. I still like the original. Parang ginaya kasi sa ibang game iyong bago."
I don't know what game they're talking about. Nakikinig lang ako dahil wala akong magawa. Erika's talking to the girl infront of her about their favorite Kpop idols na bigla nalang nauso.
Hindi ko alam kung narito na si Dean. Binubugbog ko ng sermon ang sarili kung bakit ko siya ini-imagine na kasama si Jillian ngayon. Thinking about this made me self-diagnose that I am somewhat paranoid. Masyado pa akong bata upang mabaliw!
I didn't risk turning at the back. After what happened, Aileen is still Dean's partner. Wala lang talagang ibang boys na papantay sa height niya kung 'di ang kay Dean lang. I mean, may matatangkad din naman sa senior at junior boys but the girl is just unbelievably tall she overqualifies to model the height-inducing vitamins commercial.
"Hey..."
Halos tumilapon ako gulat sa mala-ahas na braso ni Dean na bigla nalang pumulupot sa baywang ko.
"Hinanap kita. Saan ka galing?" tahimik niyang tanong.
Mas lalo kong hindi pinayagan ang sariling lumingon sa natantong lapit ng mukha niya. His lips from my right cheek is a hairbreadth space. Mahahalikan ko siya kung lilingon ako.
"Canteen," sobrang ikli kong tugon. Nasa harap si Ms. Guillen para sa instructions.
"I texted you..." Dean whispered. His bubblegum mint-scented breath pursued my nostrils.
Humigpit ang ekspresiyon ko nang mas nilapit ni Dean ang katawan niya sa akin. His warm breath on my ear has my heart on a race. Kumunot ang noo ko. Did he forget that half of the school's population is here and is probably watching us?
"Nasa bag ang phone ko." Halos hindi ko mabuksan ang aking bibig.
"Galit ka?"
Malalim ang salubong ng kilay ko habang umiiling. Inasahan ko ba talagang mahahalata niya? Ilang beses ko nang napatunayan na iba ang lenggwahe ng mga babae sa lalake.
"Bakit naman ako magagalit?" Mahina ang boses ko, walang balak pag-usapan 'to.
"I don't know. You tell me..."
Ang garalgal sa kanyang tinig ay nanatili sa aking pandinig. I can't almost breathe with how my heartbeat got affected by it. Just that!
Hindi ako kumibo. That would only mean that he will talk again and with that voice.
Hinayaan ko siyang haplusin ang buhok ko, iniignora siya at ang ginagawa niya na parang wala siya sa aking tabi. Ang buntot sa aking ponytail ay nilipat niya sa kabilang balikat at doon hiniga ang kanyang ulo.
"Bawal PDA uy!"
Inaasar kami ng mga nasa likod. Dahil doon ay napalingon na rin sa amin ang mga nasa harap. Dean's friends called his attention. Ngumisi lang siya na hindi umaalis sa posisiyon. Rinig ko rin ang pagnguya niya ng bubblegum.
Should there always be a justification for how we are feeling? Kailangan ba talaga may pinanggalingan? Because I don't know why I don't want to talk to him. I'm not blaming him for anything but I want to. Wala akong gustong sabihin dahil nag-ipon silang lahat sa isang pakiramdam na walang balak magpakilala.
Siguro pahuhupain ko muna ang ganitong atake ng ugali. Siguro mamaya o bukas ay okay na. That's if he can wait.
Then I remember the way I talked to him and the words that unintentioanlly came motivated by my raging emotion. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko munang magsalita.
This silence should always be my shield against myself.I should acquire this sense of control often. Baka kung ano na naman kasi ang masabi ko.
Biglang umikot si Erika at hinarap kami. Nakangiti siya kay Dean.
"Magdu-duet pala kayo nung sophomore na transferee? Ang ganda talaga ng boses niya, lalo na noong nagsabay kayo sa chorus. Nakakaselos—I mean...nakakainggit..."
Naghati ang pamimilog ng aking mga mata at talim ng tingin sa pag-angkin sa aking reaksiyon. Dean's arms tightened like a vice around my delicate waist.
Humagikhik si Erika, hinatiran ako ng nanunuyang ngisi saka siya umikot sa dating pwesto. Iyon lang ang sadya niya. Ang ibuking ako!
"Iyon ba, Ruth?" nag-aalalang tanong ni Dean.
Kinabig niya ako. Agad kong inatras ang aking ulo sa sobrang paglapit ng mukha niya. His hazel greens rounded with worry. Umiwas ako at pilit niya namang tinutugis ang aking paningin.
"Ano?" iritado kong tanong, hindi makatingin sa kanya. OA na ang lapit niya, ha?
Mahina kong tinulak ang kanyang mukha at sinubukang alisin ang braso sa aking baywang. Bakit ba hindi siya nahihiya na may mga nanonood sa amin? If he wants to tame me, it should be on somewhere private! Hindi ritong maraming tao at may umaaligid pang mga guro!
"You're...mad because of the duet?" inosente niyang tanong.
Bumalik ang braso niya sa baywang ko. I tried shoving it but he tightened his grip even more!
"Hindi nga ako galit!" Halos sinigaw ko ang mariin na pagtanggi. Sa ingay ng mga tao ay iyong malapit sa amin lang ang nakarinig.
I just want Dean to stop what he's doing. I just want to be with myself alone while I calm myself down! He's not helping me simmer down at all.
Actually, pinalala niya lang, e.
Sumusuot sa balat ko ang pakiramdam ng paninimbang ng kanyang tingin. Kung ano ang totoo, at kung ano ang dapat paniwalaan. Of course, he's not going to believe my words but the way I'm acting out instead.
"Galit ka nga," mahina niyang sabi.
Umiling ako at pinaigting ang atensiyon sa harap. Sinubukang makinig sa guro ngunit hinihigop lahat ng atensiyon ko ng presensiya ni Dean.
Sa patuloy kong pambabalewala, akala ko'y babalik na siya sa pwesto niya ngunit lumipat siya sa likod ko. Sinubukan niyang dakpin ang mga kamay kong ayaw magpahawak sa kanya. So it looked like he was hugging me from the back!
Umawang ang bibig ko at tinignan iyon, saka tumingin sa harap, kay Ms. Guillen na walang kamalay-malay.
"Dean, ano ba!" mariin kong bulong, pilit niya pa ring dinadakip ang kamay ko.
"Ruth, sugar, baby, what's wrong?"
Napapikit ako't kumislot sa desperado't lambing ng kanyang boses. Surely from singing almost all the time, he has already mastered every type of voice and intonations then uses them to his advantage. Damn, vocalist!
Ayaw ko man ay inaalis ko ang kamay niya para bumalik na siya sa pila niya. Why is he so stubborn? Para kaming naglalaro ng lupa-langit kamay version. Nakaka-frustrate!
"Dean, balik ka na sa likod," mahinang ani Wilmer sa kaibigan. Tunog nagpa-panic na dahil nakatingin na rito si Ms. Guillen.
But Dean cannot be commanded. That's a newfound fact. Dahil inaalis ko talaga ang kamay ko sa hawak niya, ay baywang ko na lang ang kanyang hinawakan. And he's still standing behind me! Nagmumura ang katangkaran niya kaya imposibleng hindi siya nakita ni Ms. Guillen.
"Ruth...come on, talk to me." He squeezed my waist.
"Mr. Ortigoza, is there a problem?"
Wala akong tinatagpong niisang mata na nakatingin sa amin ngayon. Sa halip ay nasa mga sophomores ito na tamad na naglalaro ng basketball sa open court.
Hawak pa ang kamay ni Dean ay pinisil ko ito nang mahigpit sa naramdamang paghalik niya sa buhok ko. The familiar duo of heat and shiver travelled down my spine. I squeezed his hands tight to make him stop but he didn't!
"Mamaya na iyang lambingan niyo diyan. Go back to your line and to your partner," ani Ms. Guillen.
Puso ko na yata ang lalaslas sa dibdib ko para lang makalabas.Hindi agad umalis si Dean. Sa katunayan ay parang wala siyang balak umalis kung hindi lang siya napilit ni Wilmer.
He squeezed my waist once more before he let go with a deep sigh.
Malalim na hininga rin ang pinakawalan ko. Hindi alam kung gumaan ang aking pakiramdam o bumigat ba dahil sa bumagsak na kakulangan.
Tahimik akong nagpakatianod sa dry run ng prom. From falling in line, to anchoring my arm on Wilmer's, sa panonood ng cotillon at inulit-ulit pa namin iyon hanggang hapon.
Sa dami namin ay parang aabutin kami ng gabi. If this is how we're going rehearse for graduation, aba'y mas matagal iyon!
I tend to sweat quickly so I'm prone to dehydration. Kaya naman sa rami ng ininom kong tubig ay nakailang bathroom breaks ako. Noong huli ay hindi ko na nagawang magpasama kay Erika so I went alone carrying my desperation to pee.
I unloaded my liquids, pumipikit-pikit na ako dahil ang dami. Sa tagal ay muntik na akong makatulog kung hindi lang bumukas ang pinto ng banyo.
Lumabas ako ng cubicle pagkatapos at dumiretso sa sink. Ingit ng gripo at ragasa ng tubig ang namayagpag dito sa loob. I washed my hands. Naghilamos na rin ako dahil naiinitan sa pamamawis ng aking mukha. I don't put powder or any face product so it's easier for me to wash.
Pagkapatay ng gripo ay binaligtad ko sa malinis na parte ang panyo ko upang ipunas sa basa kong mukha. Sinali ko na rin ang aking batok.
Tumingala ako at dinampi ang basa na ngayong panyo sa aking leeg. Basking in how refreshing this feels, napapikit ako sa aking mga mata...
"Hindi na ako makikipag-duet sa kanya if that's what you want."
Napaigtad ako sa gulat sabay dilat.
From the mirror, I saw Dean leaning lazily beside the comfort room door. Nakahalukiphip at matigas ang mukha. Nagkrus ang mga paa. The dark corner he's in only highlighted the outline of his perfect jawline and intense features.
Umikot ako upang maharap siya.
"That's what I want?" Hindi ko maibulalas iyon nang mabuti sa panghihina ko. I still can't get over the fact that he's here. Inside the girl's comfort room.
"Dean, it was never what I want. Gusto mo bang sinasakal kita? Why can't you make your own decision and depend them all on me? You want to perform, right? You want that duet. So you do it. Don't make all of these be all about me. Ikaw, Dean. Ikaw! Sa 'yo ito. Own your decision!"
Humihingal kong hinarap muli ang sink at tinukod ang mga kamay sa dulo. Napakunot ako ng noo sa kalituhan. This is too sudden. Hindi naman ito ang naging issue kanina.
"Sa tingin mo maiisip ko pa iyong gusto ko kung nagagalit ka naman?"
Ramdam ko ang unti-unti niyang paglapit. Nakatitig lamang ako sa gripo, tila binibilang ang mga hakbang niya hanggang sa naramdaman ko na siya sa likod ko.
"Ruth, I can't! You being mad at me is torture. I can't risk for that to happen again. Not talking to you..." I looked up as he trailed off. Naabutan ko ang pagod niyang pag-iling. "For days, Ruth..."
Humihina ang boses niya sa bawat salita, as if it is complaining to me on how exhausted he is.
Pumikit ako at lumaylay ang ulo sa pagitan ng aking mga balikat. Kinamot ko ang buhok ko kahit hindi naman makati. Wala na akong maintindihan kung bakit nauwi kami sa ganito lalo't hindi naman ito ang dahilan ng kagustuhan kong mapag-isa kanina.
Thinking about this and finding reasons would only exhaust me more. Kaya inabala ko ang kamalayan ko sa ingay sa labas. It's still our break time kaya kung anu-anong usong kanta ang pinapatugtog sa speaker.
Sunod kong namalayan ang braso na kinukulong ang aking mga balikat. Nilapit ako nito sa kanya. Nagpadala ako na parang wala na akong ibang mapupuntahan kung 'di sa kanya lamang.
He kissed my temple then traced more kisses on my hair. Medyo nahiya ako dahil basa pa iyon ng halong tubig sa paghilamos at pawis. But he didn't care.
He pulled his shirt on the chest part so he could wipe it on my wet nose. Kinuha niya ang panyo sa aking kamay saka banayad na dinadampian ang aking mukha.
Tinitignan ko lang siya sa salamin sa harap namin. Nasa pagitan ng kalmado at seryoso ang kanyang mukha. Tila mababaw lang ang pagsisid niya sa kanyang isipan.
"What I want is for you to not get mad at me. So hindi na ako makikipag-duet sa batang iyon. And what you want, is going to be my want, too. Okay?"
Parang siniko niya ang puso ko upang sandaling tumigil sa pagtibok. Dahil sa lambing ng kanyang pagkakasabi ay muli ko na namang narinig ang garalgal sa kanyang boses.
"Ruth, okay? Okay tayo, 'di ba?" mahinahon niyang sabi na may halong pamimilit nang hindi pa rin ako kumibo.
Damn. His voice could be put to a great use as a calming spell. Tinamaan ako nito dahil kumalma agad ako't napatango, ginawang life lesson ang sinabi niya na kailangan kong itatak sa puso't isip ko.
Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking buhok. My hair has already reached my waist despite being ponytailed.
"You're not mad now?" Hinahabol niya ang tingin ko at muli akong kinabig.
Nakanguso akong umiling. I'm never mad. Just irritated. Maybe. Oh, talent ko yata ang pagiging denial.
"I'll find another one to fill-in her part. Pwedeng si Wilmer, he can use a falsetto on the female's part of the song or...ikaw. Ang tanong, marunong ka bang kumanta?"
Sinapak ko siya. "Dean naman, eh!"
Tumawa siya at piningot ang ilong ko. Hinila ko ang sarili sa pagkakakulong sa braso niya ngunit mas iniipit niya lang ako sa kanya habang tumatawa. Para bang gigil na gigil siya.
"Hindi ako marunong kumanta! Wala akong talent, Dean. " Namimintang ang aking tono na parang kasalanan niya iyon.
I started to evaluate myself. Mukha talaga akong walang talent. Hmm...why not add leaving things behind as an addition to denial as a talent? I could even win an award by just walking out.
Tinignan ko si Dean sa salamin dahil sa pananahimik niya. Ang multo ng ngiting naglalaro sa kanyang labi ay may kalarong aliw. Ano, masaya siyang wala akong talent?
"Bakit?" medyo inis kong tanong.
Ang nanunuya niyang tingin ay pumungay. Para bang hindi na niya alam ang gagawin sa pag-iiba ko ng ugali pero handa pa rin siyang tiisin ito. I don't know why pero kada ganyan ang mata niyang tila tinutunaw, kumukuyom ang sikmura ko at kumikiliti.
"May talent ka. Matindi."
Nilingon ko na siya at kinunutan ng noo. Bumaling na rin siya sa akin dala ang pinipigilan niyang matamis na ngiti.
"Kaya mo akong pahulugin...sa 'yo. Sa nipis mong iyan, isang bagsakan lang, Ruth. Napatumba mo ako."
Sumabog sa init ang buong mukha ko. Whole day akong inaasar ni Dean dahil doon!
"Let's have it one last time then you can all go home!" anunsiyo ng gurong kasama ni Ms. Guillen sa pag-organize ng practice. An adviser from the third year faculty.
Para kaming mga zombies na nagkalat sa school dahil pagod na talaga sa makailang ulit sa routine. May ilang umangal ngunit sumunod pa rin para makauwi na.
But I bet sa kalapit na mall didiretso ang karamihan sa amin. Kahit ako rin naman. Ngayon ako bibili ng dress ko!
"Ako na lang ang partner ni Ruth sa prom then si Wilmer ang partner niya sa cotillon."
Ito ang narinig ko nang papalapit ako kina Dean kausap ang parang nasi-stress nang si Ms. Guillen. Buhaghag na ang maikli nitong buhok at nakapamaywang pa. She doesn't look like our teacher anymore with her good morning towel hanging on her shoulder.
Sinulyapan niya ako nang nasa tabi na ni Dean. That made Dean glance at me, too. Awang ang bibig niya at nagbalik tingin kay Ms. Guillen na ganon rin ang ginawa.
"Why are you making your own rules, Mr. Ortigoza? And besides, Ms. Santiago is taller than Mr. Rivero."
"E 'di huwag na lang sumali si Aileen, Miss."
Confident pa si Dean nang sinabi iyon. Muntik ko na siyang sikuhin. Mas nagmamarunong pa sa guro, e.
Napailing si Ms. Guillen na mukhang sanay na sa ganitong ugali ni Dean.
"My decision is fixed. Even the other teachers have already agreed to this." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa court. "Go back to your formations at para makauwi na kayo!"
"My brother, Kiefer. Halos magkasingtangkad lang po kami!" pahabol ni Dean.
Sumunod ako nang nilapitan niya ito. Humarap muli sa amin si Ms. Guillen at sa mukha niya, pakiramdam ko pati ako'y mapapagalitan.
"Ilang beses mo nang pinahamak ang kapatid mo dahil sa mga kalokohan mo, Mr.Ortigoza. I heard hindi lang isang beses mo siyang inutusan na manakit ng mga estudiyante. May pinapabugbog ka pa raw noon!"
Panay ang padaan ng kamay ni Dean sa kanyang buhok habang iniiwasan ng tingin si Ms. Guillen. Kahit nasesermonan na ay nakikita ko ang pinipigilan niyang ngiti.
"The things you do when you're obsessed with someone..." he murmured.
"What is it?" striktang tanong ng guro.
Umiling si Dean at hilaw ang ngiti. "Nothing, Miss. Sige po."
Sa muling pagtalikod ni Ms. Guillen sa amin ay yumukod si Dean at bagsak sa tuhod ang mga kamay. Umiiling siya.
Sa lambot at haba ng kanyang buhok ay nagmukhang desperado ang mga hibla na makakapit sa kanyang anit dahil sinasabayan ang agos ng kanyang pag-iling.
"Ayoko talagang sumayaw..." pekeng iyak niyang umaangal.
"At least try, right?" pampalubang loob ko. Well, if that helps.
Tinatapik ko ang kanyang likod.
"I would look like a pathetic ass on prom!"
Napaikot ako sa aking mga mata at marahang natawa. "Dean tara na, balik na tayo doon."
Hinila ko na siya sa braso. But he's relentless! Parang pinako ang paa niya sa semento.
Pasinghap siyang tumuwid ng tayo at sinapo ang ulo. Pumipikit-pikit siya at bigla akong pinakitaan ng panghihina.
"Masakit ulo ko." mahina niyang sabi. Kanyang binagsak ang noo niya sa gilid ng ulo ko.
Hindi ko alam kung may inis ba iyong pinakawalan kong isang tawa o natatawa talaga ako sa kanya.
"Dean, huwag nang maarte. Balik na tayo. Practice na rin tayo sa cotillon," mahinahon kong pamimilit.
Sinubukan kong alisin ang ulo niya ngunit mas humilig lang siya. Sa tingin niya ba talaga sobrang gaan niya upang makaya ko siyang saluin? He may not be as fully built as his brother but Dean is heavy enough!
Antok siyang dumaing. Sa pagkukunot noo niya, kulang na lang maniwala akong masakit talaga ng kanyang ulo.
Bigla niya akong inakbayan. Napangiwi ako sa bigat ng braso niya. Nagsimula na kaming maglakad and I tell you, hindi madali kapag ganito kabigat ang inaakay ko. He's like a drunk kid! Inasahan niya ba talagang kakaladkarin ko siya hanggang sa pila? Hindi biro ang bigat niya, huh.
"Kung marunong lang akong sumayaw, Ruth, magba-back flip talaga ako sa harap mo. Magch-cha cha tayo buong araw. Magbo-ballroom tayo sa ballroom hall."
Nawala ang inis ko at natawa sa sinabi niya. Pero mabigat pa rin talaga siya. Hawak ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. His arrogant head is still leaning on mine.
"Don't laugh at me," seryoso niyang sabi. "Ikaw nga hindi marunong kumanta."
Lalo akong natawa at hinilamos ang kamay ko sa mukha niya. Kung hindi ka lang guwapo, Dean.
"Anong klaseng pick ba kasi ang hinahanap mo?"
"Wait, it's here. Nakita ko iyon last week, e."
Nakasunod lang ako kay Dean sa aisle ng mga music instruments. Nangunguna siya at diretso ang tingin sa harap na tila nasa horizon ang hinahanap niyang pick ng gitara.
Alas sais na nang gabi. Dito kami dumiretso sa mall pagkatapos ng practice. I told him that I'm going to buy a dress for prom. Sinamahan niya ako dahil ito nga't bibilhin din niya iyong napusuan niyang pick.
"Marami ka namang ganon, Dean," sabi kong may halong angal.
Ilang beses ko na siyang nakikitang kumakagat ng pick na iba iba ang kulay. So I assume he has already owned hundreds of them!
"But this one's legit. It's Fender." Sandali lang niya akong sinulyapan saka siya lumiko sa may drums set.
"Hello, Sir. Ano pong hinahanap niyo?"
Nilagpasan at inignora ni Dean ang bumati na salesboy na ningitan ko na lang dahil kawawa. Dean's being rude. Kung mahanap niya iyong pick baka ma-good mood na siya.
Dahil wala akong interes sa mga ganito ay naisip kong magpatiuna sa third floor. Nandoon ang mga pambabaeng damit at marahil, mga gown na rin.
I held my bag with my dad's money. I rejected the card idea. Baka matukso akong gumastos ng malaki kapag iyon ang gagamitin ko.
"Dean, third floor ako, a?"
Bigla siyang huminto. Dala ang kunot noo ay hinarap niya ako. Mukhang hindi siya sang-ayon sa pinagpaalam ko.
Tumuro ako sa taas, I expected his nod but it didn't come. Nagkibit na lang ako at tumulak na sa escalator.
Mabilis kong nahanap ang rack ng mga cocktail dresses dahil sa lalake at babaeng mannequins na suot ang mga pang-prom na damit. It's JS Prom season, kaya binagay nila ang mga display.
I started scanning on the dresses, drinking in every sequins, laces and satin styles. Habang ganoon ay may binubuo na akong plano.
My budget is just three thousand. Ang sobrang money, pwede kong ibili ng shoes. A kitten heel would do para hindi ko naman malagpasan ang height ni Wilmer.
Huminto ang pagtabig ko sa mga damit na hindi ko type nang may nagpa-ukit ng puso sa mga mata ko. It's not a ballgown but a short prom dress with a bateau neckline and tulle skirt. Hanggang tuhod lang ito at naglalaro sa kulay black at pale pink.
Nakatadhana sa akin ang damit na 'to. I can't wait!
Umikot ako at papatungo na sa fitting room nang makitang si Dean sa harap. Nakahalukiphip at usli ang ibabang labi habang sinusuri ang damit na kinawit ko sa aking braso.
Hinawakan ang hanger, dinikit ko ang damit sa aking katawan para makita niya.
My facial expression is expectant for his verdict.
Tumatango-tango si Dean. "That one's nice."
Ngumiti ako, masayang parehas kami ng iniisip tungkol sa damit.
"Nabili mo na iyong pick?"
Tumango siya sabay angat ng sobrang liit na plastic.
Binalikan ko ang dress at hinanap ang tag nito sa loob. Mang makapa ay binaligtad ko saka tinignan.
Namilog ang mga mata ko. Tatalsik yata ang pulso ko sa sentido nang makita ang presyo. Eight thousand?!
I can actually afford this but I don't want to spend that quite amount of money on things that I only get to use once! Kung gagastos man ako ng malaki, iyon ay sa mga bagay na gagamitin ko sa mahabang panahon.
Nagsabay ang panic at panghihinayang ko habang binabalik ang damit sa rack. Nagsimula na akong maglakad. Parang tinanggalan ako ng body part. Punta na lang ako sa ibang mall, baka meron doong pasok sa budget ko at sana may mas maganda para hindi na ako manghinayang.
"Ba't 'di mo binili?" tanong ni Dean na napantayan ako sa mabagal na paglalakad.
"Hanap akong iba. Sa SM na lang siguro." Medyo nakanguso kong sabi.
But I still love that dress. Pakiramdam ko wala nang mas hihigit pa doon. That was already the best for me.
"But you like that."
"Oo...pero meron naman sigurong mas maganda pa roon," pampalubang loob ko sa sarili.
"But you like that," mas gitgit pa ni Dean, tila buong puwersang inisang tulak para mapasok na sa utak ko.
Bumuntong hininga ako at hinuli ang kamay niya.
"Kain na lang tayo," sabi ko at hinila na siya sa food court.
Medyo tahimik ang dinner namin na binabawi naman sa ingay ng food court. Dahil na rin siguro panay ang subo ko. Kinain ko na lang ang panghihinayang ko sa dress.
Pero kasi, ngayong Sabado na ang prom. Kung hindi man ngayon, ay sana bukas magkaroon ako ng oras bumili.
Pati si Dean ay tahimik din. Upang makapagbukas ng usapan ay kinuha ko ang plastic sa tabi ng tray at binuksan ang laman nitong pick. He bought three pieces and in different colors with the Fender brand on it. Mukhang gawa sa marmol ang mga ito. But they actually look like diamonds to me.
"Do you collect these?" I asked.
Dinadama ko ang kalidad ng mga pick at baka doon ko malaman kung bakit parang ikamamatay niya kapag hindi ito mabili.
Dean shrugged. Kahit ngumunguya pa ay sumusubo pa rin.
"Sort of."
Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang hindi interesting sa kanya ang usapan. He finished chewing, swallowed, then drank on his glass of water.
Nasa panghuling piraso na ako ng barbecue at patapos na nang hinila niya ang sarili sa upuan at tumayo.
"Cr lang ako." Tinakip niya ang kamao sa bibig at tahimik na dumighay. Muli siyang uminom ng tubig.
"Okay."
Sinundan ko siya ng tingin na naglakad sa aisle. Oblivious to the attention he's getting that doesn't have to do with his foreign features and height. I saw a group of girls looking his way. Nagsisikuhan at hagikhikan saka ninguso si Dean na nakapasok na sa restroom.
Mula roon ay wala sa sariling bumiyahe ang mga mata ko sa kalapit nilang table. A complete family of four. Sinusubuan ng ina ang bunsong anak na babae. The older girl is selfishly enjoying her ice cream. That could have been me.
Isang mapait na ngiti ang gumapang sa labi ko. Umiwas ako at tahimik na inubos ang aking pagkain.
"Will you still buy shoes?" tanong ni Dean pagkapasok namin sa kanyang Tacoma.
Bahagya akong natigil. Oh, muntik ko nang makalimutan. Masyado kong pinanghihinayangan iyong dress kaya medyo nawalan ako ng ganang bumili ng kahit anong prom-related items.
Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nagkakabit ng seatbelt.
"Sa SM na lang din siguro ako bibili. I'd look for cheaper buys."
Sinaksak na ni Dean ang susi sa ignition at binuhay ang makina. Inayos niya ang rearview mirror saka inisang pasida ang buhok gamit ang kamay. Aircon naman ang kinakalikot niya pagkatapos at may pinindot sa stereo upang tumunog.
Pansin kong hindi pa niya binaba iyong handbreak. He hasn't even worn his seatbelt yet.
Medyo humilig siya sa gitna saka may inabot sa likod. I heard a crinkle kaya na-curious ako.
Bago ko pa malingon ay inakap na ako ng supresa sa nilagay niyang paperbag sa aking kandungan.
"Ano 'to?" tanong ko at tinusok ng daliri ko ang bag. Malambot ito.
"Open it," aniya sabay bukas ng ilaw sa loob ng sasakyan.
Ingay ng aking pagbubukas ang naghari saka iyong kanta sa radyo. A rock version of a classic song since patok sa taong ito ang punk rock genre.
Ang pamilyar na itim at pink tulle skirt ang nagpaalsa ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko pa buo iyong nailabas ay umani na ng singhap. It's the dress!
"Dean..." parang nagmamakaawa ang aking tono.
He is semi pouting. Tamad siyang nakasandal at nakahalukiphip. Tinitignan niya ako na parang wala siyang ginawang kagulat-gulat.
"What?" His eyes that soften blinked.
"You bought it..." Gusto kong maiyak.
"Yeah, I bought it. Iyan ang gusto mong dress, 'di ba?"
Muli kong tinignan ang dress. Para pa rin akong nagha-hallucinate. The dress is too pretty you wouldn't think it's possible to exist. At mas lalo akong hindi makapaniwala. Paano niya ito nabili? Magkasama kami buong magdamag.
Except when he went to the restroom...
Tinitigan ko siya nang matagal. Ang sagot na namuo sa utak ko ay marahil nakita niya sa mariing pagtikom ng nakanguso niyang labi upang pigilan ang ngisi.
Ngunit nakikita ko sa mga mata niyang gustong-gusto na niyang tumawa. Maybe I look funny as I accuse him with my face.
"Its' eight thousand Dean. Sa prom ko lang ito masusuot! Where did you get the money?"
Inadjust niya ang kanyang seat at binaba na ang handbreak. He started backing from the parking space.
"May kinikita rin naman kami sa mga gigs. And besides," he shrugged as he glanced at me. "I can afford."
"But eight thousand. Barya lang 'to sa 'yo?" Sinilid ko na sa bag ang dress. Sa bahay na ako magsasaya nang mabuti.
"Tss...anong barya, Ruth? Bato lang iyan."
"Ang yabang mo talaga!" natatawa kong sabi. Hindi pa rin makapaniwala.
Gusto kong manghinayang para sa kanya. But I really love the dress for me to return it back. At isa pa, mukhang isang insulto para sa kanya kung gagawin ko iyon. He bought it for me. I really don't know what to think of that. But it's better not to think about it at all. He bought the dress for me! For.Me.
Habang nagmamaneho ay saglit siyang sumulyap. I didn't bother look away. My happiness is so beyond stepping each fluff on the ninth cloud that I want to inflate Dean's ego. Ni hindi nga ako nairita na nagyabang siya.
I saw the tip of his tongue went out to lick the corner of his bottom lip.
Malalim ang buntong hininga niya. "Huwag mo akong titigan ng ganyan."
Kumunot ang noo ko, hindi natanggal ang ngiti. "Ha?"
Muli siyang sumulyap. Mukha siyang nasasaktan. Saglit siyang pumikit na parang may pinipigilan. Dalawang beses niyang inuntog ang ulo sa headrest habang dumadaing. Do we have to stop somewhere? Is it call of nature?
Inis niyang pinasidahan ang buhok at mas bumilis ang pagmamaneho. Mas napayakap ako sa paper bag.
"Eyes on the road, Ruthzielle," he demanded.
Sa dilim ng boses niya ay hindi ako natinag. Natawa na lamang ako. Nagtataka. Paano ko ba kasi siya tinitigan? Iyan ba ikinainis niya?
"No. Eyes on the road, Dean."
Umiling siya at marahas na nag-change gear.
"Dammit!" marahas niyang bulong . He expelled another drastic breath.
Umugong ang sasakyan sa mas mabilis pa niyang pagpapatakbo. Wala man lang bumisita sa aking takot at pangangamba.I embraced danger like a comfort zone.
At sa hindi malaman na dahilan ay malakas akong napatawa. Realization hit me like a baseball bat. I'm just so happy it echoed in every corner of his pick-up car.
Dean uttered another batch of curses.
And I think I know why.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top