THIRTY SIX
Matagal bago naging malinaw sa akin ang sinabi niya. I was hoping for him to repeat but I held back seeing his fiery hazel greens. Sa mahigpit na tikom ng manipis niyang labi ay utos na rin sa aking huwag nang hilingin ang pag-ulit.
Nananantiya ang nag-aabang niyang pagtitig. So he's really asking me to live with him? In his condo? No words could compete to this but unbelievable! He's unbelievable in a sense that doesn't scream positive.
"Are you on drugs? Pumunta ka rito, sinuntok ang pinsan ko at sasabihin mong titira ako kasama mo? Magbigti ka na lang sa harap ng presinto, Dean."
Umikot ako sa counter upang lumabas na't mahatid ang cold compress kay Chuck. Sa marahas kong mga hakbang ay napapagilid si Dean upang ako'y makadaan dahil nakaharang siya sa hamba.
He's hot on my heels, I heard his footfalls. Napailiang ako habang tumatakbo pa rin sa isip ko ang kanyang sadya at hinaluan ng nangyari kanina.
The image of Jillian and her mother is still a ripe fruit in my mind. I still can't believe Dean allowed these people to be in this new life of his. That's one thing. But asking me to reside in his place for God knows why just took the cake!
If this is because of my first tardy record, I admit that mistake and have learned from it. This, coming from someone who doesn't want to concede to failures. A big part of me want him to take part of the blame. He should have called me or had Marcus do so. Pero hinayaan niya kahit alam niyang late na pala ako.
Umupo ako sa tabi ni Chuck at inasistahan siya sa paglapat ng cold compress sa napuruhang parte ng kanyang mukha. Sa kabutihan ni Tito Nelson sa akin ay ito pa ang naiganti ko. Pinahamak ko ang anak niya.
"You can leave, Dean. Hindi ako sasama sa 'yo." Sa kanya ang mga salita ngunit sa pasa ni Chuck ako nakatingin.
Katahimikan ang natanggap kong tugon. Sa kakalmahan ay iyon pa ang malakas na humila sa aking balingan si Dean. He's scratching his shadowed jaw all the while raising his left brow at me. Binalik niya ang ginamit na kamay sa halukiphip at tinitigan lang ako na parang wala akong sinabi.
May lihim na namamagitan sa kunot noo ko at nakaangat niyang kilay na nililinyahan ng sarkastiko at panunuya. I could sense he's trying to battle a pout. Anong nakakatuwa, Ortigoza?
"Aray! Aray ko ate..."
Mabilis kong inalis ang ice bag. Hindi ko namalayang nadiin ko ito sa mukha niya. Lumukot ang mukha niya sa sakit at sinubukang hawakan ang pasa upang aluin.
"Sorry,"nakangiwi kong paumanhin saka tinaliman ang tingin na dinulas ko kay Dean. I can't help but blame him on this one, too.
His breathy smirk made a sound. Marahan ang pagparte ng bibig niya at angat ang isang sulok nito. That signature crooked smile is again set to trigger the speed of my heartbeart.
But at the same time it annoys me how I don't know why he does that for.
"What's funny? I told you I won't go with you. I can work without having to reside in your condo, Dean."
Nilingon ako ni Chuck. Binaba ko ang tingin sa ice pack, iniiwasan ang salubong niyang kilay na hindi ko matantiya kung nagtataka o naiinis. Anyway, he has the right to get annoyed. Dahil kilala ko ang baliw na bigla na lang nanuntok at may issue sa mga naka-topless.
"Hold it. Ikukuha kita ng shirt." Bibitawan ko na sana ang ice bag nang sumenyas siya sa kanyang kamay.
"Ako na ate," aniya sabay tayo. "I think your visitor wants to talk to you alone."
Huminga ako nang malalim at nakulong sa loob ang pagprotesta. Ayaw kong mapag-isa kaming dalawa!
"Chuck..." May pakiusap sa sambit ko. Bumagsak ang aking balikat, tila inindiyan ng tanging kakampi ko sa mga bumu-bully sa 'kin.
Nagpatuloy siya sa kanyang kwarto at lumingon lang upang kindatan ako. As he went in and dropped the door close, the heavy tension started to squeeze me in a tight embrace.
The silence is so weighted it pulled me to comfort myself in the corner. At alam kong may kinalaman din ang bigat ng pagtitig ni Dean na nagaabang sa hatol ko. I can feel it when he stares.
Erika's words echoed amidst the tranquility. Ngayon ko lang ito nasangayunan. I don't get why there are those things that take us longer to realize. I get to see that my presence here is futile. Kasi oo nga naman,kung alam niyang wala akong kasalanan ay bakit ganito pa rin niya ako tratuhin?
Nabaon na ng mga taon ang nararamdaman niya kaya ano pang silbi ko rito kung wala na nga siyang damdamin para sa akin? Kung hindi niya ako papanigan? I'm just wasting my time!
Huminga ako nang malalim at nilagpasan siya nang pabalik ako sa kusina. Lilinisin ko ang ginawang kalat doon.
"Hindi ako papasok bukas. Sinabi ko na iyon kay Marcus kaya makakaalis ka na. And again, I repeat. I won't go with you."
The gavel has fallen. That was a finality.
Kung babalik man ako sa studio ito ay kakausapin ko si Marcus para mag-resign na. Isa pa iyon. Posibleng kapatid ko siya. Konektado siya sa kanila.
Ramdam ko na ang kahihiyang yumayakap sa akin sa oras na haharapin ko ulit si Tito Nelson upang ibalik ako sa kompanya. Or why not just go back to Cebu and be a nurse again?
"I won't go unless you'd come with me."
Huminto ako sa pagpunas sa basang island counter at marahas siyang binalingan. I found a lot of synonyms for his absurd offer. Huwag niya akong gawing tanga sa pag-aakalang hindi ko alam kung bakit niya ako inaalok nang ganito!
"Why should I even be there? Para makita ko nang harap-harapan kung paano ka nagiging malapit sa mga taong sinaktan ako? You knew how I loathed her, Dean! I cried for that woman! How can you be so insensitive? Ganon mo ako kagustong gantihan?!"
Nanginig ang aking boses sa umaakyat na iyak sa aking lalamunan. That part alone gutted me to the core.
Uminit pa lalo ang poot ko sa nakikitang pag-awang ng kanyang bibig. His brows met in confusion. His green eyes in slits bled with utter denial and unbelievability. I could see the wheels in his head cursing at my accusation.
"Ipapakita mo sa akin na nagsasanib puwersa kayo para masira ako? Why don't you just kill me? Nang makaganti ka na! Wala nang Ruth sa buhay mo. Panapos ng usapan!"
Tinapon ko ang basang rag at tumalikod upang kumuha ng dry rag sa cabinet. Seeing the stored utensils, my hands are trembling to throw these at him! Pero ang maalala na hindi ko ito pag-aari at nakikitira lang ako rito ay iyon na mismo ang umawat sa akin.
I blinked to avoid just a lone sign of tears from peeking in my eyes. Humapdi lang lalo ang ilong ko at mga mata sa ginawa. How long 'til this strong façade decides to give up on me?
"I can't do that."
Naiiyak akong tumawa, unbelieving his gravelly calm tone that made a turn to the corner of regret.
"Bullshit! You already did," I pressed in gritted teeth. Marahas at mabagal akong suminghot.
Inaamo niya ako ng malamyos niyang tono bilang bitag upang sumama ako. Once I'd step on the air of his condo, then what? That place is his territory so he has every right to enslave me. At hindi ako makapanlaban. Yeah! I'm wiser, Dean!
Ilang sandali rin siyang walang kibo at hindi pa rin siya umaalis. Habang tinutuyo ang counter ay umiikot na ang utak ko sa paghahagilap ng sasabihin upang mataboy siya. I can do this now since he won't be my employer anymore.
"Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo kapag nakita akong doon natutulog? I'm sure she would tell her dear ol' mommy to sleep there, too."
I rolled my eyes. I sound sarcastic and bitter, I know.
"You're talking about yourself?" I could hear a two-ongoing alarms of teasing and a challenge from his tone.
Sa aking paghinto ay mas narinig ko ang bugso ng kabang bumubugbog sa dibdib ko. Tinatanggi ko ang narinig at inisip na nabingi lamang ako. Even by the way he said it...I shook my head to shake the thoughts away.
Piniga ko ang basang rag sa sink. Ang buhos ng tubig ang nag-iingay para sa amin. The sound of Chuck's video game didn't resume.
"Sinong girlfriend ang tinutukoy mo?" matigas na tanong ni Dean. Now the tone demanded an answer.
"Si Jillian!" sigaw ko sabay ikot sa kanya.
Sino pa ba? Kung makalingkis sa braso at makahalik ang babaeng iyon sa 'yo, may tinutukoy pa ba akong iba? At sa mga babaeng nauugnay sa kanya... nasa kalye na ako ng paniniwalang totoo ang mga iyon dahil sa kutob kong ito sa kanyang motibo.
Sa humihigpit niyang mga mata ay kinukulong ako nito sa aking pwesto. I willed myself to move but my anticipation for his next move overtook my senses and logic.
As if he dropped some grass and twig potion on my drink for me to not look away as he menacingly sauntered to the counter, holding my stare. I knew it if his arms tensed by the way he clenched his jaw and his thin lips are shut so tight. Hinilig niya ang taas na bahagi ng katawan upang mailapit ang mukha niya sa akin.
He held me captive. Like I'm the sole prey inside the lion's den. As always. Say the words now so I'd be set free.
"She's not my girlfriend. Why should she be when I'm still in a relationship? Pero umalis lang ako, at sa pagbalik ko may nahanap na siyang iba. Kailan ba ako nakipaghiwalay?" mariin niyang sabi, pinipino bawat letra sa puntong kaya nitong pasukin ang daloy sa aking ugat.
Kaya kong utusan lahat ngunit hindi ang aking emosyon lalo na't wala na itong mas ikababayolente pa at handa nang sumabog sa dibdib ko. What. Is. He.Talking. About?!
Agad lumihis ang tingin niya sa ibang panig sabay hila sa sarili. Sa igting ng kanyang panga at pag-aalinlangan sa mga mata ay tila natauhan siya sa kung ano mang nasabi. Parang naalimpungatan galing sa pagiging wala sa sarili.
"A-ano iyon...?" Pilit kong diin ngunit mahina ang labas nito.
He sighed as he further looked away, resolute to not spill any longer. "Just pack your things. Maghihintay ako."
I leaned back and shook my head. Marahan ang hindi makapaniwala kong tawa. Wala akong masabi. Isa lang ang kailangan ko at iyon ay ang ulitin ang bintang niya kanina. Hindi ako nalinawan doon. I don't know....maybe I've heard him and I want to hear it again.
Sa likod ay naispatan ko ang pagsilip ni Chuck sa likod ng pader nitong kusina. Mabilis siyang nagtago nang nahuli ko. I almost forgot there's still a human being here besides us.
"You want me to go with you? Pack my things, then."
"What?" Dean asked, as if to clarify.
Inayos ko ang box ng pizza na kailangan pa yata ni Chuck. Dinala ko sa ref ang hindi ko naubos na slice at bottled juice.
"Ikaw ang mag-impake sa mga gamit ko." May katarayan iyon.
"Why should I do that?"
Ayaw ko siyang imikin doon. I want him to know how it feels like to be left hanging behind with questions unanswered.
Sinara ko ang ref at hinarap siya. Humalukiphip ako. "Why do you want me to reside in your condo?"
Bumaba ang mga mata niya sa kamay niyang may kung anong kinakalabit sa island counter. Nagkibit siya. His mouth curled downwards, as if faking sadness about something.
"Not my word but Marcus's."
My brows unintentionally arched. "If that's the case, he should have called me for this."
"Hindi ka makontak. So he asked me."
His eyes climbed back to mine. Gusto kong imnan ng malamig na tubig ang umiinit kong kalamnan sa tuwing nagtatagpo ang tingin namin. His eyes were seem to be from the offspring of the king sun but went to rebel and painted itself hazel green in lieu of yellow.
"Oh really? I don't see you as someone who follows orders Dean. You can always defy. You always defy! Kung kagustuhan mong hindi na ako maging parte ng buhay mo, hindi ka papayag na titira ako kasama mo!"
Sa isang beses niyang pagkurap niya'y pumungay ang kanyang mga mata. I mentally shook my head on that. No, I don't think he's capable of being tender again. Kita mo 'pag nasa condo na niya ako, mawawala rin iyan!
"Wala akong sinabi na ayaw na kita sa buhay ko, Ruth."
Namilog ang mga mata ko. Tila wala nang buhay sa paligid ko kung 'di ang tibok ng aking puso. W-what did he say?
"Shit." He shut his eyes oh so tightly giving me the glimpse if thick lashes. I could sense his regret as soon as his words escaped.
Nang tumalikod ay diresto siyang lumabas ng kitchen, umiiling-iling at mahigpit ang sabunot sa magulong buhok.
Unit-unti ang pagbuhos sa akin nang init nang maproseso ko ang kanyang sinabi. I could feel the heat of my breath as I exhaled, and it filled my burning lungs as I inhaled. It was so rapid my mouth went into a state of drought.
Sumunod ako palabas upang makalikom pa ng mga senyales hanggang makabuo ako ng sagot. I was almost there I could sense it!
"Wala ka ngang sinabi pero nasa mga kilos mo iyon, Dean!" sigaw ko ngunit hindi niya ako nilingon.
Lalong sumilakbo ang iritasyon ko nang walang pahintulot niyang pinasok ang aking kwarto. Dinala ko ang mukha ng inis kay Chuck na nasa gilid at siyang nagturo sa kwarto ko kay Dean.
I can't reprimand him. Ito ang mahirap kapag nakikitira ka lang, e. Ayaw mo sa ginawa ng taong may utang ka ng loob at hindi mo pa mapagsabihan!
"Where's your bag?"
Dean started roaming around my room. Hindi ko binuhay ang ilaw, bahala siyang mangapa diyan sa dilim at abuloy ng ilaw na galing sa sala.
"Hanapin mo," pataray kong sabi.
Prente akong sumandal sa doorframe, pinapanood siya.
Huminto siya sa paghahanap at binalingan ako. His eyes, now I see amidst the dimlight, could serve as the light with its flaming capability. Uminit ang sistema ko na walang kinalaman sa off na aircon at umiinit na panahon.
He looks like the prince of darkness at the middle of the feeble-lighted room.
"You're not going to make this easy for me, huh?" I could sense the humor and challenge in that accusation.
Humalakhak ako. "Tinatanong pa ba iyan? You know me since highschool, Cornelius. You hit me hard? I'll hit you harder. Now pack my things." I ordered.
Hindi ako assuming pero mabilis akong makaramdam. He's avoiding my questions like a bullet and my mouth's the gun.
Matagal siyang tumitig at hindi ko alam kung ano ang nakalap niya sa akin sa mga sandaling iyon. Umiling siya at sinimulan ang paghahanap sa luggage ko.
Biglang tumabi sa akin ang naka-shirt nang si Chuck. Nangangamoy pizza siya na kinakain na niya ngayon. Sa kabilang kamay ay hawak niya ang rootbeer can. Parang papuntang sinehan lang 'to, a.
"Dean ba kamo tawag mo sa kanya, ate Ruth?" tanong niya at sinamahan akong panoorin si Dean.
Sa inis ko ay ayaw kong makipagusap sa mga tao na walang kinalaman. Ayaw kong sa kanila maibaling ang inis ko. Sa kanila na hindi naman dapat madamay.
"Wala sa ilalim, idol! Nasa cabinet."
Sumakit na ang kilay ko sa kakasisid nito nang nilingon ulit si Chuck. Maingay siyang humigop sa rootbeer pagkatapos ay ningitian ako saka kinagatan ang pizza.
Nang magbalik panood kay Dean ay sumunod na rin ako. Now that he has found my luggage, he started shoving my things inside.
Why is he so hell-bent for me to go with him? Pagkatapos ng nakita ko kanina, at tinitigan lang niya ako habang hinalikan siya ni Jillian. I'll give him credit for not taunting me, though. Simpleng titig lang iyon, parang inaabangan lang ang aking reaksyon o kung ano.
"Want me to bring this? Might be your favorite."
Nanlaki ang mga mata kong sinugod si Dean upang hablutin ang panty kong naglambitin sa forefinger niya! Tinapon ko ito sa luggage kong nakabukaka sa kama.
Mapurol pa yata kay Dean ang talim ng tingin ko dahil hindi siya apektado. His entertained smirk is a dead giveaway how he's enjoying seeing me irritated.
"I thought so." Tinango niya ang luggage." It's a cute panty, though. Hanggang ngayon mahilig ka pa ring mamugot ng ulo ng mga hayop," he teased.
The heat of my embarassement is burning me alive now. Even more when his smirk grew into adulthood. Nag-iwas ako ng tingin at habang tumatagal ako rito'y mas lalo akong nasusunog.
That panty of mine is a favorite. Balingkinitan ang lining nito at sa gitna ay may mukha ng cute na kuting. Lumala ang hiya ko na iyon ang dahilan ng aliw ni Dean.
Isang tapon ng patalim sa mga mata ay nagmartsa ako palabas ng kwarto. Hinahabol ako ng kanyang halakhak!
Binunot ko ang cellphone ko sa bulsa at pinudpud ang mga daliri sa screen upang hanapin ang pangalan ni Marcus. I pressed the phone icon as soon as I saw his name.
"Ru—"
"Pinapunta mo ba si Dean dito para sabihin na sa kanya ako tumira?" May paratang na agad sa pambungad ko.
The other line fell into dead silence. Sa isip ko'y nakikita ko siyang natigilan.
"I don't like your tone on me, Ruthzielle. I'm still the band's manager—"
"I can get to talk to you like this because I resign, Marcus! I want out! 'Di bale, ako mismo ang maghahanap ng kapalit ko!"
Sinisigaw ko ito habang papalabas ng condo. Padabog ang sara ko sa pinto at binagsak ang likod rito. Mabilis ang aking hininga.
"Whoah, whoah! You want to get shown in a bad light, Ruth?"
Kumunot ang noo ko. Hindi pinansin ang bahagya niyang tawa na tila katawa-tawa ang aking deklarasyon.
"Elaborate, please."
A string of nerves started to coil in my gut. Pakiramdam ko hindi mangyayari ang gusto ko sa tono pa lang ni Marcus. It suggests that my idea of this is ridiculous!
"Sa dami nang umaalis na P.A. na walang pahintulot, Dean decided that it's time to put some legal and professional action for this service. You're under an employment contract as his personal assistant. I thought you knew?"
Natigilan ako habang binalikan ang araw na iyon. The image was vague at first and when it solidified, the heat of shame from a while ago just went to the antarctic. Ginugupo ako ng lamig.
Regret is enjoying me as its fancy dinner. Now here comes the part where I'll tell myself, 'If I had only known then what I know now', then the endless I should have's are to follow. Gusto kong maiyak sa pagsisisi.
"So I can't resign?" tanong ko na walang lasa ng pag-asa, like my last resort is a bottle being carried away by the aggressive ocean waves, eaten by sea creatures and it bleed regret.
"You could, but it hinges on the reason. Make sure it's a valid one, though. Another spare choice is when he decides to fire you then you're out of the job. Have you not read the contract?"
I have. Pero hindi naman ibig sabihin na kung nabasa ko ay saulo ko na. Memorizing is not my strongest suit. Now I wonder why how I pass the nursing board exam. I actually expected to fail.
"So kailangan ko pang masesante saka ako makakaalis?" I thought outloud, pansamantalang nakalimutan na may kausap sa kabilang linya.
"Once you reach your normal retirement age at sixty, that's one of the conditions."
Tumiklop ang tuhod ko't tuluyan nang sumadsad sa sahig. My head is in between my knees as I processed everything. Yakap ko ang aking tuhod at inuugoy ang sarili.
I can already imagine the rest of my days spent on Dean and those people I rather not meet. This is why I set my face against showbusiness, from rejecting commercial offers, modelling and whatnots...because this is the kind of world they revolve themselves around. This is probably why all along, I rather be in a noble and humble job. I hate this world they're into from the very start.
Tanging hinga na malalim ang naisatinig ko. Alternatives are not showing themselves. How would I be able to choose if this is solely the presenting situation I have? I should just try to live with being here, physically.
"Bakit ka ba aalis? Noong nag-apply ka ay kulang na lang lumuhod ka sa harap namin para matanggap ka sa trabaho."
Sa tanong niya ay natigilan muli ako. My reason links to him. So wala talaga siyang alam?
"You didn't ask your...mother?" Hindi ako komportable sa huling salita. Para akong uod na pinatikim ng ampalaya.
"Hmm...nope. I'm closer to my dad so we don't bond a lot. Pero kung may oras ay tatanungin ko." May pag-aalinlangan sa kanya bago tumikhim."Anyways, you can misbehave if you're really that fixated to get off his hook."
"And get terminated? Then what? Lose the gold in my résumé for my next job because of a bad reputation?"
"That's what I was talking about! Once you're in this job, Ruthzielle, it's less ways to impossible of getting out unles the act of gross misconduct is noted. I'm actually reading the contract right now. Want me to enumerate the terms and conditions?"
He sounded so sarcastic. Para bang gusto niyang ipagdiwang ang siwatsyon ko ngayon. O baka masaya lang talaga siya dahil gagaan ang bagahe niya bilang manager? There would be less opportunity for him to take charge of Dean because since the day I became his P.A, the thron e of handling him had already been passed to me.
"Nevermind." I exhaled, massaging my head. Naaamoy ko pa ang dye sa buhok ko.
"Are you packing now?"
Lumisan kahit papaano ang bigat ng loob ko sa seryoso at gaan ng kanyang pagkakatanong.
"No. He's packing my things and I made him do it."
Bumalik ako sa loob pagkatapos ng tawag. Dinig ko pa ang pag-iimpake ni Dean sa kwarto ngunit ang pagmumura ni Chuck sa kitchen ang siyang mas kumuha ng aking atensiyon.
"Dean Ortigoza just punched me, man! Pakiramdam ko Cum Laude na ako! I'm gonna shit bricks! He's packing my cousin's things. Magli-live yata sila."
Umiinit ang mukha kong sinugod ang loob ng kitchen. Sayang-saya siyang nagkuwento sa kung sino mang kausap niya sa phone habang nagsasalin ng tubig sa baso.
"Ang guwapo niya, pare. Nagbigti ang itsura ko. Abangan mo sa facebook, gawin kong profile pic iyong selfie namin. Siya pa humawak ng cellphone ko!" Pagmamayabang niya, nakapameywang pa!
Sa buong magdamag ng kanyang pagkukuwento ay nakaawang ako. Sinuntok na nga siya nung tao, nagawa pa niya itong purihin? Sinuhulan ba siya ni Dean o ganyan lang talaga ang epekto niya sa mga tao? I hate how I get to believe the latter.
"He told me to keep on studying. Mas papakinggan ko pa nga yata siya kesa doon sa advice ni daddy."
"Oh my God..." bulong ko sa sarili saka umalis na roon. Ayaw ko na nang karagdagang ebidensiya sa kabaliwan ng pinsan ko.
Naabutan kong zini-zipper ni Dean ang aking luggage bag. Nakaupo siya sa kama at mukhang sineryoso talaga ang pag-iimpake sa gamit ko. Although it's an uncertainty if he has packed it properly since the bag is bulging as if my clothes were just being shoved liked they weren't being rightly folded.
"You only brought a few things." He patted my bag.
Binaba niya ito kasabay ng paglisan niya sa kama. Hinila niya ang handle at tumayo lang doon na parang minomodelo ang luggage bag ko. With his damn leather jacket and faded jeans and combat boots!
Inangat niya ang isa kamay at pinunasan sa likod nito ang kanyang noo. He pursed his mouth as he loudly exhaled.
I noticed the dark but small stubble on his chin. Mas makapal ang mga buhok rito nang kaunti kesa sa shadowed niyang panga. He's all rough and harsh and...ruthless.
Gusto kong itakwil ang kaba ko ngunit ito na ang kumapit sa akin. Umiwas ako upang maiwasan din ang karagdagan kong pagpuri sa kanya. Tumungo ako sa banyo upang i-check kung sinali niya ang aking toiletries.
No matter how irritated we are at the person, we see things from them that we can't help but flood with praises. Napailing ako sa isip. Some truths are just so abhorrent.
"Anything else left that you want to pack?" muli niyang pagtatanong.
Salubong ang kilay ko sa pagtataka. Why is he suddenly so chatty towards me? parang gusto na niyang makipag-usap sa 'kin. Na-guilty ba siya dahil sa nakita ko kanina? Is he trying to make it up for me? If not, then why? What's the game you're playing, Dean?
Wala nang naiwan sa cr. Nang hinarap siya ay ganon pa rin ang kanyang ayos. His shadowed eyes due to the dimlight made him even a more powerful, manly, burning and gorgeous sight to behold.
Pinilig ko ang aking ulo nang umalingawngaw sa hangin ang tanong niya.
"Wala na..." kapos sa hangin kong tugon.
Nahagip ko pa ang tipid niyang tango bago ko tinungo ang mga sapatos ko sa ilalim ng cabinet. Kumuha ako ng paperbag at sinilid ang mga pares ng mga footwears.
Am I really doing this? Kung determinado talaga akong umalis ay bakit hindi ko man lang sinubukang ipaglaban ito? Like further argue with Dean until he throws the towel and show me the exit way?
Or could be that despite the circumstances, I wasn't gripping enough on my resolute to think of further choices for I am more fixated to linger. Lohiko ko na lang ang nagsabing umalis. The rest of my system suggested otherwise.
Nagpatiuna si Dean sa paglabas ng aking kwarto dala ang luggage. Habang dala ko naman ang dalawang branded paperbags na puro sapatos.
Kakalabas lang din ni Chuck sa kusina at kakababa lang ng cellphone sa tenga. Nilapitan niya ako nang makitang lumbas sa aking kwarto.
"Ate, picturan mo ulit kami. Whole body naman." Nakikiusap ang mukha niyang may gana pang magpakita ng hiya.
He looked so pitiful with that bruise on his face. Pero gusto ko siyang pagtawanan dahil ngumunguso pa ito.
"Ikaw na nga sinuntok nung tao hihirit ka pa ng picture?" ganti ko.
"It was a forgivable mistake. Akala niya may affair tayo. Masyado siguro akong guwapo para pagkamalan na boyfriend mo, ate Ruth." Tumawa siya at bumaling kay Dean na nakikinig sa amin. "Mataas kasi standard nito, idol. Wala pang naging pangit na ex-boyfriend."
Bakit hindi pa ako naging abo ngayon sa makailang ulit akong sinusunog ng hiya? Lalo na nang makita ang reaksyon ni Dean. A knowing smirk crept on his thin lips, like he has dug the long buried secret of mine.
"O sige na nang makaalis na kami." Sabi ko sabay tulak kay Chuck.
Binigay niya sa akin ang cellphone at sayang- saya na tumabi sa hinahangaan. I took three shots of them.
"Your cousin has good taste of music." The casualty in his tone made my brows meet.
Humila ang katahimikan namin sa hallway at naudlot sa pagsasalita niya ngayon dito sa parking basement.
Kinunutan ko lang siya ng noo. Naglaho ang ngiti niya nang makita ito at tumingin na sa harap. Tumikhim at lumunok na tila pinaalalahanan ang sariling magbalik sa inuugali niya sa 'kin nitong nakaraan.
Anong weirdong hangin ang nilanghap niya at nagkakaganito siya? Not that I want that bad side of him but...he just confuses me.
Dahil ba sa wakas ay sumama na ako? Na nagtagumpay siya? I remember how exalted he looks everytime he wins an argument against me. Iyong pagmamayabang niyang tama siya habang ako'y pinapaliguan ng irap ang sarili dahil sa inis.
Sa biyahe ay iniisip ko na ang plano kong didiretso sa ipapagamit niya sa aking kwarto at matulog. I won't talk to him. I'd still be doing my job but with no words to speak. Magsasalita lang ako kung kailangan at iyon ay puro may kinalaman sa mga schedules niya.
I made that plan came true the next day. I prepared his breakfast silently. Para kaming mga walang bibig at pawang mga mata ang ginagamit bilang tulay ng komunikasyon. Dean's good at that. While he still has to ask me to know how I feel. That's the upside of my resting bitch face.
"Hindi niyo ba talaga kilala kung sino iyon? I saw her talking to Marcus that night. Ang ganda talaga, e. I can't get her out of my mind!!"
Wala pa kami sa hamba ng dressing room ay naririnig na namin ang pag-uusap sa loob. The band is set on another magazine shoot but with another band this time on the cover. It's for this month's issue and also serves as a campaign for an upcoming music festival. Isa sa mga front acts ang The Metaphoricals.
"Baka fan lang iyon, Theone?"
"Fan? Paano napunta sa backstage? She doesn't look like a fan to me."
The noise doubled when our steps echoed as we came in. Nangunguna ang impluhong presensiya ni Dean at agad siyang binaha ng mga pagbati. Umingay pa nang pumasok sina Cash. I heard high fives and laughters as I came in last.
Tahimik kong tinungo ang salamin at doon nilagay ang bag na dala ko. Dean's things and necessities. Nobody noticed me for they're so enthralled by their boyish jokes and tour stories. I'm in a testosterone-filled zone, the reason why Skylar walked her way out of the room. Narinig ko siyang may kinausap sa labas.
Dean's raspy chuckle neared. Umatras ako nang natantong uupo na siya. May sinabi ang isang lalake sa ibang banda na ikinatawa niya habang binaba ang sarili upang umupo.
He confidently lifted his feet to put in the desk that's part of the Hollywood mirror. Ang mga kamay niya'y kanyang nilagay sa likod ng ulo at mas tumawa dahil sa biro ng kakilala.
"You held his beer so he can't kick your ass, man!" matinis ang tawa ni Cashiel. The rest of the men were growls of laughter. Kay Dean ay magaspang at mahina.
Sa walang imikan namin mula pa sa pad niya kagabi ay pumait ang bibig ko. I took three breath mints before I offered three to Dean. He took and threw them in his mouth with silence.
"Wow Dean! New P.A? Pang-ilan na iyan?" pang-aasar na sinundan ng bahagyang tawa.
Unti-unting huminahon ang tawanan nila. I thought for a moment that they're waiting for his answer or the punch line. Iyon naman pala'y si Dean ay dinalhan sila ng patalim sa mga mata nang nilingon sila. The look exudes warning or... a threat.
Nagpo-protesta ang pagtitig ko sa kanya. I hope he looks up so he could see. Wala naman kasing masama sa tanong. To think that they've just shared boyish jokes not a minute ago, how weird it is for him to look at them like he's announcing the eleventh commandment of thou shall not?
I smiled at the men as a greeting and respect, too. They might be used to this Dean's change of attitide, but they don't deserve to be at the receiving end of the frequent conduct.
"Dude, it's her." A guy's loud whisper sounded so surprised.
Hinanap ko ang may-ari niyon hanggang huminto sa lalakeng mukhang gulat. So I thought it was him who has voiced that. He's within the group of good looking guys sitting on the corner of this room.
"It's her, what?" Cashiel asked casually then followed this cute guy's ray of sight which is at me.
Napaatras ako at nasapo ang aking dibdib, nagtatakang umiwas ng tingin at ibinaling sa salamin. I don't look at myself in the mirror that much but this time, I think I needed it. Uncomfortable is what I feel for the attention they're giving me.
"He's been so loud about this girl he saw backstage during yur acoustic show," sumbong ng kasama nila. "Akala ko ba hanggang baywang iyong buhok?"
"I...I don't know but...siya talaga iyon."
Hindi ko man tignan ay ramdam kong sa akin sila nakatutok. Staring at myself in the mirror, I pretended to be a narcissistic as I lauded my new hair. I love it. I feel like I'm a different person.
"Her? Si Ruth? Damn, I should have known," si Cash. "She had a haircut yesterday, I see. Her hair was at her waist end during the acoustic night so I think you're referring to her."
Kung makapag usap lang ang mga 'to ay parang wala ako sa harap nila. Do guys really talk this way? My guy cousins doesn't talk about the girls they have an interest on within the hearing radius of that girl! So maybe they're one of those few who talks about stuffs that are supposed to be...for boys only.
Una kong dapat gawin ay ang mag-excuse at lumabas. I really don't like to be at the center of attention unlike where I have been right now. I'm tempted to use Skyler as an alibi.
"P.A mo, Dean? Kursunada ni Theone." Bulgar ng isa at nilunod na ng asaran at hiyaw ang buong dressing room.
Sumilip si Sky na naging kuryoso sa ganap. Cash filled her in the reason why she looked at me with a meaningful brow raise. Mukhang nais na nitong manatili para makasali sa laro ng asaran.
Uminit ang aking pisngi at mas lalong umigting ang pagpapanggap kong maging vain. Perhaps, I could take a selfie dahil maganda ang lighting ng salamin.
May bulungan at hindi nakatakas sa akin ang pagbanggit sa pangalan ko. Tunog nagtatanong.
I heard the legs of the chair being dragged noisily on the floor. Nilingo ko iyon at nakitang tumayo na iyong lalakeng gulat ang itsura kanina. His face became a clear vision as he inched his way to my direction. Bigla akong natigilan.
At variance with Dean's messy locks, this guy has a clean cut jet black with a light shave on the sides. With his casual grey shirt, his mucles never went humble showcasing its assets contrasting to his face filled with tender curiousity ad interest.
"Hi." He smiled. Tunog interesado na siya. Pati dimple niya ay nagpasikat.
Nagtikhiman ang kanyang mga kasama sa likod. Now that I get to see him near now, I remember his face in the poster backstage. He's the vocalist of Neon Theone!
"Uh...hi..." Medyo nautal. Hindi ko akalaing may natitira pa pala akong hiya.
Ang init sa pisngi ko ay pinagtatalunan ko pa ang dahilan kung dahil ba sa angking itsura ng lalakeng 'to o dahil sa mga ilaw sa salamin. My arms went warm, too.
" I caught that your name is Ruth?" he slightly tilted his head, eyes narrowing.
"Ruthzielle...yes." Tumatango ako, wala akong makapitang mata na tignan upang makahingi ng tulong. An attention like this isn't really new to me but I'm just really uncomfortable. Lalo na kapag may itsura. And he's tall, too!
Ngayon ay puro tikhiman na ang nagaganap gawa ng mga saksi ng eksenang ito. I'm actually tempted to turn to this particular person and see if he's one of them. Mukha naman kasing tuod na siya sa kinauupuan niya.
"I don't know if you know me...or our band..."
"Neon Theone! Of course, I know you." I cheerfully cut him off.
Nilahad ko ang kamay ko upang bigyan ng kapormalan ang una naming engkwentro. Because anyway, I'm not here for a fling so I should do the first act for it not to lead right there.
Tila bombilyang nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. Mabilis niyang tinanggap ang aking kamay. Man, his hand his rough and cold.
"O'right! First base achieved!" asar ng kabanda niya.
Napakamot si Theone sa kanyang batok. His face turned tomato red kaya natawa ako. He's cute.
"Ruth, 'di ba naiwan ko iyong coat ko sa van? Could you go back to the basement parking and bring it up here?"
Nilingon ko si Dean sa inutos nito. Unti-unting nagbitaw ang mga kamay namin ni Theone. Dean stared at our hands intently before dragging that look up to my face.
"Anong coat?" pagtataka ko habang inalala ang mga dinala kanina.
"Iyong isusuot ko ngayon." Dean sounded casual but I could hear something behind that feigned casuality.
So far wala akong naalalang may dala akong coat. Baka casual suit ang tinutukoy niya? But he had worn that from yesterday's shoot!
"Wala akong dinalang coat." Sinabayan ko ng iling.
Umiling rin siya. "Meron! Naiwan ko nga doon!" giit pa niya. "I forgot to remind you to bring it here. My bad."
Inikot niya ang sarili at humarap na sa salamin. Nagpapalitan ang mga kamay niyang sinusuklay ang humahaba na niyang buhok. I can't wait for him to cut that hair. Ayaw kong mas mahaba ang buhok niya kesa sa buhok ko.
"Okay, babalikan ko..."mahina kong pagsuko at pumihit na paalis.
"Samahan na kita..." Si Theone. "The passageways here are so tricky you might get lost."
Hindi ako sure kung ngingiti ako or what. But I smiled, anyway. "Uhmm...thanks?"
Nasa hamba na kami upang makalabas nang matigilan ang asaran sa mala-kulog na ingay ng silya na tila may nagdadabog. We all turned to Dean.
Nagpaikot-ikot siya ng red bandana sa kamay niya. As if preparing for a battle in the ring. His jaw clenched as he does that with force. Since he's wearing a black muscle shirt, in his tensed arms the muscles moved like waves and his tan skin is the color of the sea. Ang nakikita kong pawis doon ay nagsimula nang baklasin ang bawat sulok ng umbok at yupi ng kanyang braso. Mabagal, na tila ninanamnam bawat hagod nila sa kanyang balat.
"Huwag na pala, Ruth. I don't think I'd be needing it. The stylist is going to supply our outfits. That's how it works here."
His tone demanded that I don't have to say anything more and just heed to what he's just said. That sharpness together with coldness combined. Nais ko mang magtanong ay tumango na lang ulit ako.
"Okay..." I conceded. Nais kong ibalik ang tapang kagabi sa pagsagot sa kanya pero ayaw ko naman siyang mapahiya sa mga tao rito.
"Just get me a glass of water."
I nodded again and went to the dispenser.
"I'd get the glass..." Theone followed.
Napailing ako sa pag-aakalang biro lang niya ngunit inunahan niya talaga akong kumuha ng baso. Muli na naman siyang inasar and this time, nakisali na ako sa tawanan.
"Theone, c'mere a second." Silence fell again when Dean spoke.
With a hard and sharp as knives tone like that? To talk back means your funeral is all set on a sunny Sunday so all you have to do is obey.
"Dean—"
Marahas ang tayo ni Dean nang kinuha ang gitara sa gilid at binuksan ang jacket nito. Kahit normal man ang kilos na iyan ay sa puntong ito ay iba ang pakiramdam ko. He's acting...like...well, I still have yet to confirm.
Ang pag-upo niya ay padabog. Mas kabado ako para sa silya na may balak yata niyang sirain.
He started plucking the guitar strings lightly. Gumagalaw na naman ang mucsles niya sa braso, sinasabayan bawat paghagod ng mga daliri niya.
"I think I got the chords we'd talked about during the acoustic show. Me and Wilmer are going to tweak the minors to make it sound more haunting and original. The use of the standard chord is too common I hate it my ears bleed." He grimaced.
"Dean naman sinisira mo diskarte ko, e." Theone's protest was coiled with humor. He seemed to have not encountered Dean's bad temper yet.
Bumaling ulit ako kay Theone nang doble ngunit paunti-unting kumakagat ng distansiya palapit sa akin. Being in a band, his air of shyness amused me.
"Are you single, Ruth?" he asked so silently. Para bang ako lang ang pwedeng makarinig.
Ngunit sa bungisngis ng mga kasamahan niya at pati galing kina Cash, Will at Sky ay buong dressing room yata ang inabutan ng kanyang boses.
I coud feel the sharp glare in my cheek and I know who's it coming from. Hindi ko man tignan, ang mainit at maiging pagtitig na niya mismo ang nagparamdam.
"I'm very single ,Theone." I smiled at him.
"So if I'm going to ask you out for dinner...walang magagalit?" he sounded hopeful. To think of crushing that hope is already hurting me. Kakakilala pa nga namin ay kabiguan na agad ang matatanggap niya mula sa akin?
I don't want my impression on the guy's record as the first woman who broke his heart. Or the nth number of woman who does.
Despite myself, my sight dragged to Dean and I am instantly met with eyes filled with vehemence and pooled with demand, that maybe when our eyes turned into green lips, it would mouth a capital NO.
"Wala." I smiled at Dean. "Walang magagalit."
I looked at him as if I was happy about the offer from a young pursuing man. And I am nothing but someone who wants Dean's approval.
My smile at him grew at that thought.
He didn't smile back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top