THIRTY FOUR

Kung hindi lang kami natagpuan ni Patrick ay hindi kami aalis ng dressing room. Tahimik kami nang sinundan siya palabas. Dean couldn't look at me as he went out his way to the stage with his still tensed shoulders. Kita ko pa ang pagbukas sara ng kamao niya. Dumadaloy pa rin ang panginginig ng mga tuhod kong piniga ng lakas ng loob.

His reaction soften the cushion of my hopes. If he's going to push me away with his words, his action and expressions are doing otherwise. At doon ako kumakapit sa mga kilos niya. They are more honest than his mouth even when they are not all the time reliable. We can always lie with our actions.

Unfortunately for Dean, he may be a man of many talents but none of them is acting.

"Listen to your friends and leave me alone...I'm just a boy, I'm drunk, I'm 24..."

The followspot is on Dean as he sings a sad song with only his piano. Nanonood ako mula rito sa backstage katabi si Sky. The dark sea of crowd were so wrapped up by his signature whiskey-filled rasp and piano skills. Phones in bright screens were lifted, recording him for sure.

"I don't want to hurt you anymore. Don't waste your tears on me now pretty girl..."

Tipid ang ngiti kong malungkot.

Really, Dean? Patatamaan mo pa talaga ako niyan? Classic act. You were able to create some masterpiece from being brokenhearted, I see.

We judge pain too much that we overlook the fact that they can be indeed a disguised motivation for creativity. Truth be told, those who have been hurt the most tend to have the ability to be poetic.

Hinawakan niya ang nakakabit na mic sa piano at nilapit sa kanyang bibig habang tumutugtog ang isang kamay. At the top of it, the whiskey in a Riedel glass is almost empty. He's saying something to the people and they responded with ardor.

I smiled at the exchange. Oh, the way they look up to him. At heto ako, pantay ang entabladong inaapakan namin ngunit tinitingala ko pa rin siya. Katulad ng iba.

Success in any ways creates an awareness of the change. Siguro normal itong pakiramdam na ang kilala mong tao noon na naging malapit sa'yo ay naglaho na at nahalinhinan ng katangiang hindi na pamilyar lalo't nakikita nating mas angat sila.

One day we were equals. The next, we are strangers.

Tila nagdidiskubre ako ng bagong nilalang. It's not enough information from what I've read in the internet articles, interviews and blogs. I'm not even sure if some of them were true given that they came from an indirect source and others just loves to sensationalize for it to be an issue.

It's going to be starting all over again. Me, going to know him like we've just met. Alam kong marami na talagang nagbago.

"As if a plane crash were timely. There's no good time for bad news. These four words don't come easy...

I don't love you..."

Pinaglalaruan ko ang pendant ng aking kwintas. Ngumuso ako at mapait na umiling.You're only fooling yourself, Ortigoza.

"Sumabay ka na sa 'min, Ruth!"

Hinilamos ni Skylar ang tubig na inabot ko sa kanya at pinunasan ng basang kamay ang mga braso. Isang punas sa basa niyang mukha ay sa akin agad ang mga mata, hinihintay ang aking sagot.

Humihikab akong umiling. "Magtata-taxi na lang ako. Out of way iyong uuwian ko."

Alas onse natapos ang show. May naganap pang meet and greet kanina at signing ng mga merch kaya inabot kami ng madaling araw. Sa papa-payapa nang paligid ay hindi ko mahanap si Dean. I can only hear laughters and satisfied talks about the show.

Dumaan sa gitna sina Cash at Wilmer na pinagtulungan ang isang amplifier at inakyat sa truck. Nagtutubig at hapdi ang mga mata ko sa antok at nahawa ng hikab nang mag-inat si Cash at dumaing ng kapaguran. It's almost two o'clock and thinking about the time made me imagine the bed I'm going to sleep in. Mas inantok lang akong isipin ang biyahe mamaya.

"Where are you staying, Ruth?" tanong ng dumaang si Patrick buhat ang mga stands ng microphone at drums.

Malakas ang bagsak ng paglalagay niya nito sa sahig ng sasakyan. Sa kapayapaan nag madaling araw ay naririndi na ako sa kahit kaunting ingay lang.

"Sa condo ng pinsan ko sa Quezon..."sabi ko at napangiwi at pikit muli. Nagtutunog pagsabog ang muling bagsak ng mga gamit.

Hind ko madugtungan ang sinasabi sa sunod sunod na ingay. Tumulong na rin ang driver ng truck at ang mga guwardiya upang mas mapadali ang trabaho at makauwi na.

Nahagip ko ang nakahalukiphip na si Marcus na sa naniningkit nitong mga mata ay inaasahan yatang may idudugtong pa ako.

"Hindi naman iyon kalayuan. Twenty minutes lang yata ang biyahe," sabi ko at bumaling sa iba.

"About that, Ruth." Si Marcus na ganon pa rin ang mukha. "I want to talk about your residency. Pero bukas na. We're all worn out."

Tumuwid siya nang tayo na tila ba nabuhayan sa kung ano man. May kinuha siya sa kanyang bulsa at kunot noong binuksan ang cellphone. Lumalim ang tagpo ng kilay nang binabasa ang mensahe.

"Diretso na 'to sa Vinyl, ser?" tanong ng driver kay Marcus pagkatapos ibagsak ang huling instrumento.

"Oo diretso na."

I caught Skyler leaning sleepily on his brother's shoulder. Hindi ko narinig ang pinagbubulungan nila but it seems that Sky doesn't want to talk. Nanahimik na lang si Wilmer at inakbayan ang kapatid. Si Cash ay nakatunganga at tipid na nagheadbang, sinasabayan ang kung ano mang pinapakinggan sa earphone.

I guess we're done. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa ako umuuwi. Wala akong naitulong na pagbubuhat ng gamit but I want to stay out of respect.

I tightened my hold on my bag feeling the cold slap of air on my skin. Magpapaalam na sana akong aalis ngunit naunahan ni Marcus.

"Hatid na kita sa sakayan ng taxi." Papalapit ito at sinusuot pabalik ang cellphone sa bulsa. "You're going home?"

Tumango ako saka binalingan sila. Tipid akong kumaway. Namumungay ang mga mata ni Skylar na sumilip sa malaking braso ni Wilmer at nalalanta ang kaway niya pabalik.

"Bye, Ruth." Si Cash. I waved at him then turned my back.

Pinantayan ko si Marcus sa kanyang mga hakbang.

"Pwede ka rin naming ihatid, Ruth. You said it's a twenty minute travel, right?"

Muntik na siyang huminto, marahil inaasahang magbabago ang isip ko ngunit umiling ako. I don't want to bother people in this critical time for sleep. Maaga pa sila bukas para sa morning show. Ako rin.

"Hindi na." Inikot ko ang paningin. "Si Dean?"

"Nasa van na. Tulog."

As expected. Kailangan din niya iyon para mamaya. I can't almost imagine him being up so early later after only an hour of sleep. He needs at least more than an hour.

Marc was kind enough to endure five minutes hanggang may humintong taxi sa tapat. Siya ang nagbukas ng pinto sa backseat.

"Thank you."

Tumango siya. "Sige, ingat. Dean should be ready by six tomorrow—later rather."

"Okay," sabi ko at pumasok na sa sasakyan.

Diretso hilata ako sa kama pagkarating. Pinikit ko ang aking mga mata at agad lumusob sa dilim ang maaaring mangyayari mamaya. Another day for him to ignore me again. Kung may tatawagan man ako sa ganitong oras dahil kailangan ko ng kausap ay paniguradong iisa lang ang sasabihin nila.

I realized that I am the only one fortifying myself. The concern of the people closest to me is uplifting but what I really need is the support for motivation. Lahat sila ay puro iling ang naging hatol. For those times where I had secretely underestimated a lot of people, maybe it's about time for me to feel even a semblance of it. And they all poured down on me with a vengeance from the people who thought that I'll fail.

How would I know if they are concern or if they just don't really believe in me? What if there was one person in my life who put underestimation beneath the voice of a feigned concern? And why am I thinking about this too much when I'm supposed to be asleep?

"May ipapa-print sana ako. Inubos ni Kerou ang ink sa printer dito sa bahay. Hindi ko pa mautusan si kuya dahil nasa condo niya siya. He's rebelling and doesn't want to go home unless there's an emergency."

Nilingon ko ang aking cellphone na tila iyon ang kausap ko. Medyo mahapdi pa ang aking mga mata sa maagang paggising at kulang sa tulog. I cooked breakfast for me and Chuck. This is the least that I can do for letting me load myself in his place.

At sa kabilang linya ay ang kapatid niyang wala pa yatang alam.

"Cat..." Sa island counter, nilapag ko ang platong may dalawang sunny side up. "Your dad hasn't told you? I already resigned."

"What? Why? Is it because of me? Am I too spoiled and bossy?"

Namilog ang mga mata ko. "No! of course not!"

Kinabahan ako sa naging interpretasyon niya. Kung nakikita niya lang ako ngayon ay mas makukumbinse ko siyang hindi iyon ang rason. She sounded so disappointed to the point of crying.

"E, bakit ka aalis? Don't you like it here? Or...ugh! That scheming bitch Janis! Siya dapat ang mag-resign! Hindi ikaw! Why did it happen? Kailan pa? Dad never told me!"

Nagsalin ako ng mainit na tubig sa dalawang mug at tinimplahan ng chocolate drink. Narinig kong pumihit ang pinto sa kwarto ng pinsan ko. Lumuwa agad ang kanyang pabango at bumiyahe hanggang dito sa dining.

"I found a new job that requires my full time. I'm staying at Chuck's condo."

"Hah! Hindi man lang sinabi ni kuya. Don't you like it here with us?" Her girly voice is so sharp I could imagine a spark winked at the tip.

"May inaayos lang ako." Inikot ko ang kutsarita at tinikman ang tinimpla. Mukhang kulang pa ng sugar.

"What? I don't understand."

"It's personal."

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Saktong pumasok si Chuck sa dining, kinukusot ang basang buhok. His white vneck and jeans made him look so laid back and far from his sister na malakas makapang-arte sa katawan at mga damit. Iyon nga lang, ang lakas makagamit ng pabango. Pang-one week yata ang isang bote.

"Good morning, ate," aniya at umupo sa tapat ko. Kumukuha na rin ng pagkain.

"Morning."

My cousin on the other line was talking to someone. Mukhang pinapagalitan ang isa pa nilang kapatid dahil sa naririnig ko pa lang na iyak.

"Cat, i-send mo na lang iyong file sa e-mail ko then through my phone, I'm going to send it to Louie. Tatawagan ko siya at sasabihing i-print iyon para pagpunta mo sa office ay kukunin mo na lang. Sounds good?"

She sighed, mukhang nakaluwang. "Yeah, better. Thank you. Kaya ayaw ko sa 'yo ate Ruth dahil mas mabait ka kesa kay Sue. You know I only like naughty people."

"Is that why you like Juancho, too?" pang-aasar ko. "He's naughty."

"Who's Juancho?" The brother's baritone voice cut my lazy giggle.

"Oh, hi kuya! Juancho, that guy with thick rimmed glasses? Hah! No way, ate Ruth." mariin at maarte nitong tanggi.

"Hmm..."

"Stop it! I know he's guwapo and macho but I don't like him! He's so full of himself! Feeling genius. In the end ako rin naman ang magiging amo niya. At isa pa, ba't siya ang palaging sundo hatid ko? May internship ba para sa gustong maging driver? And those glasses! I bet he went gay for Harry Potter. Sa susunod baka walis na ang means of transportation namin."

Natawa ako. "Cat...I didn't ask you to tell me an essay-worth speech about how you hate him. Now you're suddenly talking about the poor guy."

Natahimik siya at mas lalo akong natawa.

"I did not kaya..." mahina ang boses nitong gamit.

Nasapo ko ang aking noo. I'm trying my hardest to remember kung naging ganito ba ako noong dise otso pa ako. As far as I could remember, I never denied having a crush on someone.

"You just did, Ming..."

"Ugh, kuya! Not again! Ming...Cat... I'm Catriona, alright? Cat-ri-oh-na. Not any bunch of pussy names, Chuckington! Anyway, iyong usapan natin."

Chuck dramatically groaned. "C'mon Ming, what d'you want me to do?"

"Basta siraan mo't lahat lahat."

"Dad's not gonna approve." May lamig pa sa boses ni Chuck. Parang nawalan na ito ng ganang kumain habang nakikinig sa kapatid.

"Unless you'd tell him which I'm sure you won't. Palagi ka namang wala sa bahay, 'di ba? When will you be back?"

"Kapag graduate na ako ng Architecture. " Kumuha siya ng isang ham at agresibong inisang subo. Kinaway niya ang tinidor sa cellphone ko. "And I'm gonna slap my diploma in front of our father then I'll proceed to Law. Simple."

"Simple? My God, kuya. You're too big for your boots. Sini-simple mo lang ang Law? Leche ka."

"Love you, too, sis."

Nagpatuloy ang kanilang bangayan na nauwi lang din sa pang-iinis ni Chuck sa kapatid. During my stay in Laguna, the two have been one of my means of entertainment. I'm fond of listening to them form evil plans. Hindi ko alam kung matatawa ako o kakabahan. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung seryoso sila o bonding lang talaga nilang manira ng buhay ng mga taong ayaw nila.

Nagprisinta si Chuck na ihatid ako sa condo ni Dean. Tumanggi ako ngunit napilit din sa huli. Mabuti na rin kung ganon para mas maaga ako kesa sa napagusapang oras.

"Nagluto lang ako ng agahan, ihahatid mo na ako,"sabi ko habang nasa sasakyan.

Tumawa siya. "That's what I was supposed to do yesterday but you went earlier than me. Besides, ate. You don't have to go shy on us. We're family."

Nanahimik ako sa mabilis na pagpapalit niya ng tono. He is stone-cold serious right now and so do his face.

"Ang dapat mahiya rito ay iyong babae niya. That bitch exploits our riches to the brim. Anim kaming mga anak ng kinakapitan niya at hindi na siya nahiya."

Nais ko pa sanang dugtungann ang kwentuhan tungkol doon ngunit nakikita kong malapit na kami sa condo. I pointed at the building while voicing my agreement about the 'pest', as what he called it, in their family. Matagal na itong issue sa pamilya nila ngunit ngayon lang umigting dahil sa isang pangyayari.

"Thanks, Chuck,"ani ko, nakahawak sa handle ng pinto. "Hindi ka ba male-late?"

"Nah. Maaga ako sa school but my class is at ten yet."

Tumango ako at bumaba na sa kanyang Lexus.

Inasahan kong hindi pa tapos si Dean at mauuna pa akong makaluto ng agahan para sa kanya. Pagbukas ko ng pinto ay ang busangot niyang mukha ang nabungaran ko sa loob. Tamad siyang nakaupo sa sofa. The TV's dead but his iphone is booming a rock song.

He has already showered, a shower gel and manly perfume. Hair has been finger-combed and is already in his usual casual suit, shirt , dark jeans and combat boots.

"Wow, you're up early!" Nagulat talaga ko. Mukhang handa na siyang umalis, a. Ako na lang yata ang hinihintay niya.

I'm not sure if he has eaten yet kaya tumungo ako sa kusina. Uncomfortability settles in that he's the one waiting for me. Pakiramdam ko hindi ko ginagawa nang maayos ang aking trabaho. I'd rather that I'll be the one who should wait for him.

"You're late."

Narinig ko siyang bumuntot sa mga yapak ko. The unwashed mug and plate in the sink bothered me. Nagkalat sa island counter ang asukal, ground coffee powder na nahulog yata nang magbuhos sa coffee maker at ilang bread crumbs.

He made himself a breakfast but wasn't able to clean his mess? Pinatakan ako ng pagpipiliang dahilan at iyon ay kung sinadya ba niya ito o sadyang makalat lang talaga siya.

"Anong late?" Medyo iritado ako. Umikot ako at hinarap siya. "I just came on time. Five thirty then aalis tayo ng six thirty."

The green knives in his eyes are so ready. Parang ako pa itong mali habang nakahalukiphip siya diyan at inaakusahan ako. The way he pointed at the wallclock holds the weight of demand and jeopardy.

Agad ko iyong binalingan at binasa. The minute hand is pointing on number four while the hour hand's in seven going eight. Kumunot ang noo ko habang kinukumpara ko sila ng aking relo. Mine's on quarter to seven. Hindi ko alam kung alin ang tama kaya kinumpirma ko sa aking cellphone.

Bumuhos ang lamig sa ugat ko. Hollowness punched my gut. I can't look at him in the eye. Doing so would probably be a crime.

"S-sorry..." Nanunuyo ang aking lalamunan.

My chest can't almost carry the weight of my mistake. Hindi ko naman sinadya na masira ang relo ko. Iyon lang, tila mali na gawin ko iyong dahilan. All in all, it's my fault. Not my watch's. I should have checked its function from the outset. The watch has been doing its job for ten years so it's hard for me to let this go and have it replaced.

Sa paghinga ko nang malalim ay sinama ko na ang tapang ko nang titigan siya. " Sa kotse ko na ihahanda ang mga kailangan mo. I'll explain to Marcus why we're late. Nasira ang relo ko.It's my fault, I'm sorry."

Nagmadali ko siyang iniwan doon at tinakbo ang kwarto. Taranta ang mga kilos ko at puro takbo ang ginagawa sa pagkuha ng mga kailangan. Habang nagpangyari ito ay panay ang paliwanag ko kay Marcus sa kabilang linya.

"Hindi na kami sasabay. I'm sorry, Marcus. Ngayon ko lang namalayan. My watch is broken—"

"What? Anong rason iyan, Ruth?"

Napapikit ako at muntik nang tumigil. No, stopping this would mean wasting time. Madali ngunit maingat kong sinilid ang mga napiling damit sa garment bag.

"I know. I'm sorry." I exhaled. I mean this. Hindi ko magawang punasan ang namuong pawis sa aking noo. Ngayon ay nagpakita sa isip ko ang aking panyo na naiwan ko sa tukador. Lalo akong nanlumo. Today seems not to be my lucky day. "Dean's already prepared. My mistake, sorry. Didiretso na lang kami diyan sa station building."

Nawaksi ang unang impresyon ko kay Marcus. Because man, he's just proved me wrong! He can indeed be a strict manager.

"The show's to start at eight. Sila ang opening, Ruthzielle. For the love of God, hurry up!"

At iyon nga ang nangyari. Sa halip na sa opening ng show ay nilipat sila sa ibang segment. By the time we arrived, which was at nine oh fifteen, nasa kalagitnaan na iyong takbo ng programa. Their performace was part of the promotion for the release of their new album.

Buong magdamag akong walang imik. I still do my job with a snap and diligence but my verbal skills went short. Sa naging pagkakamali ko ay parang wala na akong karapatang magsalita o kausapin sila. Having done my mistake, I felt like an outcast. That should not be the case but it conquered my feelings.

I watched Dean interacting with the fans who went to the show. Sign the copy of albums...selfies. Hindi rin nagpahuli ang mga hosts ng programa. May kanya kanya ring interaksyon ang ibang miyembro ng banda.

Alam niyang hindi siya ang nagkamali kaya malamang wala lang ito sa kanya. Sa katunayan ay parang ikinatuwa pa nga niya ang nangyari. The way he's so amped up from the performance to the ecstatic interaction he has to the supporters. He's proving his point that I should not be here.

"Ruth, you okay?"

Papalapit pa lang si Skylar nang itanong sa akin ito. I can't even smile nicely to her kaya hindi ko alam kung anong itsura ko nang sinubukan ko siyang ngitian.

Tumabi siya sa akin at katulad ko'y sumandal sa pader. We both watch the guys talked to the hosts.

"We're not blaming you, just so you know." Nilingon ko siya roon. " Ilang beses na rin naman kaming na late, this is not the first time. To be late is normal. We hate perfection so much so it's cool for us to make mistakes."

Mainit na bugso ng dugo ang hinatid ng palubang loob niya. I smiled at her but she didn't see it. Sapat na ang sinabi niya upang gumaan ang loob ko nang kaunti.

Sa parehong building lamang ang pagdadausan ng photoshoot para sa isang music magazine kaya walang nang dahilan upang ma-late sa pagkakataong ito.

Abala pa sa isang artista ang buong studio nang dumating kami. A bald guy with a pink beard apprroached us. Sa laki niyang ngisi na nakadirekta agad kay Dean ay alam ko na kung ano siya.

"Hello boys!" maarteng bati nito at isa isang bineso ang mga miyembro. "Skylar, darling."

"Cheree..."

I stayed behind them and watched the photoshoot scene of that famous singer. Alam kong sikat siya pero hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko naman kasi kinikilala ang mga napapanood ko sa tv.

I think part of the group within the scene are staffs of the magazine. Nahagip ko si Cindy na nakayukod sa likod ng laptop kausap ang nagmamando ritong magandang babae at may nakasabit na DSLR.

"Four shots nalang for Sorcha de Murcia then you're up next."

Tumango sila at sinundan na si Cheree sa dressing room. Hindi umaalis ang paningin ko sa bituin na namagitan sa puting pader at flash ng mga camera. So this is what the rising pop star looks like in person. Hindi pa ako nanliit nang ganito dahil lang sa paghanga sa isang kagandahan.

"Perfect, Sorcha! Perfect!"

Napangiti rin ako nang makita itong ngumiti at humirit pa ng isang pose. Napaka-natural ng kilos at walang bahid ng pagiging plastik. Well, we'll never know. Artista sila kaya magaling din sigurong magpanggap.

Hindi sinadyang makabunggo ko ng tingin ang isang pormal na ginang doon na kanina lang ay proud sa pinapanood na photoshoot ngunit ngayo'y nakatitig na sa akin. I cannot smell danger but her curiosity is stronger than my perfume.

" You can actually change now guys para diretso salang na kayo sa camera."

Umiwas na ako nang magsalita si Cheree. Sumunod ako sa kanilang pumasok na sa dressing room. A rack of dresses and suits greeted us including the two make up artists.

"Sky, dito ka na." Humila ang isa ng silya at doon pinaupo si Sky sa harap ng hollywood mirror.

Maligayang umupo si Sky na parang excited nang malagyan ng make-up. Agad pumwesto ang bakla sa likod at sinikop nito ang kanyang buhok.

"Si Sky lang Cheree, ha? I'd be caught dead wearing those...whatever you call that shadow thingy." Si Cash at sinundan ng tawanan namin.

"Ikaw rin iha, dito ka na..."

Namilog ang mga mata ko nang bigla akong hinila ni Cheree sa braso. Bahagaya akong umatras upang hindi mapasama puwersa ng paghila niya.

"Wait, hindi po ako kasali." Marahas akong umiling.

Natigilan siya at tinitigan akong mabuti. Pinasidahan niya ako at mas naningkit ang mga mata, hindi maintindihan kung paano nangyari ang sinabi ko.

"Aren't you one of the models for Metro magazine?"

Tinignan ko ang sarili kung paano ako napagkamalang modelo. Stress pa nga ako mula kanina dahil sa nasira kong relo. Medyo magulo pa ang maalon kong buhok. But thankfully my peach boyfriend blazer is still neat and the white tank top underneath. My viva bordello pumps still protected my foot, and slenderizing my legs is my black jeggings.

Sinira ang katahimikan sa bahagyang tawa ni Sky. Nakatingala siya at nilalagyan na ng foundation sa mukha. "She's Dean's P.A. , Cher. Ganda noh? Nakakatibo."

Pinaso ang mukha ko ng mga salita lamang. Umawang ang bibig ni Cher kasabay ang pagluwang ng hawak niya sa aking braso.

"Oh, you could actually pass as the girlfriend."

Sa makahulugang tawa nina Sky at Cash ay lalong sumabog ang pisngi ko. Nagpigil ako ng ngiti nang sinulyapan si Dean at nakatitig lamang ito sa salamin. Seryoso at kanina pa walang imik.

"Hello! May I come in?"

Binati kami ng magandang babae na nakita kong kausap ni Cindy kanina. She sauntered inside the dressing room with her DSLR.

"Anyway, guys..."si Cher na sa wakas inalis na sa akin ang usapan at hinila ang babae sa tabi niya. "You remember Samara, right? She was with Donovan noong may photoshoot din kayo sa New York. Now she's one of the greatest photographers we have. Siya ang kukuha sa shots niyo ngayon."

Naglahad ng kamay sa Samara. "Hello, I'm a fan."

Halos sabay silang nagbanggit ng pasasalamat habang isa isang nakikipagkamayan maliban kay Skylar na kumaway galing sa kanyang upuan.

"Where's Marcus?" tanong ni Cheree.

"I'd be temporarily in charge of the band." Ako ang sumagot. " Sinundo niya sa airport ang mommy at kapatid niya. Susunod na lang daw sila dito."

"I see." Tumango siya. His eyes lingered on me. " Hmm...you're really pretty. Babalikan kita mamaya bago pa ako maunahan na kung sino man ang maga-alok sa 'yo. Guys, I'd be back!"

Hindi ko na dinibdib ang sinabi niya. Alam ko rin namang hindi iyon mangyayari. I never allowed myself get involve with anything that has something to do with being in the limelight. Until this happen.

Pagkalabas ni Cher ay nagbalik ang mga boses sa loob. I was listening to Samara talking about the concept of the photoshoot.

"Let's just be real. Your outfit should describe you individually. Kukunin kasi iyong theme ng shoot sa pangalan ng album niyo."

Nilabas ko na sa garment bag ang susuotin ni Dean. Tama lang pala itong napili ko sa kabila ng pagkakataranta ko kanina.

"There would be individual shots. It's going to be a ten page article for you guys."

"Sweet..." ngisi ni Cashiel at kinikiskis ang mga palad. "Ah, Sam, nasa labas pa ba si Sorcha?"

"Yes, she's taking a break right now. Kung gusto niyo ay doon na lang ganapin ang interview since naroon naman si Joan. Cindy's also here."

Mabilis silang sumang-ayon lalo na si Cash na halatang iyong artista lang ang sasadyain doon. Tinawanan siya ni Wilmer at pabirong tinulak palabas ng dressing room.

"How about Skylar?"tanong ko. Kino-contour pa lang ang mukha niya ng make up artist. Pansin ko ang white earphone na nakasaksak sa kanyang tenga at ang iphone niyang nasa kandungan.

"Okay lang na mamaya. Individual din naman ang interview," ani Sam saka sinundan na ang dalawa.

Kunot noo akong bumaling kay Dean na nanatili sa kanyang pwestong nakasandal sa pader. We haven't been talking since the morning show. Ang bigat ng kagustuhan kong magpanimula ng diskusyon sa kanya ay inunahan lang ng hiya ko dahil sa nangyari.

"Bakit hindi ka sumunod?" tanong ko.

He adjusted himself with a sigh, tila ba ay nababagot na at mukhang inaantok pa. Mas inalay niya ang buong bigat at likod sa pader.

Hands on his pocket, he spoke without turning to me. "Magbibihis na ako. What am I gonna wear?"

Nilingon ko sina Skykar at baklang make up artist nito. I don't want Dean to change here.

"Bakante ang dressing room sa kabila," iyong make up artist na hindi kami nililingon.

Senyales iyon upang iabot kay Dean ang kailangan niya. A leather jacket, jeans and the red bandana na muli niyang pinasikat sa taong ito. If the girl's trends were about chokers. The guys dig the folded bandana around the head.

Nagbukas din ako ng wrapper ng chewing gum at nilahad sa kanya. Kinuha niya ito saka lumipat na sa kabilang dressing room.

Bumalik ako sa kung saan si Sky at naupo. Malalim ang hugot ko ng hininga sabay tanggal ng aking pumps. I can finally feel my feet breathing! Ang sarap sa pakiramdam na wala na iyong paninikip sa gilid ng mga paa ko na ngayo'y minamasahe ko na. Sa kaunting sandaling ito ay balak kong gastusin sa pag-idlip.

"I heard your Dean's P.A."

Napabalikwas ako at agad nagmulat. Standing infront of me is the woman who keeps on staring at me a while ago. Her intimidating aura had me stood up and face her formally. Yakap ang hiya ay sinusuot ko pabalik ang aking sapatos.

"Uhm...yes, po. Oops, sorry!" sabi ko nang mabitawan ko ang sapatos at lumikha ito ng ingay. Pinulot ko muli at sinuot. "I'm his P.A."

Napansin kong kami na lang ang nandito. Sky and the make up artist were nowhere to be found.

"Mabilis kang kumilos. I like that. That's exactly what I'm looking for. Hindi iyong maganda lang, at iyon lang ang kayang gawin. Ang magpaganda."

Coming from her who exudes respect and elegance, my chest lifted up from the compliment. I'm never shy with these dahil alam kong may katotohanan iyon. Im aware of my efforts, so I know the quantity of praises that I should receive.

"Maganda ka rin. May nag alok na ba sa'yong pumasok sa showbiz?"

Nahihiya akong ngumiti. Uminit muli ang pisngi. "Tinanggihan ko po lahat."

That's the truth. The first offer was when I was in college. Nag-pack kami ng mga relief goods sa isang local tv station sa Cebu. I was only in my jeans and a white nursing shirt nang inalok na mag-modelo at workshop.

"She has no talent, Madam Vee. Kaya dapat lang na tinanggihan niya iyon."

Biglang pumasok si Dean suot na ang outfit niya mamaya. Pumunta lang talaga siya rito upang sabihin iyan? I may not have the talent, but I have my own skills unlike those women he probably dated after me. They have big boobs? I have tons of guts. They thanked doctors? While I thank God for my natural half-french beauty.

At matitiis ba nila ang ugali ni Dean? I bet my PRC license...No. Never.

"Why so rude, Dean Oh..." Madam Vee's dark chuckle reminds me of some mom villains in telenovelas. Lumapit si Dean at bumeso sa eleganteng ginang. I wonder about her connection to him.

"With a proper training, I'm sure she can get by,"anito nang bumitaw at sa ngiti niya pabalik sa akin ay parang may masamang balak. "Sa bilis magtrabaho ni...name?" She demanded.

"Ruthzielle, po."

"Ruthzielle, sigurado akong mabilis din siyang matututo."

Ang ngisi ni Dean ay tila ba isa iyong kahibangan. Umikot siya at humarap sa salamin. Inikot niya ang bandana saka nilagay sa kanyang ulo. His taunting smile never left his attractive thin lips. Dapat mainis ako sa mukha niyang nanunuya ngunit hindi ko magawa. Everything he does always draws me to him with no control. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis.

"You're just going to waste your precious time. Why don't you try the new batch of talents in the workshop? Like...tita Elle's daughter?"

"Oh, iniiwasan lang natin ang issue ng favoritsm dahil anak siya ng may ari ng network." She sauntered to the seat Skylar occupied minutes ago. "Mr. L would have been so proud of his daughter if only she's making a name for herself. Not exploit her family's influence."

Panay ang tapon ng paningin ko kina Dean at kay Madam Vee, naghuhukay ng palatandaan tungkol sa pinaguusapan nila. I cannot connect so I just shut up and listen. I like hearing Madam Vee's low and drawling voice, anyway. Mukha itong nang-aakit ng binatilyo.

"She has done commercials and...magaling siyang kumanta." Si Dean na umupo sa table at tinakpan ng bulto niya ang salamin. "Actually, she's set to write a song with me for her debut album. Doon muna siya pasisikatin bago isalang sa pag-arte."

"That's what I thought. But she doesn't have the attitude." Madam Vee sounds so insistent.

"What attitude?"natatawang si Dean. "You want her to throw shade at people?"

"The drive, Dean."giit nito at bumaling sa kanya. "She doesn't have the drive for this career. I want her to be honest on what she really wants. I don't handle talents who are only here for fame. I want their drive. Their passion for what they do. Something that Elle's daughter lacks."

Dean snorted. "No one's gonna care as long as they're pretty."

"I know."

"Then what does that have to do with Ruth? Do you think she has the attitude?"Magaspang na tawa at madilim na panunuya ang hinatid sa direksyon ko. The corner of his lips lifted evilly. "With her temper and moodswings, it's going to be a lot of work dealing with the papz. At alam mo ba kanina? Late kami sa morning show dahil sa sira niyang relo? What a fucking excuse was that?"

Nagbaba ako ng tingin, hindi lang apoy ng kahihiyan ang sumunog sa mukha mo. Dean make it seem like that incident is going to burn my whole soul. Tunog nang-aalipusta ang kanyang tawa at hindi ko kayang ipakita ang sakit na gumuhit sa aking mukha. He would probably laugh more seeing me hurt.

Umiinit ang sulok ng aking mga mata. My lips trembled. The more I need to avoid looking at him.

"Cornelius..." nagbabanta ang tawag ni Madam Vee sa kanya. "Kung ako ang naging manager mo ay hindi mo magpagsasalitaan ng ganyan ang isang magandang babae na ginagawa nang mahusay at tapat ang trabaho niya. Ako mismo ang dudungis sa pangalan mo, Dean."

Bumalot ang katahimikan. Wala na akong gustong intindihin ngayon kung 'di pahupain ang hapdi sa aking dibdib.

"Tsk, tsk. That bitch didn't teach you proper manners, I see. Inuna pa niya ang pagrereto ng walang katalent-talento niyang anak sa iyo. How inappropriate. At least Ruthzielle here is honest."

"Porke't tinanggihan niya ang offer nila at sinabihan kang hindi siya interesado sa pag-aartista, do you think it's likeable enough?" Dean's rebuttal made sense but I don't see the reason why he has the need to say this.

"She doesn't try hard to impress me, Dean. She's being herself. That's the kind of attitude I am looking for."

"I think my recommendation of talent is being herself."

Sinundan ko ng tingin ang paggalaw ng sapatos ni Madam Vee. Her sharp pointed stilletos painfully kissed the shiny tiled floor. Tumungo ito sa harap ng salamin.

"You can say that. But I'm still not convinced by her drive and potential. Proving a talent is not enough. You know that, Dean. She's a square peg in a round hole. Doesn't cut for the limelight. Poor lady still needs to have other people, like you, to defend herself. I bet my pearls and Louboutins that it won't take for her survival to last long in this industry. Showbiz sounds like a dream but it's a nightmare. Akala niya puro lang pagpapaganda ang paga-artista? What is beauty if your bag of potential and passion is empty? Saan siya dadalhin ng kagandahan niya?

I heared her zipped her bag. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nilalapatan nito ng pulang lipstick ang kanyang labi. The dark red went well to her white sleeved dress. She looks like a 70's icon apparition with the Hollywood lights illuminating her structure.

"Dapat kasi nagpadagdag siya ng talento, hindi dibdib."

Hindi ko kontrolado ang aking pagnguso at lumihis kay Dean ang aking paningin.Gusto ko lang makita ang reaksyon niya. Bet it feels like a salt to an injury for whoever she directed those words to.

Nakayuko si Dean, tinitigan ang paa niyang ginagalaw. He seems trying to ignore the woman's statement but he can't.

"She should have enhanced her potential, too. Not her nose. Yet, it's a norm in showbiz. Magparetoke o hindi, mahuhusgahan ka. So what was she thinking while denying the surgery rumors? Para sabihang natural beauty? Oh, bitch please."

She rolled her eyes, then closed her lipstick. Pinagdikit niya ang mga labi upang mas magpantay ang kulay. All of a sudden, I want Madam Vee to be my instant mother.

"Madam Veeta, Scorcha's done." Sumilip ang isang staff sa pintuan.

"Alright!" Sinara na nito ang bag at hinarap ako. "Darling, if this man throws shades at you, my door is open for a P.A position. I like you."

Ngumiti ako. "Thank you po."

Matagal pa itong tumitig sa akin saka ito lumakad. Her stilleto never failed to intimidate the room with its clicking noise.

"Heed to my warnings, Dean!" pahabol ng ginang bago tuluyang nakalabas.

Gumapang pabalik ang bigat ng hangin sa kwarto. Such an irony that in this wide room space, it's suffocating. No one dared talk. Ayaw ko ring pansinin si Dean dahil nasaktan talaga ako sa inasta niya. I've had my share of his rash attitude, it's time for me to have a rest from the treatment. I will do my job silently without having to talk to him. Just for today.

Napabaling ako sa hamba dahil sa narinig na kaguluhan sa labas. Palapit nang palapit ang ingay. May pumalakpak at karamihan ay mga pagbati. I think that's Marcus's voice laughing outside.

"Where is he?" boses ng babae.

Bigla ang pagbugbog sa akin ng kaba at binibingi ako. My blood was suddenly splashed with cold.

"Dean!"

Hindi ako makagalaw nang makita kung sino ang pumasok sa dressing room at masayang dumiretso kay Dean upang yumakap.

I ignored the other people who came in which I'm sure are directing their stares at me right now. Sa kanya lang ako nakatutok. Kinikilatis ang maalon at light brown nitong buhok at manipis na baywang.

"I missed you! I brought something for you from New York. You would love it, I'm sure." She cupped his face and kissed him in the cheek.

And he lets her do it right infront of everyone. Infront of me.

Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko. Lumalamig ang nabasang parte ng aking pisngi. Halos matumba ako sa akmang pagtayo sa nanghihina kong mga tuhod. Hindi ko nilingon kung sino ang tumulong sa akin upang maitayo ako nang maayos.

Humarap ang babae rito na nakakabit ang braso sa baywang ni Dean. He looked at me so intently. When his jaw clenched, I'll never know what it means.

Mui kong binalingan ang babae nang suminghap ito. In her rounding eyes, she saw the recognition. Ilang beses siyang kumurap bago hinulma nang mabuti ang ekspresyon sa pagiging kaswal. Ang pagbabago sa kanyang itsura ay hindi ko alam kung gawa ba sa paglipas ng mga taon o sa makabagong teknolohiya.

"H-hi...Ruth." Her innocent honeyed voice injured my hearing. "What is she doing here?" I heard her whispered to him.

Nanginig ang aking mga kamay. Gusto kong umuwi sa condo ng pinsna ko at doon magbasag ng mga gamit!

Hindi ko na mailarawan ang puso kong nagwawala sa kulungan at nais sumabog sa galit, poot, at marahil pagtataksil. Pakiramdam ko pinagtutulungan nila ako. Gigil na gigil ang mga kuko kong tinataga ang aking palad. Mabilis ang aking paghinga. Gusto kong sumigaw at saktan sila at ang sarili ko.

"How's everybody? Marcus, you handled them pretty well..."

Naglaho ang ngiti ng kakapasok na babaeng alam niyang kinumumuhian ko nang walang kapantay. Alam ni Dean! Alam niya! He was there when I cried for her! Sinamahan niya ako nang magluksa ako sa galit ko sa aking ina!

Muli kong binalingan ang babae. Mukhang ikinagulat pa niya ang bigla kong pagbaling sa kanya muli. She uses her shock and fear to her advantage. Sinusundan ng nagtutubig kong mga mata ang paggapang ng kamay niya pababa sa kamay ni Dean at pinagsiklop.

She smiled at me. Wala akong makapa upang tulungan akong makahinga. Namamanhid ang buo kong katawan. Hinihila ako pababa ng bigat ng sakit at kahinaan.

Hindi ko maramdaman ang labi kong nanginig sa unti unting pagganti ko ng ngiti sa kanya.

Kay Jillian.

Bitch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top