TEN

Bumagyo ng hiyawan hindi pa man nakaakyat ng stage sina Dean. We're in a different bar tonight at ito pa raw mismo ang nag-imbita sa kanilang tumugtog. Erika was supposed to go with me pero may bisita raw sila sa bahay at kailangan siya roon.

Dad:

Be home before 12.

Uminit at gumaan ang pakiramdam ko pagkabasa ng text ni dad. Mabilis akong nakapagreply ng 'okay' saka tinugon din ang text ni Erika tungkol kay Kiefer. Her crush is not here.

Halos hindi ko na matandaan kung paano ako napapayag na sumama sa pagdoble ng ingay nang umakyat na sila. Napilit yata ako ni Dean. I don't know. I don't want to think about that now.

Pakiramdam ko babagsakan na ako ng mga ilaw. Tumindig ang balahibo ko sa panibagong tilian. Wala sa sariling dinaramdam ko ang tigas ng mesa at tinantiya kung paano mapoprotektahan ang ulo ko sa oras na magtago ako sa ilalim.

"OhmiGod! Ohmigod! Anong name ng bokalista?"

Parang matitilapon ako sa labas sa nakakabingining sigaw ng babae sa likod ko. Hindi ko alam kung laway o pawis na ba ang tumatalsik sa balat ko habang tumatalon at sumisigaw sila ng mga kasama niya. Para silang mga kakatayin na baboy!

"Ay sorry, ate..."

Tipid na ngiti ang tugon ko sa babaeng tumama sa aking silya. Naghagikhikan ang mga kasama niya. Iyan, ang lilikot kasi!

Wala nang bakanteng mga seats kaya nakatayo na lang ang mga bagong dating. At since nauna ang banda kasama ako, nakapamili ako ng pwestong uupuan. Iyon nga lang, nahaharangan ng mga nakatayo ang paningin naming nakaupo.

Kailangan lumapit ng ilang bouncers sa harap upang pigilan ang mga babaeng nagwawala at pinapahaba ang mga braso para kay Dean. Pinasidahan nito ang buhok bago kinuha ang acoustic guitar sa gilid ng mic stand.

Kita ko ang pag-iling ni Will na naghahanap ng magandang tono sa keyboard. Skylar found delight watching Cashiel trying to steal the girls' attention away from their vocalist. Tumawa na rin ako.

"Nakakapawis ang mga sigaw nila!"

Pamilyar sa akin ang babaeng pumapalakpak sa tabi ko. She's at my batch but I don't know her. Ang alam ko lang masaya siyang walang pinapansin niisang babae si Wilmer. Not just girls. Wala talaga siyang pinapansin!

"Shh..." Dean's attempt to calm the crowd. I see he's trying to be creepy and authoritative but failed. What people think from what he did is actually sexy!

Dinikit niya ang daliri sa kanyang labi habang nang-aakit ang mga matang binibendisyunan ng paningin ang bawat isa sa amin. Pati yata mga bouncer nanlambot sa ginawa niya.

Tss. He really knows how to pull each and everyone's attention and making that lasts until in your dreams. Sabihin man nilang hindi sila Metaphoricals na wala ang bawat isa sa kanila, let's admit it, the crowd mostly wants the most eye-catching. Not to mention na talented pa at malakas ang hatak.

"Shet! Anong pangalan mo kuya?" sigaw ng nasa likod.

Nag-crack ang salamin ng tenga ko at nagtalsikan ang mga tutuli.

Damn. He can make other people do illegal things without even having to will them. Dapat makulong ka na, Dean! You're killing the girls here. Kinakatay na ang mga 'to!

I heard a girl somewhere at the back asked one of the staffs of the bar about Dean. Mula roon ay binaha na siya ng mga tanong ng iba. School, age, address at kung may girlfriend na ba raw. Napairap ako.

"Dean! Dean daw pangalan!"

"Dean ano? Iyong full name! Bilis!"

Hindi ko akalain na kaya nilang ma-obsess nang ganito. I've never been obsessed of something my whole life. I could never imagine myself.

Maybe I am only worried investing on things deeply sa puntong ikukulong na ako nito. It's terrifying for me. It scares me to be enclosed by this unknown where I couldn't get myself out from.

The crowd is getting more out of hand so they decided to start playing the first song. Marahang natawa si Dean at nagtagpo ang aming paningin. Ginawaran ko siya ng nanunuksong ngisi.

That day he taught me how to play the drums was not the last. Hindi raw ako matututo sa iisang session lang. Iyon pa lang naman ang natutunan ko. I still beat like a rookie, though.

Nasasanay na ako sa mga panunukso niya. It's fun actually. Sa susunod ay sa guitars na kami. And the look he's giving me right now tells me that I should watch his hands play first before I learn.

Tss. Naghahamon pa ang kilay niya. Ang yabang talaga!

"I want to live forever, inside the nights and days..."

Unti-unting iniihip ang ingay nang magsimulang kumanta si Dean. Time stands still as his sad and haunting voice echoed in every corner of the room and in the narrowest arteries of the hearts of the audience.

Sa tingin ko'y ang iba sa mga narito ay hindi talaga sila kilala noong una. Nakiisa lang sila sa nagwawala dahil sa kanilang mga itsura.

Until they heard his voice. Until they beheld them play the music...these poeple would surely go home becoming a fan of the band and it wouldn't be because of their looks anymore.

Dapat lang. Hindi lang naman si Dean ang may talento sa kanila. Wilmer, surprisingly for me, does the keyboards very well kahit bass ang expertise niya. Sky as always is rocking the drums and Cash is...Cashiel.

"I wanted to turn you on, my favorite song..."

I'm sitting here watching them, thinking how this setup differed from their previous ones. They usually start with an upbeat track. Mabagal ang kantang ito at...nakakapanghina. Wala nang niisang nagsalita pa at nalunod na sa kanila.

I want to witness how these people get entranced by the band kaya sinuyod ko ang aking paningin. Nakatutok lahat sa kanila, may nakikita pa akong nakanganga. Every view my eyes drank in punches a fist of pride in my chest. Ayoko nang isipin ang kakaibang pakiramdam na ito.

Sa kabilang table ay may nagbulungan sabay tinuro ang stage. Tumango ang isa sa kanila. They looked too formal to be in a bar. Naisip ko tuloy na may koneksyon sila sa isang malaking kompanya. I can't help but think about their offers.

"I heard there's a tiff that happened backstage a while back." Nagsalita ang babae sa tabi ko.

She may be an avid admirer of Wilmer, kita ko naman kung paano siya namangha sa pagkanta ni Dean.

Nilingon niya ang pananahimik ko. Ngumiti siya sa aking pagtataka. Does she know me? 'Cause I don't really know her.

"It's one against the three of them. Nilapitan sila ng talent agent ng isang sikat na recording company. A three album offer daw. Tumanggi silang lahat maliban kay Dean."

Nag-uunahan ang mga tanong sa utak ko tungkol sa nangyari at tungkol sa babaeng 'to.

"The guys and Sky wanted to finish school first before they want to involve themselves fully into making their band extend to the wider audience."

"And Dean wanted it. He wants the band to get signed," pagtatapos ko nang maunawaan ang tinutukoy niya.

Naging interesado sa akin ang kanyang pahayag at kinalimutan na ang pagtataka ko.

"Right away." Tumango siya. "Kaya naman daw silang hintayin ng kompanya. But Dean wants to grab the gold pronto."

Nakikita ko ang sariling nakaupo na rito sa silya habang may nagaganap na pala sa likod. Kung ano man ang nangyaring alitan sa banda kanina ay hindi nila iyon pinahalata. The tiff is part of it. Hindi iyon maiiwasan.

Nadagdagan lang ang paghanga ko sa kanila. They can already afford to be professionals at that age.

"I love you with a fire, ablazing till time's end..."

Dean's voice pulled my attention back to the stage. Sa pagdiin niya sa tono ay tila ba pinaparinggan niya ako at dapat ibalik ko ang tuon sa kanila.

How can a guy as young as him sings with so much emotion? Parang may pinanghuhugutan talaga. May gigil at intensidad at makikita mo iyon sa ekspresiyon niya at mga hand gestures.

As though he's been through that same path whatever heartache the song evokes. Nararamdaman natin ang bigat ng kanta sa paraan ng pagkakakanta nito. And Dean just gave justice to the emotion. To the song.

Can we feel the hurt without actually going through the pain? Or maybe he felt familiar to it that's why he can connect. And when he can connect with it, the people do, too. We affect other people with what we do. Dean, the band...they affected us with their passion.

Hindi ko maawat ang sariling kaliskisan ang nararamdaman niya base sa kanyang ekspresiyon. I could tell that he feels too much when he's that vulnerable without being actually vulnerable. If other people can't hurt him, the song would. He is that connected and it opened a threshold of my interest.

I wonder how it feels...

"Excuse me ma'am, may nagpabigay po ng drinks sa inyo."

Dumapo ang mga mata ko sa nilapag na glass ng lalakeng server. It looks like a lady's drink na may payong pa sa gilid.

"Sino?" tanong ko sa server.

May minuwestra ang palad niya sa 'di kalayuang table. There I saw a few guys...or probably men drinking their beers. May isa roong nag-angat ng bote sa bibig niya at nakatitig sa akin.

Tinaas niya ang bote na parang alam niyang siya ang hinahanap ko, and that is his way of introduction to me.

Well...he's not that bad looking. He just creeps me out, though. Gusto kong isulat ang salitang MINOR sa noo ko just in case.

"Holy shit! He really nailed that note right there! Kudos!"

Sa pagbabalik asikaso ng aking atensiyon sa stage ay nagpalakpakan na ang mga tao. The people are chanting for an encore but Dean's nowhere to be found. Kumunot ang noo ko habang hinahanap siya. Kita ko pa ang inosenteng pagkakamot ulo ni Cashiel.

Kusa ang pagikot ng ulo ko sa dakong may tumili. I instantly saw Dean on that table talking to the guy who bought me a drink. I almost forgot about it.

Does he know him? Or those guys on the table? Ngunit habang tumatagal ay nag-zoom in sa aking paningin ang nangyayari. Naglalabasan ang ugat sa leeg ni Dean. Nakita ko pang dinuduro niya ang lalake.

Kinabahan na ako kaya mabilis ko siyang pinuntahan.

"You don't hit on my girl! You hear me?"

Mabilis ko siyang nilapitan pagkarinig ng halos pasigaw niyang boses. On instinct, I held his arm to let him know my arrival. Halos bumitaw ako dahil sa init kalakip ang pamamawis nito.

Nilingon niya ako dala ang walang pinagbago niyang matalim na tingin. It's like he's blaming me for this, too!

I know he's too intense looking but I never thought he could still go further as to triple that when angry. He really feels too much. Ramdam ko ang pagpipigil niyang manuntok sa panginginig ng kanyang braso.

"S-sorry...I didn't know." Nauutal ang lalakeng nagbigay sa akin ng drinks kanina. I could feel his regret as well as his sincerity.

Napailing ang mga kasama niya sa mesa, tila ba kinakahiya ang kanilang kaibigan. Lima sila at ang tatlo roon ang ngumingisi. They seem to have one to many drinks already.

"Well now you damn do," malamig at may rahas na usal ni Dean. "So you fuck off. No trespassing on my property."

"Dean, ano ba!" Hinila ko na talaga siya. Ano bang pinagsasabi niya?

Nang hindi ako tinitignan ay umikot siya sabay huli sa aking kamay. Giniba namin ang grupo ng mga kuryosong tao habang hinihila ako. Nagawa ko pang taliman ng tingin ang isang babaeng nagnakaw ng haplos sa tiyan ni Dean bago ito tumili.

Umuna ako sa paglalakad at ako na itong humihila sa kanya nang matanaw ko ang backstage. Sinandal ko siya sa pader. Hinihingal ko siyang tinitignan na unti-unti nang pinakawalan ng talim na para sa lalake kanina.

"What was that, Dean?" mariin kong tanong. He knows what I'm talking about.

Hindi ako sigurado sa itatanong pero ramdam kong may dapat akong kainisan sa ginawa niya kanina. Ramdam kong may ibig sabihin iyon. It's only him who could tell so he better answer me!

"I don't like him," simpleng sabi niya, nasa bulsa ang parehong kamay. "I saw what he did there, Ruth. I'm not happy."

"Wha—" Habang nagbubukas sara ang bibig ko'y nangangapa ako ng sasabihin. I don't know if I should laugh or what. "Nagmagandang loob lang naman iyong tao. He's giving me a drink."

"Giving you a drink!" bulalas niya. His frustration is very evident like a red stain against a white cloth. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng ginawa niya? He wants you, Ruth! That motherfucker of an idiot is hitting on you!"

"But you don't have to say that I'm your girl because I'm not!"

Walang ibang reaksyon ang mukha niya maliban sa pagtataas kilay. Para bang nakakatamad sa kanya ang mag-react. Pati paghila sa sarili paalis sa pagkakasandal ay mukhang napipilitan lang siyang gawin.

Galing sa bulsa ay humugot siya ng sharpie pen. Kinagat niya ang takip upang tanggalin. Nanatili ang takip sa kanyang bibig. His eyes never left mine.

Singhap sa gulat ang nagawa ko nang hinapit ng isang kamay niya ang aking baywang saka inikot upang ako na ngayon ang isandal sa pader.

"A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong.

Sobrang seryoso ng mukha niya na hindi yata tatalab ang kahit anong patawa. Humihingal ako habang papalapit ang mukha niya sa leeg ko.

"Dean..." I whimpered. Nilunok ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Umaalon ang tiyan ko't handa nang ilabas lahat ng nainom ko mula kanina.

Hinila niya ang neckline ng shirt ko. Nilulunod na ang ingay ng crowd at boses ni Cash ng masidhing kaba. Handa na ang kamay kong itulak siya ngunit hindi bago dumampi ang dulo ng sharpie sa ibabaw ng aking kaliwang dibdib.

Tahimik akong humihingal habang may sinusulat siya kung ano. Tikom ang aking bibig. Tahimik kong tinititigan ang mukha niya habang nagsusulat. Nag-uumapaw pa rin ang intensidad ngunit pumungay ang kanyang mga mata.

Nahagip ko ang papasok sanang staff na agad ring lumabas nang makita kami. Mariin akong pumikit. Now what are they going to think about this?

Animo'y apoy ang nakakabinging kaba ko na mas sumiklab pa sa pagpakawala ng hangin ni Dean. My skin burned. Tumigil siya nang lumunok ako, sa leeg ko siya tumutok bago lumipad ang tingin niya sa aking mukha.

Tinulak ko ang karayom ng pakiramdam at agad nag-iwas. Dinungaw ko ang kanyang sinulat.

Dean Cornelius Ortigoza the Fifth's girl.

"With my signature..." aniya habang ginagawa nga ang pirma sa ibabaw ng kanyang pangalan.

What the hell?!

Nakahinga ako nang maluwang nang umatras siya. Tumunog ang pagbabalik takip niya sa sharpie.

"Ayan, may angal ka pa? Ipapa-notaryo ko na 'to para maging legal," aniya at pinasak ang sharpie pabalik sa kanyang bulsa.

Oh my God. This. Is. Crazy. This is so so mad! Hindi ko alam kung ano pa ang iisipin sa kanya. Habang siya ay aliw na aliw sa pagkakalaglag ng panga ko. Hindi malaman kung dahil sa gulat o mangha. You're a legend, Ortigoza!

Mabagal akong umiling. "You're crazy, Dean."

Sa pagngiti niya ay pinapaalalahanan ako nitong wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Damned if you do, damned if you don't! I don't know what comes after this. He would give a zero fuck for sure.

There's nothing between us. But the way Dean acted, surely, there's something to assume about us.

"I heard about what happened! Kalat na sa buong school!"

Talaga ngang may taga school na nakakita ng pangyayaring iyon sa bar. I can't even talk to some of my guy classmates anymore dahil lalapit pa lang ako ay lumalayo na sila. Parang ako ang tagahasik ng epidemya!

Naman...sa buong school? Pwede namang sa fourth year lang." Masahe ko sa aking ulo.

"Ano ba tingin mo kay Dean? Sa seniors lang sikat? Inday, kahit sa elementary may lumalandi sa kanya," ani Erika habang ngumunguya ng bubblegum.

Kumulubot ang ilong ko. Ayaw ko nang isipin kung paano nila ginagawa iyon. I just want to talk to Dean about this pero ano naman ang pag uusapan namin? The people are already assuming things.

May iba nga akong nahahagip na parang may gagawin silang krimen sa akin mamayang gabi. Tapang mo pa last week, Ruth. E, ngayon? Naduwag ka sa mga admirers ng na-link sa 'yo! Iyan! Tapang-tapangan ka pa. Hindi na uubra ang spike mo.

"Simeon!"

Tinaliman ko ng tingin ang mga kaklase kong tinuturo ako bilang representative sa Ms. Intrams. They do that every year pero palagi akong may excuse. Last year was because I don't want to vie against my sister.

Nagsabayang sambit na sila sa apelido. They reminded me of freed apes in the zoo.

"Ms. Simeon?" May pinapahiwatig ang tinig ni Madam Guinito. She makes the decision, it won't always be our classmates' choice. But her suggestive face is telling me that she's agreeing with them.

Umiling ako. "I'd be playing for badminton, Madam."

Binalingan ko ang class secretary namin na siyang may lista sa kung anong mga laro ang sinasalihan ng bawat estudiyante sa aming klase.

Siniko ako ni Erika at binulungan. "Sinadya mong mag try out para hindi ikaw ang gawing representative noh."

"Ngayon mo lang na –gets?" bulong ko pabalik. Hindi ko man naisip ang sinasabi niya pero sinabayan ko na lang.

Malakas niyang tinulak ang ulo ko. "Mautak ka rin, e."

Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan ang bigong mukha ng aking mga kaklase. Lumilinga linga ang iba sa kanila at naghanap ng may itsura.

"Erika, Madam!" Tinuro ko ang kaibigan kong pilit binababa ang aking kamay.

"Ruth!" angal niya.

Sumang ayon ang buong classroom kaya wala siyang nagawa lalo na't siya ang napiling representative sa team namin. She topped the screening. Kailangan lang i-work out ang lakad niya.

Halos hindi niya ako kausapin buong lunch.

"Ayaw mo? Matatanggal ang panga ni Kiefer sa ganda mo," pampalubang loob ko.

Hindi siya sumagot. Yet I know she's considering it. Kita ko ang ismid niyang isang pahiwatig ng digmaan sa gitna ng pagngiti at pagnguso.

"Simeon."

Hindi ko pa nalingon ang nagmamay-ari ng baritonong iyon ay kaligkig nang napasinghap si Erika sa tabi ko. Bigla kaming nahiyang kumain. Kahit yata anong gawin niya ay nakakahiya kapag si Kiefer na ang kaharap.

"Sir," aking tugon saka tumikhim. Speaking english almost missed my mind lalo na't officer ang kaharap namin.

Bokya sa emosyon ang mukha ng bunsong Ortigoza nang tinanguan ako saka may inabot na libro. Hindi ko agad iyon napansing dala niya. It's my Filipino book Dean borrowed yesterday.

"Where's Dean?" tanong ko pagkatanggap ng libro.

Binuksan ko ang pahina sa ni-lecture nila kahapon. Bumagsak ang kalamnan ko na walang matagpuan niisang side note. I'm not used to this sudden change.

"He's absent for this afternoon."

Lumalim ang bagsak ng aking kalamnan. Halos hindi na tumalab ang ngipin kong pinuhin ang ningunguya. Bakit siya absent?

Sa wari'y may hinihintay si Kiefer galing sa akin sa moda ng pagtitig niya. Alam niya kung ano at gusto niyang itanong ko iyon. I didn't give him the satisfaction. He should be leastwise interested, not curious.

Tumikhim ako at umayos ng tayo tanda ng pag-iiba ng usapan. If the people are assuming, and his brother is one of those who do, ipakikita ko sa kanilang mali ang iniisip nila tungkol sa amin ni Dean. And I should start from his brother.

"By the way, sir, Erika will be our representative for Ms. Intrams," nakangiti kong pahayag.

"Oh yeah?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Maigi akong tumango. Nilingon ko si Erika at halos bumigay ako ng tawa sa nakitang pamumula ng buong mukha at leeg niya. Kung buhangin lang ang kanyang libro ay nailibing na siya nang buhay!

"Don't you want to congratulate her?" Sutil ang aking ngiti at gustong lumabas. Sasabog ka na, Erika!

Sinulyapan niya ang katabi ko na angat na ang kilay. Para bang hinahamon niya itong manalo.

"Why should I congratulate her? She has to win first."

Tinalikuran na niya kami pagkatapos at tuloy tuloy na naglakad, ignoring the people under him who made a time to stopped by just to salute.

Bigla akong tinulak ni Erika at hinila ulit upang ilublob lang ang mukha sa balikat ko at doon tumili. Napangiwi ako sa higpit niyang kuyumos sa aking braso.

"Nape-pressue na ako, Ruth! Kailangan kong manalo!"

Kaya sa mga sumunod na araw ay malimit akong nag-iisa dahil mas kasama ni Erika ang kapatid ko upang magpaturo ng tamang paglalakad. This is Sue's radius, so I'm out of it.

Mangiyak-ngiyak kong sinubsob ang mukha sa aking Math book. Minadali ko talaga ang pag-kain upang akitin ang mga numero para sa quiz mamaya. Kailangan kong bumawi sa mga bagsak kong scores last week. Hindi ako sigurado kung kaya ko pang umatend sa practice kapag babagsak ako rito.

May naramdaman akong presensiya sa harap ko. Kaunti lang ang ginawa kong pag-angat ng ulo sapat upang makasilip.

Lalong tumangkad ang tingin ko kay Dean pagkatapos siya hindi makita ng ilang araw. And now he's greeting me with an unreadable expression.

Tumamlay lalo ang tingin ko sa bag niya nang balewala niya lang itong nilapag sa mesa saka hinila ang upuan sa tapat ko. Umusog siya at hinimlay ang mga braso sa table at tinatapik ang mga daliri.

"Two days kang absent," puna ko. Four days. I haven't seen him for four days.

"You noticed?" Dikit ang labi niyang umangat. "You missed me?"

Binanat ko ang pagkukunot noo sa libro ko. "Wala nang mga side notes sa libro kaya bumagsak ako sa quiz last week."

"Aww...talaga?" pekeng simpatiya niya. He knows I'm lying and is enjoying every second of riding with it.

Inirapan ko siya habang humihikab. Hinilig ko ang aking ulo sa kamay ko habang tamad na iniintindi ang equation na pinapaslang ang utak ko. If math is a language from another country, I don't want to go to that country. Never!

Nahuli ko ang pagbaba ng tingin ni Dean sa parte ng dibdib kong sinulatan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatanggal. Reminded by that night, para bang naa-activate ang init sa aking dibdib sa tuwing tinititigan niya ang kanyang sinulat doon.

Ngumisi siya pagkakitang bakat na bakat iyon sa manipis at puti kong uniform blouse. The perv!

Bahagya ang tawa niyang inagaw ang libro ko upang iharap sa kanya. His brows met. Marahan siyang lumabi nang dinaplisan ako ng tingin bago binalik sa pahina ang mga mata.

"Bakit ka absent?" tanong ko habang pinapanood siyang may dinudukot sa kanyang bag.

Kita ko ang pag-angat ng labi niya. Oh yes Dean, I'm interested. Happy?

"Flu," maikling niyang tugon.

Hmp. Flu lang pala. I'm sure ginawa niyang excuse iyan para hindi makapasok sa school.

Naglabas siya ng mga papel, inayos ang pagkakatupi ng mga ito bago nilapag sa harap ko.

As if he's telling me something, kinuha ko ang mga iyon at sinuri isa-isa. They are corrected papers. At bilang lang ang nakikita kong may isa o dalawang mali. What. He perfected this?

"Saan mo kinopya 'to?" walang hiyang tanong ko.

Natawa siya. "Sila ang nangongopya sa akin."

Hindi sadyang umangat ang dalawang kilay ko.

"This, coming from the guy who doesn't meet the importance of education," umiiling kong sabi, mangha pa rin sa nakikitang almost perfect scores niya. I. Can't. Believe this!

Binabasa ko talaga muna ang kanyang pangalan upang kumpirmahin na sa kanya ang papel. I just don't want to believe this!

"I may have hinted on it, but it's not really what I meant. The whole point there is, I just don't like to go to school." Umusli ang ibabang labi niya saka nagkibit. He dragged his eyes back to my book. "But I guess that's changed now," mahina niyang dagdag.

Inayos ko ang pagkakapantay ng mga papel at kinawag sa kanya. "And why are you showing me these corrected papers?"

Pumormal siya ng upo na hindi ko akalaing babagay din pala sa kanya. He has always been laid back.

"My qualifications for me to teach you math."

Matagal ko siyang tinitigan, tinitimbang ang katotohanan sa malalalim at berde niyang mga mata.

I wish hazel green is not the color of wrongs and lies but the hue of truths and rights.

"Sigurado ka bang hindi mo 'to kinopya?"

Pinalaya ng ngipin niya ang ibabang labi at tumawa nang marahan. Why o why does his roguish smile and arrogant face so damn attractive?

Bumitaw siya sa pagkakasandal sa silya. Nilapat niya ang palad sa mesa at tinulak ang sarili palapit sa aking mukha. Pinaghandaan kong marinig ang mahina niyang boses na magaspang at halos bumubulong.

"Hindi ako ganito ka confident na turuan ka Ruth kung kinopya ko lang iyan. Do you think I would have the blue balls to teach you false information? Think again. I don't want you to fail."

And I don't want to harm his ego through not believing him further, kaya nanirahan ako sa paniniwala sa kanya. I'll take a bite at his offer. Kung papasa ako mamaya, I'll pat myself on the back for taking the choice of trusting him.

"Saan ako uupo?" tanong ko.

Crooked smile. "Do you want to sit at my lap while I teach you?"

Hinampas ko siya ng mga corrected papers niya sa ulo.

"Ara—Ouch!" Mabilis siyang nakagpalit ng lenggwahe nang dumaan ang working scholar na assistant ng librarian.

He's nursing his affected head. Ngumingisi pa rin. Sumasabay rin ang kilay niyang mapagmataas!

"Ewan ko sa'yo Dean! Mababaliw ako sa'yo!" marahas kong bulong sa kanya saka binawi ang libro ko. Padabog kong nilapag sa harap niya ang mga papel.

If he's not serious with his offer and is only here to make fun of me, then I'm going to study alone!

"What is it, Ruth?" tahimik niyang tanong na halos hangin na lang itong binuga ng gaspang sa kanyang tinig.

"Huh? Ano?" medyo iritado kong balik.

Napatitig ako sa namamangha niyang mukha na tuluyan na nitong nakalimutan ang biruan kanina. Wala akong maramdamang hangin galing sa nakaawang niyang bibig.

I have never really seen Dean in awe of something. I never knew what pleases him. Yes he laughs, but what makes him truly happy? What keeps him entertained?

"Mababaliw ka...sa 'kin?"

Hindi na ako nakaimik. Wala akong makapang mga salita upang baguhin ang paniniwala niya sa sinabi ko.

Mabigat na hangin ang pinakawalan niya na tila ilang siglo na iyong nakakulong sa kanyang baga. Hinampas niya ang mesa saka pabagsak na sumandal sa silya. Hindi pa rin siya pinapakawalan ng mangha nang tumingala sa kisame. Pinapanood ko lang siya at naweweirduhan sa kanyang kilos.

Bahagya siyang tumawa. Umiiling at parang hindi makapaniwala. Binasa ng dila niya ang labing nakaawang.

"Sa lahat ng magiging sakit mo, iyang pagkabaliw mo sa 'kin ang ayaw kong may lunas."

Nasapo ko na lang ang aking noo at nag-aalalang tinitigan ang mga numero sa libro. Oh my God. This can't be...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top