ONE
Post summer of 2008 was the preamble of everything.
Maingay kaming nag-unahan ni Sue na makarating sa microwave pagkatunog nito. Hinuli ko ang braso niya upang iatras siya palayo ngunit ni hindi nangalahati ang lakas ko sa kanya.
"Ako nauna! Ako magbubukas!" asar niya nang makawala sabay agaw ng mitten mula sa akin at dinila ako.
"Daya mo!"
Umikot nalang ako sa counter upang kumuha ng mga plato. Akala ko kasi mapagsabay ko ang pagkuha ng mitten at ang pagtapik sa oven kaya siya tuloy nauna. Little did I know, my younger sister's arms were longer. Kapwa kami matatangkad ngunit mas angat siya sa akin nang dalawang pulgada.
Dahil weekend at walang pasok ay naisipan niyang gumawa ng lasagna. Cooking is her first love. Taga nood lang ako at taga tikim. At dahil siya ang naunang makarating sa oven ay ako ang maghuhugas ng pagkakainan namin. Ako ang magpapakintab ng kusina!
"Ang bango...kainin na natin iyan," natatakam kong sabi sabay lapag ng mga plato sa island counter. Sue's undivided attention was full on slicing the pasta.
"Wait lang. Si dad muna..."
Umupo ako sa high stool at pumalumbaba. Galing sa hinahati niyang pagkain ay humiwa sa kanya ang paningin ko saka tumitig.
Seeing her serious face reminds me of our mother. She's more on the Spanish side samantalang kuha ko ang halong Kastila at French features kay daddy.
Mabilis ko ring ibinaba ang mga mata sa lasagna. Now that's a better and edible view. Because Sue's serious face is exactly the look my mother imprinted in my memory before she turned her back away from us. Suitcase in her hand. A barrel bag on her shoulder.
I was young kaya hindi ko pa naiintindihan noon. I was laced with blissful innocence and thought fairy tales and reality are one. Akala ko'y nag-abroad siya, kaya iyon ang dinala kong paniniwala hanggang sa lumaki ako't humulma ang matinong malay at maraming napagtanto.
Leaving never sounded appealing to my hearing sense. Puwera na lang kung may magandang naidudulot ang pag-alis. Either a new beginning. New story. A change of outlook. As a kid, I had this inference that if someone leaves, we would feel the fresh start dahil may nabawasang tao sa buhay mo.
But then, it never got light. Her leaving left a heavy burden.
She left us with my father who I respected very well for upkeeping his marriage to her. Hindi siya naghanap ng iba. May nireto pa si Sue sa kanya na biyudang ina ng classmate niya pero tinawanan lang ito ni dad at inilingan.
The proverbial circumstance that the good people were the ones being left behind in the end. Someone who has been faithful, or stays true to their marriage. Kung ano man ang nagawa ni dad, I'm sure that's forgivable. I had a frontseat show how my father handled my mother leaving.Whatever he did, that shouldn't have been her reason for doing what she did.
That entails me to not be good all the time. Kahit ano naman ang ugali mo, kasing bait ka man ng santo, iiwan ka pa rin. May iiwan pa rin sa iyo. Notwithstanding your innocence.
Thinking about that past doesn't sound appealing to my appetite either kaya bago pa ako maanod palayo ng utak ko ay kinain ko na ang nasa aking plato.
Saktong lumagapak ang mga tsinelas ni dad pababa ng hagdan kasabay ang boses niyang may kausap sa cellphone.
"O sige, itatawag ko iyan kay Nelson. Sabihin mo kamo na bilisan na. The project deadline is fast approaching..."
We're used to dad's late night calls from clients and employers of the construction company to where the main branch is in Laguna. With his younger brother, our uncle Nelson, naipatayo nila ang kompanya simula nang nagtapos ito ng Engineering.
Siniko ko si Sue sa ambang pagkalabit niya ng cheese sa ibabaw ng lasagna.
"Kay dad iyan!" marahas kong bulong sa kanya.
Inikutan niya ako ng mata saka binawasan ang nasa plato ko. Gumanti ako at binawasan din ang sa kanya.
"Ano na naman iyang ginagawa niyo?" Mababang boses ni dad ang nagpalingon sa amin sa archway entrance ng kitchen. "Buti't hindi sumabog itong kusina. Kakalipat lang natin."
Lumikha ng ingay ang pagdulas ni Sue sa plato kaya doon tumuon ang mga mata ni daddy. He's always been the judge.
Nang makita ang pagkain ay huminga ito ng malalim at aliwng umiiling-iling. Sinilid na niya ang phone sa bulsa at lumapit sa counter.
I have his eye color. His father, my late grandfather, is pure French for that matter. Kaya siguro ako ang mas malapit sa kanya because my genes mostly came from him. It's not always been that way but that's just what I think. The fair skin, Cupid's bow lips, the narrow nose are just few and there are some that I couldn't point a finger on.
Hugis ng mga mata lang ang nakuha ko sa mother's side and that's from my half-Spanish grandmother.
"Hm. Tastes good," ani Dad pagkatapos makatatlong subo. Umupo na rin siya sa tapat. "Bakit hindi kayo mamigay sa kapitbahay? Ang dami nitong ginawa niyo. Mauubos niyo ba 'to?"
"Bakit ba ang bait mo, dad? Nakakainis." Si Sue at nilamon ang natirang slice sa plate niya.
"O, ikaw na mamigay ikaw naman gumawa niyan." Tumayo na ako upang makatakas. Marami pa akong gagawing assignments!
"Ang daya! Daddy tignan mo si ate ayaw ako tulungan. Taga-kain lang palagi." Tinuro niya ako gamit ang tinidor. Nakanguso pa siya. "Ikaw maghuhugas ng plato. Ako kaya nakauna sa oven."
Pumuwesto ako sa likod ni daddy. "Ako ang taga-kain pero ikaw ang tumataba!"
Arangkadang gumasgas ang paa ng upuan niya sa sahig pagkatayo ni Sue at ako'y sinugod. Umalingawngaw ang tawa ko sa bagong nilipatan naming bahay habang tumatakbo palayo.
"Ruth..." May babala sa tinig ng ama namin.
"Yes, dad." Maamo akong bumalik at pinandilatan agad ang kapatid. "Ito na. Tutulungan na. Hm!"
Hinati na namin ang mga ilalagay sa tupperware para sa mga kapitbahay. Bagong gawa ang subdivision kaya kaunti pa lang ang umuukopa sa mga kabahayan na two-storey lahat. The house my dad chose was too huge for only the three of us.
In fact, kakasimula pa lang ng construction sa extension nitong lumiliko sa kabilang baranggay. So it's a huge project. Another reason why we moved in here dahil isa rin ito sa proyekto ng kompanya nina Dad at uncle. Umaayon din sa mas malapit na distansiya ng eskwelahan.
"Diyan ka sa tapat, classmate mo naman nakatira diyan."
Tig-tatlo kaming tupperware ng kapatid ko. Masyado na kasing malayo ang iba kaya sa mga pinaka-kapitbahay lang kami namigay. Wala naman siguro magtsi-tsismis na nagdi-distribute kami ng pagkain.
"O tapos ikaw? Doon sa crush mong seatmate mo? Galing mo rin noh? Katorse ka pa lang, a," sermon ko kay Sue.
"Ihh...sige na." Maarte nitong dabog.
Tinaliman ko ng tingin ang suot niyang pink hairband na may sobrang laking ribbon halos matabunan na ang noo niya!
"Maghahatid lang ako ng pasta, hindi ako manliligaw sa kanya. OA ka." At tinalikuran na ako. Aba!
Pinanood ko siyang lumakad sa direksyon ng bahay ng classmate niya. Lumukot ng ngiwi ang labi ko sa nakitang ikli ng kanyang shorts. Dios porsanto! Tinalo pa ako sa kaartehan ng batang 'to!
"Suenami! Uwi agad, ha? Huwag tambay sa bahay ni crush!" tawag ko.
Lumingon lang siya upang dilaan ako saka mabilis tumakbo dala ang maarteng hagikhik.
Hinintay kong maglaho ang ingay ng palakpak ng kanyang tsinelas sa sementadong daan bago pinuntahan ang bahay sa tapat ko.
Magpinsan lang ang stilo nito ng sa amin. Modern, a contemporary combination of white walls and wood brown edges. Kasing kulay ang dark brown roof at double doors. Pinagkaiba lang ay mas marami silang halaman. Pumapalibot ito sa kanilang bakod at may nakikita akong sumisilip na mga pink bougainvilleas galing sa likod. Maybe those sprouted from their garden.
Papalapit pa lang ako sa gate nila ay sumalubong na sa tenga ko ang halong ingay ng drums, cymbals, strum ng gitara at kumakantang boses ng lalake.
Oh, it's my neighbor's band. Malimit silang tumutugtog sa school sa tuwing may okasyon at presentations. Minsan ay naririnig ko pa silang nagpa-practice sa recreation center sa gilid lang ng chapel at gym.
But I never stopped by to witness their practices. Dinudumog kasi, ayaw kong makisali. Sinasalba ko lang ang sarili kong mabingi sa tili ng mga babaeng fans nila.
Nakailang pindot na ako sa doorbell ay wala pa ring lumabas. I began to wonder if they have a maid and what occupied her. Panaka-naka'y tumatanaw din ako sa gilid upang abangan ang kapatid ko.
Nahagip ko ang sumilip sa bintana sa ikalawang palapag. Pamilyar na mukha ng lalakeng hindi marunong ngumiti pero marami pa ring umaaligid na mga babae. Huminto ang ingay kasabay ang anunsiyo nitong may tao sa malalim niyang boses.
Kawawa akong tignan na sinandal ang mukha sa kanilang gate habang naghihintay. Ramdam ko pa ang init ng lasagna. Natatakam pa ako kaya gusto kong bumalik sa bahay at ipagpaliban muna ito.
Maya-maya pa'y bumukas ang pinto nila saka pa ako umayos ng tayo.
Maingay ang paghila ng lock ng metal gate nilang itim. Pagbukas ay bumungad ang kilala kong third year student na si Cashiel. Minsan nang nanligaw sa akin ang kapatid nito kaya siya lang kilala ko.
"Uhm...wala dito si kuya. Ikaw ba iyong new girlfriend niya?"
"Huh?"
Ngumisi siya. Ang retainer nitong binabakuran ang mapuputi niyang ngipin ay kinikindatan ako ng kislap.
Bumaba ang mga mata niya sa hawak kong transparent tupperware. Dalawang kilay niya ang umangat.
"Para sa inyo."
Bago pa niya makuha ang inabot ko ay may lumabas na ginang na sigurado akong mama niya. They somehow share some identical features. Upturned and friendly eyes.
"Iha, pasok ka." Pagkasabi nito ay lumapit siya sa amin. Napawi ang ngiti nang binalingan ang anak. "Ano ba, Cash. Bisita iyan, bakit hindi mo pinapasok? Kapitbahay pa natin." At muli akong ningitian.
Namilog ang mga mata ni Cash at tinuro ang bahay namin. "Diyan kayo nakatira? Sa tagal nating mag-schoolmates ngayon ko lang alam na neighbors pala tayo."
Umiling ang mama niya at hinila na ako papasok. I was somehow surprised by the prompt welcome as though we have known each other for so long.
Ngusong sumunod sa amin ang anak na naitsapuwera.
"Halika , iha. May ginawa rin ako at balak ring ibigay sa inyo bilang welcome gift sa neighborhood namin," anito at giniya na ako sa loob ng bahay nila. Pati interior ay halos hawig lang din ng sa amin.
Hindi ko napigilang punahin ang suot nitong cotton shorts at vneck top habang sinusundan siya papunta sa kanilang kitchen. Her youthful face is making me guess her age. She seems too young to be a mother of two teen boys.
"Stay put ka muna diyan darling at malapit na itong maluto. Fifteen minutes. " Sandali niyang tinuro ang umiilaw nilang microwave.
Sinuri ko ang mesa. I saw some cake condiments and chopped meat and vegetables.
"May food preference ba kayo? Perhaps, more on vegetables?"
Sumandal ako sa likod ng isa sa mga silya sa dining. "Wala naman po. Si dad lang...medyo bawal sa mga mamantikain."
"Oh, I think carot cake is fine then." Ngiti niya akong sinulyapan saka binalikan ang ginagawa.
Kita ko ang pagiging abala ni Cash sa refrigerator nila. May nilabas siyang ice cubes, pitchel ng tubig at tumungo sa counter nila upang humakot ng french fries na sinilid sa malaking bowl.
That's too much cholesterol. Hindi ako nasanay sa mga ganyang pagkain dahil kay dad. His health is our concern all the more he'd be a lot busier with the upcoming projects.
"Cash dear, dalhin mo muna sa taas si..."
"Ruth po."
"Ruth, at nang hindi mainip dito. Doon kayo magkakasundo. You know, teenagers."
"And you're trying to be one, Ma," ani Cash at naglagay ng slice ng dala kong lasagna sa plato.
Nilingon siya ng mama niya kasama ang makahulugang ngiti. "Gusto mo ipakilala ko sa 'yo ang bagong boyfriend ko?"
"Ma!"
Napangiti ako sa sinsero at magaan nitong halakhak. I felt warmness enveloped in my heart. Though this weirded me out that I just met this family and I already have seen their unique bond that I find lacking in most families. Being here is like unlocking a family secret and this is what I found out.
I kind of wish to see something like that to my own mother. I believe that's one of the impossibilities now.
Sinundan ko si Cash paakyat sa taas ng bahay nila. Weirdo talaga na mukhang malapit na kami na papanoorin ko pa ang kanilang band practice. I tamped down the uncomfortable feeling that I would be invading their privacy.
We're schoolmates, yes, but we have never even had a head-nod encounter.
Although, ang isang kaibigan niya ay panay kong nakakasalubong sa hallway. Kami ang magka-batch niyon kaya sa same building lang kami. He's quite famous actually. Mahirap ang hindi siya mapansin.
Unti-unting hinihila ng lakas ng ingay ang distansiya ko sa kuwarto. Bukas ang pinto kaya una kong natanaw ang dark gray rug fur na hinihimlayan ng mga wirings at paa ng drums.
The unsmiling guy was tucked behind the drums set. Sinasabayan nito ang beat ng pagkanta ng vox nila na palagay ko'y siyang naggigitara ngayon samantalang wala si Cash.
"Kainan time!" anunsiyo nito.
Hindi sila tumigil sa pagtugtog nang pumasok kami. Seryoso akong nilingon ng hindi ngumingiting lalake. Ang singer nila'y nakapikit, nakakunot noo, nakikitaan siya ng focus sa pagkalabit sa tamang strings ng electric guitar.
Of course I know him. Who wouldn't be familiar to the infamous Dean Cornelius Ortigoza? Kahit saang year level ay kilala siya. Nobody can ever overlook him. Not just because of his tall height. His foreign looks is a dead giveaway that he is indeed, worshipped.
Ilang beses nang nagbangga ang mga paningin namin kada nagsasalubong kami sa hallway, canteen, gym at sa mga hagdan. My eyes with curiosity, his are...well not to brag but interest? I never entertained any of his glances because I am in a relationship.
Habang tila mga bodyguard naman ang mga babaeng umaaligid sa kanya. May babae sa kaliwa, kanan, likod at harap. Matindi ang bakod! Mas maliit nga lang ang mga bakod kesa sa binabakuran. Imbes na mga batuta ay red lipstick ang kanilang mga sandata.
Our situations are completely at odds with each other.
Siya lang ang nakasando ngayon sa kanila. Kulay puti na may print na palm tree at sunset. California sun. His devil-may-care bedroom hair, the color of sand brown, ay may bakas ng kanyang mga daliri na parang kakadaan lang ng mga iyon doon.
Sa gitna ng kanyang pagkanta sa isang upbeat na tugtugin ay dumilat siya at agad kong nahuli ang kanyang mga mata. Striking and intense. You could feel and imagine thorns and shivers shot to your skin and bones at upon crossing paths with those eyes.
Humina ang boses niya hanggang sa hindi na siya nakasunod sa kanta. His head suddenly stopped banging. Umawang ang bibig at gulat akong tinitigan tila isa akong aparisyon sa kanyang harapan. Namali na siya ng kalabit sa gitara. Wala na siya sa tono.
Seriously. Why is he looking at me like that? Makailang beses na kaming nagkikita, a? We're schoolmates. Duh?
"Dean! Nahuli ka na!" tawag ng hindi palangiting lalake at halata ang inis nito. In-emphasize pa niya sa malakas na paghampas sa cymbals.
That woke Dean from his dream-like state at pinilig ang ulo. "Sorry, nalimutan ko iyong lyrics." Disappointed sa sarili siyang napahilamos sa mukha at suminghap. "Nasaan na ba kasi ang kapatid mo?" Lingon nito sa lalakeng nasa drums.
Pinagigitnaan ako ng yelo sa narinig. He speaks the language fluently! He's not an all time American boy, after all.
Isa sa mga patakaran ng eskwelahan namin ay ang pagsasalita ng ingles. Buong akala 'ko'y hindi mahihirapan ang kanong 'to. Pwede rin pala siyang lumabag!
"Parating na iyon."
"Oy guys, masarap iyong dala ni Ruth. Lasagna," singit ni Cash, nilapitan na nito ang nakahilig na gitara sa pader sabay dighay.
Nito ko lang napansin ang interior ng studio. An overall dark red wall. Hindi lamang musical instruments ang nandito. The room's filled with music memorabilias; Vintage framed photos of The Beatles members and some 90's rock bands that I'm quite familiar of. Iba't ibang brand ng gitara ang nakadikit sa ibabaw na bahagi ng pader.
May itim na shelf sa kabilang panig na may mini replica ng mga musical intruments and Matryoshka dolls of music icons.
Ninakaw ang tuon ko ng paghampas ng seryosong lalake sa kamay ni Dean.
"Bawal ang may cheese sa 'yo. Not good for the voice."
Hindi maipagkakaila ang inis sa titig ni Dean sa kasama. That look could intimidate even you're not the object of that stare-down look.
"Dude, I consume my father's whiskey."
And I could tell by his hoarse voice. Hindi ko alam kung natural o dala ba ng alak.
But whiskey? At highschool? Say what?
"You're not twenty one yet!" bulalas nung suplado.
"So? You're sixteen. You smoke. Ano? Magaangatan tayo ng bawal dito?" aroganteng ganti ni Dean.
"Guys...kalma. Ruth's here to watch us practice so you two behave." Cash moderated. Hininto niya ang pag pluck sa gitara at nagpatuloy, "Will, ikaw muna sa drums habang wala pa kapatid mo. Dean would be on the lead then ako sa bass."
Sumipol si Dean. "Cool." At pinagpatuloy ang paghakot ng lasagna gamit ang tinidor.
I smiled inwardly. Sumakay din ang antisipasyon ko habang pinagmamasdan siyang sinusubo na ang pasta. Hindi ko alam kung bakit gusto kong matikman niya ang dala ko kahit hindi naman ako ang gumawa nito. I can just let them assume that I made it.
We really crave for other people's approval sometimes even if you have only met them. It somehow gives us confidence. Nakakabuo lang ng araw kung may pumupuri sa 'yo, gaano man kaliit o kababaw ang pagpuri na iyon.
Huli ko ang tingin ni Dean sa akin nang lumingon siya sa aking dako. Niyakap ko ang panginginit ng aking mukha. I should not feel like this but meeting his gaze feels like such a huge honor and I should receive an award!
Ngingiti na sana ako ngunit mabilis naman siyang nag-iwas at mas naging interesting ang pag-kain sa kanya.
Bakit pakiramdam ko karibal ko na ang pasta na iyan? Maging lasagna na rin kaya ako?
Dinilaan niya ang sumabit na meat sa manipis at pinkish niyang labi. My stomache flipped from that sight. Nilunok ko ang makapal na panunuyo ng aking lalamunan.
"You made this?"
Hindi man sigurado kung ako ang kausap niya ay dinaanan pa rin ng kiliti ang aking balat. Sa lasagna naman siya nakatingin. Baka iyong lasagna kausap niya, Ruth. Sa tingin mo?
He's lazily standing, with his hand propped on the table at ang isa'y hawak ang tinidor. Nahagip ko ang itim at bilog na hikaw sa kanyang tenga. Silang tatlo meron. All in their right ears. I haven't seen them wear that inside the school which is understandable.
Kita ko rin ang tangos ng kanyang ilong. A common foreign feature.
Nakaupo ang isang kasama niya na iyong fries naman ang pinagkakaabalahan. Cash's busy tuning the guitar. Rinig ko ang ingay ng mga kubyertos sa baba.
Sa hindi ko pagsagot ay kumita ito ng lingon mula kay Dean. Holy hell! He could send me flyng at the other side of the room with just a glance!
Tinaasan niya ako ng kilay, nagde-demand ng sagot. Now that's another intense pair of eyebrows, too. Maliban sa kanyang mga mata, isa ang kilay niya na umaambag sa pagkakaroon niya ng maldito look.
Ngayong mas malapitan ko na siyang natitigan at mas matagal kumpara sa mga previous encounters namin na puro segundong sulyap lang, nasisigurado ko na ang kulay ng kanyang mga mata.
Hazel green. Meet dark brown. In all its intensity and strike, they are deep-set, and semi-wide.
"Uhm...Oo." Tumikhim ako.
His thin lips twitched, maybe debating either to smile at me or not. Sa huli ay umusli ang ibabang labi niya saka nagbaba ng tingin at nag-iwas muli. Tinutusok niya ang tinidor sa pasta, squeezing out the delicious meat and sauce.
Tuluyan nang kumunot ang noo ko. Bakit ba napakamahiyain niya? Sa ibang babae naman ay nag-iingay siya. At sa tuwing nagpe-perform sa stage! My God!
Ganyan ba naging epekto ng lasagna sa kanya? He's capable of being shy now? Oh c'mon! Dean Ortigoza? Shy? I don't think so. It would be blasphemic to combine his name and the word 'shy'.
Nakaramdam ako ng ilang sa malakas na pagtama ng tinidor niya sa plato. Mukhang dinilaan lang niya ito sa pag-ubos ng pagkain.
"Bakit mo inubos?" May iritasyon na tanong ni Will. I still don't know his full name so I settle for Will. Iyon naman ang tawag nila sa kanya.
Nagsalin si Dean ng tubig. Pansin ko ang brown leather bracelet niya sa kaliwang palapulsuhan. Those made me trace his blatant veins making him look manly and mature for his age.
He's already got that formed lean body at such youth. Together with his tanned skin, or sun-kissed, or light olive. Kasing edad lang kaya kami? I don't believe so. Probably his foreign trait has pitched in to his matured appearance.
"I didn't receive a memo na ikaw ang dapat umubos. You're feasting on the fries, anyway," aniya saka uminom.
God. He's crass. The intense look and angled face are not just tricks all the way to his attitude.
Inilingan na lang siya ni Will saka ito tumayo at bumalik sa likod ng drums. Sinunod nila ang sinabi ni Cash kanina. Marahil babalik na sila sa kanilang practice sessions.
"May upuan, Ruth. Huwag kang mahiya." Turo ni Cash sa silya na inukupahan ni Will kanina.
Tumawa ako at umiling. "Okay na ako rito."
Halukiphip akong sumandal sa pader at pinanood sila. Muling kinalaykay ni Dean ang mga daliri sa buhok niya habang bumubulong kay Cash sabay kalikot sa gitara, pinag-uusapan yata ang gagamitin na chords.
He has to bow to his friend dahil sa katangkaran niya. He's almost six flat. My eyes went down to his faded tattered jeans that's invitingly hanging low on his hips.
Oh no, masyado ko na siyang pinupuna.
Sa gitna ng pag-paplano nila ay inakyat kami ng mama ni Cash upang ipaalam na tapos nang mai-bake ang cake. Tatlong pares ng mga mata ang bumangga sa akin nang nilingon sila.
Am I ready to go? Could I let this go and miss their practice? Ito pa lang ang unang nood ko sa kanilang mag-ensayo without the bevy of girls. I'm here alone, and it's like I own the band myself and they would perform for me. This could be once in a lifetime opportunity for me.
Pero baka hinahanap na ako ng kapatid ko. Ako pa naman ang unang nagdemand na umuwi agad. Ako rin pala itong lalabag.
Tinanguan ko sila at tumuro sa labas, tahimik na nagpapaalam. Si Cash lang ang tumanggap nito. Will stared at Dean as if waiting for his signal to start. While Dean is...looking at me. Face unreadable.
Halos hindi ako makatingin sa kanya nang ningitain ko sila isa-isa at humakbang na palabas. Gusto ko pa sana talagang manatili pero nakakailang rin lalo na't puro sila lalake. Let alone that each one of them possessed an intimidating vibe. Para lang akong tupa na tinapon sa kulungan ng mga leon.
Nasa hamba na ako nang bigla silang magsimula.
Intro pa lang na sinimulan sa pluck ng rhythm guitar na siya mismo ang gumawa ay umawang na ang bibig ko. Pinirmi ako nito sa kinatatayuan. The strings and the harmony are pulling me to remain.
Dean's eyes are shut closed as his mouth approached the mic.
Hold on, what's the rush, what's the rush
We're not done are we
Hinaplos ko ang aking braso sa paninindig ng aking balahibo. I could hear my own inhale and exhalation of air. I curled the fingers on my toes, too. Sa madaling sabi ay namilipit ako.
It's not just in the song. His voice. Magaspang, magaan at may lambing.
'Cause I don't need to change this atmosphere we made if
You can stay one more hour
Can you stay one more hour...
I don't know if it has something to do with the lyrics of the song that made me feel it was addressed to me. Hindi ko mapigilang mag-assume at pinapabilis nito ng husto ang puso kong binalot ng init. This is why I haven't gone out the door when I needed to. I stayed.
At napagtanto ni Dean ang pananatili ko. Dumilat siya at sa mga mata ko dumiretso ang kanyang mga mata. My staying and I earned a sexy crooked smile as he sings the chorus that injected additional amounts of shivers into my bones.
He knows he has tamed me into staying with his voice alone and took great pride from it.
You know I'm gonna find a way to let you have your way with me
You know I'm gonna find a time to catch your hand
And make you
Stay...
Sumipol si Cash at ngumisi. "Sweet."
Will is backing up the vocals na mas nagpabigay pa ng magandang timpla sa kanta. Tipid ang ngisi niya at napakagat labi habang naghe-headbang, mukhang mas na-enjoy ang pagda-drums.
'Cause what's the point in chasing
If I can't enjoy your face and
And I fell in love. God, they're so good!
Pumikit akong pinapakinggan sila sa pangalawang ulit ng chorus na may malakas nang beat ng drums. Will does so great behind it. Sumabay ng tapik ang paa ko sa beat nito.
Hindi nakatakas sa akin ang pluck ni Dean sa gitara upang mas bigyan pa ng rhythm ang kanta. The harmony flooded me with goosebumps.
I don't how he does it. Sing and play the guitar at the same time. Ni hirap nga akong ilipat ang mga daliri ko sa string, ipagsabay pa kaya ang dalawa? Dean isn't even looking at the guitar! Memoryado ng mga daliri niya ang katawan ng instrumento.
They have a connection. It's like he's making love to the guitar.
I marveled at how his fingers migrated to each strings and fret. Ngayon pa lang ako namangha ng ganito. When everyone should be in awe of philosophers and authors, I am in awe of a rock band. To the singer, especially. Pero ayaw ko silang gustuhin dahil sa kanya. I like to love them as a band.
Tuluyan na akong nadala at binagsak ang likod ko sa pader. I was perceptive to every beat, every hum of the bass, plucks of the rhythm. Patuloy ang tindig ng balahibo ko na tila ba inaamo sila ng boses ni Dean. Purong emosyon na boses. Nanlalambing. Nangaakit.
And If I was running you'd be the one who I would be running to...
Kinakain na siya ng emosyon galing sa kanta. As the song calms down at hindi kailangan gamitan ng rhythm guitar, lumipat ang isang kamay niya sa mic habang bahagyang nakaangat ang isa, as though it's his natural gesture and he isn't even aware of it.
Passion. That's all there is to it.
Bumagsak ang alon na pumuno sa akin nang nahinuha na malapit na silang matapos. Tila ba ako'y nanlulumo. I don't want it to end. Pakiramdam ko magkakaroon ako ng depresyon kapag tapos na.
You know I'm gonna find a way to let you have your way with me...
Dean's eyes held mine as he sang that last part in almost a whisper. Gusto kong umiwas ngunit hindi ako hinahayaan ng mga mata niya. As though they hooked a chain to my eyeballs. They didn't just knock the air out of me. His eyes could make you obey. Those eyes could make you worship him kung tititigan mo ng matagal.
Kaya ba palaging dumidikit ang mga babae niya sa kanya? He was able to tame them with those hazel greens of his? And his poetic mouth?
"So, whattya think?" tanong ni Cash. Sa tono at mga mata niya'y ramdam kong umaasa sila ng positive feedback.
Hindi ako bumitaw sa halukiphip nang umayos ng tayo.
"Practice na iyon sa inyo?"
The three of them froze. Sa pinta ng mukha nila'y para bang tinapunan ko sila ng bomba na pampakaba.
Natigil si Dean sa ere ng pagtatanggal ng strap ng gitara upang ibaling sa akin ang matalim niyang tingin.
Ngumisi ako. "Guys, akala ko nasa concert niyo na ako!"
Kung malapit lang ako sa kanila siguro'y nailipad na ako sa kabilang bahay sa sabayan nilang pagbuga ng mabibigat na hininga. Tingalang napapikit si Cash saka tinukod ang mga kamay sa tuhod.
"Fuck! You scared us!"
Tumawa ako. Allowing me to watch them has somehow built a kind of connection even if it's only temporary. And I should bask in the brevity of the enjoyement. I did. At sana maulit pa 'to.
Kalauna'y unti-unti ring umiral ang ilang habang nag-break ulit sila. Wala na akong papanoorin. So I guess I should go now, then? Extending my stay here would seem like I was squeezing in to their circle of friendship.
"Did you really make the lasagna?"
Nagulat ako sa tanong ni Dean. His question's quite off-putting, lalo na't narito ako upang panoorin sila at hindi ang marinig ang panghuhusga niya sa lasagna.
"Duda ka ba?" ganti ko.
Hindi naman siguro niya malalaman na hindi talaga ako ang gumawa niyan.
Hinagod niya ako ng tingin mula buhok hanggang paa. My toes curled at his blatant eye-trip. Hindi man lang niya nagawang itago ang interest na lumutang sa ginawa niya.
Sa likod ay humahagikhik na si Cash habang pasulyap-sulyap sa amin. Dedma si Will na abala sa bass guitar.
Tinaasan ko siya ng kilay nang manumbalik ang paningin niya sa aking mukha. There goes those eyes again. Nobody could move on from those. Ang intensidad nito'y magtutusok ng berde sa utak ng kahit sino.
"Wala sa itsura mo ang marunong mag-bake." Sabay baba ng tingin sa binti ko.
Bigla akong na-conscious kaya hinila ko pababa ang manggas ng aking shorts.
Kinunutan ko siya ng noo. Siya, wala sa itsura ang pagiging humble. He screams arrogance and cockiness.
Dala ng baluktot niyang ngisi ay humakbang siya palapit sa akin. Slow and deliberate steps. Naiangatna niya ang isang kamay upang makulong ako sa pader na sinasalo ang likod ko.
"Pero nasa itsura mo ang maging pag-aari ko."
Umalis ako roong nanginginig ang mga tuhod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top