FOURTEEN

"Best friend ko iyan! Panalo na iyan!" Pumalakpak si Erika at tumayo. Katabi niya ang kapatid ko na winawagayway ang pompoms.

"Ate ko iyan!"

Since ako ang nakapuntos sa huling serve ay lumipat ako ng service court. One point lang ang lamang ng kalaban mula sa blue team at sila ang champion last year. I have to win this!

Inikot ko ang leeg ko upang agapan ang sumusuot na pawis. I tried to ignore it. I caught Dean while I'm preparing to serve. Nag-angat siya ng dalawang thumbs-up at kinindatan pa ako!

A button was being pushed inside me that enwraps heat around my chest. Tinago ko ang ngiti sa pagismid.

Malutong ang tunog ng shuttlecock sa aking pagtama.  From then on, the rally became consistent dahilan ng pag-iingay ng gym. I don't want the cheers to get in my head 'cause I have to focus on how to keep this going hanggang sa hindi na kayanin ng kalaban ang tamaan ito. 

Sapat lang naman ang bilang ng mga nasa gym upang punuin ang bleachers. Ngunit hindi ito kagaya ng pagdumog sa outside court para sa on-going game ng volleyball. Naroon lang naman yata sila dahil nasa volleyball ang karamihan sa mga chicks at mga varsity players na mga crush ng bayan.

"Sugar! Sugar!"

Tangina. Isigaw ba naman iyon?

I didn't look at Dean at baka mas lalo pa akong mawalan ng focus. Umawang ang bibig ko sa muntik ko nang hindi pagtama ng paparating na shuttlecock. Tumili ang sapatos ko kasabay ng pagtili rin nang ilan. Damn! Huwag ka munang mag-cheer, Dean, please.

Sa muling paghagis ay medyo mataas kaya tumalon ako. I was aiming for a smash shot at nasalo pa rin iyon ng kalaban. My opponent smirked at me.

"Champion! Simeon! O 'di, ba rhyme?"

Nawala ako sa concentration kaya hindi ko nagawang tamaan ang muling hagis. Natawa ako sa cheer ni Erika. Sabay ang reaction ng mga tao sa disappointed na 'aww' at palakpak naman sa kabilang team.

Tinuro ko si Erika ng racket ko. She bit her lip at showed me a peace sign. Hinila ni Sue ang buhok niya sa inis.  

"Okay lang iyan. Crush pa rin kita!"

Inignora ko na lang iyon at inabangan ang pag-serve sa kabila. But the whispers and murmurs bothered me.

"You're throwing your own damn sloppy balls to hell. Patay ka kay Ortigoza. Nandiyan lang iyong bakod sa tapat, o."

"Tss...maniwala..."

Instinct tapped me to look at Dean. Nakatayo na ito at parang sinusuyod ang paningin sa bawat espasyo ng bleachers kaya hindi ko makita ang reaksyion niya.

"Push up na iyan!"

Lilingunin ko pa sana ang sumigaw ngunit pumito na ang referee. Tinignan ko siya at sumaglit na rin ng tingin sa scoreboard.

Everywhere sounds so alive as the game carried on. Cheers, claps and bets crowded the gym air.

I'm not sure with myself though. Dahil sa mga panay kong paglingon sa pwesto ni Dean kanina ay wala na siya. Inanod ko ang sarili na hindi mag-alala, o isipin kung saan siya pumunta at mag-focus na lang sa laro. Hindi ko na rin pinapansin ang mag nag-cheer sa akin.

He didn't come back until the game ended. He didn't come back to watch me win my first game.

"Alam mo bang nanghingi ako ng sign? Na kapag mananalo ka, mananalo rin ako sa Ms. Intrams bukas! Nako, sure win na ako!" Inagaw ni Erika ang isang pompoms ni Sue at winagayway . "Orange team! Wooh!"

Marahas kong tinanggal ang towel sa likod ko at diniin ang pagsiksik nito sa bag. Kinuha ko ang hinubad na Intrams shirt kanina.

"Daya niyo, ako lang yellow team dito..." rinig kong angal ni Sue.

Pilit ang ngiti ko sa maligayang si Erika. Lalo naman akong na-bad trip na mahuli si Sue na ngumingiti habang nagti-text. Ako pa bumili ng load niyan, gagamitin niya lang sa mga manliligaw niya?

Busangot ang mukha kong nagpaalam sa kanila upang magbihis. Hindi na ako nagpalit ng pang-ibaba at ito lang polo shirt na mas nabasa.

An invisible string tried to lift my hands to text Dean. But do I have the right to demand as to his whereabout? I gave him free pass to take the liberty on parading his intentions, pero paano ako? Am I allowed? This whole new ball game is not something I could say as beyond reasonable doubt. The guy doesn't even know how to woo!

But should there be a label to assure something true? Or at least, that's what I thought. Hindi pa ba sapat ang pinapakita niya? What does he have to risk for me to have a peace of mind? I'm flooded with a lot of maybes;

Maybe I'm just not used to guys like Dean. Maybe I'm not used to his suave, cocky arrogant ways. Maybe I'm not ready for this. I'm not ready for him. For something new. I'm not ready to welcome change which I think has already begun.

Maybe...I'm afraid. No. I'm really afraid!

I don't want to be the one who's left behind. I prefer to be the one who leaves in the first place. Paano kung nag-uunahan lang naman pala kami kung sino ang unang kakalas? I am on the verge of Dean's flame. I'm afraid I might get burned. Whole-souled.

Isang paikot ng perfume at lumabas na ako ng banyo. Kumalat agad ang paningin ko sa buong gym. Graduwal ang paglukob sa akin ng kawalan at lamig. Nanamlay ako at hindi ko iyon nagugustuhan.

No sandy brown haired guy. How I wish nagpakulay siya ng buhok at siya ang nakikita ko ngayong may dalang balloon at bouquet of roses. Tsk. Ang layo pa ng Valentines, iho. Wala pa ngang Pasko!

"Congrats!" bati ng babae sa ibang team na papasok ng cr.

"Nice game! Congrats!"

"Ipanalo mo ulit bukas Ruth para championship ha?" Iyong classmate kong mabait.   

Sinasalubong ako ng mga bumabati. All I can manage is a half-smile. It's not even sincere.  I should be jumping because I won! Ngunit para akong nakalbuhan ng shuttlecock at nadaya.

"O, replyan mo. Hindi ka raw sumasagot sa tawag niya."

Inabot sa akin ni Erika ang kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang text.

Dean:
Ka, si Ruth? Sbihin mo tmawag aq. She's not answring my calls.

Ang tipid talagang mag-text nito. Nabo-bobo ako sa spelling!

"'Di mo rereplyan?" tanong niya nang mahina kong tinulak ang kanyang kamay. I've read enough.

Tahimik akong umiling at kinuha ang phone sa bag ko. I had this on silent mode that's why. Ten missed calls ang bumungad sa screen at ilang texts mula sa kanya. Uminit ang tiyan ko sa pag-asa ngunit may halo ring bigo.

Dean:
Game still on?

That was the first one. As if my body was triggered by the mention of the game, tinitiklop at tuwid ko ang aking tuhod upang ialis ang pangangalay. Kinulang yata ang warm-up ko kanina.

Dean:
Pblik na aq dyan. Answer my calls please.

Bumuntong hininga ako habang naghahanda ng isasagot. Nilulunod pa rin ako sa madilim na hukab na pumapaligid sa tiyan ko. Hindi ko na binasa ang ibang niyang messages.

Ako:
Wag na. Tapos na laro.

I zipped my bag to close tapos ay sinuot rin ang jacket ng racket ko. Sinuot ko na sila sa balikat sabay harap sa kanila.

"Dito lang kayo?" tanong ko.         

Sakto ang anunsiyo para sa mga basketball players. They were asked to proceed to the gym for the start of the first game. I highly doubt kung makakaalis ako. Paniguradong manonood sina Erika.

Tango ang isinagot ni Sue na abala sa phone. Habang si Erika ay umaasa ang mga mata. She's like in between expecting for me to say more and expecting for me to know that they would dwell for the game.

Alam ko namang hindi sila aalis diyan para hindi maagawan ng pwesto para sa game mamaya.

Muling nag-vibrate ang phone ko.

Dean:
Really? And...? Please tell me you won.

Umikot ang mga mata ko.

Ako:
Whatever

"Alis na ako! Text na lang kayo." Tumalikod na ako at nagsimulang umalis.

"Sa'n ka punta, ate?"

"Kakain!" Hinarap ko sila muli at paurong na naglakad. "Kayo? Lunch na."

"Diet ako! Kumain na si Sue!"

Tumango ako at tumalikod. Sumulong na ako sa init ng tanghaling araw.

Sa ganitong oras ay paniguradong puno ang canteen kaya sa mga stalls ako namili ng kakainin.  The doughnut stall lured me. Doon ako dinala ng mga paa ko.

"Dalawang Bavarian at...anim na munchkins. Tubig din po isa," ani ko sa tindera sabay lahad ng pera.

Hinarap ko ang inaarawan na paligid. Sa naniningkit kong mga mata ay sinubukan kong hagilapin ang lalakeng may banyagang buhok. Sa tangkad niyon ay ba't ang hirap niyang hanapin.

It really bugs me everytime he's away. Pakiramdam ko pagkain siyang nilalantakan ng mga daga sa tuwing wala ang may-ari.

Wait. What?

Because I easily get bored, naghanap ako ng mapaglilibangan. Sa field court na malapit sa puno ng Narra ay mga naglalaro ng sepak takraw. Habang papalapit ay natutuwa ako sa magkasunod na pagkakatama ng bola gamit ang tuhod. Nobody played in our class so I'm betting on this one.

"Hey..." baritonong boses ang gumambala sa panonood ko.

It's the Sanchez guy.Hanggang ngayon ay palaisapain pa rin sa akin kung may past ba kami ng lalakeng 'to. Wala sa sariling hinanap ko ang kaibigan niya but I see he's alone.

"Congrats nga pala. Tinalo mo team namin. Bawi na lang kami bukas."

Ngumiti ako. I already like him regardless of being an opponent. Hindi siya tulad ng iba na pini-personal ang laban. I mean, this is a friendly competition. Intramurals is about sportsmanship, camaraderie and teamwork. Hindi ito para maghanap ng kaaway.

"Badminton ka rin 'di ba?" bantilaw kong tanong. Parang nakita ko siya kaninang naglalaro sa boys badminton.

"Yeah," he shrugged, "a loser in the making since tinalo rin ako ng kaklase mo."

I can't afford to join his laughter. Ayaw kong pagtawanan ang turing niya sa sarili bilang loser. He can make up for it tomorrow. Losing the first game won't justify you for that title. We still have many games to play. First day pa lang kaya 'to.

"Tapos ka nang mag-lunch? I could buy you something," aniya.

Tipid ang aking ngiti sabay angat sa supot laman ang natirang munchkins. Nilaharan ko pa siya ngunit tinanggihan niya ito. I shrugged and went back focusing on the game infront.

"Ken!" tawag niya sa kung sino.

Lumingon iyong lalakeng nagdi-distribute ng tubig sa ilang nakaupong varsity players sa courtside.  Oh, there's his friend! His thick curly hair on top bounced as he turned here. Nakabusangot ang mukha niya dahil sa init ng araw. 

Inangat ni Sanchez ang kamay niya at nagsenyas ng hampas ng racket. Umiling iyong Ken at nagbalik sa pamimigay ng tubig. His stick-thin hands handed out mineral bottles to each guy in their jerseys.

"Magpa-practice ako para bukas!" muling sigaw ni Sanchez upang ibalik ang atensiyon ng kaibigan.

A shot of warm hit me in the chest. Napatuwid ako ng tayo nang may maisip. He can pull me out of my boredom!

Pinanood ko muna ang pagtanggi ni Ken bago ako umabante.

"Magpa-practice ka? Tara, laro tayo."

Mukha pa siyang nagulat sa anyaya ko. Ang laki ng awang ng bibig niya. Nagpigil ako ng tawa sa pamumula ng buong mukha niyang alam kong walang kinalaman sa araw.

"Sure?"

Tono na niya mismo ang dumugtong sa tanong na tila binibiro ko siya. Like it's impossible for me to play with him. Why not? There's nothing wrong with being friendly with him. I can be to chosen people, hindi katulad ni Dean na walang pinipiling tao. Which, I still wonder, his whereabout. 

Dahil okupdo ang mga courts ay doon kami pumuwesto sa gilid ng computer lab. The ground is made of concrete kaya may reisistance sa sapatos, hindi madulas kapag tumatakbo.

Turning my head right, bumati ang bodega sa ilalim ng hagdan na para sa pingpong court.  The spot where Dean always brings me every time we hide.Thinking it's our rendezvouz pooled a liquified heat in my stomache. Nagbabanta rin ang kalampag ng puso ko.

"Ready?"

Binalik ako ng boses ni Sanchez. I want to ask his name but I think I'll stick to addressing him with a no first name basis.  Iyon din naman kasi ang tawag ng karamihan sa kanya.

"Yep!"

Kampante kong pinaikot-ikot ang racket. I hate that I feel competitive. Hindi naman ako naghahanap ng kaaway but I want to beat his ass on this! In a friendly way, of course.

Dahil walang net ay ginawa naming improvised division ang nanlalabong yellow line sa gitna. Ako ang una niyang pina-serve dahil ladies first nga raw.

Sanchez is quite good in playing. I won't be surprised if he wins the round tomorrow pero hindi ko rin alam ang kakayahan ng classmate kong tumalo sa kanya. Siguro nakatsamba lang din iyon.

"Wow...kaya pala natalo mo si Lav!" aniya at ginantihan ako ng smash shot na agad ko namang nasalo.

Hindi ko magawang ngitian nang mabuti ang compliment niya. Hinihingal na ako habang patuloy ang rally. Kita ko ang ngisi ni Sanchez nang muntik na niyang hindi tamaan ang shuttlecock.

"Sus! Sayang!" biro ko pa.

Tumawa siya at muling humampas.    

"Wala bang magagalit, Ruth?"

"Don't talk to me, Sanchez at nawawala ako sa concentration."

Napalakas ang muli kong pagtama sa shuttlecock kaya sumabit ito sa hanay ng mga bubog sa ibabaw ng konkretong bakod. Natigil ang laro namin.

Nilapitan iyon ni Sanchez at sinubukang sungktin gamit ang racket. But the cemented wall is quite high. Mukhang sinadya talaga para walang outsider na maka akyat-bakod sa school.

"Ako na kukuha. It's my fault!" ani ko at binaybay ang bodega sa ilalim ng hagdan.

If my memory serves me right, may wooden ladder na nakalagay sa likod ng mga lumang kahon. Dalawang beses ba naman akong kinaladkad ni Dean dito. And I'm right! It's here! Waiting for me to use it.

Pinagtulungan namin ni Sanchez na buhatin ito. Dahil mabigat ay nagtawag kami ng dalawa pang makakatulong. We chose the aid of two bulky guys. Nang mapuwesto ay sinubukang apakan nung isang mataba ang hagdan ngunit tinampal ang paa niya ng kaibigan na medyo macho.

"Bibigay iyan sa paa mo pa lang!" Nagtawanan sila at nagtulakan.

Napailing ako at inangat na ang paa upang makaakyat. I tested how durable the footrest is. I even stomped on it hardly just to make damn sure.

"Ruth, ako na lang..." prisinta ni Sanchez.

"Oo nga Ruth..." segunda nung macho. Humagikhik iyong katabi niyang mataba.

In fact they can already go since they're done helping. But they stayed just to what? Watch me fall or get the shuttlecock?

Wala akong sinagot sa kanila at umakyat na lang. Huminto lang ako dahil nanginig ang hagdan. Damn it. I heard Sanchez cursed. Kita ko ang mabilis nilang paghawak sa ladder. Pinuno ko ng hangin ang dibdib saka nagpatuloy at umakyat ng isang hakbang.

Bawat akyat ko ay umiingit ang kahoy. May nakita pa akong maluwang na alambre. Iyon ang ikinakaba ko nang husto at hindi kung gaano na ako kataas mula sa ibaba ngayon. Heights be damned. I'm not scared of it.

"Hawakan mo iyong ladder, uy! Hindi iyong binti!" tawa niyong isa sa 'di kalayuan.

Dalawang hakbang na lang pataas at makukuha ko na. I ignored the catcalls from the students at ilan pang mga pang-aasar. Kukuha na lang ako ng mga bubog sa taas at ihahagis ko sa kanila isa-isa.

"There Ruth, malapit na..." Sanchez encouraged. Kinagat ko ang labi ko at mas naengganyo tuloy akong umakyat pa.

"Yes!"

Natawa ako sa pagpalakpak ng tatlo sa baba nang makuha ang shuttlecock. Nagsimula na akong bumaba at nakasambit ng ilang mura sa panay likot ng ladder. Inignora ko ang tulakan na nagaganap sa likod.

"Hindi ko siya nilapitan. Hiningi niya tulong namin para mabuhat iyong ladder."

"Oo nga..."

"Pakihawak ng ladder please!" May mariing utos sa pakiusap ko. Kinagat ko ang shuttelecock upang mas malaya at maayos ang kamay kong makakapit sa gilid.

"Butt out pa, Simeon!"

Kinunutan ko ng noo ang kung sino mang sumigaw niyon. Pakainin ko siya ng bubog gusto niya?

I concentrated on my foot. Dapat mas madali na ang pagbaba pero bakit mas nahirapan pa nga yata ako ngayon?

Hindi nagtagal ay natahimik ang likod at naipirmi na rin ang ladder hanggang nakaapak na ako sa lupa. Bubuga na sana ako nang maginhawang hininga nang may bumaon na kamay sa braso ko't kagyat akong hinatak.

Nakulong ang sigaw kong pag-angal sa nakitang anyo ni Dean. Ang mapagmataas niyang mga kilay ay naging isa at nagsanib puwersa upang bantaan ako.

O, ba't nandiyan ka? Because boys surrounded me, Dean? Do I have to lure them in my way for you to show up? All the more I love to misbehave. Ang sarap mong inisin!

Inirapan ko siya at inalis ang shuttelcock sa bibig ko. I pulled my arm from his iron-grip ngunit sa ginawa'y mas lalo lang niyang hinigpitan. So tight that it feels like he's bending my bones!

Hindi na niya nakita ang iritasyong tumitibok sa mukha ko sa paglingon niya sa mga tao. Parang hinawi lang ng hangin nang sabay silang magsiatrasan nang tignan ni Dean. I never thought na ganito karami ang pumapalibot sa amin ngayon.

Sinama niya ako sa paghakbang niya para lamang itulak iyong lalake na senior. Collective gasps cut the silence.

"I think you need a memory booster, asshole.  How many warnings do I have to gut in your head 'til you chant it like a life motto?"

"Ano na naman 'to, Dean?" mariin kong tanong, halos nanenermon. Sinaniban na naman siya ng asong may rabis!

And I tell you, his anger is not a friggin' joke! I could feel it in his tensed and scorching arms.

"Sinilipan ka niya, e!" paghisterya niya. Pulang-pula ang kanyang mukha, adding even more evidence of his anger.

Muli niyang nilingon ang lalake at sumaksak ng hintuturo. "At ano iyong sinabi mo kanina? Butt out? Gusto mo paluwain ko iyang mata mo!"

Nag-angat ng kamay ang lalake sa pagsuko at maingat na umatras. "It was just a joke."

"I don't give a flying fuck! Joke or not you don't say those words to her. Wala kang respeto sa babae. Sinilipan mo pa, tangina!"

Susugurin na sana niya ito nang pinigilan ko. May mga nagtilian na at may nagmandong magpatawag kahit isang teacher. Everything I'm hearing right now is screaming chaos. They even asked to call his brother which I'm sure would just indulge his kuya Dean's caprices.

"Dean!  Hindi niya ako masisilipan. Naka-shorts ako. Ano ka ba!"

"That's a fucking skirt!" giit niya at tinuro ang pang-ibaba ko.

"Shorts nga 'to, o!"

Sa inis ko ay naparahas ang buka ko sa tela upang ipakita ang tinutukoy ko. This is a wrap around shorts kaya nagmukhang palda. Balewala na ang hiya ko mapaintindi lang siya. Nauuna kasi ang galit!  At mas nagalit pa nga yata siya sa ginawa ko.

Marahas niyang binaba ang kamay ko kaya nabitawan ko ang tela. He then groaned in frustration telling me how affected he is. Mariin siyang napapikit at tumingala. He's harshly biting on his lower lip like he's telling it to bleed.

"Bakit naman kasi iyan ang suot mo?" mariin niyang tanong sa langit. Tila ba sa pagbubukas ng mga mata niya'y magiging bato siya kaya nanatili siyang nakapikit. His Adam's apple protruded as he swallowed. 

"Badminton ang nilalaro ko, ano ba sa tingin mo isusuot ko? Jersey shorts? Malong?Trahe de boda?" inis kong ganti.

Dumilat siya at dinungaw ako. Ang halong pagod at frustration sa mga mata niya ay halos pinaguho ang mundo ko. No...he can't be vulnerable like this.  Not to me.

"Hindi ganyan kaikli, Ruth," hapong-hapo niyang pagdiriin.

Hinilamos niya ang mukha at muling tumingala. I saw how his sharp jaw clenched like the unsaid words were jailed right there aching to be uttered. 

"Kanina pa 'to maikli, wala ka namang ginawa ha?" Tinapatan ko ng hinahaon ang boses niya. I can't afford to exert more effort of irritation if he's showing me this kind of exhaustion. 

"And this being short is just appropriate. I can't move freely kung mahaba 'to."

"Kahit na! Hindi pa rin tama. Sino bang coach niyo?"

Sandali akong natahimik. Dinaramdam ko ang tumitibok na banta sa likod ng tanong niya.

"Dean..."

"Sino, Ruth?" he demanded.

"Ms. Tan..." si Sanchez ang sumagot.

Ang mga sumunod na nangyari ay tila dinaanan lang ako. Nakasunod ako kay Dean na malalawak ang hakbang papuntang faculty room. Isang sumbungerang badminton player ang nagturo rito.

Pati na ang kausap ng coach na si Mr. Padua na isang respetadong P.E coordinator ay hindi pinalagpas! He's unbelieveble!

"Sir, this is a fucking skirt!" turo niya sa pang-ibaba ko. "And this is a Catholic school, so that length should not be allowed. It should be below the knee. Nasisilipan siya, e," mariing giit ni Dean.

Napapailing na lang ako sa kabaliwan niya. He must be a hater of wrap around shorts by  now. Nakahulikiphip lang ako at parang ayaw ko siyang kausapin sa inis ko. Tinabihan ko lang siya in case hindi niya makontrol ang sarili at magulpi pa ang guro!

"Language, Mr. Ortigoza." That was a warning.

"It's English, Sir." Dean's being a sarcastic ass!

"No. You are cursing infront of a faculty member. Where's your evaluation notebook?"

Humalukiphip si Mr. Padua tanda ng kanyang otoridad at hindi mo mabastsa-basta. His body built alone that's made for beating assholes from hurting someone else's daughters is enough as a warning for you not to mess with him.

Pero walang pakialam si Dean na masasabi ko dahil sa ginamit niyang tono.

"Naiwan ko po."

At least may 'po' pa rin.

Tumango si Mr. Padua at bumaling sa akin tapos ay kay Ms. Tan. His face is either asking her to explain or to talk.

Ang chinitang guro na pantasya ng mga senior boys ay humakbang at pumantay kay Mr. Padua. May otoridad din sa tindig nito.

"This is a warning, Mr. Ortigoza. Next time I hear you speak a bad word inside the school premises, prepare your evaluation notebook and have it open in the Behaviour page. Are we clear?" aniya.

"Crystal clear, Miss." Dean submitted.

Tumikhim siya at tumuwid ng tayo. Parang hindi na siya makapaghintay makawala sa nanunuring titig ng dalawang guro.

"Are you mad at me?" tahimik na tanong ni Dean. Dala niya ang kanyang Tacoma na sinasakyan namin ngayon pauwi. We're almost in our subdivision.

"Bakit naman ako magagalit?"

Alam kong nakatingin siya sa akin ngunit pinapanatili ko ang tuon sa labas ng bintana. I'm calming myself watching the colorful headlights of passing cars.

"Tahimik ka. Parang ayaw mo na akong kausapin." Gumaralgal ang boses niya sa sobrang hina ng kanyang tono.

Nilingon ko si Sue sa backseat. Hindi ko alam kung bakit. I probably just need to distract myself. Sa naging tinig ni Dean ay tila ginasgasan din ang puso ko.

Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko at madilim man sa dako niya, kita ko ang pagsilip ng nanunuya niyang ngiti.

Ngumuso ako at nagbalik tingin sa daan. Humagikhik siya na natigil lang sa tunog ng kanyang cellphone.

"Are you suspecting na nambababae ako?"

"What? No!"

Napangiwi  ako sa kanyang paratang. Hindi ako nagbuong lingon sa kanya. Just a wee turn enough for him to see my reaction.  Bumungisngis si Sue sa likod.

Now that he mentioned it, sumanib sa isip ko na pwedeng iyon nga ang ginawa niya kanina noong bigla siyang nawala. But my guts never warned me any weird feeling. Walang pagsususpekta ang umanib sa akin dahil dinaig ng pagtatampo.

"E, bakit ganon ang text mo?"

Inipit ko ang labi ko. Gustong kong ngitian ang naglalambing niyang tinig. Bakit ba hindi siya maka-move on sa naging text ko? When did 'whatever' become a burning issue?

"Expression ko lang iyon." tamad kong sabi. Hindi ko rin naman maintindihan sarili ko ng mga oras na iyon. At kung ano man, I won't admit it.

"May inasikaso lang ako kaya hindi ako umabot sa game mo." Kalmado niyang paliwanag.

"Iyon lang naman pala..." mahinang sabat ng kapatid ko. She thought she was not heard but I heard it all right.

"Ano? Business mo?" Tumawa ako.

"You sound sarcastic, Ruth."

At eighteen, Dean is really still a kid. Walang masyadong kontrol sa emosyon. Kung galit ay susugod agad. He's...reckless. Pero kanina, hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa halos pagwawala niya. Kinabahan, oo. Pero may nararamdaman akong pag-asa sa kabila niyon.

Because I know...he's going to let up when I ask him to stop. He's going to calm his ass down when I call his name.  He's going to let me pull him when I would.

"Please, let's not fight. I don't want us to fight, Ruthie..."

"Ruthie? Tss...hindi naman tayo nag-aaway. 'Tsaka mag-concentrate ka nga sa daan!" bulalas ko.

Ako ba naman ang tinititigan at isang kamay lang ang nasa steering wheel? Ang isa'y kinakapa ang kamay kong nasa hita ko!

"Bakit nga ganon ang text mo?" pamimilit pa niya. This time, more desperate.

Nahuli niya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak bago pa ako makapagpumiglas.

"E, sa tinamad akong mag-text," rason ko.

"Kung tinamad kang mag text e 'di sana hindi ka nalang nag-reply."

Bang! Oo nga noh?

Sumegunda ang tawa ni Sue sa sinabi ni Dean. Hindi ako nakaimik sa kahihiyan ko.

Bumuntong hininga si Dean at ang dating nito sa aki'y hindi pa siya tapos sa pang-uusisa at kukulitin pa niya ako. Parang inaasahan ko rin dahil hindi agad ako bumaba ng sasakyan nang huminto sa tapat ng aming bahay.

Binuksan ni Sue ang pinto sa side niya. "Una ako ate. Salamat, bayaw!" saka lumagapak ang pinto sa pagsara nang makababa.

The lights inside our house are indicating that dad is home. Ayaw niya kasing madilim ang bahay kaya hindi niya pinapaabot hanggang deadline ang pagbabayad ng electric bills. It's always beforehand or right on that day we receive the bill.

Nang masiguradong kami na lang dalawa ay nagsalita si Dean.

"I want to set the pace for us, pero ayoko namang iwan ka at ako lang ang magde-decide.  So tell me Ruth, am I too fast here? This is us we're talking about so it would be you and me who should compromise. Now tell me, ba't ka galit?"

I'm not angry. Sa buong biyahe ay marami lang akong iniisip. Sa mga inaakto niya nitong nakaraan na inuudyok ng mga kilos ko, pakiramdam ko kailangan ko nang disiplinahin ang sarili ko at mag-behave. I came to conclude that I can affect Dean's behavior.

One wrong move from me, he's going to go postal. Ours is a chain reaction. I talk to boys, a chain would be hooked to him to react violently to the point of utter madness. That doesn't seem healthy.

"Pagod lang talaga ako." Binigyang diin ko iyon sa isang buntong hininga. "Hindi ako galit sa 'yo, okay? Ikaw, mukhang pagod ka na rin."

Naririnig ko hanggang dito ang pag-iingay ng kubyertos sa kusina at halakhak ni daddy.

"Ayaw mo kasi akong kausapin," ani Dean.

"Kaya napagod ka?" Nilingon ko na siya.

Parang tumubo ang labi niya sa kanyang pagnguso. "Hindi. Nalungkot lang."

Natawa ako at tinulak ang noo niya. Nakalimutan kong kailangan kong magpanggap na pagod. Well, hindi naman siguro siya naniwala.

Inis niyang iniwas ang kanyang mukha at hinuli ang kamay ko.

"Ba't ba ang hilig mong manulak ng ulo? Ayaw kong sa susunod, ako naman ang itulak mo palayo."

Lalo akong natawa. Kinulong ng mga kamay niya ang palapulsuhan ko.

"Ruth, serious."

Sobrang seryoso ng tono niya pero...

Tinuro ko ang sumilip na ngiti sa kanyang labi. "Iyan ba ang serious?"

Hindi niya napigilan at lumawak ito kahit anong subok niyang pagpigil. I saw his face turned red dahil sa pag-awat ng ngiting iyan. That supressed smile became an uncontrollable chuckle.

He shook his head like he couldn't even believe it himself. Napapikit na rin siya, marahil nahiya. Even with his eyes closed, I could see how happy he is. Hindi ko mapigilang mahawa ng ngiting iyon.

Bumagsak lang nang bigla niyang hinalikan ang ilong ko.

"Pasok ka na sa inyo bago ko pa maisipang iuwi ka sa bahay namin." Umakto siyang gulat. "Ay! Naisip ko na pala, noh?"

Itutulak ko na sana ang ulo niya ngunit hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko. Tumawa siya at bumitaw na upang pakawalan ako sa seatbelt.

Tila binagsakan ako ng higanteng bato nang makawala na sa amoy ng Tacoma. With Dean's signature scent roaming around it. 

Matamlay ang ginawa kong pagsara ng pinto. Lumipad ang palad ko sa aking kaliwang dibdib. Inaanod ng kamay ko ang bawat mabilis na pagpalo ng pusong nakakulong sa butong kulungan. Para itong nagpo-protesta sa ginawa kong pagbaba ng sasakyan.

"Bayang magiliw..."

Nakatayo si Sue sa labas at kumakain ng ice cream sa cup. Pinagtatawanan niya ako.

"Walang flag, ate." Patuya siyang humalakhak.

Hinayaan ko siya sa kanyang kaligayahan at muling umikot para sa sasakyan. Bumusina si Dean saka ko hinatid ng tanaw ang umaalis niyang sasakyan.

"Ang tagal mong lumabas. Nag-MOMOL kayo sa loob, noh?" paratang ng kapatid ko. 

"Ang taba mo na, Sue!"

Nilagpasan ko na siya at pumasok sa loob. Tinakbo ko ang aking kwarto at sumandal sa pinto upang damhin ang init ng ilong ko.

I had my shared kisses before so this isn't my first. But this is even better than the kisses I've had on my cheeks and the pecks that I barely felt on my lips.

My phone vibrated at dali dali ko itong binuksan. Nanlamig ang mga kamay ko sa nabasa.

Dean:
Next time, it would be on your lips. So be ready for it. ;)

Tumakbo ako sa kama at tumalon, nagpagulong-gulong at kinuha ang unan upang ibaon sa aking mukha at tumili! Dean, what are you doing to me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top