FOUR

Dati rati ay hindi ko napapansin si Dean kung hindi dahil sa atensiyon ng mga tao sa kanya. I see him in the hallways, pero hindi iyong tipong tumatatak sa araw ko.

Ngayon, kahit saan yata ako lumilingon ay nakikita ko siya. He's just everywhere! Akala ko tao lang ang marunong mang-asar. Mas matindi palang manuya ang pagkakataon.

I wonder if it's nature to get to be aware of a certain person who used to be unfamiliar to us, after an interaction has come about. Ngayon ko lang napagtanto na naranasan ko na.

"What? Your mother's hot, Cash. You want us to hook up? You're gonna be my damn son. C'mon, be a good boy to stepdaddy."

Ito ang narinig kong panguulol niya sa kaibigan isang hapon nang nagpunta akong canteen. Water break namin niyon sa Araling Panlipunan. Laking pagtataka ko kung bakit magkasama ang dalawa. Magkaiba naman sila ng antas.

"Shut the fuck up, Dean." Si Cash at inalis ang kamay ni Dean na ginugulo ang kanyang buhok. Simangot siyang nagsusulat sa kanyang evaluation notebook, kulang na lang maiyak siya.

Hindi pa nila ako namamalayan. Are they cutting classes? Bakit silang dalawa lang?

Nilibot ko ang ibang bahagi ng canteen at inasahang makita ang mga kaibigan nila. Karamihan sa mga narito ay mga guardians at yaya lang ng mga nasa pre-school, a countable number of students and nothing more.

Binalik lingon ko ang counter nang tinawag pansin ng tindera dala ang sukli at ang binili kong tubig.

"O, i-forge mo na pirma ni mama. Hindi ako makakapasok nito kapag walang signature niya."

"Pirma ko na lang, I'm your future stepdaddy, remember?" Bahagyang tumawa si Dean.

"Dream on. Akala ko ba..."

Naglaho ang mga salita nang makita akong nakaharap sa kanila. Mata lang ni Cash ang gumalaw na dumapo sa kaibigan na agad ding lumingon sa dako ko. Humulma ng marahang gulat ang mukha niya kasabay ang pag-awang ng bibig.

Hinila ang paningin ko ng nakabukas na unang tatlong butones ng kanyang uniform. Rather than recalling the memory of it wrinkled back that day under the stairs, my eyes narrowed on his improper wear of it. Pwede siyang masita ng teacher niyan, lalo naman ng prinicipal. Lakwatsera pa naman iyon.

"Hi Ruth,'" bati ni Cash dala ang hilaw niyang ngisi. His shining shimmering retainer is hard to ignore.

Kung noon lang ito nangyari, marahil ay ngingitian ko sila at aalis na agad. I saw them, that's it. Then I'll go and that won't get inked in the diary of my brain.

But today is not one of those old days.

Lumapit ako sa kanilang mesa. If I were to eye the vacant chairs, they might think that I have a plan on joining them. Feeling close ako masyado kung gagawin ko iyon. I don't like them to think of me that way, lalo na't wala naman din akong balak makipaglapit sa kanila.

So I remained standing. Pag-iisipin ko silang nandito ako sa isang bagay lang. No further errands. I won't sit with them. A one friendly encounter is not enough for me to get myself attached to their group.

"Nag-cutting kayo?" Binuksan ko ang takip ng mineral water at uminom na hindi binibitawan ang atensyon sa kanila.

"Siya lang," tamad niyang tango kay Dean, "hindi ako pinapasok sa classroom since this morning."

Tinignan ko ang evaluation notebook niyang may pirma ng mama niya or...forged signature of his mother courtesy of Dean. It's on the Academic page, so I think umabsent siya at hindi niya ito napapirmahan. That's one of the school rules.

Dumulas paakyat ang paningin ko pabalik kay Dean.His stare already caught mine. Ang hila ng bibig ko'y hindi alam kung ngumingiti nang patuya o umiismid.

He forged his friend's mother's signature. This guy's got a lot of talent, huh. Ilang sako kaya ang napakyaw niyang talento noong nagpaulan si Lord?

Umangat ang isang kilay niya. He eyed me in a quiet dare.

Ngumuso ako sabay balik ng mga mata sa unbuttoned uniform niya, silently telling him to fix that before the higher admin could see it and admonish him. He's a far cry from his brother who is a stickler for the rules.

Muli akong uminom ng tubig. Nakita ko kung paano niya tinututukan ang leeg ko dahilan ng paglipad ng kamay ko roon. Saka pa lang siya kumalas at binalikan ang aking mukha.

It didn't even last for five seconds. Wala sa sariling kumunot ang noo ko. Nag-adjust siya sa pagkakaupo sabay agaw ng notebook ni Cash at in-enjoy ang paglalaro sa dulo ng page. Lumabi siya.

Anumang ibig sabihin ng mga sandaling iyon ay ayaw kong bigyan ng kahulugan. Ngunit ano ang pinapahiwatig ng panginginit ng batok at mukha ko?

"Sige, una na ako. Goodluck." At ang salita ko'y nangyari sa aking pag-alis.

That wasn't the last. The hours and days spent in school are as countless as the possible chances of sentient encounters. Nakuha ko ring bumisita nang marinig silang mag-practice sa multi-purpose room na nasa gilid ng gym.

They were playing an upbeat track. Habang sumusulong ako sa crowd ng mga tao ay nagawa kong mag-headbang sa kumpas ng kanta. It was loud because of the drums plus the open environment.

I hide through the wall of girls who were taller than me. Matangkad naman si Dean kaya nakikita ko pa rin siya. He seems struggling with every word, o baka sinadya niya to make it more intense sounding. Na para bang pinapangalandakan niya kung gaano siya ka- frustrated tungkol sa subject ng kanta.

Ngunit sadyang may detector yata ang mga mata niya nang mahanap ako nito. Halos naiwan ulit siya sa pagkanta na agad namang naagapan sa backing vocals ni Wilmer.

I've never been the best with my mouth

Try to stay smart but the dumb comes out

Ngumisi siya pagkatapos kantahin ang parteng iyon. Mukhang narinig ko pa nga siyang tumawa. Nagtilian naman ang mga babae sa harap ko. Siguro sila ang kinantahan. Napangiti na lang din ako.

I wondered, as I had before, on why the admins were allowing them to do as much noise as this enough to wake a dog's sleep. Though I find it unannoying, the masters might have thought as well. Siguro dahil asset sila ng school. They are our pride. Our very own and someday would make a name in the music industry.

Umalis na ako pagkatapos ng pangalawang chorus.

Please, please, baby come back!

Please, please, baby come back!

Puwersahin ko mang makawala sa kulungan ng mga audience ay paa ko na ang huminto. Nganga ko siyang nilingon. Laking ngisi ni Dean nang makita ang ginawa ko. Natuwa pa siya, ha!

Paulit-ulit niyang kinanta ang parteng iyon. Damn it! Iyan ba talaga ang lyrics? Duda ako.

Please, please, baby come back.

Isang beses akong nagpakawala ang halakhak. Inikutan ko siya ng mata at sinabay nito ang aking pag-iling. Tumawa ulit si Dean sa kalagitnaan ng pagkanta na umani ng pagtataka galing sa mga kabanda niya. The girls' confused whispers made their way into my ears, too.

"Ate wala na akong papel," nagmamakaawang pahayag ni Sue. "May quiz kami mamaya sa Bio. Kainis. Magbi-breed kami ng kabayo sa punnet square. Anong alam ko dun? Wala nga tayo niisang hayop!"

Natawa ako sa pagre-reklamo ng kapatid ko. I'm done breeding animals in a square, kaya tinatawana ko na lang siya. At mas lalo lang siyang nainis kaya para makabawi ay binilhan ko siya ng papel.

"Manang, one whole half-bundle lang."

Kakakuha pa lang niya sa bayad ko nang may tumabi sa akin.

"Ako rin..." Sumingit ang pamilyar na kamay na ilang beses ko nang nakikita kasama ang gitara niya. His scent followed suit after the body part familiarity.

Tinitigan ko ang inabot niyang pera. Five hundred? Baka naman kalahating box ng papel ang bibilhin niya at hindi half-bundle lang.

Bumagal ang pag-abot ni manang sa papel ko pagkakita sa pera ni Dean. "Iho, wala ka bang mas maliit na halaga diyan? Wala pa akong panukli, e. Barya muna sa umaga."

"Ito lang po pera ko..." Sabay kalaykay sa buhok niya na kung may ulo lang ay matigas dahil hindi ito sumusunod sa gusto ng kanyang mga daliri.

Nandiyan na naman ang maitim niyang hikaw. Sabagay, nasa labas pa lang naman kami ng school.

And wow! Iyan lang pera niya. Five hundred lang.Nila-lang na pala ang five hundred ngayon.

"Manang! Dalawang pares ng footmop!" Singit ng isang estudyante na natamaan ako sa balikat. Muntik ko na iyong ikinatumba at natamaan ko pa si Dean na kumawala ng mahina ngunit malutong na mura.

"Sandali lang!"

"Umayos ka naman tol, kitang may bumibili pa, e." Halata ang inis sa boses ni Dean, salungat sa banayad niyang paghawak sa aking balikat upang ibalik ako sa pwesto ko kanina nang magaan at maingat. The gesture almost filled my lungs with something unnamed.

"Sorry..."

"Ikaw iha, itong pad lang ba ang bibilhin mo?" Si manang.

Inisip ko pa kung ano ang gagawin mamaya. Lecture lang naman. Sina Sue marahil meron sa PEHM nila.

"Limang bondpaper, short," sabi ko.

"Ito lang?" Tumango ako. "Pautangin mo muna si Kano," Tinignan niya ang mga id cases namin. "Magkasing antas lang naman kayo. O, Kano, kailan ka babalik ng Amerika bago mo bayaran si ineng maganda?"

"Hindi na po ako babalik. Mas maganda rito sa Pinas." Tinignan niya ako. A quirk of amusement playing in his eyes. Pilyo 'to.

Ilang beses na kaming nag-aasaran sa malayuan, pero kung naglalapit naman tulad nito ay parang hindi namin kilala ang isa't isa. I just started to wonder why when manang fought against my stream of thoughts.

"Iisa na lang muna bayad niyo, ha?"

"Sige po," sang-ayon ko." Isang bundle na lang tapos paki-hati."

"Tss..."

Nilingon ko siya, ipinagtaka ang kanyang reaksyon. Wala akong natanggap na sukli na tingin. Inip nitong ginagalaw ang isang binti at ningangatngat ang ibabang labi. He also hummed a song habang tumitingin sa ibang tinda, naghahanap yata ng ibang bibilhin.

Betting on my hunch, I was thinking he'd want to buy a bubble gum or mint candy.

"Salamat..." nagsabay pa kami ni Dean pagkatapos ng sabay ding pagabot ni manang sa mga papel na hati na.

Kita ko sa gilid ng aking paningin na nilingon niya ako pero dinikit ko ang mga mata sa aking sukli. Sinubukan ko pa iyong bilangin.

Alam kong nakasunod siya sa akin pagkapasok namin sa school gate. Sa halong mga yapak ng sapatos at ingay ng mga dumadaang estudyante, all my senses were perceptive of him alone; My nose to his freshwater and mint perfume. My ears to his smooth but audible footfalls. My sense of touch to the goosebumps caused by his presence.

At kung may mata lang ako sa likod, marahil siya lang din ang nakikita nito.

Kahit siya ang may utang, ewan ko kung saan galing ang hiya ko na ipaalala sa kanya kung magkano ang ibabayad niya sa a'kin. Siguro dahil hindi gaano kalaki ang halaga, hindi naman kasi lagpas bente pesos.

Or maybe it's my delicious pride. Ayaw kong ako ang unang lumalapit. We may belong in the twenty first century, I was still able to preserve the traditionalistic areas of the society.

Hindi naman dahil sa pinipilit ko at gusto kong sundin dahil iyon ang katanggap-tanggap. I care less what other people think of me. Ito lang kasi ang nakasanayan ko. I'm uncomfortable doing the counterpart.

Kinahapunan ay isa ako sa mga cleaners.Pati na rin bukas at sa pagtatapos ng school week. Sinabihan ko na rin si Sue na hindi ako makakasabay sa kanya pag-uwi. Kahit naman hindi ko sabihin ay hindi rin ako hihintayin ng kapatid ko. She hates waiting.

"Hintayin na lang kasi kita, Ruth. Ayoko pa namang umuwi," pamimilit ni Erika habang nag-wawalis ako. "Ikaw lang mag-isa mamaya? It's cloudy! May payong ka ba? Tamad ka pa namang magdala ng payong."

"Hindi na, mauna ka na..." Inis kong iniwasan ang isang kaklase kong pinapasa sa akin lahat ng alikabok! Ako na ang lumayo at nagwalis sa ibang sulok. "Pakiabot ng dustpan!" direkta ko sa tagatapon ng basura.

Nagimbal kami sa malakas na kulog na ikinayanig ng school building. Palakasan ng tilian sina Erika at ilang mga kaklase kong babae.

"Sabay na kasi ako sa'yo, Ruth!" muling pilit ni Erika. Kung isang beses pa siyang mamimilit papaluin ko na talaga siya ng walis!

"Okay lang talaga, mauna ka na bago ka maabutan ng ulan."

Bumuka ang bibig niya upang umangal kaya inangat ko ang walis tambo at akmang ipapalo sa kanya. Simangot siyang umalis at nagdabog pa sakto naman ang pag-andar ng ambon.

Tulad ng inasahan, naabutan ako ng ulan. Sa taas ng araw kanina ay hindi ko na naisipang magdala man lang ng cardigan or sweater.

Umatras ako at umakyat sa nakaangat na bato upang iwasan ang baha na nagsimula nang rumagasa sa labas ng eswelahan. Nabasa na rin ang braso ko dahil hindi sapat ang bubong sa tindahan na sinilungan ko. Mas lalo akong nilamig.

Hirap ako sa pagdukot ng cellphone nang tumunog ito. Nagtext ang kapatid ko at si Erika.

Sue:

Ate, wala kang payong noh?

Gusto ko siyang murahin. Hindi ko na lang nireplyan. Alam niya rin naman, nagtanong pa.

Erika:

Girl, ang lakas ng ulan. Traffic pa. Mandaue pa ako, hindi umuusad ang jeep.

Ako:

I told u to go ahead. Stuck ka sana ngayon dito. Traffic jan? Baha rito.

Sa bag ko na pinasak ang cellphone. Wala na akong balak gamitin iyon hanggang mamaya. Magiging abala ang mga kamay at braso ko sa pagyakap ko sa sarili.

"Woops!"

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng reaksiyon. Ang nakapayong na si Dean ay iniiwasang madulas ang paa sa baha hanggang natagpuan ko siyang tumabi sa akin. Natatakpan ako ng itim niyang payong kaya hindi na ako nabasa.

Pinasidahan niya ang medyo nabasang buhok at ginulo upang tuyuin. A drop trickled from his hairstrand down to the side of his cheek.Black leather jacket outlined his broad shoulders. Bukas ang zipper nito kaya lantad ng kanyang puting formal uniform.

Isang white earphone ang nakasiksik sa kanang tenga niya habang tanggal naman ang isa. Saglit nagbangga ang paningin namin bago ang kaswal niyang pag-iwas at umayos ng tayo.

"Wala kang sundo?" tanong niya, diretso ang tingin sa katapat na tindahan na pinagbilhan namin ng papel kanina.

Umiling ako at 'di na nagsalita.Wala naman kasi akong sasabihin.Tumanaw ako sa dulo at hiniling na may magpakitang pedicab. Kahit jeep na lang sana kung saan pwede ako maki-hitch hanggang eskinita. Sa sitwasyon ngayon, hindi ko na iisipin ang pagtitipid makauwi lang. Balak ko na ngang mag-taxi.

"Titila rin ang ulan...tatahan at daraan..."

Nilingon ko si Dean sa kanyang pagkanta.Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, naririnig ko ang pag-falsetto niya at lambing sa kanyang boses.

"Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo, ako ay iyong-iyong iyo..."

Tumatapik ang kamay niya sa binti kung saan rin tumatapik ang kanyang paa.

Matigas ang mukha ko ngunit ito'y dahil sa nangangatal ko ng pakiramdam sa loob lalo na sa espasyong pagitan ng dibdib at tiyan. Hindi ko nga lang alam kung dahil pa ba sa ulan, sa boses niya o sa kinanta niya.

Hindi ko sinadyang mapakurap nang lumingon siya. Tumindi ang pag-atake sa akin ng panginginig lalo na sa likod.

"Matagal pa 'to, walang dumadaan," aniya.

"Mauna ka nalang. Okay lang ako maghintay." I'm not sure though kung kakayanin ko sa ilang segundo. Ang lamig na talaga. Pinigilan ko na ngang magsalita dahil nagbabangga ang mga ngipin ko. Nakakahiya kaya.

As though he has followed the trend of my thoughts, he stepped in closer. Nagdikit ang mga braso namin na pinapagitnaan lang ng tatlong layer ng tela.

"Hold this." Nilapit niya sa akin ang handle ng payong.

Nalito man ay ginawa ko pa rin ang sinabi niya. Yumuko siya at inakala kong iaangat niya ang manggas ng pantalon upang hindi ito mabasa sa pumipisik na tubig.

"Dean!"

Gulat ang umangkin sa akin nang binuhat niya ako bigla. Mabilis akong kumapit sa leeg niya dahil hirap pa ang isa kong kamay sa paghawak ng mabigat niyang payong!

"Dean! Anong ginagawa mo?" Humiwa ang sigaw ko sa gitna ng ingay ng bayolenteng ulan.

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos niyon lalo na nang walang pag-aatubili siyang lumusong sa baha upang makatawaid sa kabila. I saw how his shoes got engulfed by the flood and so as part of his calves. Basang-basa ang pants niya!

"Dean..." Inuusig ako ng aking konsensya. Who am I to be given this kind of treatment? Sa paghahalo ng mangha, gulat at guilt ko'y gusto ko na siyang ituring na bayani.

Hinawakan kong mabuti ang payong upang hindi talaga kami mabasa dalawa lalo na siya.Kahit ito man lang ang magagawa ko. Hindi ako nagpatalo sa panginginig ko. I have to cooperate with him.

A thought has passed about me and my weight. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon, iisipin pa ba niya kung gaano ako kabigat? Para lang yata akong sakong walang laman sa kanya.

"Manong, pakyaw pa-eskinita, please, bago tumaas ang baha." Pakiusap niya sa isang pedicab driver na kumakain ng snacks sa tindahan. Halos lumuwa ang buto nito sa panga habang ngumunguya.

Umayon naman ito nang marinig ang pakyaw. Sinundan namin siya at maingat na binaba sa upuan ng pedi. I uttered a silent thanks, I don't think he heard it.

"Bagalan niyo manong,a?" pahabol ni Dean.

Tinakpan ng plastic ang harap ng sasakyan kaya medyo nabawasan ang lamig. All my life, ngayon pa lang ako makakasakay nang ganito. Though I have always been curious and interested. I remember dad telling us na natutunan na niyang mag-commute nang tumuntong siya ng fourth year college. So I guess learning and experiencing this all too late is still acceptable.

Umaakyat ang tubig sa apakan ng pedicab kaya pinatong namin ni Dean ang mga paa sa upuan sa harap.

Sinunod naman ni manong na bagalan ang pagpapatakbo. As in sobrang bagal talaga. Kung nakikipagkompentensiya lang kami sa pagong, baka nauna na ito. Lalanguyin pa nga siguro ang baha.

Nilingon ko ang nag-zero visbility nang daanan. I might find being interested to the nature as a way of escaping awkwardness, but I don't like this silence. It's just that his intimidating presence represented a wall that fought against my thoughts of conversations and comfortabilty.

Sa huli ay hindi rin ako nakatiis.

"This is not your first time being in a pedicab?"

Mukhang nagulat pa siya sa pagsisimula ko ng usapan. Saglit siyang pumalabi.

"Yep.ito sinasakyan ko sa tuwing nagka-cutting." Kaswal niyang sagot at hinilig ang likod sa backrest. Ang mukhang magaan niyang itim na knapsack ay kanyang kinandong.

"Bakit ka pa pumasok kung sasayangin mo lang sa mga pagka-cutting mo?"

That question came out harsh, ngunit hindi ko na mababawi ang naging tono ko.

"School is not just meant for me." Nagkibit balikat siya.

Well, his sentiment is understandable.hindi ko nga lang matukoy kung sa katamaran iyan na mag-aral o ayaw lang talaga. But education doesn't give a damn on your hate for school and laziness.

"The best way to get out of school is to graduate. Kaya mag-aral ka nang mabuti," sabi ko.

Ngumisi siya bago ako nilingon. Nakahanda na ang angat niyang kaliwang kilay na mukhang panay na nanghahamon.

"The best way to get out of school is to get yourself kicked out of it. Kaya magrerebelde akong mabuti."

Natawa siya sa aking pag-irap. Talagang gusto niyang ipaglaban ang pagiging bad influence niya diyan sa kanyang motto. Kung ilalathala niya iyan sa libro, hindi na ako magtataka kung ipapa-ban ang pag-publish.

But the way I see it, he doesn't seem to care kung aayawan siya ng mga tao. Other people's opinion of him doesn't matter. He's like 'Fuck them, I'm gonna live my life' type of person.

And this assumption I have of him is feeding my interest.

"Ilang taon ka na rito? Or were you born here and...adopted as a baby?" Kinagat ko ang labi ko. I never meant to mention the last.

Lumaki ang pagkagat sa akin ng alinlangan at ilang sa paniningkit ng kanyang mga mata. "You know something about me, huh? Interested for more?"

"You're notorious and you know it. Kaya malamang alam ko."

"O baka nagtanong ka," agap niya.

"Huh?"

"You asked." He seems so sure and confident. "Minsan nalalaman natin ang sagot sa pagtatanong, hindi dahil sa narinig lang."

Sinuot niya ang itim at bilog niyang hikaw sa kaliwang tenga saka paakyat na inalis ang nabasang noo upang idaan ang kamay sa kanyang buhok.

Gusto kong labanan ang kumikiliti sa tiyan ko nang muli niya akong nilingon.

"Interesado ka ba? Hindi ko sasagutin kung hindi ka interesado. I don't give satisfaction to a curious person. They have to be interested." He paused momentarily. "I want her... interested."

Arte nito. Nagtanong lang ako, e.

"Fine." Umirap ako. "I'm so interested Dean like oh my gosh! Mamamatay ako kapag hindi mo sinagot ang tanong ko."

Tumawa siya. Kinagat ko muli ang aking labi upang hindi mahawa ngunit mas lalo siyang natawa sa nakitang pagpipigil ko. Hinaplos ko ang aking mga braso kahit hindi na naman masyadong natatamaan ng malamig na hangin. Hindi pa tumila ang ulan.

"Ah manong, pwede bang bumalik tayo? Hindi pa kasi kami tapos mag-usap."

Hindi ko na napigilan at natawa na ako pati si manong driver habang nililiko na ang pedicab sa paradahan. Nandito na pala kami. Kitang-kita rito ang hindi umuusbong na mga sasakyan sa kabilang daan. I'm sure gagabihin ako sa pag-uwi.

Dudukot pa lang ako ng pambayad ay may naiabot na si Dean kay manong. Sandali akong natilihan at sinundan ng tingin ang kamay nitong dumudukot ng sukli. Nagmukhang tanga ang kamay kong kinakain ng aking pitaka.

Nakatingin na sa akin si Dean nang binalingan ko siya. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha.Ako, I'm sure basang-basa niya.

"Hm?" Dalawang kilay niya ang umangat.

"Uhm...ayokong magkautang."

His thin lips crawled into a crooked smile. "Di bale. Sisingilin kita sa ibang paraan." Bago pa ako makapaglabas ng singhap ay kumambyo na siya. "It's not what you think. Basta."

Nauna siyang maglakad pagkatapos kunin ang kanyang sukli. Hindi ko na nagawang isipin ang ibig niyang ipagkahulugan sa sinabi niya dahil sa bilis niyang maglakad. Binilisan ko ang pagsunod sa kanya at pumantay upang share kami sa payong.

"Ito, salamat." Nilapit ko sa kanya ang handle nang papaakyat na ako sa Skywalk na magtatawid sa akin sa kabilang daan.

"Hatid na kita doon sa kabila," aniya sabay adjust sa strap ng bag sa isang balikat.

"Di ba pa-South ka?"

"Alam mo?" Mukhang nagulat pa siya.

Nag-iwas ako at tumikhim. "Kasi narinig ko. Hindi ko tinanong."

May tunog ang ngisi niya. Lalong ayaw ko siyang tignan. Totoo naman kasing narinig ko lang.

"Oh...kay. Sabi mo, e."

Dinala ko ang pag-irap sa aking pagtalikod at nauna nang umakyat. Inaasar pa rin ako ng marahan niyang tawa. His hand that's barely touching my lower back is shooting shivers in my spine like rose thorns pricking on my skin and nerves. Hindi ko siya magawang lingunin. Basta, ayaw ko lang.

Sinamahan niya akong mag-antay ng jeep. I really don't understand this. Ayaw ko rin naman itong itakwil. Maybe he's just being a gentleman, isang bagay na hindi ko inasahan mula sa kanya.

Matagal bago may huminto na jeep na siya mismo ang pumara. Isa na lang ang bakante at sinigurado niyang ako ang makakasakay. Pati sa pag-pasok ko sa loob ay hinawakan niya ulit ang ibabang likod ko. Hindi iyong tipong nambabastos, which I really do appreciate.

Tipid at nahihiya ko siyang kinawayan nang unti-unti nang tumatakbo ang sasakyan. Taas-baba ng kilay lang ang sinukli niya, nilamon na kasi ng kanyang bulsa ang kamay nito. Hinatid niya ako ng tanaw at kahit nanliliit na siya sa paningin ko ay dikit siya sa kinatatayuan kasama ng kanyang payong.

My first impression of him didn't last. But I'm still impressed. So impressed by him.    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top