Prologue
EVERYTHING felt surreal.
"Nice to meet you, Nate!"
Isa ka lamang estranghero na kalaunan ay naging matalik na kaibigan.
Hanggang sa nahulog ako sa 'yo.
"May type akong babae sa campus."
Nasaktan noong magmahal ka ng iba.
At nasaktan noong masaktan ka.
Pero sa lahat ng hindi ko inaasahan... iyon ay noong mahalin mo ako nang higit pa sa isang kaibigan.
"Mahal kita, Kate. Mahal na mahal. Kaya hindi na kita pakakawalan. Manawa ka man sa akin."
Nakadikit man sa saya ang takot na baka hindi totoo ang nararamdaman mo para sa akin, kumapit ako sa pag-asang ibinibigay ng mga salita mo.
Umabot ng walong taon ang relasyon natin. Naging masaya tayo. Nakuha natin ang buong suporta mula sa mga magulang natin. Kuntento na sa lahat. Kaya naman hindi ko inaasahan na darating pa tayo sa pagkakataon na mas pipiliin nating bitawan ang isa't isa.
"I love you, Kate, but I think we need to stop this."
"That's it? Walong taon, Nate, basta mo na lang itatapon 'yon?"
"Alam kong hindi ka na masaya, Kate. Alam ko ring pagod ka na sa relasyong 'to. Pagod ka na sa 'kin."
"Pero hindi ibig sabihin na gusto kong tapusin 'to! Napapagod ako, oo, pero kinakaya ko naman, 'di ba?"
"Iyon na nga ang ikinakatakot ko, Kate. Natatakot akong tuluyan kang mapagod at ikaw na mismo ang umalis sa tabi ko. Kaya nga bibigyan kita ng oras na makapagpahinga, 'di ba? Hindi naman natin tuluyang tatapusin 'to. Magpapahinga lang tayo."
"Sana gumagawa ka ng paraan para mawala ang pagod ko, hindi 'yong ganito! Sana gumagawa ka ng paraan para maibalik ang dating tayo!"
"Nawala ba tayo, Kate? O ikaw ang nagbago? I tried everything for you pero hindi naging sapat. Sa gawaing bahay, sumusubok akong tumulong pero nagagalit ka dahil hindi sapat ang ginagawa ko. Sa lahat ng ginagawa ko hindi naging sapat para sa 'yo pero inintindi ko ang mga gusto mo. Pero nakakapagod umintindi nang umintindi, Kate. Nakakapagod na ako lang ang umuunawa. Kaya sa palagay ko kailangan natin. 'to. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin."
Pero sa kabila niyon pinili nating lumaban.
"Dahil ikaw rin ang pahinga ko, Nate. Hindi ko kayang tuluyang malayo sa 'yo. Mahal na mahal kita, Nate."
At pipiliing ipagpatuloy ang mahigpit na kapit sa pagmamahal na mayroon tayo para sa isa't isa.
Dahil alam natin na ang relasyon ay hindi kailanman magiging matibay kung walang pagsubok.
"You may now kiss the bride."
Pero bakit kahit anong laban ko, bakit kahit anong panalangin ko, patuloy pa rin tayong dinadala ng hangin sa isang hamon.
"Iiwan mo ako, Kate? Ngayon pa na kailangang kailangan kita?"
Hindi ko alam kung ano'ng naging kasalanan natin para batuhin tayo ng ganitong katinding pagsubok.
"I'm really sorry, Nate, pero kailangan ko 'to. Nakikiusap ako. Sana maintindihan mo naman ako."
Pagsubok na hindi ko alam kung pinagtitibay lang ba tayo.
"Bawat desisyon mo naiintindihan ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong lumayo sa panahong dapat lumalaban tayo nang sabay."
Pagsubok na hindi ko alam kung makakaya ko pang malampasan.
"Dahil natatakot ako, Nate! Natatakot ako na kung hindi ako lalayo ngayon ay baka tuluyan akong matalo. Baka tuluyan kong makalimutan ang sarili ko!"
Pagsubok na ngayon ay unti-unting dumudurog sa buong pagkatao ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top