PRÓLOGO
MAXIMA VALENTINA SAN DIEGO's POV
"Lagyan mo pa ng tubig ang baso niya, Maia." ani Ate Maxine.
Ngumiti naman ako sa kaniya 'tsaka ko nilagyan ng tubig ang lalagyan na plastik. Naglalaro kami ni Ate Maxine ngayon ng bahay-bahayan.
"Maia, how many times do I have to tell you? Don't wash the hair of our dolls. Look! Nagmukha tuloy siyang bruhang manika."
Reklamo ni Ate Maxine sa akin. Napangiti na lamang ako sa kaniyang naging reaksyon.
I am lucky to have an older sister like her. Siya palage ang nagtatanggol sa akin. Sa lahat ng bagay na pwedeng manakit sa akin, sa mga masasamang tao sa paligid na gusto akong awayin. She's always been there to protect me.
Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso at si Kuya Milan ang middle child.
Nagulat naman ako nang bigla akong sinabuyan ni Ate Maxine ng tubig. Napapitlag na lamang ako habang nakita ko siyang tumatawa nang dahil sa tuwa.
"Mahuhuli rin kita, Ate!" sigaw ko sa kaniya pabalik at naghabulan kami sa loob ng aming mansion.
"Ay! Dios miyo, Marimar! Aatakihin ako nito sa puso nang dahil sa inyong dalawa eh!"
Gulat na sigaw ni Manang Bella sa amin. Muntik ko na kasi siyang masabuyan ng tubig. Akala ko si Ate Maxine, pero hindi naman pala.
"Sorry po, Ate Manang. Naghahabulan po kasi kami ni Ate Maxine eh." natatawa ko pang sabi sa kaniya.
Kumunot naman ang kaniyang noo at napalingon naman siya sa aking Ate Maxine na basang-basa na rin ng tubig. Plano rin kasi namin na maligo muna kami mamaya sa ulan.
Tuwing hapon kasi ay umuulan, kaya nagtatampisaw kami sa labas ng bahay.
"Hay naku! Unya na mo pagdula, kamong mga bataa mo! Basa na kaayo mong duha."
Singhal ni Ate Manang Bella sa amin habang umiiling. Manang Bella is a bisaya woman, she was born here in Cebu.
Translation: "Mamaya na kayo maglaro! Mga batang ito oh! Basang-basa na kayong dalawa!"
"Sorry po, Manang."
Malungkot na sabi ni Ate Maxine sa kaniya at tumigil muna kami sa aming paglalaro at sinamahan naman kami ni Manang Bella sa aming kwarto para bihisan kami ng bagong damit.
"Malalagot talaga ako nito mamaya kila, Ser at Mam."
"Don't worry, Manang Bella. Kami na po ang magpapaliwanag kina Mom and Dad."
"I agree!" pangpalubag loob ko kay Manang Bella.
Nappailing na lamang ang matanda sa aming naging suhestiyon. Napapagalitan kasi si Manang Bella kapag hindi kami na-asikaso ng maayos. Which is very wrong.
Manang Bella take care of us very well. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sino ba talaga ang ina namin ni Ate Maxine eh.
Our Mom is always busy with her work. Lalong-lalo na si Daddy. Kahit nasa hapag kainan kami, may laptop na katabi si Mommy at doon niya kinakausap ang sekretarya niya tungkol sa trabaho.
Pagkatapos kaming bihisan ni Manang Bella ay nagpaalam muna kami na pupunta muna ng dalampasigan para masaksihan namin ang papalubog na araw. Ginagawa namin ito ni Ate Maxine araw-araw.
Sabi nila, malapit lang daw dito ang Malapascua. Pumunta ka lang ng New Maya Port, sasakay ka ng bangka. Tapos dadating ka kaagad doon. Hindi pa ako nakakapunta doon, pero itong si Ate Maxine ay nakapunta na.
Hindi kasi ako nakasama sa pagpunta nila dahil nagkalagnat ako. May kliyente kasi si Daddy at Mommy doon, kaya kailangan nilang pumunta.
Mapilit si Ate kaya sinama na rin nila papuntang Malapascua. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung ano ang pangalan ng naging crush niya 'raw' doon.
"Ate? Why can't you tell me who is your crush? Hindi ko naman ipagkakalat eh!"
Singhal ko sa kaniya at tinawanan lamang ako ni Ate Maxine, bago niya ako sinagot.
"Hindi pwede, Maia. Saka ko na sasabihin sa'yo, kapag naging asawa ko na siya."
Napasinghap naman ako sa mga sinabi ni Ate Maxine sa akin. Akala siguro niya, makakatuluyan talaga niya ang lalakeng iyon!
Apat na taon ang agwat namin ni Ate Maxine. Grade 3 ako at Grade 6 naman siya. Pero sinasamahan pa rin niya akong maglaro ng bahay-bahayan.
"Ate, paano ka naman nakakasiguro na siya talaga ang makakatuluyan mo?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Babalik naman ako doon, isasama kita!" sabi ni Ate Maxine sa akin at napakunot naman ang aking noo.
"Ayoko, hindi naman ako mahilig sa dagat eh. Atsaka, madaling mamula ang balat ko. I think... allergic ako sa sinag ng araw."
Natawa naman siya sa aking sinabi na para bang hindi ito katanggap-tanggap na rason.
"Maxima, you're not allergic to sunlight! You're just overreacting! Ang sabihin mo, ayaw mo lang umitim."
Well, that's kinda' true. I don't like tan skin.
"Eh, ayoko naman talaga Ate eh."
Suko ko sa kaniya at napatingin naman ako sa kalangitan. Himala ata ngayon, hindi umulan. Siguro, dahil pinipigilan ng araw ang mga ulap na magpabuhos ng ulan ngayon.
"Paano ba 'yan, Ate? Mukhang hindi ata uulan ngayon. Napaka-aliwalas ng kalangitan."
Sabi ko sa kaniya habang hindi ko pa rin iniaalis ang paningin ko sa kalangitan.
"Oo nga eh. Sayang," sabi ni Ate Maxine at naglakad-lakad muna kami sa dalampasigan.
Our mansion was owned by my grandparents. Lahat ata ng mga Sandiego ay may mansion sa kani-kanilang lugar. Pinamana ito ng mga magulang ni Daddy sa kaniya, at dito na sila tumira ni Mommy simula noong ikinasal silang dalawa. Taga-Maynila si Mommy.
Pinsan niya si Sylvianna Torres, my Mom's name is Myra Torres. Ang ina ni Sylvianna ay kapatid ng ama ni Mama noon. Which is my lolo. Ewan ko, mukhang lumuwas ata sila ng Amerika pagkatapos ng kaarawan ni Lily. Auntie Sylvi's only daughter.
Magkaibigan rin kami ni Lily, pero hindi na kami gaanong nagco-communicate. Siguro dahil busy siya sa pag-aaral doon sa Amerika.
Atsaka si Tita Sylvianna rin ay masyadong mahigpit sa anak niya. Hindi nga ako basta-bastang nakakalapit kay Lily noon eh, noong bumisita kami sa kanilang bahay sa Manila.
Nakataas noo si Tita Sylvianna habang tinuturan niya si Lily na maglakad ng maayos. May dala-dala pang libro si Lily sa ulo para mabalanse talaga niya ang tamang pagrampa.
Awang ang aking bibig noong nakita ko silang ganoon ang eksena. Nakaupo si Tita Sylvianna sa kaniyang mala-gintong upuan habang nakataas ang kilay na pinagmamasdan ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Lily.
"Sousanna!"
Napatalon naman ako ng wala sa oras nang makita kong biglang nadapa si Lily nang dahil hindi niya na-balanse at nahulog ang librong karga-karga nito sa ulo. Lalapitan na sana ng mga katulong kaso, bigla silang sinenyasan ni Tita Sylvianna na hindi muna lalapit sa kaniyang anak.
Kumakain ako ng cake ngayon sa kanilang sofa habang pinagmamasdan si Tita Sylvi na tinuturuan ang kawawang umiiyak na Lily ngayon. Every summer, bumibisita kami rito sa Maynila. Sa kanila kami namamalage ni Ate Maxine. Huling araw na rin namin dito, dahil balita ko. Pupunta na sila ng Amerika bukas ng umaga.
"Mommy! I-I can't do it! It's hard!" reklamo ni Lily habang umiiyak.
Napatayo naman si Tita Sylvianna pero nakapamewang ito.
"Sousanna Stephanie! How many times we did this! And yet? Hindi mo pa rin alam kung paano gawin iyan? That's a simple thing! Basic!"
Dumadagundong ang boses ni Tita Sylvi sa buong bahay nila. Napayuko naman si Lily at dahan-dahan itong tumayo.
"Mommy, I'm still a kid!"
"That's why I'm teaching you! God! Lily! Do it again!"
Ma-awtoridad nitong sabi sa kaniyang anak at napabuntong hininga na lamang ako. Sinulyapan naman ako saglit ni Tita Sylvianna kaya na-alarma naman kaagad ako. Tumuwid ako sa aking pagkakaupo at inilayo ko kaagad ang aking paningin sa kaniya.
Nakakatakot makipagtitigan sa isang Sylvianna Torres!
Iyon ang huling komunikasyon namin ni Lily bago kami lumipad pabalik rito sa Cebu. Mabuti nalang at hindi ako ang naging anak ni Tita Sylvi. Siguro mas mauuna pa akong tatanda sa kaniya kapag nangyari 'yun.
She's a rigorous mother but she's not that cruel. I mean, she wants her daughter to be perfect in every people's eyes. Which is very wrong. Wala namang perpektong tao, hindi ba?
Well, magkaiba naman sila ni Mommy. Si Mommy, hindi nga siya malupit katulad ni Tita Sylvi, wala naman siyang pakialam sa akin.
I mean, sa aming dalawa ni Ate Maxine. Palageng nakatuon ang buong atensyon niya sa laptop. Palageng may kausap.
Minsan nga, nagtatampo na kami sa kanila. Pero hindi man lang nila ito nakikita.
Ang palage lang sinasabi ni Daddy?
"We were just doing what's the best for the both of you. Kayo rin naman ang makikinabang nito, balang araw."
Sabi ni Daddy sa amin. Wala na kaming magagawa doon. Ang kinaiinisan ko lang, ay sana... bigyan naman sana nila kami nang kahit kaonting atensyon.
Palage nalang silang wala sa bahay. Ako, si Ate Maxine at si Manang Bella at ang anak nitong si Corazon lang ang kasama namin sa malaking mansion namin dito sa Cebu. Isali na natin dito ang mga iba pang katulong at mga gwuardiya.
Pagkauwi namin ni Ate Maxine ay nadatnan naman namin sila Mommy at Daddy na kakapasok pa lamang ang sasakyan sa garahe.
Kaagad naman kaming lumapit sa kanila at nanlaki naman ang kanilang mga mata. Kaagad naman kaming niyakap nila Mommy at Daddy. Kinarga rin ako ni Daddy at hinagkan sa pisngi.
"I miss you Daddy, Mommy!" masaya kong sabi sa kanila.
Ngumiti naman si Mommy sa amin, habang yakap-yakap pa rin si Ate Maxine. Dalawang linggo rin silang wala sa bahay dahil pumunta sila ng Singapore para sa isang proyekto.
"May mga pasalubong kayo sa kotse, anak."
Sabi ni Daddy at napangiti na lamang ako. There's nothing new. Sa tuwing umaalis sila at pumupunta ng ibang bansa, palage silang may dalang mga pasalubong para sa aming dalawa ni Ate Maxine. Kulang na nga lang bilhin nila lahat nang mga laruan sa Mall na bawat pinupuntahan nila eh.
"Where's your Kuya Milan?" pagtatanong ni Mommy.
"Nasa room po niya, naglalaro ng computer games." sagot ni Ate Maxine kay Mommy.
Pumasok na kami sa loob at nakita naman namin na nakahanda sa aming mahabang lamesa ang iba't-ibang mga masasarap na pagkain. Habang ang mga katulong naman ay nasa gilid lamang at ang iba ay nagsasalin ng juice sa aming mga baso.
Kaagad naman kaming umupo sa aming mga upuan at ganoon rin sila Mommy at Daddy.
"Welcome home po! Ser, Mam!" masayang bati ni Manang Bella sa aming mga magulang.
"Thank you, Bella." sabi ni Mommy sa kaniya pabalik.
Kakain na sana kami, kaso biglang nagsalita si Daddy sa aming harapan.
"By the way, where's Cora? Where's your daughter, Bella?" pagtatanong ni Daddy kay Manang Bella.
"Ahh, nakatulog po kasi nang maaga, Ser. Gigisingin ko nalang po iyon mamaya. Para makakain ng hapunan."
Magka-edad lang kami ni Corazon at gustong-gusto ko siya bilang kaibigan dahil napaka-funny niyang bata. Katulad ko, kahit na hindi siya masyadong nagsasalita ng mga Tagalog words ay naiintindihan ko naman siya.
"Bella, may pasalubong rin kami para kay Cora. Kunin mo nalang sa compartment ng aming sasakyan." nakangiting sabi ni Mommy sa kaniya.
"Talaga po, Mam? Ay naku! Salamat kaayo!"
Natawa na lamang kami sa naging reaksyon ni Manang Bella. Susubo na sana akong muli nang biglang tumunog ang telepono ni Mommy.
Tinignan naman siya ng malamig ni Daddy.
"Myra. No phones allowed, right? We've already talked about this." Baritonong boses ni Daddy.
Napabuntong hininga naman si Mommy at hindi man lang siya nakinig kay Daddy.
"It's an important call, Greg." panlalaban ni Mommy.
Nagkatinginan naman kami ni Ate Maxine at kaagad naman niyang ibinaba ang kaniyang paningin sa akin at napapailing na lamang na kumain ng kaniyang pagkain.
"Mas importante pa ba 'yan, kaysa sa family dinner natin?" Matabang na sabi ni Daddy kay Mommy.
"Yes! Mas importante ito, Gregorio! This is an important client, at kapag na-close deal ko na ito? Paniguradong mapupunta sa atin ang malaking proyekto! Lalong-lalo na ngayon dahil pinagkakatiwalaan na tayo ng mga Fernandez!"
Pa-sigaw na sabi ni Mommy kay Daddy.
Hindi naman nakasagot si Daddy at marahas na lamang itong napabuntong hininga at hinayaan na lamang si Mommy na umalis ng hapag-kainan at kinuha ang telepono nito at pumunta sa veranda para sagotin ang kung ano mang tawag.
Natapos ang gabing iyon na kaming tatlo nalang ang kumakain. Palage naman ganoon ang nagiging eksena sa tuwing kumakain kami eh.
Minsan na nga lang kaming kumakain na sabay tapos hindi pa nila ito mabigyan ng atensyon. How much more pa kaya sa aming mga anak nila. Minsan nga, hindi ko maiwasan ang hindi mainggit sa mga ka-klase ko noon. When I was in Grade 3. Pero noong nag-grade 6 na ako ay 'tsaka naman ako nag home-schooled. Ayaw nila na lumalabas ako. Simula noong napa-away ako at nasaktan.
Sobrang galit na galit si Ate Maxine noon sa batang babae na nanakit sa akin. She's bullying me for no reason! Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero sinasaktan niya ako. Kaya... hindi napigilan ni Ate Maxine at nasuntok niya ang batang babae. That girl is a poor at nakapag-aral lang sa pribadong skwelahan nang dahil lang sa scholarship.
Kaagad itong nakarating kila Mommy at Daddy. Kaya si Mommy naman ang humarap sa Principal. Dahil makapangyarihan ang mga Sandiego, kinuha ni Mommy ang scholarship sa batang babae. I know, it was her fault. Pero... naawa rin ako sa kaniya.
But me and my Mommy doesn't think the same way. Kung ano ang gusto niyang mangyari ay iyon ang kaniyang gagawin. Napaalis sa skwelahan ang kawawang batang babae.
Kaya simula noon, si Ate Maxine nalang ang pinapayagan nila na mag-aral sa isang pribadong skwelahan.
Alas-syete pa lamang ng umaga nang makita ko si Ate Maxine na naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi. Nanliit naman ang aking mga mata at napatalon naman siya ng makita ko siya at palihim naman niyang inalis ang lipstick na nakalagay sa kaniyang mga labi, bago ako hinarap.
Third year high school na ngayon si Ate Maxine at mas lalo lamang siyang gumaganda.
"Why are you wearing a lipstick, Ate?" pagtatanong ko sa kaniya.
Hindi naman siya makatingin sa akin ng diretso. Alam kong malihim si Ate pagdating sa mga ganitong bagay, kaya hindi ko nalang siya pipilitin kung hindi naman niya ito sasabihin sa akin.
"Wala lang! May activity kasi kaming gagawin ngayon. And I'll be the one to lead the Juliet's character."
Alam ko kung kailan nagsasabi ng totoo si Ate at alam ko naman kung kailan siya nagsisinungaling sa akin.
Tumango na lamang ako sa kaniya at napalingon naman ako sa aking likuran nang may biglang kumatok.
"Maia, nandito na si Teacher Trisha! Lumabas ka na diya," sabi ni Kuya Milan sa labas.
"I'm coming!" sigaw ko sa kaniya pabalik.
Nilingon ko naman ulit si Ate Maxine at dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya at bumulong.
"Don't worry, Ate. Ako na ang bahala magpaliwanag kay Kuya Milan kung bakit ka mali-late mamaya sa pag-uwi. Just enjoy your date with your crush," sabi ko sa kaniya at namula naman siya sa aking mga sinabi.
Kaagad naman akong lumabas ng kaniyang kwarto at pumanhik sa office ni Daddy.
Wala rin kasi ang mga magulang namin ngayon. As usual, nasa ibang bansa na naman para sa negosyo.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top