Capítulo 37
Cena
Sampal kaagad ang ibinungad ni Mama kay Maria Almodovar, pagkarating namin sa presento.
Pagkatapos nang aming mga nalaman ay kaagad kaming nagpasyang umuwi nang Pilipinas para maasikaso ang kaso tungkol sa kanilang dalawa ni Anton Almodovar.
"How dare you put my daughter's life in danger?! Ano ba'ng tingin mo sa sarili mo?!" sigaw ni Mama at pati rin ako ay ramdam na ramdam ko ang galit na nananalaytay sa kaniyang ugat.
Maria laughed without humor. Nababaliw na siya.
"Wala akong pakialam! Sinira n'yo ang buhay nang aking pamangkin, tapos ngayon? Idinamay niyo pa ako? Pinatay ng asawa mo ang kapatid ko! Dapat lang na pagbayaran ninyo iyon!" kaagad siyang inawat ng pulis nang dahil sa kaniyang mga pinagsasasabi.
Sasagot na sana si Mama pero kaagad ko siyang inawat.
"It was an accident, Miss Almodovar. Walang kasalanan ang ama ko rito, kung sa tingin ninyo ay ganoon, pwes! Nagkakamali kayo! Pagkatapos ng aksidente, gumawa nang paraan si Papa para lang matulungan ang mga nadamay. Nagsinungaling si Anton, gumawa siya nang kwento para lang kamuhian ko ang aking ama!" pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Kahit na ano pa'ng pagpapaliwanag nila, wala pa rin silang laban dahil may ebidensya si Papa. Atsaka, isa pa, mas malaki at mabigat ang kasong kinakaharap ngayon ni Anton. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat, kung sumuko lamang sila sa mga pulis.
You fool, walang magnanakaw na aaminin na magnanakaw siya.
Patas lang ang lahat.
Anton, killed my sister because he wants revenge. He wants my father suffer from everything. Pero, imbes na sa ama namin iyon mapupunta, napunta iyon sa aming mga anak niya.
Walang kalaban-laban ang aking kapatid. Wala siyang kasalanan para siya ang pagbuntungan nang galit nang isang tao.
"Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam nang mawalan nang minamahal!" napaatras ako sa biglaan niyang pagtayo.
I swallowed hard when I see her tears slowly fallen down to her cheek.
"Walang kalaban-laban ang kapatid ko dahil mahirap lamang kami! Sa tingin niyo ba? Sapat na ang pera para lang mapatawad kayo? Habang buhay kayong magdudusa!"
"Ipasok niyo na 'yan sa loob," sabi ng isang pulis na babae at kaagad naman nila itong kinuha kahit na nagpupumiglas pa rin ito.
"Habang buhay ninyong pagbabayaran iyon!" huling sabi niya sa amin.
Inaamin kong kinakabahan pa rin ako, kahit na alam kong nakakulong na silang dalawa ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang takot na aking nararamdaman. Ang pagdakip nila sa akin sa Malapascua.
I thought I'd end up my life there. Akala ko... doon na ako mawawalan nag buhay.
Pagkatapos nang mga nangyaring pag-uusap na nauwi naman sa wala ay kinausap muna ako nang mga ilan sa mga awtoridad. They need my informations. Ibinigay ko nalang sa kanila ang lahat nang mga nalaman ko.
Pagod na pagod na akong magsinungaling.
"Miss San Diego, we want to interview your father, since he's also involved with this case. The Almodovar won't kidnap you if fhey don't want something else from you. We need to talk to him, as soon as possible." sabi ng pulis sa akin at tumango na lamang ako sa kanila.
Paglabas namin nang opisina ay ang una kong napansin ay ang itim na Range Rover. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Atticus na nakasandal sa gilid ng kaniyang sasakyan habang nakakibit-balikat.
Naghihintay sa akin.
Kaagad kaming nagkatinginan ni Mama at nakita kong umirap lamang siya sa akin, bago magsalita.
"Mauna na ako. Sumunod ka nalang," malamig niyang sabi sa akin at tango lamang ang aking isinagot sa kaniya.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniyang direksyon at kaagad na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"How was it?" pagtatanong niya sa akin.
"Makakahinga na rin ako nang maluwag dahil nahuli na siya. Wala nang magtatangka sa buhay ko," hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha nang dahil lang doon.
Kaagad niya akong niyakap at hinagkan ang aking ulo.
"No one will hurt you because I am here. As long as you're in my arms, you're safe, Maia."
Inangat ko ang aking paningin sa kaniya. Kaagad niyang pinunasan ang aking mga luhang nagsilandasan sa aking magkabilang pisngi.
"I want to go back to Malapascua, Atticus. I want to live there, peacefully. With you," sabi ko sa kaniya.
Inilagay niya muna sa gilid ng aking tenga ang mga takas kong buhok.
"We will live there, together. You are my family now. You are going to be an Alcazar. Mrs, Alcazar."
Ang sarap pakinggan nang mga salitang iyon galing sa kaniya.
Kinalimutan niya ang galit na nararamdaman niya para sa akin. Kahit na masakit, ipinaglaban niya pa rin ako laban sa pamilya niya.
Tinanggap niya pa rin ang pamilya ko.
"Are you ready?" Atticus said and hold my hand.
Nasa labas pa rin kami nang sasakyan niya habang ako ay kabadong kabado na at nanginginig na ang aking magkabilang tuhod.
We were having a dinner together with the whole Alcazar. Sabi niya, tradisyon daw iyon nang kaniyang pamilya sa tuwing may malapit nang ikakasal.
Sinabi na rin kasi ni Atticus ang tungkol sa pagpapakasal sa akin, eh. Nasa kabilang sasakyan naman sila Mama at Papa.
Pinilit ko si Papa na sumama para humingi nang kapatawaran sa lahat nang mga nagawa niya. Kahit na alam naming aksidente lang ang lahat nang iyon.
Nangyari pa rin iyon at marami ang nasaktan.
"Kinakabahan ako," pag-amin ko sa kaniya.
Kaagad niyang hinagkan ang aking nanlalamig na mga kamay, bago ako tinignan nang may pag-aalala at pagmamahal.
"Don't worry, I'm here." sabi niya sa akin, bago kami lumabas nang kaniyang sasakyan.
Sa labas pa lamang ay nakikita ko na ang iba't-ibang klaseng sasakyan na nakaparada sa labas nang bahay. Ang mga gwardya na nakasuot ng uniporme habang may nakakabit sa mga tenga nila.
Pagkarating namin sa loob ay kaagad kaming sinalubong ng mga katulong at dumiretso kaagad kami sa dining area.
Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang aking puso na tumitibok nang napakalakas.
Lalong-lalo na nang makita ko ang kaniyang pamilya sa hapag kainan.
Nakatingin silang lahat sa akin. Kung hindi pa ako tinawag ni Atticus ay hindi ako gagalaw sa aking kinatatayuan.
"You must be Maxima San Diego, am I right?" pagtatanong ng isang dalagang babae.
She's beautiful, from her skin down to her dress and to her body. Isama mo na ang maalon niyang buhok.
Tango lamang ang isinagot ko sa kaniya.
Nang magtama ang mga mata namin ni Mr. Alcazar ay kaagad niya itong iniwas at ibinaling sa ibang atensyon ang kaniyang mga paningin.
Tumahimik silang bigla nang pumasok ang aking mga magulang.
The dinner hasn't started yet, but I can feel the pressure in the middle of this night.
Dinner
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top