Capitulo 33
Llamada
Tulala ako habang nag-i-impake ng aking mga damit. My heart felt so much of sorrowful emotions. Pain, heartaches, sadness, and regrets. Kaagad akong nagtiwala sa isang lalakeng hindi naman pala sigurado sa akin. I... loved Atticus Alcazar. I am deeply in love with him.
Pero, anong ginawa niya? He said, he will marry me. He even proposed to me, in the middle of my pain and doubts, but I conquered everything, just for him. Kung kalian ako nag-desisyon na ipaglaban din siya, doon naman siya sumuko.
Ang kapal...
Narinig kong may kumatok mula sa labas, kaya nagmamadali kong pinunasan ang aking mga luha. I acted like I never cried.
Pumasok si Mama na bihis na bihis na. Tinignan niya ako nang may pag-aalala sa kaniyang mga mata. I know, she's just concerned about me.
"Are you done packing your things, hija?" Mama asked.
I swallowed hard and I am really trying my best to hide my feelings, inside. Ayokong sabihin ni Mama na nagpapa-apekto ako nang dahil lang sa isang lalake. Well, I can't help it. Ganoon nga siguro, kapag minahal mon ang tunay ang isang tao.
"Yes, I'm almost done, Mama."
"We'll gonna wait you, outside. Okay?" sabi ni Mama at paalis na sana siya nang bigla ko siyang pinigilan.
"Ma, before we leave. Pwede po ba tayong pumunta kay Papa? Gusto ko lang po sana na kausapin siya," pagpapaliwanag ko kay Mama at nakita ko naman ang biglaang pagbago ng kaniyang ekspresyon.
"Of course, hija. Basta, bumalik ka lang kaagad, okay?" tumango ako kay Mama.
Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay kaagad akong nagpahatid sa aming driver. Habang nasa kalagitnaan kami ng aming byahe ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng labas. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, habang iniisip ko ang posibleng magiging paliwang ni Papa sa akin, tungkol sa mga Alcazar.
Kung nagkasala talaga si Papa, bakit hinayaan nila kaming maka-sosyo sila pagdating sa negosyo? Bakit parang wala lang ang lahat nang mga ito kay Mr. Alcazar? Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Atticus sa akin. He wants revenge. Revenge for his mother, revenge for me. Kung hindi siya nahulog sa akin, paniguradong lubog na ang kompanya namin sa utang at paniguradong makukulong pa si Kuya Milan dahil sa pagkaka-wala nang malaking halaga nanggaling sa mga Alcazar.
I will accept every misery from him. Ako ang sasalo sa lahat nang kasalanan, sakit na kaniyang nararamdaman. Kung iyon lang ang tanging paraan para mabawasan ang galit na nararamdaman niya sa amin. Sa galit na nararamdaman niya para sa mga San Diego.
Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan at nabalik lang ako sa realidad nang pinagbuksan na ako nang pintuan ng aming driver. After what happened in Caticlan, kaagad kaming bumalik rito sa Maynila. Ilang oras nalang, kaya kailangan kong sulitin ito. I just badly want to talk to him.
Pinagbuksan naman ako ng kaniyang asawa at pinatuloy. I saw him, drinking some hard liquor. Nang makita ako ay napatigil siya at namilog ang kaniyang mga mata.
"Anak..." Papa whispered.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya at sinuri ko ang kaniyang reaksyon. Nakita ko ang mumunting mga kunot na nagmumula sa gilid ng mga mat ani Papa. He's getting older.
"Anak... narinig ko mula sa Mama mo, na, muntik ka na raw mabaril nang isa sa mga tauhan ni Maria Almodovar. Is that true, hija?"
Bumuntong hininga muna ako, bago ko siya sinagot.
"Hindi ako ang nabaril. Atticus Alcazar saved my life, Papa." pag-amin ko sa kaniya.
He stiffened of what I said, and he looked away.
"Papa, hindi ka man lang ba magpapaliwanag? Why can't you defend yourself?"
Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni Papa at kaagad niyang nilagok ang alak, bago ako hinarap.
"What do you mean, Maia?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
"I want to know the truth, Papa. T-totoo bang, nasagasaan mo ang asawa ni Mr. Alcazar? Bakit hindi mo siya binalikan at tinulungan?"
Nanigas si Papa sa kaniyang kinauupuan at alam ko na kung ano ang magiging dahilan niya. Bago ako bumalik ng New York, kailangan ko munang maayos ang lahat nang ito.
"Who said that to you? Si Mr. Alcazar, ba?"
"S-sinabi sa akin ni Atticus, lahat. Sinabi niyang nasagasaan mo ang kaniyang ina at hindi mo man lang ito binalikan. Is that true, Papa?" desperado na akong malaman ang buong katotohanan.
"Pa-patawarin moa ko, anak. Na-natakot lang talaga ako sa pwedeng mangyari. Halo-halo ang mga iniisip ko, dahil nag-away kami ng Mama mo. Kaya ako umalis at nagpakalasing-lasing. Hi-hindi ko naman sinasadya iyon eh-" kaagad ko siyang sinagot.
"Papa! You've made an accident! Kung binalikan mo lang sana si Josefina, hindi sana magkakaganito. Bakit wala ka man lang ginawa?!" pagalit kong sabi kay Papa.
Yumuko siya habang panay pa rin ang kaniyang pag-iyak sa aking harapan.
"I'm just too scared, Maxima! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng ina mo, kapag nalaman niyang nakasagasa ako ng isang tao. Maia, it was an accident. Hi-hindi ko rin naman ginusto 'yun, eh."
I wiped my tears and I looked at him with rage of madness. I am so disappointed in you. Ikaw pa naman sana ang iniidolo ko sa pagiging magulang.
"I want you to apologize, to all Alcazar. Lalong-lalo na sa ama ani Atticus, Papa. Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan nung tao. Atticus grew up without a mother. Kaya, kahit alam kong masakit, tatanggapin ko pa rin ang galit na nararamdaman niya para sa atin."
Tumaas ang aking dugo nang makita ko siyang umiling.
"A-ayokong makulong, anak. Pa-paano nalang ang asawa ko? Pa-paano nalang ang anak namin?"
I laughed sarcastically and without humor. Buti pa 'yung pangalawang mag-ina, inisip niya.
"I really admire you for being a good father to us. But I really hate you for leaving us! I-iniwan mo si Mama na kahit alam mong mas kailangan ka niya. Bakit? Bakit n'yo kami iniwan? Why did you leave?" parang tinusok ng ilang karayom ang aking damdamin at hindi ako makapagsalita ng diretso.
Hindi siya sumagot sa akin at hinayaan niya lamang akong pagsalitaan siya.
"I have trust issues when it comes to relationships. When it comes to love," I swallowed hard.
"Natakot akong mangyari din iyong mga naranasan ni Mama, sa akin. I can't stand seeing myself, crying in the middle of the night, while hugging my comforter. Habang iniisip ko, kung anong ginagawa niya, kung mas nakahanap na ba siya ng iba."
"Y-you have to pay for what you did, Papa. Kahit na ang pagpapatawad nalang sa mga maling nagawa mo noon. Sa mga kasalanang nagawa mo sa pamilya nila," matabang kong sabi sa kaniya.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinipilit ko pa ring maging matatag sa gitna nang aking nararanasan ngayon. Si Maria, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Si Atticus na iniwan ako nang ganun-ganun lang.
I glanced at my phone for one last chance... pero, wala talaga akong matanggap ni kahit isang tawag sa kaniya. How can he forget me so easily?
Tinawag na ang lugar na aming pupuntahan. Nanghihina akong tumayo at unti-unting naglakad papasoksa loob. Lumingon ulit ako sa aking likuran, ngunit, sa aking paglingon ay wala talaga akong makita ni kahit anino niya. He will marry Odette Geneva, for sure. Hi-hindi naman 'yung nagsisinungaling sa akin eh. Ang sakit lang talaga isipin na... mauuwi lang sa wala ang lahat.
I tried to fight my love for him. At ganoon rin siya sa akin, pero... napagod siya, katulad rin naman pala siya ng aking ama. Ang bilis nilang sumuko!
My heart hurt so good when we reached the mansion of the Montefrios.
Kaagad kaming sinalubong ni Tita Sylvianna with her all creamed white attire. Her red lips were very enticing. Her hair was in a bun style, wala ka talagang makikita ni kahit konting buhok na lumabas mula roon. She looks so elegant, fancy, luxurious high maintenance Sylvianna Liliana Torres Montefrio.
"I'm really sorry, Myra. Nakarating sa akin ang balita tungkol sa kasabwat ng suspek na 'yun! Buti nalang talaga at nakatakas kayo at nakarating kaagad kayo rito," pagsasalita ni Tita Sylvianna habang naglalakad kami papuntang dining area. It's almost eight pm in the evening here in New York.
Iba't-ibang mga pagkain ang nakahain sa isang mamahaling mahabang lamesa. Ang mga katulong naman ay nasa gilid lamang habang naglalagay ng mga pagkain sa aming pinggan. Ngayon ko lang din napansin na wala si Lily. Nasaan kaya ang isang iyon?
Nakita ko ang biglaang pagpasok ni Tito Estevan. I watched his physical appearance. Napalunok na lamang ako. He is totally a damn Greek-god.
"Oo nga, eh. Pinaghahanap pa rin naman siya ng mga pulis ngayon. At sana nga, makita na nila ang babaeng iyon sa mas lalong madaling panahon." ani Mama, habang kumukuha ng pagkain.
"Tita, where's Lily?" hindi ko na napigilan ang hindi magtanong.
Napatigil naman siya sa kaniyang pagkain at kaagad niyang ibinaba ang kubyertos na hawak-hawak niya.
"Pinauwi ko siya nang Pilipinas. For sure, Manang Sally will teach her a lesson," sabi ni Tita Sylvianna sa amin.
"Why? What happened, Sylvianna?" nag-aalang pagtatanong ni Mama sa kaniyang pinsan.
Tita Sylvianna rolled over her eyes before she sighed.
"I saw her in a bar with her friends! She's dancing erotically na parang walang ibang lalaki na nanonood sa kaniya. I can't tolerate her attitude, Myra. That's why I sent her back to the Philippines. Nang sa ganoon ay matauhan naman siya sa lahat nang mga pinaggagagawa niya." pagalit na pagpapaliwanag ni Tita Sylvianna kay Mama.
"Nagulat ka pa, ganoon naman talaga ang mga kabataan ngayon." sagot ni Mama pabalik sa kaniya.
Nakinig lang kami ni Tito Estevan sa kanilang dalawa. Hindi sumama si Kuya Milan sa amin dahil ayaw niyang iwan ang aming kompanya. Kahit na akam namin na delikado, hindi pa rin siya nakinig sa aming dalawa ni Mama. Kaya, hinayaan nalang namin siya.
"I know, that's why I'm disciplining her. Ayokong lumaki siya na parang walang pinag-aralan."
"Lily will realize that, soon. Sylvianna," pagsabat ni Tito Estevan kay Tita.
"Sana nga," sarkastikong sagot ni Tita sa kaniyang asawa.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso muna ako sa may swimming pool area nila at nagpahangin muna ako doon. Nagkibit balikat muna ako habang dinadamdam ko ang malamig na hangin na nagmumula sa labas. Malapit na rin kasing mag winter dito sa New York.
Muntik na akong mapatalon nang biglang sumulpot si Tita Sylvianna sa aking harapan. Her almost perfect almond eyes and her arched brows stunned me for a minute.
Kaagad niyang ibinigay sa akin ang isang wine na hawak-hawak niya.
"Did my presence, bothered you?" natatawang pagtatanong niya sa akin.
Kung alam niya lang talaga. Nanginginig nga ang tuhod ko kapag nag-uusap kaming dalawa, eh.
Hindi ako makapagsalita at nakatuon lamang ang buong atensyon ko sa wine na ibinigay niya sa akin.
"I heard your story from your mother," napakunot ang aking noo at kaagad akong napabaling sa kaniya nang wala sa oras.
She's just wearing a simple robe, pero, pumapaibabaw pa rin ang kaniyang kagandahan.
"You're in love, aren't you?" natigilan ako sa kaniyang pagtatanong.
Bakit ba siya nangingialam sa akin? Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya.
"I felt what you have felt right now, hija. 'Yung pakiramdam na mahal na mahal mo ang isang tao, pero sa huli..."
Pinagmasdan ko ang kaniyang magiging reaksyon. Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha, na para bang pinipilit niya lang maging matatag sa aking harapan.
"If you're not sure for him, better leave him. Don't be with someone who can't even see your worth and existence. Don't beg for love and attention, don't beg for him to be with you. Dahil kung gusto ka talaga niya, ipaglalaban ka niya nang buong-buo. Hindi mo na kailangang ipaalala iyon sa kaniya," hindi ko alam kung ano ang patutunguhan sa mga sinasabi ni Tita Sylvianna sa akin ngayon.
Sumimsim muna siya sa kaniyang wine, bago ngumiti nang mapait.
"Na-nagmahal ka na ba, noon, Tita?"
She laughed sarcastically and response to my question.
"What kind of question is that, hija? Of course! I already felt that. Nagmahal na rin naman ako," malumgkot niyang sabi sa akin.
Unti-unti akong nagiging komportable sa kaniya.
"Nagmahal ako nang walang padalos-dalos. Maybe, because the love and affections that he had shown me, I fell in love. I trust him with all my heart, we promised to each other that we will build our own family. Na pakakasalan niya ako," huminto siya at bumaling sa akin sandal.
"But promises are just promises, Maia. Ang masakit lang doon, naiwan akong hindi napaghandaan ang lahat. I... messed up, I even lost myself. Pero, bumangon ako ulit at nangangako ako na hindi na dapat mangyari ang lahat nang iyon. The memories of the past will be remained in the past. Kaya ikaw, mag-ingat ka."
Napakagat-labi ako sa mga sinabi ni Tita Sylvianna sa akin.
"Use your heart to feel the heartbeat of a man you loved, but don't forget to use your brain, to see the reality that you have faced."
Tumatak sa aking isipan ang lahat nang mga sinabi ni Tita Sylvianna sa akin, kanina sa pool. Hindi ko akalain na pangangarangalangan niya ako tungkol doon. She has a point, big time.
Napatigil ako sa aking pagmuni-muni nang biglang tumunog ang aking cellphone. A foreign number.
Sino naman kaya ito?
"Hello?"
Hinintay ko ang magiging sagot pabalik sa akin sa kabilang linya, pero, walang sumasagot.
"Hello?" inis kong sabi sa kabilang linya.
I shook because of irritation and ended the call.
I don't have time to talk to strangers.
Call
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top