Capítulo 26

Reunión

Tinitigan ko ang kumikinang at mamahaling singsing sa aking kaliwang kamay. I memorized every inch and diamonds engraved on the ring. Baka kasi... dumating 'yung panahon na bigla itong kunin sa akin, o hindi kaya ay mawala.

This is an heirloom ring, given by Atticus Alcazar. The one and only child of Erwin Alcazar, a multi-billionaire businessman.

Napabuntong hininga na lamang ako. After what happened, nagka-ayos na kaming dalawa ni Atticus. Walang nangyari sa'min dahil ang sabi niya, malaki ang respeto niya sa akin. Pakakasalan muna niya ako.

Sabay kaming pumunta rito sa kompanya, kaya halos mabali ang leeg nang mga employees nang makita kaming dalawa na magkasama. Ganoon ka-laki ang epekto niya sa mga tao. Pati na rin sa akin.

Ngayon ang schedule ng general meeting namin, together with the board of directors and iba pang mga shareholders. Sasali na rin ang mga investors and stockholders. Kaya kinakabahan talaga ako nang wala sa oras.

Lumipas ang isang oras na palakad-lakad ako sa loob ng aking opisina habang sinasaulo ang dapat kong sabihin sa kanilang harapan mamaya. Tunog ng aking stilettos ang nagtatanging-ingay sa silid. Nawala lang ako sa aking concentration nang makita kong biglang pumasok si Atticus with all his business tuxedo attire.

He smiled at me and he walks towards my direction and he captured my waist and embraced me. Kaagad kong naramdaman ang init na nagmumula sa kaniyang mga yakap.

Napabuntong hininga ako at pinipilit kong maging matapang sa bawat minutong nagdaan.

"Hey, it's gonna be okay, baby." he said in a concern tone and kissed me on my left cheek.

Kaagad naman niyang isinandal ang kaniyang baba sa aking kaliwang balikat at ipinagsalikop ang aming mga kamay habang yakap-yakap niya ako mula sa aking likuran.

"I'm nervous. It's my first time to present in a board meeting. Pa-paano kung... hindi nila magustuhan ang gawa namin for magazines?" nakakunot-noo kong sabi sa kaniya.

"I'm sure they will like it. Malalagot sila sa'kin kapag tinanggihan ka nila," seryosong sabi niya sa akin.

Umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi at nakipagtitigan ako sa kaniya.

Sinalubong ako nang kaniyang mga mapupungay na mga mata. At mas lalong hinaplos ang aking kanang braso.

I'm wearing a floral turtle neck and a black penicl cut skirt. Naka-bun rin ang aking buhok at hindi nakaligtas ang ilang hibla ng aking buhok.

"No! Don't you dare do that, Atticus. Kung hindi man nila magustuhan ang ginawa namin? Then, we will change it. Just please... don't use your power because of me," sabi ko sa kaniya at napakapit naman ako sa kaniyang matipunong balikat.

He smiled at me magnificently and desire was very evident on his greek god face.

Kaagad niyang inilagay sa likod ng aking tenga ang ilan kong takas na buhok. Without leaving his eyes on me.

"I believe in you, you know that. You have skills and you're damn talented, baby. Alam kong hindi mo 'ko papayagan na gamitin ang aking koneksyon, para lang makuha ang gusto mo. Because, I know you can. You' re a brave woman and I adore you for that."

Napapikit ako nang hinaplos niya ang aking kaliwang pisngi. His touch was very gentle and soft. Kahit na nangingisda siya noon.

Gusto ko tuloy bumalik nang Malapascua at mamuhay doon nang mapayapa, kasama siya.

"What did I do, Atticus? To make you fall for me this hard?" pagtatanong ko sa kaniya.

Kaagad siyang umupo sa sofa at kinandong niya ako habang hawak-hawak ang aking bewang. Nagugusot na ang tuxedo niya!

Napakapit na lamang ako sa kaniyang leeg at mas lalo kong naamoy ang mabango niyang pabango.

His eyebrows furrowed. Pero halata pa rin ang multong ngiti sa kaniyang mga labi. Napakagat-labi ako. I can't help but to smile too.

Parang may mga paru-paro sa aking tiyan sa tuwing magkalapit kamimg dalawa.

"I don't know too," maikli niyang sagot sa akin.

Inikotan ko nalang siya ng aking mga mata.

Nararamdaman ko na ang kaniyang hininga sa aking leeg.

"I just found myself... loving a woman named, Maxima Valentina Torres San Diego. I don't know what to do without you, baby."

Sabi niya at binanggit pa niya ang buo kong pangalan. He is... really in love with me.

Mapupungay ang kaniyang mga mata 'tsaka niya ako inatake ng halik. Kaagad akong nanghina nang dahil lang doon at napakapit na lamang ako sa kaniya nang buong buo.

"Bakit ako? There are a lot of women out there. Marami ka ngang kasamang babae, no'ng orientation day ko! You even defend that bitch!" iritado kong sabi sa kaniya habang putak ako nang putak nang maalala ko ang pangyayaring iyon.

Sadyang nakakainis lang talaga!

Nang pinagmasdan ko ang kaniyang reaksyon ay natigilan ako nang makita ko siyang nagpipigil ng kaniyang tawa. Amusement was plastered on his face. Umigting ang aking panga.

"Why are you laughing? It's not even funny! Ano ka ba!" inis ko na talagang sabi sa kaniya at kaagad naman niyang hinuli ang aking mga kamay at ipinagsalikop ito.

"I'm sorry, I just got carried away with your expressions. Damn baby, you're just too damn beautiful. I can't even concentrate on what you were saying. Imbes na pakinggan ka, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. Isang galit na Maia, pero maganda."

Kaagad namula ang aking pisngi sa kaniyang mga sinabi. God! Naloloka na ako! Aalis na sana ako sa kaniyang kandungan dahil gusto kong bumalik sa pag-co-concentrate para sa meeting, pero hindi niya ako hinayaan na makatakas.

Kanina pa ako nawawala sa concentration nang dahil lang sa pumasok siya rito sa opisina ko at batohin ako nang mga ma-bulaklak na mga salita.

"They're just my colleagues. And Odette is just my friend." sabi niya sa akin habang nag-ngingiti pa rin.

"You have a lot of women! Duh!" maarte kong sabi sa kaniya pero tinawanan lamang niya ako habang naka-kandong pa rin sa kaniya.

Kaagad niyang inilahad ang kaniyang kaliwang kamay sa paligid.

"May nakikita ka bang ibang babae rito?"

Marahas akong napabuntong hininga at hindi ko nalang siya sinagot.

"Wala! Duh!" maarte ko na namang sabi sa kaniya at nanlaki ang aking mga mata nang ginaya niya ako pabalik.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa naging ekspresyon niya o mas lalong maiinis! Shit! Can I have them both?!

"Maia, you are the only woman I loved, second to my mother. I have only ever loved you. I am in love with you," his voice was a bit raspy but attractive at the same time.

"Gaano ka-lalim?" mapanukso kong tanong sa kaniya.

Tumagilid ang kaniyang ulo at nanliit ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.

"Deeper than what you think, baby."

Napakagat ako sa aking labi at napatawa na lamang. Napapikit ako nang hinalikan niya ang aking noo. Nabalik lang ako sa aking realidad nang biglang may kumatok at pumasok doon ang aking sekretarya.

Napasinghap naman siya at nalaglag ang kaniyang panga nang makita akong naka-kandong kay Atticus!

Mabilis pa sa alas-cuatro ang aking naging kilos, habang si Atticus ay para nabitin pa sa ginawa naming pag-uusap na dalawa at nakakunot noong nakatingin sa aking sikretaryang pumasok.

"Pa-pasensiya na po, Miss San Diego." nauutal na sabi sa akin ng aking sekretarya.

"What do you want, Miss Domingo?"

Bumaling naman ang kaniyang paningin kay Atticus na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Mr. Alcazar, y-your father is waiting at your office. Hi-hinahanap ka po," ani Miss Domingo.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso sa mga sinabi ng aking sekretarya. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Atticus at pagod siyang tumayo.

"I'll see you in board room," sabi niya sa akin bago niya ako iniwan ng matamis na halik sa aking labi.

Awang pa rin ang bibig ng aking sekretarya nang lampasan siya ni Atticus palabas. Wala pa pala silang alam tungkol sa aming dalawa ni Atticus.

"B-boyfriend niyo po, Ma'am?" pagtatanong sa akin ni Miss Domingo.

I confidently sit in my office chair at tinaasan ko siya ng aking kilay habang nganga pa rin siya.

"He's my fiance," nakangiting sagot ko sa kaniya.

I should've be proud for that. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya, including his best friend, Odette. Maraming babae ang gustong magkaroon ng heirloom na galing kay Atticus Alcazar, pero, ako ang binigyan. Dahil ako ang pakakasalan.

"Ganoon po ba, Ma'am? Congratulations po!" masayang sabi niya sa akin at nginitian ko lamang siya.

Ganito pala 'yung pakiramdam, no?

Nawala sa aking isipan ang aking mga pinapantasya nang bigla akong tinawag ni Miss Asuncion at ang aking team na pumasok sa board room.

Kitang kita ko ang mga naging reaksyon nila. Kinakabahan sila at halatang pinapalakas lang ang loob.

Mas sobra-sobra ang nararamdaman kong nerbyos ngayon! Atticus father is here! Pagkapasok namin sa loob ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Mr. Manuel Fernandez Sr. at ang anak nitong si Manuel Fernandez Jr. kasama ang nobya nitong si Melanie Dela Rosa Benavente.

Ang nakaupo sa dulo ay si Mr. Erwin Alcazar, throwing me some dagger look! Mas lalo akong kinakabahan sa mga titig niya.

Atticus expressions and looks were dangerous too! But the father's appearance more intense and very detrimental! His face was very resemblance to his son. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa.

Napalunok ako at naghintay na lamang ako na ipakilala ni Kuya Milan.

"Good morning, everyone. I'm Architect Milan San Diego and this is Architect Ynigo and Engineer Philip Fernandez," panimulang pagpapakilala ni Kuya Milan sa kaniyang mga kasamahan.

Kaagad na inayos nang aking mga team ang dapat gawain. Nakahanda na rin ang aming projectors, laptops and we even memorized the possible questions. Baka kasi, tanongin kami, eh.

Kaagad na nagsitayuan ang ibang mga investors and stockholders at nagpakilala rin sila.

Nakita ko rin na tumayo sina Mr. Manuel Fernandez at ang anak nito at nakipag-kamayan kay Kuya Milan at sa iba pa.

Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga kilos. Nakita ko rin na nakipag-high five ang binatang Manuel kay Atticus.

Pinagmasdan ko rin si Melanie Benavente. She's wearing an all white dress and red stilletos, samahan pa nang mamahaling perlas na kwentas na nakasabit sa kaniyang leeg. And her lips were very red like blood. She's elegant and her actions were very stiff and she's standing donnishly, like she's one of the beauty queen representatives!

I admire her beauty and simplicity!

Ngayon ko lang napansin, nandito rin pala 'yung matanda!

Hindi ko namalayan na natapos na pala sila sa kanilang pagpapakilala at ipinakilala na kami ni Miss Asuncion.

"This is the editorial team. This is Maxima San Diego, the editor-in-chief." pagpapakilala sa akin ni Miss Asuncion at napabuntong hininga ako.

Nakita ko naman ang pagtango nila sa akin. Hindi ko nalang nilingon si Mr. Erwin Alcazar, baka ma-dismaya lamang ako sa kaniyang magiging reaksyon kapag lumingon ako.

Mapapanatag na sana ang loob ko nang may biglang pumasok na dalawang babae. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Odette... kasama ang isang sopistakadang babae. Probably her mother!

Napaayos ako nang aking upo at binigyan naman ako nang bottled water ni Zarul.

"Relax," pagpapalakas niya sa akin nang loob.

Nginitian ko na lamang siya at napabaling ako sa direksyon nila Atticus at nakita ko siyang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Tinaasan pa niya ako ng kaniyang kilay!

Katapat ko kasi si Atticus at ang katabi niya ay si Manuel at sa kaliwa naman ay ang Odette na malandi!

"Sorry, we're late." pagpapaumanhin ng matandang babae na kasama ni Odette pumasok rito sa loob.

"It's okay, Constancia." ani Mr. Erwin Alcazar

"Shall we start?" pagtatanong ni Mrs. Ophelia Fernandez sa aming lahat at tango lamang ang aming na-i-sagot.

Ang unang nag-presenta ay ang team nila Kuya Milan, pinag-uusapan nila ang tungkol sa magiging proyekto nila sa Pangasinan at Boracay.

Mr. Philip Fernandez points out his finger to the screen at itinuro niya ang blueprint na nakalagay doon.

"This is the overview of the hotel. Me and my team, we already discussed about this. The overall expenses of the hotel are around fifty million," pagpapaliwanag niya.

Biglang nagtaas nang kamay si Odette.

"What about the materials? Mr. Fernandez?"

Nilingon naman ni Engineer Philip si Kuya Milan.

"We're buying all the materials from San Diego's. Architect, San Diego already approved for that," ani Philip.

Kumunot ang kaniyang noo na para bang hindi pa siya na-ku-kuntento sa mga ipinapaliwanag sa kaniya ni Engineer Fernandez.

Ngayon naman ay si Mr. Erwin Alcazar ang nagtaas ng kamay.

"Why did you choose that area? Mr. Fernandez? Are you really sure, that area is exposed to the people? Hindi ba bahain ang parteng iyan?" striktong pagtatanong niya kay Philip.

Kampante lamang si Engineer Fernandez na para bang sanay na sanay na siya.

"Of course not, Mr. Alcazar."

Ang sumunod na mag-pi-presenta ay ang architect ng proyekto. Napalunok ako nang makita kong tumayo si Odette at siya ang nasa harapan ngayon.

Damn... she's an architect?

Napakunot ang aking noo nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Kaagad ko itong tinignan at binasa.

From: Atticus

   You look so tense and nervous. If I could give you a hug and kisses right now, I will do.

Kaagad kong itinago ang aking cellphone sa ilalim ng lamesa at nagtipa kaagad nang i-sasagot sa kaniya.

To: Atticus

   Focus.

Iyon lamang ang aking nasabi sa kaniya at kaagad naman itong nag-vibrate ulit.

From: Atticus

     You look so beautiful in your dress. Your long and round legs are captivating someone's attention.

Kaagad akong tumingin sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin sa akin na seryoso ang tingin.

Anong ibig niyang sabihin? Tahimik naman halos lahat nang tao rito dahil nagsasalita sa harapan si Odette.

To: Atticus

    Shut up. I know, you're just flirting. Stop flirting me!

Sunod-sunod kaagad ang pag-tanggap ko nang mensahe galing sa kaniya at hindi ko mapigilan ang hindi mapahagikhik.

From: Atticus

     I just want to, why? I'm your boyfriend, anyway.

"Miss San Diego?"

Nabalik lang ako sa realidad at muntik na akong mapapitlag nang tinawag ako ni Odette.

I swallowed hard and everyone's watching at me. Lalong lalo na siya! Ang sama nang tingin niya sa akin.

"If you're not gonna listen to what we've discussed in here. Better leave this room. You're just an editor, anyway." pang-iinsultong sabi niya sa akin.

Pinagdarasal ko nalang sana na sana lamunin na lamang ako nang lupa! Napahiya ako! Nakatingin silang lahat sa akin na para bang ang laki nang nagawa kong kasalanan!

"She's not just an editor, Miss Geneva. She is a San Diego, know your words, first."

Lumambot ang aking puso nang ipinagtanggol ako ni Atticus sa kaniya. Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Odette at kaagad naman siyang bumalik sa kaniyang ginagawa.

Napatingin naman ako sa direksyon nila Melanie at nakita ko naman siyang nginitian ako. Atleast, hindi lahat nang nandito ay katulad ni Odette.

Nakita ko rin ang pagbuntong hininga ni Mr. Erwin Alcazar. Kaagad kong iniwas ang aking paningin sa kaniya.

"Our goal is to satisfy the people's need. So, I created this one to show to them that we are building a hotel for them. The space in the master's bedroom is 2.9 m 11 sqm to 3.4 m 11 sqm. In that space, they can do whatever they want at a low cost." pagpapaliwanag ni Odette, showing some pictures on the projector.

Kaagad rin na nagtaas ng kamay si Mr. Manuel Fernandez Sr.

"What about the designs? Kung lalakihin natin ang bawat space ng master's bedroom, ilan ang ga-gastosin natin para sa mga materyales? Miss Geneva?"

"I already contacted some of my interior designers and makaka-discount tayo sa kanila kung sila ang kukunin natin sa mga disenyo nang bawat units. 45 percents po," ani Odette.

"What about the parking lots? The swimming pools?" pagtatanong ni Mrs. Ophelia Fernandez.

Napalingon naman ako sa aking team na nakikinig lamang sa gilid. Mukhang mahabang meeting ito. Lucky, Odette. Wala siyang ka-agaw sa proyektong ito. Because she is the only one architect in here.

"The parking lot's space is 52 to 100 Square meters. Since, marami talaga ang mag-bo-book sa hotel since malapit siya sa boracay. We already planned about this. Nilakihan rin namin ang pool areas and especially the parking areas."

Nagsitanguan naman silang lahat. Nakita kong seryosong nakikinig si Atticus sa mga sinasabi ni Odette sa harapan.

"It's time to vote." sabi ni Kuya Milan at kaagad niyang itinaas ang kaniyang papel.

Nagsitayuan rin silang lahat. Some of them are not voted the idea of Miss Geneva, but the majority wins.

Kaagad na nakipag-kamayan si Miss Geneva at sa iba pang mga board of directors.

"Congratulations, hija!" sabi ng kaniyang ina at kaagad naman silang bumalik sa kanilang mga upuan.

Bumalik ang kaba na aking naramdaman kanina nang sinenyasan na ako nila Faith na kami na ang susunod na mag-pe-presenta.

Hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang mga titig ni Mr. Alfonso.

Bumaling muna ako sa direksyon ni Atticus.

I watched his reactions and he hissed on his seat, like he's pissed watching the old man throwing dirty looks on me. Kung hindi ko lamang siya pinandilatan nang aking mga mata, baka kanina pa niya inihagis ang matandang lalake.

Bumuntong hininga muna ako at tinulungan naman ako nila Faith at Zarul na ma-set ang laptops and projector.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin nila mabuksan ang aking file na inihanda ko kanina.

Kumunot ang aking noo at abot-abot na ang aking pawis sa mga nangyayari.

Nagsibulungan na rin sila.

"What is happening?" maarteng pagtatanong ni Odette.

I'm sweating bullets! Shit!

"Miss San Diego, I can't open the file."

Napasinghap ako at tinulungan ko na rin sila at error talaga ang lumalabas!

Oh my god! Anong gagawin ko?!

"Anong gagawin natin?!" namomroblemang sabi ni Zarul sa amin.

"Na-nandito lang 'yun kanina, eh." naiiyak kong sabi sa kanila.

I saw the old Mr. Alcazar, shook his head, showing disappointments.

Kaagad na tumayo si Kuya Milan at tumabi na sa akin para tulungan ako.

"Ano ba kasi ang ginawa mo rito?" iritado niyang tanong sa akin.

Nagpapawis na ang aking mga kamay.

"Ku-kuya..." banggit ko sa kaniya.

Napapailing naman siya na para bang dismayado na rin sa akin.

It's not my fault!

Nakita ko ang paghagikhik ni Odette sa kaniyang upuan at nakita ko ang mala-demonyo niyang ngiti.

What's wrong with her?! Parang mas natutuwa pa siyang nakita akong nahihirapan!

Tumayo si Mr. Alfonso at napapitlag ako nang lumandas ang kaniyang kaliwang kamay sa aking bewang. Nakiki-usyuso. I moved to give him some space, pero mas lalo lamang siyang lumapit sa akin.

"Are you okay, hija?"

I'm not fucking okay!

Hindi ko siya sinagot dahil baka anytime, mapagsalitaan ko siya nang mga salitang hindi dapat.

Nakita ko ang padabog na pagtayo ni Atticus at kaagad niya akong hinila. Hawak-hawak niya ang aking bewang at kulang nalang pag-isipan kami nang iba rito sa ginagawa niya!

Bumulong naman siya sa akin na tanging ako lamang ang makakarinig.

"What's the problem? Pwede naman natin itong ipagpatuloy sa ibang araw," malambing niyang sabi sa akin.

Natatakpan ang aking sarili sa kaniyang matipunong katawan. Kaya, hindi na masyadong makatitig nang malagkit si Mr. Alfonso sa akin.

Kinakabahan ako!

"Hi-hindi pwede," kaagad niyang pinunasan ang aking luha nang palihim.

Nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga at mas lalong naging delikado ang kaniyang ekspresyon.

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

"Meeting adjourned, we will continue this, next week." ma-awtoridad niyang sabi sa akin.

Maraming umangal sa kaniyang sinabi at hindi ko na lamang iyon pinansin. Naiiyak na ako.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Nandoon na lahat nang layouts and designs for the magazines. Tapos biglang hindi mabuksan ang file!

Kaagad niyang hinaplos ang aking kaliwang pisngi.

"It's not your fault. Ako na ang bahala," sabi niya sa akin, bago niya ako hinalikan sa aking noo.

Meeting

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top