Capítulo 25
Anillo
"Feel at home," he said in a baritone tired voice.
Kaagad niyang inilagay ang susi ng kaniyang sasakyan sa isang mamahaling lamesa nang kaniyang bahay. Kaagad akong nakaramdam nang lamig nang maramdaman ko ang hangin na nagmumula sa mamahalin niyang aircon. Maganda ang bahay niya. Nagtataka ako tuloy, kung siya lang ba ang nakatira rito.
I didn't meet his father, not even once. Kahit na magka-sosyo sila sa negosyo together with us. Hindi ko pa rin ito nakikita, siguro nga ganoon talaga 'yun kapag wala kang hilig sa pag-ne-negosyo.
I am a journalist. At hindi naman naging hadlang ang aking pamilya sa pag-abot ng pangarap ko na iyon.
Kaagad akong sumunod sa kaniya at nakita ko naman siyang nilalagyan ng alak ang kaniyang baso at nilagok ito nang walang pag-aalinlangan.
Na-di-distract ako sa mga ikinikilos niya. His muscles are flexing! Mas lalong nadedepina ang hubog ng kaniyang katawan! The way he lift his right arm, kitang kita ko ang ugat ng kaniyang braso hanggang kamay.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita kong ibinaling niya sa akin ang kaniyang paningin.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kaniya. I swallowed hard and I ignore my emotions for him. Ayokong... maramdaman niya na nanghihina ako nang dahil lang sa presensiya niya. I hurt him, big time. Kaya wala na akong lakas para saktan siyang muli.
"What do you want to eat? I'll cook for you," sabi niya sa akin at kaagad naman niyang ibinaba ang basong hawak-hawak niya.
"I need to go home. I'm not hungry," malamig kong sabi sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.
"Yeah, because there's someone who's always been sending you foods," sarkastiko niyang sabi sa akin habang inilagay niya ang mga ingredients ng kaniyang lulutuin.
Umigting ang aking panga. Wait... how did he know?
"What? Paano mo nalaman?" nakakunot noo kong pagtatanong sa kaniya.
His eyebrows furrowed and he looked at me with his dangerous dagger eyes.
"Your secretary. I always see her brings you a food."
Namilog ang aking mga mata. Napansin niya 'yun?! Akala ko ba, wala nang pakialam ang lalaking ito sa'kin?
"Are you stalking me, Mr. Alcazar?" hindi ko na mapigilan ang aking bibig.
I stiffened when I see his sarcastic smile.
"I'm not like that, Miss San Diego. Hindi ko gawain 'yan."
Kaagad akong nakaramdam ng hiya sa kaniyang mga sinabi. What you'd expect, Maia? Inisip mo ba na mahal ka pa rin niya? Totoo ba na minahal ka niya? Kung sa umpisa pa lamang nito ay plinano na niya ang kaniyang paghihiganti sa akin. May fiancee na siya. He lied to me. Iyon lamang ang nasa isipan ko no'ng mga panahong iyon.
Wala akong ibang nararamdaman kung hindi galit at pagkamuhi sa kaniya. Hanggang ngayon, gustong gusto ko pa rin siyang tanongin kung bakit... bakit gusto niyang mag-higanti sa akin? Ano ba'ng nagawa kong kasalanan sa kanila?
"Atticus, ano ba talaga ang pag-uusapan nating dalawa?" malamig kong tanong sa kaniya.
Kaagad kong iniba ang usapan naming dalawa dahil gustong gusto ko nang matapos ito. Tanggap ko na rin naman, eh. We're not really meant for each other. Kung nagmamahalan naman talaga sila nang Odette na 'yun? Hinding hindi ko na siya pipilitin pa.
Isa lang ang hinihingi ko... ang mapatawad niya ako. For what I did in the past. Sa pagpapahiya sa kaniya, sa pagbibintang sa kaniya.
Lahat...
"Why did you leave... without even saying goodbye," parang tinusok ng ilang karayom ang aking puso sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at dahan-dahan rin akong umaatras palayo.
"Bakit sa tuwing lumalapit ako sa'yo, ay lumalayo ka sa'kin pabalik? Is it... really that hard to fall in love with a man like me?"
He licked his lower lip. Mapupungay ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Ang kaniyang mga tinging kahit kailan hinding hindi ko mababasa kung ano ang nararamdaman niya. Ang emosyong gustong gusto kong malaman.
Ang pagmamahal, ang mga tinging 'yan.
Marahas akong napabuntong hininga. Hindi na dapat kami naglalapit nang ganito ka-lapit. Natatakot akong mahulog ulit, natatakot akong magtiwalang muli. Natatakot na akong sumugal.
"Atticus, kung ano man 'yung nangyari sa nakaraan? Kalimutan nalang nat-"
"How can I forget those fucking memories, when it still haunting me! I need your damn explanation, Maia."
Nakita ko kung paano siya nag-iba ng ekspresyon. Umiigting ang kaniyang panga nang dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon.
"Why did you accused me? Why you didn't let me hear my side? Bakit mas pinili mong lamonin ka nang galit na nararamdaman mo?"
Unti-unting tumulo ang aking mga luha at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hahawakan ko na sana ang kaliwang braso niya pero kaagad siyang humakbang palayo sa'kin.
His eyes were bloodshot. Full of sorrowful emotions.
"Atticus, I-I'm sorry..." hagulgol kong sabi sa kaniya.
Ito ang hinihintay ko. Ang makahingi nang kapatawaran sa lahat nang mga sinabi at nagawa ko sa kaniya noon.
"Maia, ayos lang sa'kin na ipahiya mo ako. Ayos lang sa'kin na pagbintangan mo ako. Pero... hindi ko kayang tanggapin ang sabihin mong hindi mo 'ko kailanman minahal. Dinurog mo 'ko! You let me hate you even more! You let me hurt you!"
Napakagat-labi ako. Nanlalabo na ang aking mga paningin nang dahil lang sa libo-libong mga luhang nagsilabasan sa aking mga mata.
Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at nakita ko ang mga kumikinang na mga luhang nagsilandasan sa kaniyang galit na mukha.
"Kung hindi mo man ako mapapatawad... patayin mo nalang ako. Gaya nang pagpatay ko sa pagkatao at pagmamahal mo. Mag-higanti ka, saktan mo 'ko hangga't sa mapuno ka ulit. Tatanggapin ko, tatanggapin ko."
"Bullshit!"
Napatalon ako nang marinig ko ang basong nabasag nang dahil sa itinapon niya ito.
"Did you really think that I can do that, huh? You hurt me, big time, Maxima. But I can't hurt you back. Kahit na anong galit pa ang maramdaman ko para sa'yo, hindi pa rin kita kayang saktan."
Gustong gusto kong bumawi sa kaniya. Gustong gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal na mas higit pa sa ipinadama ko sa kaniya noon.
Lumapit ako sa kaniya at napahawak naman siya sa aking bewang at nagkatinginan kami nang mata sa mata.
"Atticus... mahal kita," mas lalong umigting ang kaniyang panga sa aking sinabi. Dinugtungan ko ito kaagad.
"Mahal na mahal kita, Atticus. Oo, inaamin ko. Nagpadala ako sa galit ko, pinagbintangan kita, pinilit kitang kahumian kahit labag ito sa aking puso't-isipan. To just have justice!"
Walang emosyon ang kaniyang mga tinging ibinibigay sa akin.
"It's too late, Miss San Diego."
Mas lalo akong nanghina sa kaniyang isinagot sa akin pabalik.
Unti-unti akong tumango sa kaniya. Alam ko na, alam kong mangyayari ito.
"I understand. I understand, Atticus. Tatanggapin ko, dahil mahal kita. Sobrang mahal pa rin kita at kaya kong tanggapin ang taong nagpapasaya sa'yo."
Unti-unti akong naglakad palayo sa kaniya. Ang kaniyang mga tingin ay nasa akin pa rin. Siguro, napaluha rin siya nang dahil sa emosyon at galit na kaniyang nararamdaman para sa akin.
"Umalis ako nang Malapascua, dahil hindi na ligtas ang buhay ko roon. Itinaboy kita at nagsinungaling ako sa'yong hindi kita minahal, dahil ayokong madamay ka sa problema at gulo ng pamilya namin. It's my father's fault from the very beginning. Nadamay lang ang kompanya ninyo," pagpapaliwanag ko sa kaniya kahit na parang may bumabara sa aking lalamunan.
Ngumiti ako sa kaniya. Pinapangako kong ito na ang magiging huli.
Ito na ang wakas.
Dito na magwawakas ang lahat nang sa aming dalawa.
"Huwag kang mag-alala... hindi na ako ulit lalapit sa'yo. Ayokong madamay ka pa ulit. Ayokong masaktan ka, nang dahil lang sa ipinagtanggol mo ako," sabi ko sa kaniya.
Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin. Dahil alam kong tagos sa puso niya ang lahat nang mga sinabi ko sa kaniya.
Iyon ang huli kong sinabi, bago ako humakbang palayo sa kaniya. Rinig na rinig ko ang malakas na hangin at ulan sa labas. Hindi ko man lang ito napansin kanina.
"Not so fast, baby."
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong pinaharap at hinalikan nang buong buo sa aking mga labi.
Napapikit ako nang dahil sa emosyong nararamdaman. Pero, kaagad akong bumitaw sa kaniya.
"Tama na, pakawalan mo na ako. Bumalik ka na kay Odette, please." pagmamakaawa ko sa kaniya.
Inangat niya ang aking panga at tinitigan ako nang buong buo.
"I will never let you go, again, Maia. Kapag iniwan mo na naman ako ulit? Itatali na talaga kita, tandaan mo 'yan." malamig niyang sabi sa akin.
Humahaplos ang kaliwang kamay niya sa aking bewang at nakaramdam kaagad ako nang kakaibang sensasyon na hindi ko pa naramdaman sa tanang buhay ko.
"Paano si Odette?"
"Stop thinking of her. This is about you and me. Alam mo bang galit na galit pa rin ako sa'yo, huh? Sa sobrang galit ko, gusto kong ipadama ito sa'yo nang buong-buo."
I encircled my arms around his neck while watching hus intimidating brown dagger eyes.
"I will whole heartedly accept it, Atticus."
He kissed me again. Hungrily and need of atention this time. Kaagad akong yumakap sa kaniya at ganoon rin siya sa akin.
He cupped my butt and he lifted me up while we're still kissing like there's no tomorrow. Naglakad siya sa hagdanan at napamura siya nang muntik na siyang matalisod, pero ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.
Sa akin lang.
It will always be mine... in the end.
Ibinagsak niya ako sa isang malambot na kama at naramdaman ko kaagad ang init na nagmumula sa kaniyang matipunong katawan.
"Atticus..." my sinful voice didn't maintain her normal tone.
Lalong lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang mga labi sa aking leeg. Tumagilid ako para mas mahalikan pa niya ito nang buong buo.
"Hindi pa ako kailanman nagmahal nang ganito, Maia. Hindi ko alam kung ano ang pagmamahal noon. All I know, is how to hurt a girl without hurting me back. Ikaw palang ang nakagawa nun. Ikaw palang," umawang ang aking bibig nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking kaliwang dibdib.
I moan again because of the pleasure he gave to me. Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko sa kaniyang matipunong katawan.
"I will not let you escape, again." napapaos niyang sabi sa akin.
"I-I want..." hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman para sa kaniya.
He kissed my left ear and bit a little bit and my mouth rifted because of that.
"A... what baby?" mapanukso niyang tanong sa akin.
I already feel his shaft and I want more of his kisses.
Damn it!
Dahan-dahan kong inabot ang sa kaniya, ngunit kaagad niyang pinigilan ang aking mga kamay at tinignan ako nang matalim.
"I want you," I whispered to him.
"I want you too fucking much, Maia. And I want to take you slowly, baby." mapupungay ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.
He slowly kissed me again. Nawala sa aking isipan ang aming ginagawa nang maramdaman kong may malamig na bagay na pumadausdos sa aking kaliwang kamay.
Tumibok nang napakalakas ang aking puso at napaawang ang aking bibig nang makita ko ang isang singsing na punong-puno ng mga maliliit na dyamante.
He cupped my right cheek and I saw desire in his eyes.
"Marry me, Miss San Diego." ma-awtoridad niyang sabi sa akin.
My eyebrows furrowed and I was thinking of something.
"Hi-hindi mo ako tatanongin?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Ngumiti lamang siya sa akin at hinalikan akong muli sa aking mga labi. He didn't answet my question. Iniba niya ang usapan.
"As much as I want to make love to you, right now. I wouldn't do that," napaatras ang aking katawan sa kaniyang mga sinabi.
Aalis na sana ako sa kama nang bigla siyang humiga at niyakap ako sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang katawan.
Iritado ko siyang binalingan.
"You take off my shirt and now you don't want to make love to me?! Pinaglalaruan mo ba ako, huh?" galit kong sabi sa kaniya.
Kaagad naman siyang umiling at ipinikit naman niya ang kaniyang mga mata na para bang nahihirapan.
"Pakakasalan muna kita. Sa ngayon," putol niyang sabi sa akin.
Hinalikan niya ang aking kamay at tinignan ako nang buong buo. Punong puno ng iba't-iba ang kaniyang ekspresyon. Ang kaniyang nararamdaman.
"Sa ngayon, hanggang dito nalang muna tayo. Hindi tayo ulit lalagpas sa linya, Maia. I will fix everything first. Just trust me, trust me, baby."
Hinalikan niyang muli ako napatingin ulit ako sa singsing na inilagay niya sa aking kamay.
"Narinig ko kayong dalawa ni Odette noon. Nag-desisyon akong puntahan ka nang gabing iyon, dahil gusto kitang makita at makasama. Pero... nakita kitang kasama mo ang kababata mo." bumabara ang aking lalamunan at hindi ko na alam kung ano ang idudugtong ko dito.
Napaayos naman siya ng higa at kumunot rin ang kaniyang noo.
"You want revenge, right?" nilingon ko siya at umigting ang kaniyang panga sa aking sinabi.
"Na-narinig rin kita... na-na pakakasalan mo si Odette, pag natapos mo na ang lahat nang mga plano mo." hindi ko na mapigilan ang hindi maiyak ulit.
Sa tuwing binabalikan ko ang pangyayaring iyon, parang bumalik rin ang sakit na matagal ko nang ibinaon sa limot.
Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang napakahigpit.
"Para 'yun sa kaniya, Maia."
Pinagsalikop naman niya ang aming mga kamay at hinalikan niya ang aking kaliwang balikat.
"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon, kung bakit ko ginawa 'yun."
"Bakit hindi mo ipaintindi sa'kin ngayon? I want an explanation too!"
Nginitian lamang niya ako.
Hindi ko siya maintindihan.
"You are the only one, who I want to get married with. Not with Odette, not with someone else. Only to Maxima Valentina San Diego," napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi.
Hinaplos niya ang aking kamay kung saan nakalagay doon ang singsing.
"This is an heirloom ring. At pinangako ko kay Mama, na sa iisang babae ko lamang ito ibibigay. Sa babaeng mamahalin ko, habang-buhay."
Matutupad kaya 'yun? Kami nga ba talaga sa huli?
"I won't let anyone tear us apart. I will fight for us," sabi niya sa akin.
Kaagad niyang hinaplos ang aking pisngi kung saan nagsilandasan ang aking mga luha.
"Paano kung mapagod ka? Pa-paano kung manghina ka?"
He kissed my forehead first. Kaagad naman niyang idinikit ang kaniyang ilong sa akin. Napapikit ako sa kaniyang ginawa.
"Kung mapapagod man ako, magpapahinga ako sa'yo. Kung manghihina man ako, ikaw lang ang sasandalan ko. Dahil, ikaw lang ang kahinaan ko, Maia. Ikaw lang," halos pabulong niyang sabi sa akin.
Sa kaniya ko lang din naramdaman ang ganitong bugso ng damdamin. Sa kaniya lang...
Ring
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top