Capítulo 24
Papel blanco
Tulala ako habang nakatingin sa screen ng aking laptop. The cold morning wind, can't even calmed my senses and nerve this morning when I'm arrived here in my office.
Ilang araw ang nakalipas, simula noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa magiging proyekto. The supposedly project in my team. Napakalaking proyekto ito para sa akin. Alam ko na ilang projects na ang napagdaanan nang aking team noon. I should've felt nervous about this. This is significantly important.
Nakita ko na 'yung gusto nilang mangyari sa magazine. I already talked to my Kuya Milan, about this. Pinag-iisipan ko na rin kung paano ito gawin at ang magiging lay out nito. Kakausapin ko muna ang team ko, including the writers, junior editors and senior editors. Kailangan ko munang mag-set ng meeting para rito.
Bumuntong hininga muna ako, bago ko isinarado ang aking laptop. I was wondering... kamusta na kaya si Cora? Miss na miss ko na siya. Umalis na rin kasi si Manang Bella sa bahay, eh. Hindi naman siya tutol sa pagmamahalan nang dalawa. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging ganoon ang kinalabasan nang relasyon nila.
Napatigil ako sa aking pagmuni-muni, nang biglang pumasok ang aking sekretarya.
"Good morning, Miss San Diego." nakangiti niyang bati sa akin.
Tumango lamang ako sa kaniya habang pinaglalaruan ko ang aking pen sa kaliwang kamay, habang nag-iisip.
"Yes?"
Kaagad naman niyang inilahad sa akin ang isang paper bag na may nakaukit na mamahaling pangalan nang restaurant sa harapan nang lalagyan.
"Ma'am, pinapabigay po sa inyo nang isa-" I butted her and my eyebrows furrowed.
Ayokong maging masungit sa kanila, pero tama bang tumanggap nang kahit ano nang hindi ko ina-approvahan?
"I already told you, Miss Domingo. Kapag may gustong magbigay sa akin nang mga gamit o pagkain, dapat mo munang ipaalam ito sa akin. That's one of my rules in here. Including you," ma-awtoridad kong sabi sa kaniya.
Napayuko naman siya at hiyang hiya sa sarili. Noong isang araw rin, may pinagawa ako sa kaniya, pero hanggang ngayon hindi niya pa rin natatapos.
Pag set lang nang meetings and appointments ko, hindi pa magawa nang maayos. Mas lalong nagiging komplekado ang lahat. Paano ba naman kasi, mas inuna niya pa iyong meeting ko with Miss Heussaff.
Pinagsabihan ko na siya na i-set aside muna 'yung mga maliliit na proyekto at gawain. Na dapat mas unahin ko muna 'yung malalaki. Tulad nitong pinapagawa ni Kuya Milan and Mr. Alcazar sa akin. Magkakaroon ng board meeting next week, kaya kailangan na naming gawin ito sa mas lalont madaling panahon.
Kung kina-kailangan na mag-overtime, gagawin ko. Gagawin ko, together with my team.
"I'm sorry, Miss San Diego." paghingi niya sa akin nang kapatawaran.
Ano pa ba'ng magagawa ko?
"Pakilagay nalang dyan sa gilid nang mesa ko." sabi ko at nanginginig naman ang kaniyang mga kwmay nang inilagay ito sa gilid nang aking mesa.
"Kanino galing 'yan?" curious lang kasi talaga ako, eh.
This past few days, halos araw-araw akong nakakatanggap nang ganitong mga pagkain. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya pero, hindi naman niya gusto na makita ko ang pagmumukha niya at malaman ko kung sino siya.
"Ma'am, wa-wala po nakalagay, eh."
Napatango na lamang ako sa kaniyang huling sinabi, bago ko siya pinaalis.
Sino naman kaya ang nagpapadala sa akin nang mga pagkain?
Kaagad ko itong kinuha sa table at binasa ko muna ang note na nakalagay sa ibabaw nang mamahaling lalagyan.
"Take your breakfast, Maia! Hope you'll like it."
Binasa ko ang dalawang letrang nakalagay sa gilid.
Two letter words were written on the white paper. 'GV' ang nakalagay doon.
Sinong GV? Marami namang GV sa mundo.
Binalewala ko na lamang ito at kinain ko nalang. Sayang naman kung hindi ko kakainin, hindi ba?
Pagkatapos kong kumain ay lumapit muna ako sa intercom at kinausap si Miss Asuncion. Kailangan kong ipaalam sa kaniya na magkakaroon kami nang meeting, together with my team.
"Good morning, Ma'am San Diego."
"Miss Asuncion. I want you to inform the editorial team that we have a meeting, this afternoon. I want you to prepare the meeting room." mala-awtoridad kong sabi sa kaniya at kaagad naman niyang sinunod ang aking mga sinabi.
Pagkatapos ng tawag ay bumaba muna ako nang floor para kumuha nang maiinom. Naubusan na rin kasi nang water sa itaas, eh. Kaya wala akong choice, kung hindi ang bumaba.
Habang dumadaloy ang tubig sa lalagyan nang dispenser ay biglang tumibog ang aking puso, nang makita ko sila Kuya Milan at Atticus. May iba pa silang kasamahan na pamilyar sa akin ang mukha, pero hindi ko na matandaan kung ano ang mga pangalan nila.
Napalunok ako nang unti-unti silang lumapit sa aking direksyon. Wala silang ibang daan, kung hindi rito, malapit sa kinukuhanan ko nang tubig. Pagkatapos nang pasilyong ito, ay makakasalubong nila ang isang elevator.
Narinig ko ang pag-uusap nilang dalawa, nang isang matangkad na lalaki at pamilyar na pamilyar ito para sa akin.
"Pag-iisipan muna namin 'yung plano, bago kami lilipat sa expenses at sa magiging materyales nang gusali," pagpapaliwanag nang lalaki kay Atticus.
Hindi ko sila nilingon, pero nararamdaman ko ang mga titig ni Atticus sa aking direksyon.
"Yeah, sure. Magkakaroon rin naman tayo nang meeting next week, eh. I-sa-sabay na rin namin ang editorial team."
Muntik ko nang maibuga ang tubig na aking nainom. Kaya hindi napigilan ni Kuya Milan ang lumapit sa akin.
Damn it! I thought, I really swallowed that fast! Nakakahiya, pero hindi ko mapigilan ang hindi maubo sa harapan nila mismo!
This is so fuckin' insane!
"Hey, are you okay?" malumanay na pagkakatanong ni Kuya Milan sa akin.
"Ye-yeah! Nabulunan lang ako sa iniinom kung tubig." nahihirapan ko pang sagot sa kaniya.
Tumigil rin sa paglalakad ang apat na lalake, lalong lalo na 'yung kausap ni Atticus kanina. Nag-ngi-ngiti ito habang unti-unti siyang naglahad nang kamay sa akin.
"By the way, Maia. This is Engr. Phillip Fernandez, panganay na anak ni Mr. Tomathias Fernandez," pagpapakilala ni Kuya Milan sa akin, tungkol sa kanila.
"Nice to meet you, Miss San Diego." nakangiting sabi nito, sabay abot nang aking kamay at dahan-dahan itong dinala sa kaniyang mga labi.
"Nice to meet you, too." respetong sagot ko sa kaniya.
Lumapit rin sa akin ang isang lalaking mahaba ang buhok at nakatupi sa mga siko nito ang itim niyang polo.
"Nice to meet you, Miss San Diego. I'm Ynigo, by the way."
Ngumiti nalang ako sa kaniya at ganoon rin sa iba pang kasamahan nila Kuya Milan.
"Maia, about the magazine. You have to finish that as soon as possible. Natanggap mo na kung ano'ng magiging overview nang article na 'yun. You have to finish that, next week. Since, marami naman kayo, eh."
Hindi ako makapag-concentrate sa mga sinasabi ni Kuya Milan sa akin, in front of his colleagues.
Nabalik lang ako sa realidad nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. At hindi man lang siya nag-dalawang isip na hindi ito sagutin.
Kaagad niyang ibinaba ang paningin niya sa akin at ngayon ay dahan-dahan siyang lumalayo sa aming direksyon.
"Yes, Odette."
Parang tinusok nang ilang karayom ang aking puso nang binanggit niya ang pangalan ni Odette.
Mukhang hindi naman natuloy ang kasal nilang dalawa, eh. I never see him, wearing his wedding ring. Siguro nga, ganoon ka-lalim ang kanilang pagsasamahan, since magkababata naman silang dalawa. Na kahit na, hindi natuloy ang wedding nilang dalawa, ay may koneksyon pa rin sila sa isa't-isa.
Kung ganoon, mas gugustohin ko nalang na maging kaibigan niya, kaysa sa magkaroon ka nang nararamdaman sa kaniyang pang-hanggang kaibigan lang ang kaya nilang ibigay sa atin.
"You're an editor in chief?"
Nabalik lang ako sa realidad nang bigla akong tinanong ng isang lalake na nasa tabi ni Kuya Milan.
"Yes," I answered shortly.
Nakita ko naman ang biglaang pag-iba nang kaniyang ekspresyon. Naging masigla ito bigla.
"Milan, you didn't tell me that you have a beautiful sister," napatawa na lamang ako sa kaniyang pagbibiro.
Sarkastiko lamang ngumiti si Kuya Milan sa kaniya at kumuha na rin nang maiinom. Siguro, sasabay nalang ako sa kanila sa itaas.
"Is she?"
Umikot ang aking mga mata sa isinagot ni Kuya sa kaniya.
Nagtawanan naman sila habang ako ay hindi mapakali, habang napapalingon sa nakatalikod na si Atticus Alcazar.
"Sasabay ka ba sa amin?" pagtatanong ni Engr. Fernandez, habang may hawak-hawak na mahabang papel.
Tumango lamang ako sa kanila bilang pagsang-ayon.
Nauna na kaming pumasok sa loob ng elevator at hindi na namin hinintay si Atticus dahil may ka-tawag pa ito sa kaniyang telepono.
Buong umaga ata ako hindi makapag-isip nang maayos. Kahit na anong gawin kong pag-concentrate, nababaling pa rin ang aking atensyon sa isang lalaking wala nang pakialam sa akin. It was all his plan from the very beginning. Hindi totoong minahal niya ako. Dahil gusto lang niyang makapaghiganti sa kung ano man ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Takot akong magtanong, dahil natatakot rin ako na tanongin niya pabalik.
Naibalik lang ako sa aking ulirat nang biglang kumatok ang aking sekretarya.
"Ma'am, sorry for interrupting you, but Miss Asuncion is here."
"Sige,papasukin mo siya." kaagad naman siyang tumango at pinapasok si Miss Asuncion.
"Miss San Diego, the meeting room is ready. Pinagsabihan ko na rin ang buong team ninyo," pagpapaliwanag ni Miss Asuncion sa akin.
I nodded to her. I already prepared myself for this. Taas-noo akong naglakad papuntang meeting room. Madadaanan ko muna ang office ni Mr. Alcazar. Hindi ako titingin sa bintana niya. No! Hindi ako titingin!
Nasa likod ko lamang si Miss Asuncion. Walang ka-alam alam.
Hindi ko mapigilang nang hindi mapalingon nang makita ko ang isang matangkad na babaeng nakaupo sa lamesa ni Atticus, showing her big boobs! Samahan mo pa nang sobrang maikling skirt!
Nagtatawanan sila na para bang hindi sila nakakagawa nang PDA! That's probably Odette!
Mabilis pa sa alas-kuatro ang aking pagkilos, nang makita kong napalingon si Atticus sa aking direksyon. Ano naman ngayon kung may gagawin sila sa loob ng opisina niya?!
Wait! Opisina ko naman dapat 'yun, hindi ba?! Bawal silang gumawa nang kababalaghan doon!
Binalewala ko na lamang ang lahat nang iyon at kaagad akong nakarating sa meeting room. Hindi pa nga kami nagsisimula sa meeting, umiinit na ulo ko't laman!
Nagsitayuan naman silang lahat at kaagad akong binati.
"Open your laptops," malamig kong utos sa kanila at nagmamadali naman nilang sinunod ang aking utos. Umupo na rin ako sa aking chair at binuksan ang aking macbook.
"Present ba lahat nang junior and senior editors?"
Kaagad namang sumagot si Miss Asuncion sa akin.
"Yes, Ma'am."
"Goood. Ayokong may mag take nang leave dito o magpa-planong a-absent. I won't allow that for now. Ngayon pa na may proyekto tayong gagawin."
"About the lay out and the overview of the magazines, iyon muna ang pag-uusapan natin. 'Tsaka lamang gagawin nang mga writers ang description nang magiging magazines." pagsisimula ko.
Kaagad namang nagtaas ng kamay si Faith.
"Miss San Diego, what about the sizes of the magazines? At ilang copies ang i-pa-publish natin?"
Nakatingin naman silang lahat sa akin. Naghihintay nang magiging sagot.
"8.5 by 11 ang magiging sizes nito. Both landscape. Pwede rin natin gawing portrait."
"Miss San Diego, about the theme of the magazine? Importante rin po kasi 'yun, eh."
Napaisip ako.
We were gonna make a magazine for our company. Dapat, nakalagay din sa magazine ang pagkaka-sundo nang Fernandez Alcazar Group of Companies and San Diego Real State. The back bone of that companies they're creating hotels and restaurants, condo's, apartments. Ganoon rin sa amin, pero nag-su-supply rin kami nang sarili naming mga materyales, since Kuya Milan studied about that in abroad, too. The Fernandez Construction Firm was once our business partner. Pero, hindi nagtagal ang kontrata nila Mommy, simula noong nawala si Ate Maxine. Bumalik lahat sa umpisa.
I am still thankful about this relationship with the company of Fernandezes and Alcazars to ours.
Despite of everything that happens in the past.
"Yes, I want the whole view to look classic and very professional. Ang target natin dito ay ang mga taong gustong magpagawa at bumili ng condo o apartment. Kailangan rin natin silang ma-kumbinsi through words. Ilalagay rin natin diyan ang mga achievements ng kompanya. The title, I want you to make it big and bold. Gusto ko, mababasa nila iyon nang maayos."
Pagpapaliwanag ko sa kanila at nagsitanguan naman silang lahat.
Nakaramdam kaagad ako nang pagod pagkatapos ng meeting namin. Umabot kasi nang mahigit dalawang oras ang meeting namin, eh.
Pagkabalik ko nang opisina ay ginawa ko kaagad ang aking gawain. Ayokong ma-disappoint sila Kuya Milan.
Habang nasa kalagitnaan ako nang aking trabaho ay nagulat ako nang biglang pumasok si Mama.
Wearing all her black suit, with her white pearl necklace na mas lalong nagpapakita nang karangyaan.
"Mama," bati ko sa kanya sabay halik. "What are you doing here?" pagtatanong ko sa kaniya.
Maarte naman siyang umupo sa sofa nang aking opisina at parang nandidiri pa ito habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking office.
"Anak, are you sure you're fine here? Parang... tinirhan ito ng mga daga noon. My god! Noong ako pa ang nandito, kahit na ang floor ng office ko gusto ko palaging makintab! Don't tell me, Maxima, hindi ka nagpapa-utos?! You should have renovate your office!" pagsisimula ni Mama.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Mama, I'm fine with here," pagod kong sagot sa kaniya.
Pinanlakihan niya ako nang kaniyang mga mata.
"Maxima! Look at your surroundings! This area doesn't look attractive! Nakakasuka! Tignan mo naman, malaki nga. Ang panget naman! Napaka-plain at walang ka-buhay, buhay! Mapapagalitan ko talaga si Milan tungkol rito."
Nakapamewang niyang sabi sa akin.
"Mama, pumunta lang ba kayo rito para sumbatan ako? I said, I'm fine here. Hindi ko na kailangan pang baguhin ang opisinang ito, dahil wala akong oras at wala pa akong planong mag-disenyo." inis kong sabi sa kaniya.
Marahas namang bumuntong hininga si Mama.
"Gusto ko lang naman na maging komportable ka, anak."
"Ma, I am comfortable with anything."
"Kahit na hindi masyadong malamig ang aircon mo dito?" hindi makapaniwalang sabi ni Mama sa akin.
"Yes, Mama."
"So... how's your Dad?"
Kumunot ang aking noo sa pagtatanong ni Mama sa akin.
What the hell?
"Really? Are you serious, Ma?"
Kaagad naman niyang iniwas ang kaniyang paningin sa akin.
"I am just asking! Bakit? May problema ba doon?! I am was once his wife! His girlfriend? We had sex-"
"Mama!" pagpipigil ko sa kaniya.
Dapat pa ba talagang banggitin iyon?
"Bakit? Totoo naman, ah. Hindi ka mabubuhay kung hindi dahil sa ama mo at sa akin."
"I understand your point, Mama. He's fine." iyon lamang ang aking na-i-sagot sa kaniya.
Umismid lamang si Mama at biglang nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
Napapailing na lamang ako.
First love never dies talaga no?
"Anak, nagpunta ako rito dahil inimbitahan ako ni Miss Amore Valenciaga."
Kumunot ang aking noo.
"Who's that?"
"Nagustuhan ko 'yung mga gawa nilang mga dresses. Though, it's expensive naman talaga dahil galing pa 'yun sa ibang bansa. She's the owner of the Valenciaga Apparel. May magaganap kasing party, eh. I-se-celebrate nila ang wedding anniversary nila ng kaniyang asawa na si Mr. Benedicto Benavente," ani Mama sa akin.
"Kailan naman 'yan?" habang nakatuon pa rin ang aking buong atensyon sa aking laptop.
"Next friday pa naman, hija. I want you to be there. Balita ko, single pa daw iyong anak niyang lalake," nagngingiti si Mama sa akin.
Mukhang may binabalak na naman ang isang ito.
"Ma, I don't have time for that." maikli kong sagot sa kaniya.
"Anak, kailangan mo na akong bigyan ng apo."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Mama sa akin.
"A... what?" naka-awang ang aking bibig.
"Maghanap ka na nang magiging boyfriend mo! Gusto ko na nang apo," sabi ni Mama na para bang laruan lamang ang hinihingi niya.
"Why don't you ask, Kuya Milan, instead? Willing 'yun magbigay," bulalas ko sa kaniya.
"Ayoko nang umasa pa doon. Dahil alam kong naghihintay pa rin iyon kay Corazon na bumalik rito sa Pilipinas."
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Mama at bakit nanghihingi na siya nang apo. Bumabagabag tuloy sa aking isipan iyan, hanggang sa parking lot ng kompanya.
Napaisip ako... tinanong na rin kaya si Atticus ng kaniyang ama? Kaya... gusto niyang pakasalan ang babaeng iyon?
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at kaagad kong pinatunog ang aking sasakyan. Umigting ang aking panga nang makita kong butas ang gulong ng aking sasakyan!
What the fuck?! Sino ang gumawa nito?!
Napayuko ako at pinagmasdan ko nang mabuti ang gulong ng aking sasakyan.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang aninong nasa likod ko.
"Let me drive you home," a husky baritone voice came from my back.
Nakita ko ang isang Atticus Alcazar na nakapa-mewang. Hindi ko nalang pinansin ang kaniyang presensiya at kunwari, napatingin ako sa aking wrist watch.
"I can handle this." malamig kong sagot sa kaniya.
"I know you can't. It's too late, wala nang mga tao rito."
Hindi na ako nakapalag nang bigla niyang buksan ang passenger seat nang mamahalin niyang sasakyan.
He brushed his almost perfect black hair. His business suit was really bagay talaga sa kaniya. Isama mo pa ang kaniyang makisig at matipunong katawan.
Ibang-iba siya sa Atticus Alcazar na nakilala ko noon. Limang taon na ang nakakalipas.
"Get in," malamig niyang sabi sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
Napatikhim ako at pumasok na lamang ako sa loob. Even his italian shoes screaming how rich and extravagant, he is.
Nasaan na kaya ang Odette niya? Nakasakay rin kaya iyon, dito?
Whatever...
Sana makarating kaagad kami sa destinasyon. Ayokong magtagal rito. Nilalamon ako sa presensiya niya.
Pumasok na rin siya sa driver's seat. Tahimik ang aming paligid habang nasa gitna kami nang daan. Ayokong magsalita, parang nasamid ang dila ko at wala itong nailalabas.
Pinagmasdan ko nalang ang traffic light at ang mga taong dumadaan.
"How's your five years in New York?"
Umawang ang aking bibig nang bigla siyang magtanong sa akin, habang magkasalubong pa rin ang kaniyang magkabilang kilay habang nasa daan lamang ang kaniyang buong atensyon.
Napaayos ako sa aking pag-upo.
"It's... fine," maikli kong sagot sa kaniya.
"Ikaw? Kamusta ka na?" pagtatanong ko sa kaniya pabalik.
"It's fine, too. Better than before," walang buhay niyang sabi sa akin.
"Ba-bakit hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa ni Odette?"
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo sa aking tanong. Damn it! Hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya! Hindi niya alam na nandoon ako sa gabing iyon, nakikinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa!
Maxima, you're such a fool!.
"What do you mean? Who said that to you?" malamig niyang tanong sa akin pabalik habang naglulumikot na ang kaniyang mga mata.
"Na-narinig ko lang," pagdadahilan ko sa kaniya.
"Saan mo narinig at kanino?" pagalit na niyang tanong sa akin.
God! Hindi na ako mapakali rito!
"I don't know! Hi-hindi ko kilala, okay? Atsaka, don't mind my question nalang."
Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.
"Walang kami," ani Atticus habang pinaglalaruan ang kaniyang labi gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
Damn that adams apple! Gumagalaw!
Napansin kong hindi ito ang direksyon papuntang subdivision namin!
Pinanlakihan ko siya nang aking mga mata.
"Atticus! Saan mo 'ko dadalhin? This is not the direction of my house!"
He turned his gaze to me and my heart started to beat when I saw his dangerous dark brownish eyes. Parang niyayakap ang aking kaluluwa sa kaniyang mga tinging ibinibigay niya sa akin.
"We are heading towards my home. We have to talk," he said dangerously than I thought.
White Paper
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top