Capítulo 23
Oficina
Hindi ko alam kung saan ko ibubuga ang galit na nararamdaman ko! How dare him say that in front of me?! At talagang ipinagtanggol pa niya ang babae niya!
Nang makita ko si Ma'am Asuncion ay kinalma ko muna ang aking sarili. Ayokong makita niyang para akong naiirita at galit. It's not good when it's my first time here. Baka ma-disappoint sa akin si Kuya Milan.
Ma'am Asuncion smiled at me first, "Miss San Diego."
Kaagad akong lumapit sa kaniya. Since orientation day ko pa lang, I need to learn more.
"Miss Asuncion, pwede na po ba akong lumipat sa magiging office ko?" pagtatanong ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at napangiwi nang wala sa oras.
Kumunot ang aking noo habang sinusuri ko ang kaniyang reaksyon.
"Miss San Diego, I am really, really sorry." panghihingi niya nang kapatawaran sa akin.
"Sorry for what, Miss Asuncion? Is there something wrong?"
Miss Asuncion's reaction was uncomfortable. Para bang may mali siyang nagawa at natatakot lamang sjyant umamin sa akin.
"Ma'am, nabalitaan ko po kay Mr. Alcazar na iyon daw ang magiging opisina niya, simula ngayon. Naglipat na nga siya nang mga gamit niya Ma'am, eh."
Umigting ang aking bagang sa mga sinabi ni Miss Asuncion sa akin. What the fuck is wrong with him?!
Okay, relax,Maxima.
"It's okay with me. I'll just move to his old office. Doon nalang ako," labas sa ilong kong sabi sa kaniya.
"Ma'am... ginamit din po kasi ni Miss Beatrice," pag-aalinlangan niyang sagot sa akin.
Binilisan ko ang aking paglalakad. Kailangan kong mailabas ang aking galit na nararamdaman.
Nananadya ba siya?! That's office is supposedly mine! Bakit ba hindi nalang siya magpatayo nang sarili niyang opisina?!
Nakabuntot lang sa akin si Miss Asuncion hanggang elevator. Talak pa rin siya nang talak tungkol sa magiging bagong opisina ko.
"Ma'am, pa-pasensiya na po talaga. Last minute na rin po kasi nagsabi si Mr. Alcazar sa akin. Kinausap niya rin po si Mr. Milan San Diego tungkol rito. Ang sinabi niya, pwede mo raw gamitin pansamantala ang sa meeting room. Wala na rin po daw kasing gumaga-" kaagad ko siyang pinigilan.
Now, I don't think I still can handle my anger anymore.
"What?! Sa meeting room?! What meeting room? Okay lang sa'kin kahit saan, basta may opisina lang ako. It's fine with me."
Nagulat naman siya sa aking isinagot.
"Ma'am, okay lang po ba sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga nalang muna ako.
"It's fine. As long as may upuan, computer at aircon."
Nang tumunog ang elevator ay kaagad akong naglakad sa office ni Kuya. I need to talk to him about this.
"Hi-hindi niyo na po ba pakikiusapan si Mr. Alcazar, Ma'am?" umikot ang aking mga mata nang palihim, bago ko siya nilingon nang may ngiti.
"I don't need his approval, Miss Asuncion. This is also my company and I have right to kick him out of my supposedly office, but I don't. Kung saan siya komportable, ibibigay ko 'yun sa kaniya. I am new here, I am still nothing. Kung kinakailangan kong magsimula sa umpisa, then I'll do it. A simple space will do."
Natahimik naman siya sa pagtatanong at hinayaan na lamang niya akong pumasok sa loob ng opisina ni Kuya Milan.
Same floor lang kami ni Kuya Milan, ang magiging opisina ko sana ay katabi lang nang office ni Kuya. Ang meeting room na sinasabi ni Miss Asuncion kanina ay nasa pinakadulo.
While, the old office of Atticus na apparently, ginagamit nang hindi ko kilalang Beatrice ay nasa ikalawang palapag nang kompanya.
Nang makapasok akong tuluyan sa opisina ni Kuya Milan, ay nakita ko naman siyang abala siya sa kaniyang ginagawa sa kaniyang laptop.
"Kuya," pagtawag ko sa kaniya.
He glances at me for a second before turning his gaze to his laptop.
"What do you want, Maia? Do you need anything? How's the orientation?" sunod-sunod na pagtatanong ni Kuya Milan sa akin.
"Kuya, akala ko ba, bago ang magiging opisina ko? Bakit napunta kay Mr. Alcazar?" nagtataka kong pagtatanong sa kaniya.
"Sorry. He asked me a favor to be near to my office. Marami kasi kaming gagawin," wala sa sariling sabi niya sa akin.
Umawang ang aking bibig.
"Like what?" tinaasan ko siya ng aking kaliwang kilay.
Bumuntong hininga muna siya habang ang kaniyang kaliwang kamay ay pinaglalaruan ang kaniyang mga labi.
"What do you mean? Kailangan ko siyang pakisamahan, Maia. May utang ang kompanya natin sa kanila. I need to do what he wants. I need my words to be like sugarcoated. Our company needs our help, kahit na... napahiya natin siya noon." Kuya Milan's last word was just like a whisper.
Napalunok ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. It's not our fault, it is my fault. Labas sila doon at nadamay lamang nang dahil sa padalos-dalos kong desisyon.
"No, Kuya. It's only my fault. Inakusahan ko siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. And I understand your decision. After all, he's still here... helping us."
Hindi naman nakasagot si Kuya Milan sa akin, kaya dinugtungan ko ito kaagad.
"I just want you to know, Kuya... I will try my best to help you. And... about the past, don't worry. Gagawa ako nang paraan para mapatawad niya ako sa mga kasalanang nagawa ko sa kaniya."
"I'll pray that too. His father was very, very mad about what happened to his son's past. But, Atticus covered you up."
Biglang kumirot ang aking puso nang dahil lang sa kaniyang mga sinabi.
Napabuntong hininga na lamang ako habang parang binibiyak nang paunti-unti ang aking puso.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa opisina ni Kuya Milan na hindi nangangatog ang aking magkabilang tuhod.
Ginagawa niya ba ito para maghiganti ulit? Nakikipaglapit ba siya ulit sa mga buhay namin, para lang makapag-higanti? Ano ba'ng nagawang kasalanan namin para... maghiganti siya?
Napaka-misteryoso mo... Atticus Alcazar.
Hindi mapakali ang aking puso nang makita ko siyang lumabas nang opisina na may hawak-hawak na puting folder. Ngayon ko lang napansin ang pagbabago niya. Hindi ko man lang ito nabigyan nang pagkakataon na isampal sa sarili ko na kahit anong gawin kong pagtatagumpay sa buhay, hindi pa rin iyon magiging sapat para kay Atticus Alcazar.
His muscles were flexing, even more. His shoulder is broader than before. Ang mala-kayumanggi niyang kutis ay hindi na ito katulad nang dati. May halong puti na ito, hindi na rin siya masyadong mala-kayumanggi ang kaniyang kulay. Ang makakapal niyang mga kilay na mas lalong mapanganib kapag ibinaba mo ang iyong paningin sa kaniyang mga malalalim na mga mata. Ang mahahaba niyang mga pilikmata, ang matangos niyang ilong. Ang hikaw sa kabilang tenga ay nandoon pa rin.
Kahit na... sandali lang ang mga panahon na nakasama ko siya, hanggang ngayon. Umaasa pa rin ako, na sana... balang araw, kayanin ko nang humingi nang kapatawaran sa kaniya. Ginawa kong lisanin ang lugar na ito na hindi ko kailanman inisip ang isang tulad niya. Na kailangan kong maging malamig sa kaniya at magpakamanhid. Kahit labag sa aking kalooban, ay ginawa ko pa rin.
I put his name and reputation into shamed. Pinahiya ko siya, tinaboy ko siya, kahit na ang itinitibok ng aking damdamin ay siya. Kailangan kong umiwas sa kaniya noon, dahil ayokong pati siya ay madamay sa galit nang mga Almodovar, sa aking pamilya.
Nagkasala ang aking ama... kaya ako ang magiging kabayaran. Tatanggapin ko nang buong-buo, kung sasabihin niya sa aking may nagugustuhan na siyang iba.
Limang taon na rin ang lumipas. Kaya, paniguradong... nakahanap na siya nang ibang babaeng magmamahal sa kaniya na walang pag-aalinlangan at may tiwala sa kaniyang sarili.
Nagtama ang aming mga mata at mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso para sa kaniya.
He only gave me a dagger, but dangerous looked. Na para bang... wala na talaga siyang pakialam sa akin.
And that's okay.
Nilagpasan lamang niya ako hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
Bumuntong hininga na lamang ako at kaagad akong pumunta sa meeting room na sinasabi ni Miss Asuncion sa akin kanina.
Pagkapasok ko sa loob ay nandoon pa rin ang mahabang mesa at ang mga upuang hindi na ginagamit. Umikot ang aking mga mata nang palihim. Hindi pa pala na-re-renovate ang isang ito.
Okay, Maia, deep breath. Magiging isang Editor in Chief kana. You need to help your brother, kahit na sa simpleng paraan nalang, makatulong ka.
Kahit na medyo mabigat ang mga pang office chairs ay tiniis ko pa rin itong ilabas sa meeting room. Sobrang sakit na nang paa ko, nakalimutan ko. Hindi pa pala ako nakakabili nang gamot para sa sugat ko.
Damn it! Naka-heels pa ako!
Pabagsak kong nailagay ang panghuling upuang inilabas ko. Tumutulo na ang aking mga pawis, mula ulo hanggang leeg. Basang-basa na rin ang aking blazer. Inis ko munang hinubad ito at pinaypayan ang aking sarili, gamit ang aking kaliwang kamay. Halos nailabas ko na lahat nang mga upuan, hindi ko na kakayanin pa ang ilabas ang mahabang lamesang iyan.
May mga lalaking lumapit naman sa akin. Mas matanda lang sila nang ilang taon sa akin. Nakapang-business attires sila. Ang iba ay may dala-dala itong mahahabang mga puting cartolina.
Linapitan naman ako nang isa sa mga kasamahan nila.
"Hey, Miss? You need help?" pagtatanong nito sa akin.
Kaagad kong itinuro sa kaniya ang lamesang naiwan sa loob.
"Yes. Kailangan ko kasing ilabas 'yung lamesa na nasa loob. Eh, kaso, hindi ko naman magawa dahil hindi ko na siya kayang buhatin." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Nagulat ako nang tinawag niya ang kaniyang mga kasamahang lalake. Nagsilapitan naman ito sa aming direksyon.
"Reymar! Patulong naman, oh? Buhatin natin 'yung lamesa sa loob. Kailangan natin ilabas," sabi niya sa kaniyang mga kasamahan.
Napangiti na lamang ako sa kanila nang peke. I don't have a choice.
"Hi, Miss San Diego!" bati nang isang matangkad na lalake sa akin.
Sumagot na rin ako sa kanila.
Limang lalake ang nagtulong-tulong na mailabas ang mahabang lamesa. Ang iba naman ay naghubad pa nang coat nang dahil sa init.
Mas lalo kong pinaypayan ang aking sarili nang dahil lang sa init na aking nararamdaman ngayon.
"Sige! Bibilang ako nang tatlo! I-angat n'yo kaagad!" sabi naman nang isa na nasa pinakadulo.
Pinagmasdan ko lamang silang ginagawa iyon at tagumpay naman nila itong nailabas. Kaagad akong lumapit sa kanila, para makapagpasalamat.
"Thank you so much. Mr..." nagpunas naman siya kaagad nang kaniyang kamay, bago niya ito inilahad sa akin.
"Supremo. I want you to meet also my team, from Engineering Department."
Nginitian ko rin sila at kaagad naman nila itong tinugon.
"Thank you so much, Supremo."
Malaking pasasalamat ko talaga sa kaniya. Hindi lang sa kaniya, ah. Pati na rin sa kaniyang mga ka-team. Mukhang galing pa sila sa isang meeting, kaya may mga dala silang folders at iba pang mahahabang mga papel.
"Miss, next time. Sabihan mo kami, huh? Nasa baba lang kami." singit naman nang isang lalake sa likuran.
"Sure!" walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanilang lahat.
"What is happening here?" a baritone voice just came here.
Kaagad kong nilingon si Atticus na inaayos ang pagkakatali ng kaniyang tie sa mamahalin niyang coat. Kumunot kaagad ang kaniyang noo.
Nakita ko ang biglaang pag-iba nang ekspresyon nila Engineer Supremo. Napatuwid naman kaagad sila nang tayo.
"Good morning, Mr. Alcazar. Tinulungan po namin si Miss San Diego na ilabas ang lamesa sa loob ng meeting room," sagot ni Supremo sa kaniya.
Kaagad na nag-iba ang kaniyang ekspresyon. Ibinaling naman niya sa akin ang kaniyang mapanuring mga titig.
"Miss San Diego, just call my name. If in case, may ipapabuhat ka na naman."
Napangiti na lamang ako sa sinabi ng isang lalakeng nasa dulo.
"Are you done?" malamig na pagtatanong ni Atticus sa lalakeng nagsalita kanina.
Ang suplado talaga nang isang 'to!
"Thanks for your concerns and help. Makakaalis na kayong lahat," mala-awtoridad na sabi niya kila Supremo at kaagad naman silang nagpaalam sa akin.
"What did you just do?!" hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa kaniya.
Walang ibang ginawa ang mga 'yun, kung hindi ang tulungan ako!
Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinagmasdan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Mas lalong kumakalabog ang aking puso nang dahil sa kaniya.
"You're making a scene," it's not even a question.
Tinaasan ko siya nang aking noo.
"So what? They're just came here to help me!"
Syempre, ipagtatanggol ko sila Supremo. Wala naman silang ginagawang masama.
Hindi pa rin nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"To help you? If you need help, Miss San Diego. You can call a fucking guard, than asking for a help with someone you don't even know." he stopped for a bit.
Sasagot na sana ako sa kaniya nang inunahan na naman niya ako.
"Put your blazer on. You're chest is very wet."
Kaagad namula ang aking magkabilang pisngi nang dahil lang doon.
Ibinalik ko kaagad ang aking blazer na suot-suot ko. Nakita kong pinagmasdan niya ang aking kabuuang opisina.
Bakit ganito? Ang unfair naman ata. Bakit ang gwapo mo pa rin, Atticus?
Nabalik lang ako sa realidad nang tinawag niya akong muli.
"You have a project, already. The supposedly pictures was already sent to your email account. I already told Milan, about this. Siguraduhin mong magugustuhan ko ang gagawin mo. Kailangang makapasa iyon, sa mga directors. I know, it's your orientation day. But we need it to have that as much as earlier."
Hindi kaagad nag-proseso sa akin ang lahat nang kaniyang mga sinabi.
"I will not accept the cheap works. Kaya, pagbutihin mo." malamig niya pa ring sabi sa akin.
Okay, if that what you wants. I will take it. Tatanggapin ko, kung ano man ang ibibigay mong paghihirap sa akin. Mapatawad mo lamang ako...
Tango lamang ang isinagot ko sa kaniya at kaagad rin siyang nagpatuloy sa kaniyang paglalakad at hanggang sa pagsara nang kaniyang opisina.
Kaagad akong nanghina at napaluha na lamang ako nang maramdaman kong sobrang sakit na nang aking mga paa.
Pinaparusahan ba niya ako?
Office
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top